Close
 


#106 - Gaano kasaya ang mga Pilipino? / How happy are Filipinos?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Laging mukhang masaya ang mga Pilipino. Pang-ilan ba tayo sa mundo sa mga pinakamasayang tao? Alamin ang mga bansang pinakamasaya ayon sa World Happiness Report. [FREE] Ito ang libreng transcript para sa'yo:⁠⁠ ⁠https://drive.google.com/drive/folders/1GTztDjkli1_P4hAGgOVRfF9Rl6dJbVt1?usp=sharing⁠⁠⁠ May comment ka? O gusto mo sumuporta sa proyekto na 'to? Gusto mo sumali sa Telegram Immersion Group? Patreon: ⁠⁠⁠https://www.patreon.com/ComprehensibleTagalogPodcast⁠⁠⁠
Comprehensible Tagalog Podcast
  Mute  
Run time: 06:49
Has AI Subtitles




Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast at ngayong araw, pag-uusapan natin kung gaano kasaya ang mga Pilipino.
00:16.9
So, taon-taon naglalabas ng datos yung University of Oxford, yung World Happiness Report, at dito meron silang mga datos sa mga ranking ng mga bansa kung aling bansa ang pinakamasaya at aling bansa ang pinakahindi masaya.
00:42.6
Siguro alam nyo na halos taon-taon, yung mga pinakamasayang bansa ay yung mga bansa sa Scandinavia tulad ng Finland, ng Denmark, ng Iceland, ng Sweden, at ibang bansa tulad ng Israel.
01:05.7
At sa taon na 2023, yung pinakamasaya.
01:12.6
Ayon sa World Happiness Report ay yung Finland. Yung pinakahindi masaya naman, yung pinakanasa dulo ng ranking ay yung mga bansa tulad ng Afghanistan, Lebanon, Sierra Leone, Congo, Zimbabwe, Botswana, Malawi, Zambia, at iba pa.
01:36.9
Pero ang Pilipinas, nasaan ba?
01:41.5
Nasaan ba ang Pilipinas sa ranking na yun?
01:46.8
Kasi merong ideya ang mga banyaga, ang mga foreigner na masaya ang mga Pilipino.
01:57.0
At yun ang nakikita kong stereotype sa mga street interview sa Korea o sa Japan, sa Asian boss,
Show More Subtitles »