01:15.3
Lahat naman tayo ay ginustong makapagtapos ng kolehiyo.
01:20.6
Ilan nga lang ang nagkaroon ng prebilehyo.
01:24.0
Kung hindi ka mayaman, kailangan mong maging matalino para sa pinapangarap mong paaralan.
01:30.2
Subalit minsan ang pinapangarap mong pasukan ay nagiging lugar din ng iba't ibang kababalaghan.
01:37.5
Kaya dapat ay maging handa ka hindi lang sa pagpasok sa paaralang nais mong pasukan.
01:42.6
Dahil lahat ng eskwelahan ay may tinatagong kababalaghan.
01:50.6
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, may nagmamahal sa hirap ng buhay ngayon 🎵
01:52.8
Sa hirap ng buhay ngayon,
01:54.0
ay swerte na lamang siguro kung makapagtapos ka ng kolehiyo.
01:58.5
Hindi rin kasi ako galing sa pamilya na may pera.
02:02.1
Nabibilang ako sa mga kabataang pinagkaita ng karapatang makapag-aral.
02:07.5
na hindi rin ako ganong katalino para makapasa sa mga scholarship program na ibinibigay ng gobyerno.
02:15.4
Pero sa totoo lang,
02:18.4
gusto ko makapagtapos ng pag-aral.
02:21.6
Gusto ko matupad ang pangarap ko na maging pag-aral.
02:24.0
Gusto ko matupad ang pangarap ko na magiging engineer.
02:25.3
At may pagpatayo ang mga magulang ko ng bahay.
02:30.0
Ayaw ko kasing nakikita silang nahihirapan.
02:34.7
Itago nyo na lamang ako sa pangalang Christian.
02:38.6
Ayaw kong sabihin ang totoo kong pangalan dahil natatakot akong malaman ng iba na buhay pa ako.
02:46.7
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay dala ko pa rin ang takot ng nakaraan.
02:51.6
Dalawang taon nang nakakalipas,
02:54.0
pero tandang-tanda ko pa kung paano ako pinahirapan ng mga taong muntik ng kumitil ng buhay ko.
03:01.0
Pasalamat na nga lang ako
03:02.3
at nakaligtas ako sa bingit ng kabatayan
03:05.7
na munti ko ng kahantungan.
03:09.4
Hindi ko rin alam
03:10.6
kung paano ko nagawang makaligtas.
03:14.2
Pero malaki ang pasasalamat ko sa mga taong nagligtas sa akin.
03:18.8
Sa dinanas ko ay nanginginig pa rin ako sa tuwing maaalala ko ang lahat.
03:22.5
Dalawa lang kaming magkapatid at ako ang panganay.
03:28.5
Mangeng isda ang tatay ko samantalang labander naman ang nanay ko.
03:33.0
Salat kami sa buhay at madalas.
03:36.2
Ang natitirang huling isda na lamang ni tatay ang inuulam namin.
03:41.2
Wala naman akong reklamo, Papa Dudut.
03:44.0
Bata pa lamang ay sinanay na kaming magkakapatid
03:46.7
ng mga magulang namin sa hirap ng buhay.
03:50.6
Kaya pinangako ko,
03:52.5
sa kanila na magtatapos ako ng pag-aaral
03:54.9
kahit na ano ang mangyari.
03:59.3
Nang makatapos naman ako sa grade 12
04:01.3
ay agad din naman akong naghanap ng trabaho.
04:05.5
Namasukan ako bilang waiter sa isang fast food chain dito sa amin sa Ilocos.
04:10.5
Hindi naging madali ang lahat dahil lahat ng sweldo ko
04:13.4
ay napupunta lamang sa panggasos namin sa bahay
04:17.0
at pampaaral sa kapatid kong nasa grade 6 pa lamang.
04:22.5
Gusto ko sana mag-ipon ng pangkulehyo ko.
04:25.9
Pero mukhang mahihirapan ako.
04:28.3
Ni panggasos nga sa sarili ko ay wala ako.
04:31.0
In short ay walang natitira sa sinasahod ko.
04:34.7
Pursigido naman ako sa pangarap kong makapag-aaral.
04:38.9
Kaya nga lang ay sa tuwing magtatangka ko mag-eksam
04:41.4
para sa isang scholarship program ay hindi naman ako pumapasa.
04:45.9
Talagang mailap para sa akin ang swerte.
04:48.3
Pero hindi ako tumigil sa paghahanap ng paraan hanggang sa isang araw.
04:52.3
So ay nakilala ko si Sir Arnold.
04:55.5
Hindi niya tunay na pangalan.
04:58.2
Profesor daw siya sa isang kilalang university sa Maynila.
05:02.3
At ang university na yon ang matagal ko nang pinapangarap na pasukan.
05:07.5
Nakita raw ni Sir Arnold ang pangalan ko sa mga estudyanteng
05:10.4
hindi nakapasa sa mga kumukuha ng scholarship program.
05:14.7
Ang sabi pa niya sa akin ay nagtataka raw siya
05:16.7
kung bakit hindi ako ipinasan ng university.
05:19.9
Ganung kitang kita naman daw ang pagpupulong.
05:23.9
Makailang ulit na kasi akong kumuha ng scholarship program.
05:27.3
Pero kahit na isang beses ay wala man lang akong natanggap.
05:31.6
Nag-offer siya sa akin kung gusto ko raw ba na mag-aral sa Maynila.
05:36.3
Doon mismo sa pinagtuturuan niyang university.
05:39.9
Malaking oportunidad na ang lumapit sa akin.
05:44.6
Hindi lang yon basta oportunidad kundi isang prebilehyo para makapagtapos.
05:50.6
Sino ba naman ako para tanggihan ang offer?
05:52.3
Pero sa likod ng tuwa ko ay may pagdududa rin akong nararamdaman.
05:59.1
Sino rin ako para tanggapin ang alok ni Sir Arnold?
06:03.4
Hindi ako matalino at lalong wala akong pera para makapag-aral sa prestihiyosong university sa Maynila.
06:11.5
Sinabi ko kay Sir Arnold na pag-iisipan ko muna ang offer niya.
06:15.7
Kaagad ko namang kinuha ang phone number niya para makontakt siya kung sakaling mapag-iisipan ko na ang sagot.
06:22.3
Pumayag naman siya nabigyan ako ng oras kung sakali.
06:26.2
Aminado ako na natitempt akong tanggapin ang offer na yon ni Sir Arnold.
06:31.1
Sinabi niya kasi na siya narawang bahala sa gastos at matrikula sa school basta sa kanya daw ako titira para magtrabaho.
06:41.7
Sa swelduhan din daw niya ako para may maipadala ako sa pamilya ko.
06:47.1
Sinabi ko sa mga magulang ko ang lahat.
06:49.4
Itangkita naman sa mga mata ko.
06:52.3
Maibalita ko sa kanila ang bagay na yon.
06:55.8
Pero habang inilalahad ko sa kanila ang mga natanggap kong alok,
06:59.8
wala kay Sir Arnold ay kabaligtara ng nararamdaman ko ang nararamdaman nila.
07:05.2
Kusang gumuhit sa mga mukha nila ang tua pero may nakatagong lungkot sa mga mata.
07:10.7
Tinanong ko naman sila kung bakit parang hindi sila ganong kasaya tulad ng nararamdaman ko.
07:15.9
Sinabi naman nila na masaya sila pero nalungkot sila at nag-alala rin at the same time.
07:23.3
Masyado raw malayo ang Maynila at ayaw nilang malayo ako sa kanila.
07:28.8
Natatakot din sila na baka kung anong mangyari na masama sa akin at wala raw sila sa tabi ko kung sakali.
07:37.3
Sinabi ko naman sa kanila na kaya ko ang sarili ko.
07:41.2
Isa pa ay sigurado naman akong magiging safe ako sa titirhan ko kung sakali.
07:46.9
Dalbo nga namang mabait si Sir Arnold.
07:50.4
Nakumbinsi ko naman sila.
07:52.3
Napapayag na mag-aral ako ng Maynila.
07:55.3
Alam ko rin hindi ganong magiging kadali ang lahat pero para sa pamilya ko ay gagawin ko ang lahat.
08:02.3
Kakayanin ko kahit na mahirap.
08:04.7
Matapos nga ang pag-uusap namin ang pamilya ko ay kagad kong tinawagan si Sir Arnold
08:10.1
para kumpirmahin ang pagpayag ko sa alok niya sa akin.
08:15.7
Pinadalahan niya naman ako ng pera na pamasahe papunta sa university na pinagtuturoan niya.
08:22.3
Doon na lang daw kami magkita para may pasyal niya ako sa papasukang kong university.
08:28.6
Nang makarating ako sa university na yon ay pagkamangha ang una kong naramdaman.
08:34.7
Kaakibat noon ang kabaha at saya.
08:38.1
Sino ba namang hindi hahanga sa estruktura ng university na yon?
08:43.4
Makaluma pero kahangahanga ang bawat detalye ng bawat gusali.
08:49.0
Noon ay sa mga picture sa social media ko lang yon nakikita.
08:52.3
Pero hindi ko akalain makikita ko yon ng personal.
08:56.8
Hindi rin na malaya na mga paako na nakarating na pala ako sa hallway
09:01.4
kung saan ay madalas magtipon-tipon ang mga estudyanting pumapasok doon.
09:08.2
Buti na nga lang at nakita ako ni Sir Arnold na paggalagala sa hallway.
09:14.1
Mabuti na lang talaga at nakilala niya ako kaagad.
09:18.4
Kung hindi ay baka kung saan ako dinala ng pagkamangha ko.
09:22.9
Agad naman niya akong ipinakilala sa mga kasama niyang profesor na nagtuturo doon.
09:29.2
Para ako natutuping kapel sa sobrang hiya habang kaharap ang mga matataas sa taong ipinakilala ni Sir Arnold sa akin.
09:36.3
Anayang yuko at pagkamay ko sa bawat taong lumalapit sa akin.
09:40.7
Lahat sila ay may mga magagandang profesyon.
09:43.8
Ang ibang profesor doon ay mga doktor, engineer at ang iba ay mga kilalang politiko pa.
09:50.8
Halos hindi ko na nga may hangat.
09:52.3
At makatingin ang diretsyo habang kinakausap sila.
09:57.7
Napaisip nga ako kung deserve ko ba talaga ang bagay na ito.
10:01.6
Para kasing napakataas ng pangarap ko bilang isang normal na tao na laki lang naman sa hirap at hindi pa gaanong katalino.
10:10.2
Feeling ko ay napakambisyoso ko para pangaraping maging katulad nila.
10:15.9
Hindi naman sa pangmamaliit sa sarili.
10:18.5
Pero sa totoo lang ay nanliliit ako nang makaharap ko na sila.
10:22.3
Mabuti na nga lang at pinakalma ako ni Sir Arnold pagkatapos niya akong ipakilala sa mga kasamahan niyang profesor.
10:30.8
Mababait naman sila at lahat sila ay pinabaunan ako ng words of wisdom.
10:35.5
Ang iba raw sa kanila ay galing sa hirap tulad ko.
10:38.9
Pero nagpursige pa rin para marating ang kinakalagyan nila.
10:43.9
Alam ko sa sarili ko na mahihirapan akong marating ang mga narating nila.
10:48.6
Pero kakayanin ko.
10:50.7
Anapat naroon na rin lang ako.
10:52.9
Susuko pa ba ako?
10:54.9
Madalas din kasing pinapaalala ng mga magulang ko sa akin na kahit anong hirap ng pagsubok ay hindi ako dapat na sumuko.
11:03.4
Yun yata ang words of wisdom na hinding hindi ko pwedeng kalimutan.
11:07.9
Nung araw din yun ay pauwi na pala si Sir Arnold sa bahay niya.
11:12.3
Mabuti na nga lang daw at nagkita kami bago siya makauwi.
11:16.9
Kung nagkataon pala ay sa university ako matutulog kung hindi niya ako naabutay.
11:22.3
Isinabay niya ako sa sasakyan niya na noon ko palang naranasan.
11:28.7
Ganon palang pakiramdam na makasakay sa kotse.
11:32.2
Aware naman ako na air-conditioned ang karamihan sa mga kotse.
11:36.3
Pero hindi ko alam na ganon pala kakumportable ang sumakay sa ganong klase ng sasakyan.
11:42.1
Pinangarap ko lang makasakay noon sa mga ganong klaseng private vehicle.
11:46.7
Na madalas kong nakikita pero hindi ko akalain na mararanasan ko rin yun.
11:50.8
Simula noon ay pinangako ko na sa sarili ko na kapag nagkaroon na ako ng matinong trabaho ay ibibili ko ng sasakyan ng pamilya ko at ililibod sila sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas.
12:04.9
Kung papalarin din at makakuha ako ng maayos na trabaho ay ipapasyal ko sila sa ibang bansa.
12:12.4
Ang akala ko ay tapos na ang pakiramdam ng pagkamangha ko nang makarating ako sa university.
12:18.5
Pero naging doble yun ang makita ko minsan.
12:20.8
At nais mo sa mga mata ko ang tinitirhang bahay ni Sir Arnold.
12:24.9
Mali ako hindi yung isang bahay kundi isang palasyo.
12:29.0
Napakalaki nito at parabang Harry at Reyna ang nakatira.
12:33.5
Nang tanungin ko si Sir kung sino ang kasama niya sa bahay na yon ay matagal na raw siyang biyudo at ang anak niyang lalaki ay nasa ibang bansana.
12:42.3
Sa makatuwid ay mag-isa lamang siya sa bahay.
12:45.5
Kasama lang niya ang limang kasambahay na namamasukan doon.
12:49.3
Kompleto sa kagamitan ng bahay.
12:51.3
Bagamat moderno ang disenyo ng mansyon ni Sir Arnold, ay mga antigong kagamitan naman ang nakadisplay doon.
12:59.3
Mahilig daw siya na mangulekta ng mga antigong bagay.
13:04.3
Hindi naman ako nagtataka roon dahil medyo may edad na rin si Sir Arnold, kaya nahihilig ito sa mga lumang bagay.
13:11.3
Tinanong ko naman siya ng personal na katanungan kung hindi ba siya nalulungkot na mag-iisip.
13:19.3
Mag-isa lang siya sa malaking bahay na yon.
13:22.3
Akala ko nga ay susungitan niya ako dahil hindi pa namang kami ganong kaklose para tanungin siya ng mga ganong kapersonal, pero sinagot naman niya ang tanong ko.
13:33.3
Paminsan-minsan naman daw ay nalulungkot siya dahil sa pagkasabik sa asawa at anak niya.
13:40.3
Pero inaabala na lamang niya ang sarili niya sa mga gawain para hindi siya malungkot.
13:46.3
Bahagya akong nakaramdam ng awa para kay Sir Arnold.
13:49.3
Nang mga oras na yon.
13:52.3
Doon ko napagtanto na kahit pala gaano karami ang pera ng isang tao, ay may mabigat pa rin pala itong problemang tinatago.
14:01.3
Bumubuhos nga sa kanya ang salapi pero salat naman siya, sa pagmamahal na natatanggap mula sa mga taong inaasahan niyang mamahalin siya.
14:11.3
Tinanong ko rin kung hindi ba siya binibisita ng anak niya, kahit na isang beses man lang.
14:17.3
Ang naging sagot lang niya ay hindi pa. May sarili na raw itong pamilya at kahit isang beses ay hindi pa siya binibisita nito simula nang mawala ang kanyang asawa.
14:32.3
Kwento pa niya siya raw ang sinisisin nito sa pagkamatay ng ina ng kanyang anak. Dahil nga raw madalas siyang abala sa trabaho ay nakalimutan niya ang kanyang pamilya.
14:43.3
Nagkasakit ang asawa niya at namatay ito nang wala siya sa tabi nito. Dobli ang naramdaman kong pagkahabag sa kalagayan ni Sir Arnold.
14:54.3
Hindi ko labos maisip na may taong katulad niya na kinakaya ang ganung klase ng kalungkutan.
15:01.3
Kung ako nasa kalagayan niya ay baka tuluyan akong nabaliw or worst baka nagpakamatay na ako sa sobrang kalungkutan.
15:10.3
Kahit kalmado siya ng mga oras na iyon.
15:13.3
Na nagkakwento siya ay ramdam ko ang bigat sa dibdib niya.
15:17.3
Simula noon ay pinangako ko kay Sir Arnold na kahit na anong mangyari ay sasamahan ko siya kung sakaling nalulungkot siya.
15:26.3
Bawi ko na lang din sa tulong niya sa akin sa pag-aaral ko.
15:31.3
Masaya naman ang naging unang seminar ko sa pinapasukan ko, Papa Dudut. Marami akong mga naging kaibigan sa university.
15:40.3
Magaan din ang naging trabaho ko kay Sir Arnold.
15:43.3
Hinihintay kong matapos ang klase niya sa gabi at ako ang nagdadala ng kanyang gamit hanggang sa pag-uwi.
15:51.3
Engineering nga pala ang kinuha kong kurso dahil matagal ko na yung pangarap.
15:56.3
Sa hapon lang ang klase ko kaya sa umaga naman ay nagtatrabaho ako sa mansyon bilang kasambahay.
16:02.3
Nang minsan maaga akong nakalabas ng klase ay tumambay muna ako sa kafeterya.
16:09.3
Doon muna ako nagamang na matapos ang huling klase ni Sir Arnold.
16:13.3
Ako lang mag-isa sa table noong mga oras na iyon. Kaya naman nag-decide ako na magbasa-basa muna at gawin ang mga naiwang kong mga school works.
16:25.3
Baka kasi matambakan ako kung sa bahay ko pa yun gagawin. Marami pa rin kasi akong gagawin pag-uwi ko ng mansyon.
16:34.3
Ayaw ko namang makita ako ni Sir Arnold na may ginagawa pang kung sakaling may ipagawa siya sa akin.
16:40.3
Kapag nagkataon kasi ay siya ang nahihiya na utusan ako. Hindi ko gusto yun.
16:47.3
Pakaramdam ko nga minsan ay napagbibigyan niya lang ako pero ang totoo abala para sa kanya na makitang may naiwan pa akong school works kapag may gusto siyang iutos sa akin.
16:58.3
Hindi man niya yun sinasabi pero alam ko na ganun ang nararamdaman niya.
17:04.3
Abang abala naman ako sa ginagawa ay may grupo naman ng kalalakihan ang lumapit sa akin.
17:10.3
Umupo pa ang isa sa harapan ko at inalok ako kung gusto ko raw na sumali sa kanilang grupo.
17:18.3
Tinanong ko kung anong klaseng grupo ang sinasabi nito.
17:21.3
Isa raw yung fraternity. Sa pagkakalam ko ang fraternity ay samahan ng mga lalaking estudyante sa isang komunidad o university. Brotherhood kumbaga.
17:32.3
Ang sabi sa akin ng mga lalaking lumapit ay kung sakaling sasali ako sa grupo ay bibigyan nila ako ng proteksyon sa lahat ng oras.
17:40.3
Mararanasan ko rin daw ang mga bagay na nararanasan nila kung sakaling tanggapin ko ang alok nila.
17:47.3
Hindi ko alam kung para saan yun at hindi ko rin maunawaan kung bakit nila ako pinapasali.
17:54.3
Hindi naman ako elite student katulad nila o yung mga estudyanteng mayayaman at may kaya sa buhay.
18:01.3
Mga ganung klase ng estudyante lang kasi sa university ang alam kong sumasali sa nasabing fraternity.
18:07.3
Hindi na naman bago sa akin ang samahan nila. Ang totoo, madalas ko silang makitang magkakasama kapag papasok ako ng university.
18:16.3
Parang ang saya rin kasi nilang kasama. Pero naisip ko na hindi naman yun ang ipinunta ko sa university.
18:24.3
Nandun ako para mag-aral at hindi para makipagkaibigan at bumarkada sa kung kani-kanino.
18:30.3
Sapat na rin naman ang mga kaibigan na meron ako habang nag-aaral ako doon.
18:34.3
Pero porsigido talaga sila na pasalihin ako at sinasabi ko.
18:37.3
Sabi pa nila na baka pagsisihan ko raw kapag hindi ako sumali sa grupo nila.
18:42.3
Sinabi ko na lamang na pag-iisipan ko. Pagkatapos ng usapan namin yun ay binigyan nila ako ng ultimatum.
18:50.3
Isang linggo. Kailangan daw nila ng sagot ko pagkatapos ng isang linggo.
18:56.3
Hindi naman ako nagdalawang isip na sabihin kay Sir Arnold na sabihin na may grupong nag-alok sa akin na sumali sa isang fraternity.
19:04.3
Akala ko naman ay kukontrahin niya ako sa pagsali sa nasabing grupo pero nagulat ako ng payagan niya akong sumali.
19:12.3
Kasama din daw kasi siya sa grupong yun at karamihan ng mga nakapasa sa initiation ay mga politiko na siyang ngayong nagiging protector nila.
19:21.3
Hindi ko akalaing malawag pala ang grupong yun sa university at ang mga humarap lang sa akin ay ang mga neophyte o yung mga grupo ng kabataan na nagpapatakbo sa fraternity.
19:32.3
Ipinaniwanag din sa akin ni Sir Arnold na may itinuturing silang alpha o ang pinakalider ng grupo.
19:40.3
Git niya hindi naman daw yun isang kulto o gang. Parang isang club lang daw yun sa university na may magandang hangarin para sa mga estudyante.
19:49.3
Nung una ay nagdalawang isip ako sa alok na yun sa akin ng grupo ng mga lalaking lumapit sa akin sa kafeterya.
19:56.3
Pero noong malaman ko kay Sir Arnold na may maganda rin naman palang pupuntahan ang mga ginagawa sa fraternity,
20:02.3
ay parabang nakumbinsya ako na tuluyan na ngang umanib sa kanila.
20:07.3
Matapos nga ang isang linggo ay kinausap ako ulit ng mga lalaking na galok sa akin na sumali sa frat.
20:13.3
Sinabi ko sa kanilang payag na ako basta ipangako nilang hindi ako mapapahamak.
20:19.3
Pinangako naman nila yun at sinigurado rin nila na kapag kinailangan ko ng tulong sa oras ng kapahamakan ay agad silang darating.
20:27.3
Pero bago ako makasali sa grupo ay kailangan ko raw pagdaanan ng isang inisiyasyon.
20:32.3
Aware naman ako na may ganoon sa isang fraternity.
20:36.3
Iba-iba nga lang ang way ang ginagawa nila at sigurado naman ako ang safe ang inisiyasyon na ipapagawa nila sa akin.
20:44.3
Tiwala naman ako dahil yun ang sinasabi sa akin ni Sir Arnold.
20:48.3
Noong araw din na yun ay nagpunta kami sa isang bakanting lote sa madilim na bahagi ng lote kung saan kami naroon ay nakapila ang mga kalalakihan na sa tingin ko ay doon din pumasok sa university.
21:02.3
Pero ang ipinagtataka ko ay bakit nakapiring silang lahat.
21:07.3
Tinatanong ko sa isa sa mga lalaking miyembro kung bakit sila nakapiring.
21:12.3
Ang sabi lang nito ay part daw yun ng inisiyasyon.
21:15.3
Hindi na lamang ako ulit nagtanong pa dahil naisip ko na baka party nga talaga yun ang sinasabi nilang inisiyasyon.
21:23.3
May napapanood kasi ako noon na kinakausap isa isang mga miyembro ng fraternity at pinaparealize sa kanila
21:30.3
kung gaano kahalaga ang isang samahan.
21:34.3
Tingin ko noon ay yun ang unang gagawin sa amin noong mga oras na yon.
21:39.3
Kaya nagtiwala na lamang ako.
21:42.3
Pinapuesto ako sa pinakahuling bahagi ng pila at piniringan.
21:46.3
Sinigurado talaga nila na wala akong kahit na anong makikita ng mga oras na yon.
21:50.3
Ang tangi ko lang naririnig ay ang mga boses ng mga lalaki nagtatawanan sa isang sulok.
21:55.3
Maya-maya lang ay may biglang sumigaw at sinabing talian daw ang mga kamay namin at hubaran.
22:02.3
Doon ako kinabahan.
22:04.3
Akala ko ay simpleng inisiyasyon lamang ang mangyayari pero iba pala ang mga mangyayari sa inaasahan ko.
22:12.3
Hindi ako nakaalma ng mga oras na yon, Papa Dudut.
22:17.3
Paano'y hinawakan ka agad nila ang aking kamay at hinubad ang mga kasuotan ko?
22:22.3
Kasunod noon ay tinalian ang dalawa kong kamay.
22:24.3
Hindi ko alam kung paano akong makakapalag dahil bigla ako na lamang naramdaman ang malamig na bakal na nakatutok sa aking sintido.
22:33.3
Hindi ko nakikita ang bagay na nakatutok sa akin pero alam na alam kong baril yon.
22:39.3
Sinabi lang ng isang lalaki na huwag akong pumalag dahil baka mapahamak lamang ako.
22:45.3
Nanginginig ang buong kalamdan ko ng mga oras na yon.
22:49.3
At hindi ko alam kung paano ako napasok sa sitwasyong ito.
22:54.3
Nasa kalagitnaan kami ng lugar kung saan ay walang makakaalis ng buhay.
23:00.3
Wala akong alam sa nangyayari sa paligid ko dahil sa nakapiring sa aking mga mata.
23:07.3
Pero dinig na dinig ko ang mga sumunod na mga nangyari.
23:11.3
Rinig ko ang tunog ng bakal na dumadaplay sa simento.
23:15.3
Tingin ko ay isa yung tubo na daladalaan ng kung sino.
23:19.3
Para ako maiihi sa sobrang takot.
23:21.3
Namanhid ang pantog ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
23:26.3
Naluluhan na ako at kung ano-ano na rin ang pumapasok sa isipan ko ng mga oras na yon at feeling ko ay katapusan ko na ng mga oras na yon.
23:35.3
Nag-isip ako ng paraan kung paano ako makakatakas mula sa sitwasyong kinakasadlakan ko.
23:41.3
Pero walang pumapasok sa isipan ko kundi ang kamatayang maaari kong kahantungan.
23:46.3
Oras na magkamali ako ng galaw.
23:48.3
Ang buong akala ko ay kakausapin lamang kami tungkol sa samahan pero iba ang bumungad sa amin.
23:55.3
Narinig ko na lamang ang malakas na hampas ng tubo sa bahagi ng katawan ng isa sa mga kasama ko.
24:01.3
Kung hindi ako nagkakamali, isang hazing ang ginagawa sa aming initiation.
24:06.3
Hahampasing kami ng ilang ulit sa binti hanggang sa hindi na namin makaya ng tumayo.
24:11.3
Labis-labis ang takot na nararamdaman ko ng mga oras na yon.
24:15.3
Inisip ko kung mabubuhay pa ako pagkatapos ng lahat.
24:20.3
Biglang nanumbalik sa isipan ko ang mga bagay na pinangako ko sa mga magulang ko bago ako pumunta sa Maynila.
24:30.3
Sinigurado ko pa sa kanila na magiging ligtas ako rito hanggat nasa poder ako ni Sir Arnold.
24:37.3
Pero ganito pala ang kahantungan ng lahat.
24:40.3
Naisip ko rin na paano na kaya sila kapag nawala na ako.
24:43.3
Sino nang aasahan nila?
24:46.3
Habang nabubuha sa aking isipan ng mga imahe na maaaring mangyari ay naninig ko naman ang mga daing ng kasamahan ko.
24:54.3
Ang iba sa kanila ay nakikiusap na tama na at tigilan na ang ginagawa pero sige pa rin sila ng pagpalo sa kanila.
25:03.3
Wala akong magawa.
25:05.3
Hindi ko alam kung paano ko matutulungan ang sarili ko at maililigtas sa nagbabadyang panganib.
25:11.3
Isa-isang pinapapuntuhan.
25:13.3
Pagkakita sa unahan ng mga kasamahan ko.
25:16.3
At tinanggap ang bawat hampas ng tubo sa hindi ko malaman kung saang parte ng katawan.
25:21.3
Hindi ko na alam kung ilan na ang nahahampas ng tubo sa amin pero sa tingin ko ay pangsampu ako.
25:28.3
At noong oras ko na ay may bumulong sa akin na kapag napaluhod ako ay mamamatay ako.
25:35.3
Papadudod hindi ko inaasahan ang mga sumunod ng mga nangyari.
25:39.3
Rabdam ko ang malakas na pagtama ng bakal sa likurang bahagi ng aking binte.
25:43.3
Ngunting pa akong mapaluhod sa unang hampas pero naalala ko na kapag lumapat ng kahit na ano sa mga tuhod ko sa lupa ay siguradong katapusan ko na.
25:54.3
Pinilit kong tanggapin ang mga palo ng tubong natatamo ng binte ko.
25:59.3
Nagsimula sa isa, dalawa, tatlo hanggang umabot sa sampung hampas ang tiniis ko.
26:06.3
Tinanong pa ako ng isang lalaki kung kaya ko para at sinabi ko na hindi na pero akala ko ay titigilan na nila ako.
26:11.3
Pero hindi pa pala.
26:14.3
Sumunod kong naramdaman ang pagtama ng makapal na kahoy sa aking binte.
26:18.3
Kung hindi ako nagkakamali ay padal ang tawag nila doon.
26:22.3
Mas masakit yun kumpara sa tubo na ipinalo sa akin kanina.
26:26.3
Binalaan nila ako na kapag lumuhod ako ay katapusan ko na.
26:30.3
Bawat hampas na natatamu ko ay parabang nagpapahina sa aking buong katawan.
26:36.3
Pero isa lang ang nasa isipan ko ng mga oras na yon.
26:39.3
Yun ay ang makita ko pang pamilya ko.
26:43.3
Gusto ko pang mabuhay at makasama sila ng matagal.
26:47.3
Kaya naman kahit gusto ko nang bumitaw, ng mga tuhod ko ay pinilit ko pa rin tumayo at buong lakas na nilabana ng bawat hampas na tumatama sa aking binte.
26:59.3
Ipinangako ko rin sa sarili ko na oras na makatakas ako sa sitwasyon na yon ay hinding hindi na ako babalik sa university.
27:06.3
Hindi ko alam na ganun pala ang kalakaraan sa pinasukan kong university.
27:12.3
Naisip kong ipinahamak din ako ni Sir Arnold dahil siya rin mismo ang nangumbinsi sa akin na sumali sa organisasyon na yon.
27:20.3
Hindi pa ma nagsisimula ang araw ko ay naramdaman ko na ang kalbaryong mararanasan ko oras na mapasok ako sa grupo nila.
27:28.3
Sabihin na nila na hindi ako tunay na lalaki pero ayaw kong masangkot sa mga ganun klase ng gawain.
27:34.3
Isa yung krimen para sa akin.
27:36.3
Hindi ko alam kung paano ko malalagpasa ng sakit na nararamdaman ko na mga oras na yon.
27:42.3
Gusto ko nang matapos ang lahat pero umabot ng hanggang isang daang palo ang natamu ko.
27:48.3
Dinig na dinig ko pa ang bawat bilang ng isang miyembro nila sa bawat hampas na ibinibigay sa akin ang tinatawag nilang leader.
27:56.3
Ramdam ko na parang nadudurog ang mga buto ko sa binte sa mga oras na yon.
28:01.3
Kulang na lang ay maghimala at makaalis ako sa lugar na yon ng ligtas.
28:04.3
Alam kong malabo mangyari ang bagay na yon pero ipinagdasal ko pa rin na makaligtas ako at makawala na sa mga kamay ng mga taong gustong saktan ako.
28:14.3
Hindi ko na rin mabilang ang mga palo ang natamu ko sa aking binte pero sa pagkakaalam ko ay lagpas isang daan ang naramdaman kong hampas.
28:22.3
Saka palang sila tumigil noon na parabang nasatisfy na sila sa ginawa nila sa akin.
28:28.3
Akala ko ay tapos na ang proseso nila pero hindi pa pala.
28:31.3
Nang alisin ng piring sa akin ay tumambad sa halapan ko ang tatlong bangkay ng mga lalaki na walang kahit na anong saplot.
28:39.3
Halos maanghilid ang luha ko sa mga mata.
28:42.3
Magkahalong takot at sakit ang naging dahilan ng panginginig ng mga paa ko ng mga oras na yon.
28:49.3
Akala ko pagkatapos ng lahat ay pagsusuotin kami ng damit pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.
28:58.3
Pinapatukan nila sa ulo ang bawat nakahandusan.
29:01.3
Pagkatapos sa ina katawan sa harapan namin.
29:04.3
Tanda daw yon ang pagsuko nila.
29:07.3
Hindi ako makapaniwalang magagawa nilang bagay na yon sa mga inosenteng tulad ko.
29:12.3
Wala nang buhay ang mga katawan pero nagawa pa nilang babuyin ang mga yon.
29:16.3
Umatawa pa ang mga iba sa kanila habang pinapanood kung paano umagos ang dugo sa ulo ng tatlong biktima.
29:23.3
Saksi ako sa kalapastangan ang ginawa nila sa mga estudyanteng walang kamuang-muang.
29:28.3
Pero hindi pa natapos doon ang kahayupang ginawa nila sa mga inosenteng biktima.
29:33.3
Ibinigay nila ang baril sa unang lalaking nakatayo sa may bandang kaliwa ko, siyang pinakadulo sa pila.
29:41.3
Itinutok ng lalaking yon ang baril sa tatlong bangkay habang may nakatutok naman sa sintido nito na isa pang baril.
29:48.3
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ng lalaking yon pero bigla na lamang nitong pinapatukan ang kawawang mga bangkay.
29:55.3
Kita kong labag sa kalooban niya ang ginawa niya dahil hindi niya gaanong napuruhan ang mga nakahandusay na katawan na wala na noong buhay.
30:07.3
Akala ko ay huli na yon pero inabot sakin ang baril na ginamit sa kasunod nitong lalaki at tulad ng nangyari kanina, hindi ko inaasahan na ganun din ang ginawa nito.
30:18.3
Kasalid daw yon sa initiation kaya dapat ay maging handa kami.
30:22.3
Ang sabi pa nila oras na makahawa kami ng baril.
30:25.3
At matutong patamaan ang totoong katawan ng tao ay doon palang naming magagawang protektahan ang sarili namin at ang magiging kambrad namin.
30:35.3
Para akong sinasaksak sa dibdib kapag narinig ko ang bawat kalabit at putok ng baril.
30:41.3
Noong sa akin na ipapahawak ang baril ay kinalagan ko ang tali sa kamay ko.
30:47.3
Inabot sakin ang baril.
30:49.3
Noong una ay nagdalawang isip ako sa gagawin pero nang maramdaman kong may malamig na bakal,
30:55.3
kasi sa sintido ko ay lakas loob kong kinuha ang baril na inabot sa akin para akong malalagutan ng hininga sa sobrang kaba.
31:04.3
Hindi ko rin mapigilan ang panginginig ng pangako habang itinututok ang baril sa mga bangkay na nasa harapan ko.
31:12.3
Napamura ako ng paulit-ulit sa isipan ko ng mga oras na iyon.
31:17.3
Pumikit na lamang ako at saka kinalabit ang gatilyo.
31:20.3
Kasunod noo ay isang putok ang umalingaungaw sa buong paligid.
31:23.3
Matapos ang ginawa ko ay binulungan ako ng lalaking tinutukan ako ng baril.
31:29.3
Sa ginawa kong iyon ay tanda raw iyon ang pagiging loyal ko sa kanila.
31:33.3
Hindi na rin daw ako makakaalis sa grupo sa ayaw at sa gusto ko.
31:37.3
Oras daw kasi na tumiwalag ay may kapalit.
31:41.3
Either buhay ko o buhay ng pamilya ko ang nakasalanay.
31:44.3
Matapos ang mga iyon ay pinalakad kami sa isang tulay kung saan sa dulo noon ay isang abandonadong gusali ang nakatayo.
31:53.3
Mukhang may susunod na naman silang ipapagawa sa amin.
31:57.3
Isa lang ang nasa isipan ko ng mga oras na iyon.
32:00.3
Kung mamamatay man ako ay hindi sa mga kamay ng taong iyon.
32:04.3
Walang kahit na anong harang ang tulay na dinadaanan namin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tumalun doon.
32:10.3
Alam kong tubig ang babagsakan ko kaya huminga ako ng malalim at inipon ang hangin sa baga ko bago pa man ako bumulusok.
32:20.3
Nagulat sila sa ginawa ko at hindi nila alam na kaya kong lumangoy sa malalim na parte ng tubig at makatagal ng higit sa limang minuto.
32:30.3
Tinuruan ako ng ama ko noong bata pa ako kaya tingin ko ay makakasurvive naman ako ng mga oras na iyon.
32:37.3
Nang makalusong na ako sa tubig ay sunod-sunod na basyo ng balang sumalubong sa akin.
32:42.3
Mabilis man akong nakalangoy ay nagtamu pa rin ako ng tama sa may balikat.
32:47.3
Nagawa ko namang makalangoy at makalayo sa kanila.
32:49.3
Nagtago ako sa ilalim ng tulay para hindi nila ako makita.
32:54.3
Alam kong hindi sila maglalakas ng loob na sundan pa ako dahil napakadilim ng bahaging iyon ng tubig.
33:00.3
Pasalamat na lang talaga ako at nagawa kong iligtas ang sarili ko sa kabila ng lahat.
33:05.3
Tinis ko ang hapdi at sakit na nararamdaman ko sa mga natamu kong sugat makalayo lamang sa kanila.
33:12.3
Pasalamat na lamang ako at nang magising ako ay nasa isang kubo ako at may mga mabubuting tao ang tumulong sa akin.
33:19.3
Natagpuan daw nila akong palutang-lutang sa ilog at wala ng malay.
33:24.3
Hindi ko alam kung nasa ang parte na ako ng Maynila ng mga oras na iyon pero sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos.
33:32.3
At nakaligtas ako sa kamay ng mga halang ang kaluluwa.
33:36.3
Pero kahit na ganun ay may dala-dala pa rin akong guilt sa nagawa ko sa tatlo kong kasamahan na wala ng buhay.
33:45.3
Alam kong labag sa kalooban ko ang ginawa ko pero hanggang kamatayan ay patuloy.
33:49.3
Pagsisisihan ko ang bagay na iyon.
33:51.3
Ngayon nga papadudod ay nagtatago ako sa mga taong gusto akong tugisin.
33:57.3
Hindi ko naman magawang makapagsumbong sa polis dahil alam kong kahit ang mga otoridad ay kakampi rin nila.
34:03.3
Hindi rin muna ako umuwi sa amin para sa kaligtasan ng aking pamilya.
34:08.3
Wala akong ideya kung paano ko sila mapoprotektahan sa sitwasyon ko sa ngayon.
34:13.3
Para akong poganting nagtatago sa mga dapat kong pagtaguan.
34:17.3
Wala akong kasalanan pero pakiramdaman ako.
34:19.3
Hindi ko pala pwedeng i-disclose ang lahat ng informasyon na alam ko sa ngayon pero sana sa mga nakikinig sa programa mo ay may natutunan sila sa mga sinabi ko.
34:30.3
Hindi dapat tayo magtiwala sa mga taong nakapaligid sa atin.
34:34.3
Lalo pat hindi naman natin sila gaanong kakilala.
34:38.3
Hanggang dito na lamang po ang liham ko at naway may napulot na aral ang mga taong nakakaalam ng kwento ko ngayong araw na ito.
34:46.3
Maraming salamat din po sa pagpapaunlak na basahin ito.
34:51.3
Isa lang talagang masasabi ko sa university na yon.
34:55.3
Hindi yon universidad para sa mga tao kundi universidad para sa mga dyablo.
35:00.3
Lubos na gumagalang Christian.
35:05.3
Madali tayong madala sa mga pangakong binibitawan ng mga taong nakakasalamuhan natin.
35:11.3
Dala ng kahirapan kaya kapag may opportunity tayong nakikita ay sinusunggaba natin yon.
35:16.3
Kahit na walang kasiguraduhan.
35:19.3
Hindi naman masamang tumanggap ng mga ganong klase ng alok.
35:23.3
Pero lagi nating pakatatandaan na hindi lahat ng taong nakakausap natin ay mapagkakatiwalaan natin.
35:30.3
Tulad na lamang nang nangyari sa letter sender nating si Christian.
35:35.3
Hindi naging madali ang buhay sa kanya.
35:38.3
Naging maramot ang opportunity at pagkakataon sa kanya kaya hindi natin siya masisisi.
35:44.3
Kung bakit naging marupok siya sa alok.
35:47.3
Nang isang professor.
35:49.3
Pero hindi naman niya inaasahan na ang pagpasok niya sa oportunidad ay magiging daan din pala para siya ay mapahamak.
35:58.3
Isang malaking pagkakamali para sa kanya ang nangyari pero pagkatapos ang lahat ay naging aral naman sa kanya ang bagay na yon.
36:06.3
At kung nasaan man siya ngayon.
36:08.3
Sana ay nasa ligtas siyang kalagayan.
36:12.3
Hanggang sa muli ako po ang inyong si Papa Dudot.
36:14.3
Maraming salamat po sa inyong lahat.
36:31.3
Ang buhay ay mahihwaga
36:38.3
Laging may lungkot at saya
36:44.3
Sa Papa Dudot Stories
36:48.3
Laging may karamay ka
36:57.3
Mga problemang kaibigan
37:03.3
Dito ay pakikinggan ka
37:10.3
Sa Papa Dudot Stories
37:14.3
Kami ay iyong kasama
37:22.3
Dito sa Papa Dudot Stories
37:26.3
Ikaw ay hindi nag-iisa
37:35.3
Dito sa Papa Dudot Stories
37:39.3
May nagmamahal sa'yo
37:44.3
Papa Dudot Stories
37:53.3
Papa Dudot Stories
38:00.3
Papa Dudot Stories
38:07.3
Hello mga ka-online ako po ang inyong si Papa Dudot
38:10.3
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
38:14.3
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanood ninyo.
38:19.3
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala.