01:25.0
Mga pangyayarang hindi may paliwanag ng kahit na sino.
01:29.8
Ilan lamang ang mga yan sa mga bagay na maaaring magingsanhin ang iyong kapahamakan o magtutuldok sa iyong buhay.
01:39.1
Handa ka ba kung sakaling makasalamuha mo sila?
01:47.3
Isang mapagpalang araw sa mga tagapakinig ng inyong YouTube channel.
01:52.2
Madalas akong nakikinig sa iyo at sa mga kapatid.
01:54.0
Ito ang kwentong binabasa mo maging sa radyo man o dito sa channel mo.
01:59.5
Sumunat ako para ihayag ang kwento ko.
02:02.7
Hindi para magbigay ng takod sa mga makikinig kundi para magbigay babala sa kanila.
02:09.4
Itago nyo na lamang po ako sa pangalang Elsa.
02:13.0
Tubong Kamarines Norte.
02:15.6
At ngayon ay may sarili ng pamilya.
02:19.0
Dalawa na po ang anak namin ng asawa kong si Renato.
02:26.3
Pasipag naman po ang asawa ko at matalino naman ang mga anak ko na ngayon
02:30.1
ay nasa elementary pa lamang.
02:33.8
Madalas kasi siyang nag-overtime sa trabaho bilang factory worker
02:37.9
sa paggawaan ng tsinelas dito sa aming bayan.
02:43.4
Sabi nga ng mga kapitbahay ko ay napakaswerte ko raw
02:46.4
at may asawa kong katulad ni Renato.
02:50.0
Bukod sa matipuno at gwapo.
02:54.0
At napakasipag pa.
02:56.3
Pero ang hindi nila alam.
02:58.6
Hindi yun ang nagustuhan ko kay Renato.
03:01.7
Minahal ko ang asawa ko dahil tinanggap niya ako kung sino ako.
03:07.7
Dati po kasi akong dancer sa isang bar sa Maynila, Papadudut.
03:12.8
Limang taon nang nakakalipas nang makilala ko si Renato.
03:16.6
At nakapalagayan ng loob.
03:20.1
Marami na akong lalaking minahal pero si Renato lang ang itinuring ako.
03:24.0
At hindi babaeng parausan lamang.
03:29.1
Kaya siguro yung mabilis na nahulog ang loob ko sa kanya
03:33.0
dahil sa respetong nakukuha ko kapag magkasama kami.
03:39.3
Pero hindi ko inaakala na sa pagsasama namin
03:41.8
ay mararanasan ko ang mga bagay na never ko pang naranasan noon.
03:48.1
Akala ko kasi tahimik ang mabuhay sa probinsya.
03:52.3
Hindi ko naman alam.
03:54.0
Na sa pagtira ko dito kasama ang aking pamilya ay marami akong may experience na kababalaghan.
04:03.1
Nangyari ito noong ipinakilala ako ni Renato sa kanyang mga magulang bilang kanyang kasintahan.
04:10.1
Hindi nga nagtagal ay nagbunga ang aming pagmamahala hanggang sa mga kuha niya ako ng kasal.
04:17.2
Noong una ay nag-alinlangan ako dahil ayaw kong magpatalis sa relasyon.
04:22.0
Pero sinigurado naman ni Renato.
04:24.0
Renato sa akin na hinding-hindi niya ako sasaktan.
04:28.2
Kampante naman ako sa sinabi niya sa akin kaya napapayag niya akong magpakasal sa kanya.
04:35.5
Sa halos mahigit sampung taon naming pagsasama.
04:39.9
Bilang magkasintahan ay hindi pa naman niya ako nagawang saktan o pagbuhatan ng kamay.
04:46.1
Never din siyang tumingin sa ibang babae kahit pa napakarami ng dalagang umaaligid sa kanya.
04:54.0
Dito sa probinsya nila.
04:57.2
Marami na ring nagtangkang sirain ang relasyon namin noon.
05:01.8
Pero lahat sila ay hindi nagtagumpay.
05:05.6
Dahil para kay Renato ako lang ang babaeng huling mamahalin niya.
05:10.9
Ganon din naman ako sa kanya.
05:13.0
Kaya kahit ayaw kong magpatalis sa kanya ay sumugal ako.
05:17.1
Kasi alam kong mananalo ako.
05:20.3
Simula nang lumipat ako rito ay nakilala ko si Martha.
05:24.0
Nang minsan kasing magpunta ako sa palengke para mamili ng karne,
05:29.1
sa lulutuin kong ulam ay tinulungan niya akong maghanap kung saan makakabili ng sariwang karne ng baboy.
05:37.2
Bigla na lamang kasi niya akong nilapitan at sinabing namumukhaan niya ako.
05:44.8
Saka ako lang na-realize na kapitbahay pala namin siya.
05:49.1
Nung unang tungtong ko kasi sa probinsya,
05:52.7
kung saan nakatira si Renato,
05:54.0
hindi naman ako masyadong naglalabas ng bahay.
05:58.2
Kasi nga ay nahihiya ako na baka may makakilala sa akin.
06:03.0
At husgahan ako dahil sa naging trabaho ko.
06:07.0
Hanggang ngayon nga ay walang nakakaalam kung ano talagang naging hanap buhay ko sa Maynila.
06:14.1
Ang pakilala sa akin ni Renato sa mga magulang niya ay isa akong cashier sa isang department store sa mall.
