MGA BANSANG TINULUNGAN at KINUPKUP ng PILIPINAS KASAMA ang CHINA 😊
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Ang mga bansang China, Russia at Iran pala ay tinulungan ng Pilipinas sa kasaysayan, kailan at paano?
00:09.3
Ang pagkakaroon ng positibong pananaw, mapagkalinga, matulungin at higit sa lahat, hospitable o mapagpatuloy sa bisita ay ilan sa mga pagpapahalaga o values na tila natural ng taglay sa dugo ng mga Pilipino.
00:23.6
At alam nyo bang matagal nang nakaukit sa kasaysayan ang tradesyon ng pagtanggap at pagkupkup ng Pilipinas sa mga banyagang nawala ng tahanan dahil sa digmaan, kaguluhan, karahasana, panguusig at mga kalamidad?
00:38.9
Sa katunayan, maraming beses nang binuksan ng Pilipinas ang pintuan nito para ampunin ang mga refugee at maging isang malaking bahay ampunan ng mga api na wala ng pag-asa.
00:49.6
Kaya naman sa videong ito ay aalamin natin ang 8 na mga...
00:53.6
Mga Bansa na Tinulungan ng Pilipinas sa Panahona ng Krisis at Digmaan
00:58.4
Russia, 1923 at 1947
01:07.4
Sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig, 800 white rasyan ang dumating sa Pilipinas upang takasan ang panguusig o persecution mula sa mga red rasyans o tagapagsuporta ng socialist revolution noong 1917.
01:22.6
Mula sa isa sa mga huling military stronghold ng white rasyans, ang Vladivostok City, bumiyahe ang 800 rasyans na ito na bahagi ng 8,000 refugee mula sa lungsod papunta sa mga pantalan sa Asia.
01:35.2
Pagkatapos silang tanggihan ng Korea na dating pinamumunuan ng Japan, naghiwalaya ang 23 barko patungo sa dalawang ligtas na pantalan, Shanghai at Manila.
01:46.6
Sa huli, nailipat ang mga refugee sa mga bansa tulad ng US at Australia.
01:51.9
Habang ang iba ay nanatili sa Pilipinas, ang 250 sa kanila ay nagmigrate sa Mindanao upang magtrabaho sa mga noon ay umaasensu pa ng mga tanima ng abaka.
02:03.5
Taong 1947 naman, nagpanik ang white rasyan sa China dahil sa pagdating ng mga komunista.
02:09.9
Kaya naman, nagpadala sila ng sundag sa buong mundo upang humingi ng tulong.
02:14.5
Tanging Pilipinas lamang ang nagreply sa kanila at hinayaan silang magtungo sa Pilipinas upang doon ay kupkupin.
02:21.9
Nagtayo sila ng kampo sa Tubabaw Island sa Guyana Eastern Samar mula 1949 hanggang 1953 kung saan nagturo sila ng pagtungtog ng piano at ballet sa mga lokal.
02:36.4
Bago matapos ang Spanish Civil War, idiniinikezon ang kahalagahan ng absolute neutrality o hindi pagkampi o pagsali sa anumang digbaang sangkot ang bansa.
02:47.6
Dahil dito, lubos na nakinabang ang mga Republican galing Espanya.
02:51.9
Na tumakas sa kamay ng pasistang pamamahala ni General Francisco Franco, isang nasyonalista.
02:57.9
Kaaway ng Heneral ang mga Republican, kaya naman kalahating milyon na mga Spanish Republicans at kanilang pamilya ang napilitang magtago at tumakas sa France at North America upang maiwasan ang kamatayan.
03:10.5
Nahirapan silang kumuha ng visa, ngunit ang dating mga kolonya ng Espanya, gaya ng Mexico, Dominican Republic at Pilipinas ang tumulong sa kanilang makalayo.
03:21.9
Israel, 1934-1940
03:25.7
Sinalag ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kritiko sa kanyang open-door immigration policy, kung saan malugod niyang tinanggap ang 1,200 Jewish refugee mula sa Europa at Israel na tumakas mula sa malawakang paglipol sa lahing judyo noong ikalawang digmaang pandaigdig.
03:44.6
Inialok ni Pangulong Quezon ang kanyang lupa sa Marikina para sa mga refugee.
03:49.7
At ipinaglaban na tanggapin ang mahigna.
03:51.9
Sigit 30,000 Jewish refugees na tumakas.
03:55.1
Si Pangulong Quezon kasama si Macnaught, Kolonel Dwight D. Eisenhower at ang Jewish American Cigar Manufacturer na si Herbert Frieder ay nagtulungan upang magkaloob ng work visas patungong Pilipinas para sa mga refugee na nais makatakas mula sa kababalaghan ng Germany.
04:11.7
Bilang bahagi ng komunidad ng mga judyo sa Pilipinas, tinulungan ang mga kapatid na Frieder na mag-ipon ng pera upang suportahan ng mga Jewish refugees.
04:21.1
Habang sila ay nasa bansa, natagpuan ang mga Jewish refugees ang kanilang kaligtasan sa Pilipinas bago maranasan ng mga Pilipino at mga Judyo ang hagupit ng digmaan.
04:31.9
Bilang pagtanaw sa kabutihan ni Pangulong Quezon, itinayo ang kanyang monumento sa Tel Aviv, Israel.
04:38.6
Vietnam, 1975-1992
04:41.9
Tinawag na mga taong bangka o boat people ang mga Vietnamese na naghanap ng masisilungan sa Perlas ng Silangan.
04:48.5
Matapos ang gyera na nagdulot ng pag-iisa ng North at South Vietnam, dala ng sakot dahil sa pagsuporta ng ilang Vietnamese sa South Vietnam government at mga kaanib ditong mga Amerikano sakay ng kanilang mga bangka, inanod sila sa dagat hanggang sadalhin sila ng alon sa mga dalampasigan ng Bataan, Ulugan Bay at Palawan.
05:08.3
2,700 refugees ang inilagay sa isang kampo upang magtrabaho, magsaka o mangisda.
05:16.1
Ang iba ay nakapangasawa na ng Pinoy.
05:18.5
At dito na nanirahan.
05:22.3
Sa pagtatapos ng dekada 70, dumating ang libo-libong Iranian sa Maynila upang mag-aral at magtrabaho.
05:29.7
Bunsod ng Persang pagpapalit ng kanilang pamahalaan.
05:32.4
Anila, mas gugustuhin nilang maging refugee sa Pilipinas kesa maipit sa kaguluhan.
05:38.3
Tumaas ang tensyon ng mga loyalista, ngunit natigil ito sa bantana sila ay ipapadeport.
05:44.0
Maraming Iranian refugees ang nagpa siyang manatili.
05:47.2
Nakikiisa sa lokal na kumulungan.
05:48.5
At may mga nag-asawa ng mga Pilipino upang maging mamamayan dito.
05:54.6
Sa pagdating ng dekada 90, iniulat ng census ng Pilipinas na ang mga Iranian ang bumubuo ng pinakamalaking populasyon ng mga non-Indo-Chinese refugees sa bansa.
06:06.3
Indo-Chinese, 1980
06:08.5
Sa bantanang krisis sa kanilang mga bansa, 400,000 Indo-Chinese refugees mula Laos, Kamburya at Vietnam ang tumakasakay ng bangka.
06:17.5
Patungo sa Pilipinas, mula 1980 hanggang 1994, at nanirahan sa Philippine Refugee Processing Center sa Murong Bataan, kasama ng UNHCR.
06:28.4
Nagtrabaho ang pamahalaan upang maprotektahan, turuan at ihanda ang mga refugee para sa kanilang bagong buhay.
06:35.7
Hinihimok ang mga refugee na dumalo sa mga klase upang matuto ng Ingles, pati na rin sa iba pang mga programa sa edukasyon.
06:44.5
Noong taong 2000, binigyan ng pansamantalang proteksyon ang 600 East Timores sa Pilipinas habang ang kanilang bansa ay nagsusumika para sa kalayaan mula sa Indonesia.
06:56.7
Sinuportahan ng dating Pangulong Estrada ang mga lokal na pagsisikap na matulungan ang mga refugee.
07:02.6
Naglaan ang Simbahang Katoliko sa Maynila ng $200,000 para sa layunin na ito.
07:08.0
Pagkatapos na maibalik ang siguridad, ang mga refugee sa Pilipinas, Indonesia at iba pang bansa ay umuwi na sa Indonesia.
07:14.5
East Timor, China, 1940
07:17.6
Sa sumunod na taon, mga insik naman na biktima ng civil war sa kamay ng mga komunista ang winelkam ng Pilipinas.
07:26.0
Sila ay binubuo ng mga 30,000 mga kumintang na galing mainland China.
07:31.2
Dahil dito, nilimitahan ang Kongreso noong 1940 ang bilang ng mga emigrant kada taon sa limang daan.
07:37.6
Ngunit magbibigay ng egsepsyon para papasukin ang mga refugee for religious, political and racial reasons.
07:44.5
Sa pagkopkop ng Pilipinas sa mga refugee mula sa iba't ibang panig ng mundo,
07:50.2
ay totoong kahanga-hanga na wala tayong tinatangi at diskriminasyon sa ibang bansa
07:55.5
dahil hindi natin sinuri ang kanilang relisyon, kulay, kultura, lingwahe at paniniwala.
08:02.8
Bago sila papasukin, bagkos nakita natin ang kanilang pangangailangan, proteksyon, siguridad at bagong pag-asa na makabangong muli.
08:11.3
Mga bagay na ating pinapahalagahan rin.
08:13.7
Lalo na, noong tayo'y biktima din ng karahasan.
08:16.7
Ang ating malugod na pagtulong ay hindi isang pagmamalaki, kundi isang pagbibigay-pugay sa kulturang Pilipino.
08:23.7
Na kahit maligaw ka sa ibang bansa, maghanap ka lang ng Pinoy, ay siguradong makakarating ka sa iyong paruroonan.
08:30.7
Ano ang masasabi mo sa katangian nating mga Pilipino?
08:33.7
I-commento mo naman ito sa iba ba?
08:35.7
I-like ang video? I-share mo na rin sa iba?
08:38.7
At salamat sa panonood mga kasuksay!
08:43.7
Thank you for watching!