* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Sa librong ito, matututunan kung pa paanong tumawag ng mga namayapa, itanong sa kanila ang nakaraan at maging ang hinaharap.
00:08.0
Kaya nitong sabihin kung nasaan ang mga pinakakatagotagong mga yaman, ngunit ano nga ba ang kapalit nito?
00:15.4
Ikukwento ko sa inyo ang pinagmulana ng itima na karunungan.
00:19.7
Kung sa panahon natin ngayon, isa itong itinuturing nakataksilan sa relisyon na kinabibilangan, labag na rin sa moralidad.
00:32.2
Ngunit iba naman ang usapan, ilang libong taon na ang nakaraan.
00:36.7
Sa salitang Ingles, ang karunungang itima ay tinatawag na necromancy.
00:41.5
Nagmula ito sa salitang Griego na nekros at matia, na ang ibig sabihin ay ang pagtanaw sa hinaharap.
00:49.7
Gamit ang mga namayapa.
00:52.0
Ayon sa aklat na dahil nagmula ang mga namayapa sa ibang mga dimensyon,
00:56.7
may kakayahan sila na makita ang nakaraan, ang hinaharap at maging ang kasalukuyan.
01:03.0
Karaniwa na ang itim na karunungan ay binobuo ng ritual, mga sumpa, mga orasyon, mga simbolo.
01:11.0
Lahat ito ay ginagamit upang tawagin ang mga espirito.
01:15.3
Ang mga ilan sa kasamang pamamaraan na kasama dito ay ang pagsusunod.
01:19.7
Ang mga namayapa ay nasuot ng damit ng mga namayapa, pagupo sa libingan nito ng ilang araw kasabay ng pag-oorasyon.
01:27.4
Maaari din na kung saan ang mga yumao ay namamalagi nang ito ay nabubuhay pa, katulad na lamang ng tahanan nito o ang paboritong puntahan na lugar nito.
01:37.8
Ayon sa mga ganitong libro na kung ang isang tao ay biglaan na lamang na namayapa,
01:42.9
mayroong naiiwang enerhiya sa kanilang katawan.
01:46.6
Dito nakuha ang idealismo na paggamit ng parte ng katawan nito bilang tulong sa pagtawag sa kanila.
01:55.8
Sa atin dito sa Pilipinas ay tinatawag ito na ang anting-anting o ang mga bertud,
02:02.1
minsan ay gawa ito sa buhok at mismong kuko ng tao.
02:06.5
Nang mga sinaunang mga panahon, mga katinagalog ko, ang may mga lihim na karunungan ay mga bihasa sa kanilang larangan.
02:14.5
Madalas na gumagawa sila ng bilog na simbolo.
02:16.6
Kung saan nagsisilbi ito bilang proteksyon laban sa kung sino man ang kanilang tatawagin,
02:21.6
espirito man ito ng tao o hindi naman kaya ay makapangyarihan na uri ng diablo.
02:27.6
May mga kwento na ang mga tao na may lihim na kaalaman ay ginagamit ito upang makita ang mga nakatagong yaman.
02:36.6
Samantalang ang iba naman na mga ganitong uri ng mga salamangkero ay gumagamit upang makakuha ng kapangyarihan.
02:44.6
Ang iba naman ay naghahanap ng kasalanan.
02:46.6
Ito ang nakakasagutan, kaalaman at karunungan.
02:48.6
Kasama na dito ay ang panggagamot, proteksyon.
02:51.6
Ang isang kilalang halimbawa na gumamit ng ganitong libro ay ang Haring si Solomon.
02:56.6
Mayroon naman na ang tanging layunin ay maibalik ang kanilang pinakamamahal na pumanaw, maging ito ay kanilang kaanak o ang kanilang mga kabiak.
03:06.6
Ngunit saan nga ba talaga nagmula ang karunungang itim?
03:09.6
Unang naitalang ang karunungang ito ng sinauna pang mga panahon.
03:14.6
Kasama ito sa fundamental na paniniwala ng mga Romano, ng mga Grego at kahit pa ng mga sinauna pa na taga-Egypto.
03:23.5
At kahit pa nga ang mga Babylonian ay ginagawa rin ito.
03:27.3
Ngunit hindi tulad ngayon normal at kasama sa kanilang kultura ang karunungang itim.
03:33.4
Isang halimbawa dito ay ang pagpapadala ng salot ng Panginoon sa Egypto.
03:38.4
Sa Egypto, ang mga mahikero o salamangkero ng parao ay sinubok na pantayan ang kapangyarihan ng amang lumikha.
03:47.9
Ginawa nilang dugo ang tubig sa banga at ang tungkod ay ginawa nila na isang ahas.
03:53.3
Sa halip na katakutan, parte ito ng kanilang espiritualidad, reliyon at paniniwala.
03:59.4
Ang isa sa pinakalumang kasulatan na nagpapatunay sa karunungang itim ay ang aklat na ang Odyssey of Homer.
04:07.3
Sa aklat na ito, sinabihan,
04:08.4
ng babaylana na si Xerxes, itong si Odysseus, na gawin ang ritual na tinatawag na ang Nikia.
04:16.3
Ito ay upang tawagin ang kaluluwa ng propeta na si Teresias.
04:20.7
Ito ay upang tulungan siya nito sa tamang daan papauwi sa kanyang bayan.
04:25.7
Ang ritual na Nikia ay normal na ritual para sa mga sinaunang Grego.
04:31.0
Ito ay upang tawagin ang mga kaluluwa ng mga namayapa upang tanungin sila tungkol sa magaganap
04:39.5
Samantalang sa sinaunang Egypto naman, nakatala ang kanilang pakikipag-usap sa kaluluwa ng mga namayapa
04:46.5
sa aklat na tinatawag nila na ang Demotic Papyiri.
04:51.0
Sa aklat na ito, matatagpuan ang pamamaraan kung pa paanong tatawagin, kakausapin ang mga kaluluwa ng namayapa
04:58.0
at kung pa paanong sila ay muling maibabalik sa kabilang buhay.
05:02.0
Ang ganitong aklat ay nakabase sa balanse sa paggalang sa kaluluwa ng mga namayapa.
05:08.1
At sa pagkalap ng kaalaman mula sa kanila.
05:12.6
Samantalang sa paniniwalang judaismo at kristyanismo ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagtawag sa kaluluwa ng mga namayapa.
05:22.1
Ito ay tinuturing na pagsuway sa kautosan ng Diyos Ama.
05:25.9
Ang mga gumagawa nito ay binabansagan na kalaban ng simbahan.
05:31.0
Sila rin ay maigi na pinarurusahan.
05:33.3
Ang ritual na ito ay binansagan na gawa na itim na mahim.
05:38.1
O ang itim na kapangyarihan.
05:40.7
Ayon sa simbahan, ang pakikipag-usap o ang pagkakaroon ng komunikasyon sa mga namayapa
05:45.6
ay magdudulot ng paglihis ng paniniwala at katumbas na rin ng pakikipag-usap mismo sa alagad ng kadiliman.
05:54.6
Kaya naman sa paglaon ng panahon, kung noon ay normal ang pakikipag-usap sa mga namayapa,
06:00.3
sa ngayon, ito na ay isang gawaing itinatakwil ng karamihan.
06:05.1
Ngunit hindi ibig sabihin na tuluyan na ang gawaing itinatakwil ng karamihan.
06:08.1
Ito ay nabaon sa limot, hindi man tulad ng sinaunang panahon na hayagan ang paggawa nito.
06:14.5
May ilan pa rin na mga grupo at tao na gumagawa nito sa iba't ibang bahagi ng mundo.
06:21.3
Kahit dito sa Pilipinas, may mga tao pa rin na naniniwala sa pakikipag-usap sa mga kaluluwa at espiritu nang wala na dito sa ating mundo.
06:31.0
Mga katinagalog ko, kung kayo po ang tatanungin at bibigyan ng tsansa,
06:34.7
gusto po ba ninyong makausap muli ang inyong namayapang mahalo?
06:38.1
Mahal sa buhay, ano naman po ang sasabihin ninyo sa kanila?
06:41.6
Isulat po ang inyong saluobin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
06:48.6
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa isa na namang makabuluhang segment natin sa araw na ito.