06:21.9
Ako na rin kasi ang nagsabi,
06:24.0
sa asawa ko na ilihim ang lahat.
06:27.0
Kaya kahit si Martha ay walang ideya kung sino talaga ako.
06:31.7
Simula nang makilala ko siya ay madalas na kaming nagkakakwintuhan
06:36.6
at may pagkakataon pa nga na sabay kaming nagwawalis ng bakuran tuwing umaga.
06:43.1
Pagkatapos ay magchichismisan.
06:46.2
Huwag niyo po kong husgahan ha?
06:48.9
Mga buhay ng paborito kong artista at mga sikat na palabas sa TV ang madalas kong
06:54.0
binubuksang topic kay Martha.
06:58.0
Hindi buhay ng iba pa naming mga kapitbahay.
07:01.5
Pero si Martha ay madalas ay chismis tungkol sa mga kalabitbahay namin ang kinakwento niya.
07:07.7
Ako naman ay nakikinig lamang pero hindi ko naman pinagsasasabi sa iba
07:11.4
ang mga naririnig ko mula sa kanya.
07:14.9
Minsan nga ay napaaway pa siya dahil sa maling impormasyon ang naipagkalat niya.
07:20.1
Bilang ako na ang kaibigan niya,
07:22.5
ako nang humingi ng pasensya sa talaga.
07:24.0
Alam ko na may ganong ugali si Martha pero pinagpapasensya hangko na lamang dahil siya lang kasi ang madalas kong nakakausap kapag wala ang aking asawa
07:34.2
at nasa eskwelahan naman ang aking mga anak.
07:37.7
Ang biyanang ko na mga nababae ay hindi gaanong nakakakilos sa bahay.
07:42.5
Kaya ako na lamang ang gumagawa ng mga gawaing bahay.
07:45.8
Matagal nang patay ang father-in-law ko isang buwan matapos kaming ikasal ni Renato.
07:52.0
ang madalas ko na lang nakakausap kapag kailangan ako.
07:54.0
At ang kamilang ninanay ay si Martha.
07:56.9
Hindi naman siya mahirap pakisamahan papadudot.
08:00.7
Madalas niya kasi akong napapatawa sa mga kakaibang hirit niya tuwing may ikukwento.
08:08.1
Hindi ko na nga matandaan kung paano kami naging close basta ang alam ko lang.
08:12.0
Nung una kaming nagkita ay kung ano-ano kaagad ang mga sinabi niya sakin na hindi ko naman tinatanong.
08:19.1
Madaldal din siya at minsan ay walang preno ang bibig.
08:24.0
nang nagiging sumbungan ko kapag may mabigat akong dinadala.
08:28.7
Pero hindi ko sinasabi sa kanya ang problema ang nangyayari sa amin sa loob ng bahay.
08:34.3
Baka kasi kung kani-kanino pa niya ikwento at mabalitaan ko na lamang na iba palang nakarating sa mga kapitbahay ko.
08:43.3
Baka pagmulan pa ng gulo at maging dahilan para mag-away kami ni Renato.
08:47.1
Papadudot, hindi ko inakala na sa pagiging malapit ko kay Martha ay mararanasan kong matuklasan ang mga bagay na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko.
08:58.2
May ilang kasing nagsasabi sa akin na may lahiraw na mambabarang si Martha at maraming nagkakasakit sa barangay namin dahil sa kanya.
09:09.1
Hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabing na rininig ko mula sa mga nakapaligid sa amin.
09:15.3
Hindi kasi ganong kumilos at mananangin.
09:17.1
Anamit si Martha tulad ng mga napapanood ko sa pelikula na mga mambabarang para kasing normal siya at walang kahit na anong bahid ng kasamaan sa katawan.
09:27.8
Maliba na nga lang sa pagiging tsismosa at taklesa nito.
09:32.1
Pero hindi kasi ma-justify noon ang mga napapakinggan kong manghakahaka tungkol sa kanya.
09:39.2
Natural lang siguro sa kanya ang ganong ugali pero ang akusahan siya
09:44.5
na isang mambabarang ay parang...
09:47.1
para namang hindi fair.
09:49.7
Kaya lang, may isa sa mga kakilala ko na sinabihan akong lumabas tuwing alas 12 ng madaling araw at bantayan siya sa harapan ng bahay niya.
10:00.1
Alamin ko rao kung saan nito nagpupunta tuwing hating gabi at kabilugan ng buwan.
10:05.6
Tinanong ko sila kung bakit ko dapat gawin ang bagay na iyon.
10:10.1
Ang sinabi lang nila ay kailangan ko rao bantayan ang sarili ko at ang pamilya ko sa kanya.
10:17.6
Inisip ko na paninira lamang iyon laban sa kanya dahil nga sa marami siyang kaaway at nakakasagutan sa aming nayon.
10:26.7
Pero dahil curious ako at gusto kong patunayan na mali ang ibinibintang nila kay Martha ay ginawa ko ang sinabi nila.
10:34.0
Binantayan ko si Martha sa harap ng bahay nila.
10:37.6
Laking Maynila ako kaya sanay ako sa mapanganib at madilim na daanan.
10:41.9
Mas masahol pa nga ang tinutuluyang kong estero kumpara sa mga bahay dito sa probinsya.
10:47.7
Kabilugan ng gabi noon at tulog na ang mga mag-aama ko.
10:51.6
Nagpapahinga na rin ang biyanang ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong lumabas ng bahay.
10:56.9
11.15 ng gabi ako lumabas para may 10 minuto ako sa paghahanap ng matataguan para hindi ako mapansin ni Martha.
11:05.6
Eksakto namang may maliit na halaman ang gumamela sa gilid ng bakura ng bahay niya at doon ako nagkubli.
11:13.1
Inintay ko si Martha na wala pang limang minuto ay lumabas na ng kakataon.
11:17.1
Nakamalong ito na kulay itim at may dalang bayong ng basket.
11:23.1
Wala kong ideya kung anong laman ang dala niya pero nagtaka ko kung bakit lumabas siya ng ganong oras.
11:29.9
Sinadya ko munang makalabas siya ng ilang metro para hindi niya ako mapansin sa oras na sundan ko na siya.
11:37.4
Para bang kinutuban ako bigla na baka tama nga ang sinasabi ng ibang kapitbahay namin tungkol sa kanya.
11:45.0
Kaya rin siguro ilagang karamigin.
11:47.1
Sa kanya ay dahil may tinatago siyang kakaiba.
11:51.4
Pasalamat na nga lang ako at hindi ako napansin ni Martha habang sinusundan ko siya.
11:58.0
Nakita ko siyang pumanhik sa isang kubo na gawa sa pawid at pinapirasong kawayan.
12:03.5
Medyo liblib ang lugar na yon at walang masyadong nakatira.
12:07.7
Kaagad naman akong humanap ng matataguan para hindi niya ako makita.
12:12.2
Ilang sandali lang ay nakita ko siyang sinindihan ng itim na kandila na kinuha niya.
12:17.1
Sa bayong na kanyang daladala.
12:20.3
Bunga ka lako ay magdarasal lamang siya papadudod.
12:24.3
Hindi ko naman inaasahan na kasunod ng mga kandilang nakasindi ay isang maliit na manika ang dala niya.
12:31.4
Hindi yon pang karaniwang manika papadudod.
12:34.6
Gawa yon sa pinagtagpitagping itim na tela at hinulma na parang katawa ng isang tao.
12:42.0
Matapos damputin yon sa bayong ay may itinali siyang parang hibla ng buhay.
12:47.1
May itinali siyang buhok sa parting lieg ng manika.
12:50.3
Habang hawak niya ang manika ngayon ay bumulong siya na tila ba nagdarasal.
12:55.2
Nakapikit ang kanyang mga mata at malapit sa bibig niya ang hawak na manika habang may ibinubulong dito.
13:02.9
Maya maya lamang ay nilapag niya ang manika sa mesa sa gitna ng dalawang itim na kandila.
13:08.7
Kasunod niyang ginawa ay kumuha ng karayom.
13:11.5
Hindi ako sigurado kung ilang sentimetro ang hawak at haba ng kanyang karayom.
13:17.1
Pero sigurado ako na hindi normal ang haba noon.
13:22.0
Tingin ko nga ay nasa dalawa o tatlong pulgada ang hawak niyang matulis na bagay.
13:27.9
Muli siyang bumulong nang nakalapit sa bibig ang karayom na hawak niya.
13:33.1
Ilang segundo lang ay kinuha niyang muli ang manika sa mesa at tinusok yon sa parting dibdib.
13:39.6
Malayo ako sa kinakaroonan niya pero kita ko kung saan at anong parte ng manika ang tinutusok niya gamit ang karayom.
13:47.1
Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang nakakapangilabot niyang ngisi habang ginagawa ang kakaibang ritual na yon.
13:56.6
Halos hindi rin ako makagalaw sa kinakatayuan ko habang pinapanood siya na tila ba natutuwa sa ginagawa niya.
14:04.2
Hindi ko akalain ng Martha na matagal ko nang nakilala ay may tinatago palang nakakapanindig balahibong lihim papadudut.
14:13.1
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko noon sa ginagawa.
14:17.1
Kaya bago pa man niya ako makita ay mabilis akong nagtatakbo palayo sa kubong kanyang pinupuntahan para gumawa ng kababalaghan.
14:33.0
Alam ko na kung bakit ganun na lamang ang pag-iwas ng karamihan sa kanya.
14:37.9
Wala akong kamalay-malay na ang taong itinuturing kong kaibigan ay maaaring maging dahilan ng aking kapahamakan.
14:44.6
Laking pasasalamat ko na lamang na hindi niya ako nakita.
14:47.1
Sa aking pinagtataguan ng mga oras na iyon.
14:50.4
Kung nagkataon ay baka ako ang sunod niyang maging biktima.
14:54.7
Laking pagsisisi ko na hindi kagad ako nakinig sa mga taong nakapaligid sa akin.
15:00.9
Hindi naman nila ako masisisi dahil pinakitaan niya ako ng magandang bagay.
15:05.8
Isa pa si Martha lang talaga ang nagtangkang kausapin ako at kaibiganin.
15:10.6
Hindi ko naman inakala na may tinatago pala siya.
15:13.4
Kaya nang makatakas ako at makauwi sa bahay ay agad akong pupunta.
15:17.1
Masok ng kwarto namin ni Renato.
15:19.9
Mabuti na nga lang at mahimbing ang kanyang tulog ng mga oras na iyon.
15:24.9
Kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.
15:28.3
Mabuti na rin iyon kesa makita niya akong umuwi ng 10 oras ng gabi.
15:32.6
Pero ang gabing iyon ay hindi ko rin malilimutan dahil matapos ang aking mga nasaksihan ay hindi na ako nakatulog pa.
15:40.9
Para kasing oras na ipikit ko ang mga mata ko ay nakakatakot nang isin ni Martha ang bubungad sa akin.
15:47.8
Baka ako nang isunod niya.
15:49.9
Kapag nalaman niyang may naman manan ko siya ng mga oras na iyon.
15:55.5
Matapos ang mga nasaksihan ko ay sumambulad sa akin ng nakakagimbal na balita.
16:01.0
Hindi pa ko gaanong nakakatulog at narinig ko na kaagad ang bumulahaw na isa naming kapitbahay.
16:08.0
Nagsisigaw ito sa harap ng bahay ni Martha at pinagbibintangan siya na kinulam daw ang ina niya.
16:14.4
Kilala ko kung sino ang kapitbahay namin iyon.
16:17.1
Ang ina nito ang madalas na kaalitan ni Martha dahil sa mga sinasabi niya sa mga ito.
16:23.9
Pero itinanggi ni Martha ang akusasyon ng kapitbahay namin.
16:27.5
Hindi raw siya mangkukulam at hindi niya raw magagawa ang bagay na iyon.
16:32.8
Papadudod hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga oras na iyon.
16:36.6
Alam ko kasing may kinalaman si Martha sa mga nangyari sa isa naming kapitbahay.
16:42.7
Pero ayaw kong sa akin manggaling ang impormasyon na iyon.
16:47.1
Isa pa ay baka madamay ako at ang pamilya ko.
16:51.3
Oras na may sabihin ako sa kanila.
16:54.1
Hindi malayong ako ang isunod ni Martha oras na may sabihin ako tungkol sa mga nasaksihang ko ng oras na iyon papadudod.
17:03.4
Hindi rin naman ako sigurado kung inangan nito ang kinulam ni Martha dahil hindi ko naman alam kung paano niya ginagawa ang ganong klase ng ritual.
17:12.9
Mahirap magbintang sa kapwa pero malakas ang pakiramdam ko.
17:17.1
Na may alam si Martha sa ibinibintang sa kanya.
17:22.1
Yun nga lang ay itinanggi niya ang bagay na iyon dahil alam ng lahat na hindi maniniwala ang karamihan sa sasabihin nila.
17:30.9
Sino ba naman ang maniniwala na may mga tao pang kayang mambarang sa panahon ngayon?
17:36.0
Nabalitaan ko na lamang din na namatay ng matandang kapitbahay namin na nagakusa kay Martha na kumulam rito.
17:43.4
Ay nga sa balita ay bigla na raw sumakit ng tiyan nito at sumuka ng dugo.
17:47.1
Na may kasamang uod.
17:49.5
Sinubukan pa nilang isalba ang buhay ng matanda sa ospital pero huli na ang lahat.
17:54.0
Dead on arrival ang matanda.
17:56.2
Doon ako nagkaroon ng ideya kung anong klaseng tao si Martha.
18:00.1
Minsan talaga ang taong inaakala nating normal ay may tinatago palang madilim na sekreto.
18:08.8
Dahil din sa mga nangyari iniwasan ko na si Martha.
18:13.0
Ilang araw ko rin hindi siya nakikitang lumalabas.
18:17.1
Ang kanyang bahay.
18:18.6
Simula nang sugurin siya ng anak ng matandang kapitbahay namin na namatay.
18:25.2
Sa tuwing madadaanan ko ang bahay niya ay nakasarado ang pinto at bintana niya.
18:31.8
Paramang walang tao pero kapag dumarating naman ang gabi ay binubuksan naman niya ang ilaw.
18:37.2
Wala akong masyadong ideya kung anong buhay meron si Martha.
18:41.3
Alam kong mag-isa na siya sa buhay.
18:45.2
Pero kahit kailan ay hindi ko nakita.
18:47.1
Na may bumisita sa kanyang kaanak.
18:51.1
Hindi ko pa rin napapasok ang bahay niya simula nang magkakilala kami.
18:55.8
Tanging ang pader sa pagitan ng bahay niya at bahay namin ang nagiging koneksyon namin sa isa't isa.
19:03.8
Sinabi rin sa akin ng asawa ko na iwasan siya noon.
19:07.4
Pero hindi ako nakinig sa kanya dahil maganda naman ang pakikitungo sa akin ni Martha.
19:12.0
Tiwala naman ako sa sarili ko na may iwasan ko si Martha papadudod.
19:16.0
Ilang araw rin kasing hindi siya nagpakita sa mga tao lalo na sa akin matapos mailiting ang matandang kapitbahay namin.
19:23.7
Akala ko naman ay tuluyan na niya akong hindi kakausapin pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa kanya.
19:29.9
Ngunit isang araw ay kumatok siya sa bahay namin at umiiyak.
19:33.9
Hindi na raw niya kaya ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa mga maling akusasyong idinidiin sa kanya ng mga taong nakapaligid.
19:43.3
Ilang araw na rin daw siyang hindi kumakain.
19:46.0
Dahil hindi siya makalabas ng bahay para makapamiliin ang makakain.
19:51.1
Naihiya raw siya sa mga tao kaya pinili niya ang magkulong sa loob ng kanyang bahay ng ilang araw.
19:57.9
Ako lang daw ang malalapitan niya ng mga oras na yon dahil wala nang gustong tumulong sa kanya.
20:03.8
Hindi naman ako nakaiwas sa tanong niya kung galit ba ako sa kanya o hindi.
20:08.2
At kung naniniwala ba ako sa mga ibinibintang sa kanya.
20:12.4
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko ng mga oras na yon dahil sobrang nahatay.
20:16.0
Mahabag ako sa kanyang kalagaya noong makita ko siya.
20:19.9
Hindi ko nga alam kung bakit noong makita ko ang mga mata niyang lumuluha ay napalitan ang takot at pangamba ng awa.
20:28.1
Parang napawi din sa isipan ko ang nakakatakot niya ang ngisi noong makita ko siyang may ginagawang pangkukulam.
20:35.5
Pinapasok ko siya sa bahay ng mga oras na yon dahil nakita ko kung paano manginig ang kanyang mga tuhod dala na rin siguro ng gutom.
20:43.4
Pinaupo ko siya sa kusina at pinaghanda ng makakain.
20:46.0
Madali ako maawa sa mga taong nakapaligid sa akin kaya siguro ay gano'n na lamang ang naging simpatya ko nang makita ko ang kalagaya ni Martha.
20:55.3
Pero hindi niya maitatago sa akin na may ginawa siya sa nangyari sa matanda naming kapitbahay kaya ito nabatay.
21:02.3
Ganun pa man ay hindi naman ako katulad ng iba na ipagtatabuya na lamang ang mga taong kailangan ng tulong.
21:08.8
Kahit pa may kasalanan itong nagawa.
21:11.5
Para sa akin ay dapat pa rin mangibabaw ang pagiging makatao ko.
21:16.0
Habang kumakain naman siya ay bigla namang dumating si Renato.
21:19.6
Kakauwi lang nito galing sa trabaho.
21:22.2
Panggabi kasi ito kaya halos maguumaga ng makauwi.
21:26.0
Agad naman ako nilapitan ng asawa ko at hinalikaan sa noo.
21:30.3
Ginagawa niya yon mula pa noong magkasintahan pa kami hanggang sa ngayon na mag-asawa na kami.
21:36.7
Nagulat si Renato kung bakit naroon si Martha.
21:39.6
Ang sabi ko lamang ay pinatuloy ko siya roon dahil ilang araw na siyang hindi kumakain.
21:44.3
Pero ang hindi ko maunawaan ay may nakita akong kinaang sa mga mata ni Martha nang makita niya ang aking asawa.
21:52.3
Para rin bigla itong sumigla at napatayo na lamang sa kinakaupuan nang lumapit sa amin si Renato.
21:59.5
Pero ang asawa ko ay tumango lamang sa kanya at wala man lang sinabi.
22:05.4
Nagpaalam na nga lang ito na magpapahinga na dahil pagod sa trabaho.
22:09.3
Pero bago pumasok si Renato sa aming kwarto ay binilungan niya ako.
22:14.3
Na mag-iingat kay Martha at huwag magbibigay ng mga bagay na pag-aari ko sa kanya.
22:21.0
Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging babala sa akin ni Renato papadudod.
22:25.8
Pero katulad nga ng sinabi niya ay kailangan ko mag-ingat sa kanya.
22:30.2
Sinigurado ko na wala akong kahit na anong bagay sa katawa na maaaring niyang makuha.
22:35.1
Sa mga narinig ko kasi.
22:37.1
Kapag may gustong kulamin si Martha ay kukuha lamang siya ng bagay na pag-aari ng tao na gusto niyang kulamin.
22:44.3
Kaya naging maingat ako ng mga oras na yun.
22:47.5
Inabad ko ang aking mga alahas sa katawan ko at itinago sa cabinet.
22:52.3
Baka kasi kuhanin niya yun nang hindi ko namamalayan.
22:56.8
Nanghiram naman siya ng suklay sa akin pero agad niya rin naman yung ibinalik.
23:01.4
Gusto lang daw kasi niya na mag-ayos dahil ilang araw na niyang hindi nasusukla yung buhok niya.
23:07.1
Pumayag naman ako na hiramin niya yun dahil kita ko sa kanya na halos wala na sa ayos ang itsura ng kanyang buhok.
23:14.8
Matapos nga niyang mag-agahan sa bahay ay nagpaalam na siya para umuwi.
23:22.0
Nagpasalamat pa nga siya dahil sa kabila na mga nangyari ay tinanggap ko pa rin siya.
23:28.3
Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagpapatuloy sa kanya sa aming bahay.
23:33.7
Gusto ko lang talaga na tulungan siya at pagkatapos ay hindi ko na siya papakialamanan pa.
23:39.9
Ginawa ko ang lahat ng dapat kong gawin para na rin sa kaligtasan.
23:44.3
Na gusto kong mangyari para sa akin at sa aking pamilya.
23:48.7
Kung sakali kasing hindi ko siya pinatuloy sa bahay,
23:51.9
ng mga oras na yun ay baka pagsisihin ko rin sa huli at ikapahamag pa naming lahat.
23:58.3
Nag-uusap kami ni Renato na ang magising siya.
24:01.3
Habang nagkahaponan ay naikwento niya ang tungkol kay Martha.
24:05.7
Matagal na palang ulila si Martha.
24:08.0
Tangay ang ina na lamang ang naging sandigan niya noong simula pagkabata.
24:12.3
Pero namatay din ito o pagkaraan.
24:14.3
Ang iwan sila ng kanyang ama.
24:16.5
Kaya magmula noon ay siya lang ang namuhay na mag-isa sa bahay.
24:21.0
Si Renato lang din daw ang naging kaibigan niya noong high school pa lamang sila.
24:25.4
Dahil nga sa magkapitbahay lang silang dalawa.
24:28.4
Madalas ay magkasabay silang umuuwi at pumapasok sa eskwelahan.
24:33.2
Pero hindi nagtagal ay umamin din si Martha.
24:36.1
Na gusto niya ang asawa ko kaya lang ay walang nararamdaman si Renato para kay Martha.
24:41.4
Simula noon ay iniwasan na ni Renato si Martha.
24:45.0
Naging biktima rin noon ang bullying si Martha sa eskwelahan na pinapasukan nila.
24:50.9
Pinapagtanggol pa rin naman siya ni Renato pero kahit kailan
24:54.2
ay hindi nagawang suklian ang asawa ko ang pag-ibig na iniyahayag ni Martha.
24:59.2
Kaya siguro ay ganoon na lamang ang titig niya kay Renato.
25:02.2
Nang umuwi ito sa bahay noong umaga rin yun.
25:04.9
Tulad ko ay maawain din kasi si Renato.
25:08.0
Kaya kahit gusto ng asawa kong itaboy si Martha sa bahay
25:11.0
ay hindi nito magawa dahil na rin sa akin.
25:13.9
At siguro ay dahil na rin sa pinagsamahan nila noon.
25:18.7
Hindi rin kasi mayaalis sa aming mag-asawa ang makisimpatya
25:23.2
sa mga taong nangangailangan ng tulong.
25:26.5
Kahit naman hindi kami binayayaan ng magandang buhay
25:29.1
ay may kakayahan pa rin kaming tumulong kapag may taong kailangang kailangan ng tulong.
25:34.6
Yun nga lang ay kailangan ko nang magdoble ingat sa pagkakataong yun.
25:40.0
Doon ako nagkaroon ng rason para mas lalong layuan si Martha.
25:45.1
Naisip ko kasi na baka kayaan niya ako.
25:47.8
Kinakaibigan ay dahil may nararamdaman pa siya sa asawa ko.
25:51.8
Kaya kapag nakikita ko siya at nilalapitan ako
25:54.6
ay nag-iisip kagad ako ng dahilan para layuan siya.
25:59.1
Nang minsan nga nagkita kami ulit sa palengke para bumili ng gulay ay kinumusta niya ako.
26:04.4
Sinagot ko naman siya na nasa maayos lang akong kalagayan.
26:08.2
Inimbitan niya ako kung pwede raw na kumain sa paborito niyang karinderiya.
26:13.9
Na malapit lang din sa palengke.
26:16.7
Pero tumanggi ako at sinabing may gagawin ako sa bahay.
26:20.4
Magmula noon ay hindi ko na siya kinikibo kapag nagkikita kami sa harapan ng bahay para magwalis ng bakuran.
26:27.1
Tatawagin niya lamang ako pero tatangon lamang ako at ngingiti sa kanya bago babalik na ulit sa pagwawalis.
26:33.7
Ilang araw na naging ganun ang routine ko hanggang sa sitahin na niya ako.
26:38.3
Tinanong niya ako kung bakit ko siya iniiwasan at ang naging sagot ko lang ay abala ko sa mga gawaing bahay.
26:44.5
Hindi ko na rin kasi alam kung makukumbinsi ko pa ang sarili ko na maging malapit pa sa kanya matapos sa mga nalaman ko sa buhay niya at sa mga ginagawa niya.
26:54.8
Isa rin kasi sa mga naikwento sa akin ni Renato na muntik na siyang magayuman ni Martha dahil lang sa pagkahumaling niya sa asawa ko.
27:03.4
Baka kasi kung ano lang din ang masabi ko kapag binigyan ko pa siya ng pagkakataon na kausapin ako.
27:08.8
Ayaw ko rin umabot sa puntong magkasagutan kami.
27:11.9
Hindi ko rin gusto ng away.
27:14.8
Akala ko ay titigilan na niya ako matapos ang matagal kong pag-iwas sa kanya papadudod.
27:19.8
Pero isang araw ay sinugod niya ako at pinagbintangan na chinichismis ko raw siya sa ibang kapitbahay namin na malandi siya at kinakalantari niya ang asawa ko.
27:29.7
Gusto ko mang aminin na alam ko namang totoo ang mga sinasabi ng tao sa kanya pero kahit kailan ay wala akong pinagsabihan ang bagay na yon.
27:38.4
Hindi ko rin alam kung kanino niya nabalitaan na sinabi ko yon.
27:43.0
Pero wala na akong pakialam kung sino man ang nagsabi sa kanya.
27:47.3
Ang ayaw ko sa lahat ay idinidiin ako sa kasalanang hindi ko naman talaga nagawa.
27:53.3
Hindi ko rin gusto na bigla na lang niya akong susugurin sa bakura namin at sasabihan ako ng kung ano-ano.
28:00.0
Naggalit ako sa ginawa niya papadudod.
28:02.9
Alam ko kasi sa sarili ko na wala akong ginagawang masama.
28:06.4
Kung meron mang isa sa amin na gumagawa ng masama ay siya yon at hindi ako.
28:10.8
Dahil nga sa naging inkwentro namin ay isang babala ang iniwan sa akin ni Martha bago niya ako tinigilan.
28:18.2
Sinabi niya na pagsisisihan ko raw ang nagawa ko at pang-aagaw ko raw kay Renato sa kanya.
28:24.5
Hindi ko alam kung nababaliw na ba siya o ano.
28:27.7
Pero sa naging babala niya sa akin ay nagkaroon ako ng kakaibang takot na noon ko pa lamang naramdaman.
28:33.7
Hindi ko alam papadudod kung ano ang mararamdaman ko sa kanya pagkatapos sa naging inkwentro namin ni Martha.
28:38.9
Nangamba ako pero kakibat noon ay nagpupuyos ang aking damdamin.
28:44.7
Paano niya nagawang pagbintangan ako ng ganon na lamang?
28:49.2
Naisip kong baka gawa-gawa lamang niya ang mga bagay na yon para magpapansin.
28:54.0
Matapos nga ang nangyari ay kinausap ako ng aking biyanan na kumalman na lamang muna at hintayin si Renato para makipag-areglo sa kanya.
29:02.8
Hindi ko kasi kayang palagpasin na lamang ang ginawa sa akin ni Martha.
29:06.5
Magtatanghali na rin ang makauwi ang aking asawa mula sa pabrika.
29:11.8
Agad naman niya akong sinamahan sa barangay para magreklamo sa ginawa sa akin ni Martha.
29:16.9
Pero hindi pa man kami nakakarating sa barangay hall ay bigla akong nakaramdam ng pananakit ng sigmura at para akong maduduwal.
29:25.7
Malamig din ang pawis na inilalabas ng katawan ko at nahihilo ako.
29:30.3
Ilang minuto lang ang lumipas ay tuluyan na nga akong nagsuka sa loob ng tricycle kung saan kami sakain ng aking asawa.
29:37.3
Kaya ng mga oras na yon ay sa halip na barangay hall kami magpunta ay dumiretso kami sa ospital.
29:43.3
Hindi ko mawari kung bakit walang tigil ang pagduwal ko.
29:47.0
Pakaramdam ko nga ng mga oras na yon ay kinakayod ang bituka ko dahil wala na akong halos may suka pero masakit pa rin ang sigmura ko na parang kumakawala na lamang ang kung ano sa loob ko.
29:59.0
Nagsimula na akong mamutla hanggang sa hindi na akong makahinga at tuluyan ng mawala ng malay.
30:05.2
Nang magising na nga lang ako.
30:06.5
Nagsimula na ako ay namalayang ko na nga lang na nasa emergency room na ako.
30:11.2
Nasilayang ko na nga lang ang asawa ko na punong-puno ng pag-aalala sa mata niya habang tinititingan ako.
30:16.9
Hindi ko alam kung ano na nga ang sumunod na nangyari pagkatapos kong mawala ng malay.
30:21.5
Nang tanungin namin ang doktor kung ano ang dahilan ng pagkawala ng malay,
30:26.5
ang sinabi lamang niya ay dahil lang sa stress at excessive emotion na nararamdaman ko.
30:31.6
Normal naman daw ang resulta ng test sa akin kaya makakalabas din ako kaagad.
30:36.5
Hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko pero parang talagang may mali sa mga nangyayari.
30:43.6
Tinunong naman ako ni Renato kung wala daw ba akong bagay na ibinigay kay Martha na pag-aari ko.
30:49.7
Sinabi ko naman na wala pero may bigla akong naalala.
30:53.0
Noong kasing makita ko siyang may binabarang ay may hibla ng buhok siyang itinali sa leeg ng manikang gamit niya.
31:00.6
Noong ko napagtanto na baka kumuha si Martha ng hibla ng buhok ko sa suklay
31:04.9
na ipinahiram ko sa leeg.
31:06.5
Abot langit ang paghingi ko ng pasensya sa asawa ko dahil hindi ako naging maingat sa mga kinikilos ko.
31:15.3
Hindi ko naman inakalang maaari niyang gamitin ang bagay na iyon laban sa akin.
31:20.3
Laking pasasalamat ko na lamang at hindi ako natuluyan tulad ng mga taong binibiktima niya.
31:26.8
Hinintayin na lamang namin ang clearance mula sa doktor ng araw na iyon bago kami umuwi.
31:34.2
hindi ko alam na sa pag-uwi ko ay may balitang bubulaga sa akin.
31:39.3
Patay na raw si Martha.
31:41.3
Natagpuan ang bangkay nito sa kubo kung saan ko siya nakitang nambabarang.
31:46.3
May nakatarak na kutsilyo sa dibdib nito at naliligo sa sariling dugo.
31:51.0
Base sa imbestigasyon,
31:53.1
nagpakamatay ito gamit ang matalim na bagay dahil sa nabigo ito sa pag-ibig.
31:58.3
Nakita ko pa ang suicide note na inabot sa akin ng mga polis.
32:02.9
Para sa akin daw,
32:04.1
ang liham na iyon na isinulat niya gamit ang sariling dugo.
32:08.6
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na iyon.
32:12.6
Umihingi siya ng tawad sa akin sa mga kasalanang nagawa ko sa kanya.
32:17.1
Nagkamali daw siya ng taong pinagbintangan
32:19.1
at inaamin niya na muntik na niya akong mapatay sa pamamagitan ng pambabarang na ginawa niya.
32:25.8
Alam din daw niya na sinundan ko siya ng gabing iyon pero hindi siya nagtangkang lapitan ako
32:30.1
at kausapin dahil alam niyang matatakot ako.
32:34.1
Matagal na rin daw siyang walang nararamdaman kay Renato
32:36.7
at natanggap na niyang hindi siya kahit kailan mamahali ng asawa ko.
32:42.8
Kaya nang mabalitaan niyang may nagkakalat na may gusto pa rin daw siya kay Renato
32:47.1
ay ako kaagad ang pumasok sa isipan niya na posibleng gumawa ng bagay na iyon.
32:53.2
Nagpapasalamat din daw siya sa akin dahil sa kabila ng natuklasan ko
32:56.1
ay pinatuloy ko pa rin siya sa aming bahay.
32:59.2
Puro daw ang intensyon niyang makipagkaibigan sa akin
33:02.7
at walang balak na ipahamak ako
33:04.7
dahil lang sa asawa ko ang lalaking minahal niya.
33:08.3
Nasabi lang niya ang mga bagay na kinakatakot ko
33:10.7
dala ng galit na nararamdaman niya sa akin ng mga oras na iyon.
33:15.7
Magkahalong lungkot at pagkadismayaang naramdaman ko ng mga oras na iyon papadudod.
33:21.5
Pero sa kabila ng lahat ng nangyari naroon pa rin
33:24.1
ang pagdududa sa akin sa bigla niyang pagkawala.
33:27.9
Alam kong hindi talaga siya nagpakamatay
33:31.2
dahil kilala ko ang sulat kamay ni Martha.
33:34.1
Sigurado ako na hindi siyang nagsulat ng suicide note
33:36.9
na ibinigay sa akin ng mga polis.
33:39.8
Sa ilang buwan naming naging magkaibigan ay saulado ko na kung paano siya magsulat.
33:45.0
Kaya alam ko na may ibang taong nasa likod ng kanyang pagkamatay.
33:49.1
Hindi lang ako sigurado sa iniisip ko pero noong mailibing si Martha
33:53.1
ay may sinabi sa akin ng aking biyanan.
33:56.3
Tapos na raw lahat ng paghihirap ko sa kamay ni Martha.
33:59.5
Ayaw kong bumuon ang konklusyon
34:01.2
sa utak ko, papadudod.
34:03.5
Pero kung sakaling may kinalaman nga ang biyanan ko sa mga nangyari,
34:07.9
siguro ay mas gugustuhin ko na lamang na magpasalamat sa ginawa niya
34:12.2
kesa ang maggalit pa sa kanya.
34:15.7
Hanggang dito na lamang po papadudod at maraming salamat sa pagtanggap ng lihyam kong ito.
34:21.6
Sana ay maraming natutunan ang mga tagapakinig sa aking kwento.
34:26.4
Sana rin ay marami ka pang mga istoryang maihatid
34:29.6
sa aming mga masugid.
34:31.2
Hindi ko gustong maghatid mong tagapakinig.
34:32.9
Hindi ko gustong maghatid ng takot sa mga tao.
34:35.9
Ang nais ko lang ay magbigay ng babala sa mga taong madaling magtiwala at maniwala.
34:41.5
Lubos na gumagalang.
34:44.4
Kaibigan ang una nating nagiging sandigan sa oras ng pangangailangan.
34:51.9
Pero maaaring kaibigan din ang maging dahilan para tayo ay maging malapit sa kapahamakan.
34:56.7
Sa panahon ngayon ay hindi na madaling magtiwala sa mga taong nakakasalamuhan natin.
35:01.2
Para na rin kasiin nating isinugalang buhay natin kapag nagpadala tayo sa awa at bugso ng damdamin.
35:08.2
Gaya na lamang na nangyari sa letter sender nating si Elsa.
35:12.2
Hindi niya inakalang ang taong pinagkakatiwalaan niya ang maglalagay sa kanya sa alanganin at magdadala sa kanya sa bingit ng kamatayan.
35:21.2
Madali pong magtiwala sa mga tao lalo patlikas sa atin ang pagiging maawain.
35:27.2
Pero kaakibat dapat ng pagkitiwala ang pag-iingat.
35:31.2
Maging mapagmatsyag sa mga taong nakakausap sapagkat hindi lahat ng nakakasalamuhan natin ay may mabuting intensyon.
35:39.2
Huwag kalimutan na maglike, magshare at magsubscribe. Maraming salamat po sa inyong lahat.
36:01.2
Pag-iingat ay mahiwaga, laging may lungkot at saya.
36:11.2
Sa papatudod stories, laging may karamay ka.
36:24.2
Mga problemang kaibigan.
36:31.2
Dito ay pakikinggan ka.
36:37.2
Sa papatudod stories, kami ay iyong kasama.
36:49.2
Dito sa papatudod stories, ikaw ay hindi nag-iisa.
37:01.2
Dito sa papatudod stories, may nagmamahal sa'yo.
37:14.2
Papatudod stories.
37:19.2
Papatudod stories.
37:27.2
Papatudod stories.
37:29.2
Papatudod stories.
37:35.2
Hello mga ka-online, ako po ang inyong si Papa Dudut.
37:38.2
Huwag kalimutan na maglike, magshare at magsubscribe.
37:42.2
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanood inyo.
37:47.2
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala.