01:29.2
Dear Papagdudud, magandang araw po sa mga nakikinig at mga nakasubscribe sa inyong YouTube channel.
01:37.5
Nakasubscribe na rin nga pala ako sa Kaistorya at sa Papagdudud Family YouTube Channel.
01:41.7
Nag-send po ako ng letter sa inyo para ilahad ang mga bagay na nangyari sa akin limang taon ng nakakaraan.
01:50.5
Itago nyo na lamang po ko sa pangalang Gia, 20 years old na taga Quiapo.
01:56.7
Alam kong ang iba sa inyo ay madalas magpunta sa lugar na binanggit ko para magsimba at makita ang puong Nazareno.
02:05.7
Pero ako ay hindi pagsisimba ang madalas kung dinadayo sa lugar na yon.
02:10.8
🎵 Dito sa Papagdudud Stories 🎵
02:11.5
Nagpupunta ako sa Quiapo para magpahula.
02:16.4
Sa baraha ko ay dinedepende ang magiging kapalaran ko.
02:20.5
May mga pangarap kasi ako sa buhay na gustong-gusto ko matupad.
02:24.3
At sa tingin ko ay baraha lamang ang makapagsasabi sa akin ng bagay na yon sa akin.
02:30.5
Bunso pala ako sa aming limang magkakapatid.
02:34.4
Graduate na ako ng tourism pero dahil hindi gaanong kadaling makahanap ng trabaho ay nag-apply muna ako bilang front desk.
02:41.5
Officer sa isang hotel malapit lang sa tinitirhan namin.
02:47.0
Magkanya-kanya ng pamilya ang mga kapatid ko.
02:50.6
At ako na lang ang kasama ng nanay at tatay ko sa bahay.
02:54.3
Nagbibigay pa rin naman ang mga ate at kuya ko pero hindi pa rin sumasapat sa mga gastusin namin sa bahay.
03:03.0
Lalo pa ngayon na matanda na at madaling dapuan ng sakit ang mga magulang namin.
03:09.0
Hindi naman sa nagireklamo.
03:11.5
Naiintindihan ko rin naman na may binubuhay din ang mga kapatid ko.
03:16.3
Pero minsan ay sobrang nakakapagod na.
03:20.2
May mga pagkakataong gusto ko na lamang sumuko at maging halaman na lamang sa lupa.
03:25.9
Kahit na isang araw lang.
03:28.8
Kasi ang mga halaman papadudut ay nagagawang makasurvive kahit na dinidiligan lang.
03:34.4
Samantalang tayong mga tao, kailangang kumayod para lamang mabuhay.
03:43.1
Masayahin naman talaga akong tao.
03:46.1
Siguro kasi yun ang coping mechanism ko para hindi ko maisip ang mga problema kinakaharap ko.
03:52.3
Kaya siguro naniniwala ko sa hula kasi baka sakaling swertihin din ako sa buhay.
03:58.1
Sa panahon kasi ngayon.
04:00.3
Kung hindi ka kakayo de magugutom ka and worse ay baka sa kangkungan kami pulutin ang pamilya ko.
04:07.9
Hindi ko nalabang magagutom.
04:09.1
Hindi ko nalabang po sasabihin kung saan hotel ako nagtatrabaho.
04:12.9
Masyado kasing confidential.
04:15.1
Pero sa hotel na yun ko nakilala ang matalikong kaibigan na si Vanessa.
04:21.9
Madalas ko siyang nakakasama sa front desk kaya kapag walang masyadong guests ay nakakapagpintuhan pa kami.
04:29.6
Minsan ko na rin siyang inaya na magpahula sa mga manghula sakya po pero ayaw daw niya.
04:35.5
Hindi raw kasi siya naniniwala sa hula.
04:39.1
Magpahulaan niya lang ako sa lugar na yun para lang magsimba o kaya naman ay kumain.
04:44.4
Madalas nga niya akong pagtawanan dahil ang tanda ko na raw para maniwalang nagkakatotoo ang hula.
04:52.0
Ang sinasabi ko lang sa kanya ay wala namang masama kung maniniwala ako.
04:57.5
Wala namang mawawala sa akin kung sakali.
05:01.0
Nagsuggest naman siya na pahulaan ko raw kung magkakalove life na nga ba ako.
05:07.2
Ayaw ko sanang malaman kung magkakalove life na nga ba ako.
05:09.1
Ayaw ko sanang malaman kung ano ang magiging resulta ng buhay pag-ibig ko pero dahil makulit siya ay napapayag na ako.
05:15.1
Kapalit kasi noon ang pagsama niya sa akin para lang hindi ako mag-isa.
05:20.5
Kung hindi lang dahil sa ayaw kong nagpupunta roon na mag-isa, hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari.
05:29.7
Para na rin yun sa pagkakaibigan namin kaya naman nagpa siya akong ipabasa sa barahang magiging love life ko.
05:36.7
Kung magkakaroon man o aasa lang ako,
05:39.1
sa totoo lang ay hindi pa ako ready para magka-boyfriend.
05:44.7
Gusto ko muna kasing matupad ang mga pangarap kong mag-ibang bansa bago ang boyfriend na yan.
05:50.3
Never pa kasi akong nagka-boyfriend at marami namang umaaligid sa akin papadudot.
05:55.7
May mga nagpaparamdam pero pagkaraan ng isa o hanggang dalawang linggo ay bigla na lamang silang nawawala at iniiwan ako sa ere.
06:04.5
Suki na ako ng mga naggo-ghosting na mga lalaki.
06:07.9
Pero sabi sa akin ni Vanessa ay hindi naman daw kasi sa tagal ng panliligaw binabase.
06:13.7
Ang pagmamahal kundi sa tagal ng pagkasamang meron kayo ng taong mahal mo.
06:18.7
Medyo malabo para sa akin ang bagay na yun dahil gusto kong gayahin ang nanay ko.
06:24.5
Isang taon bago niya sinagot ng tatay ko at doon niya napatunayan na mahal nga siya ni tatay.
06:31.3
Alam kong sobrang old fashion na nang sinasabi ko pero ayaw ko rin namang umasa sa wala.
06:36.0
Mas gusto ko kasi na ang unang lalaking mamahaling ko ay siya na rin ng huli.
06:43.8
Naintindihan naman ako ni Vanessa sa bagay na yun papadudot kaso may pakiramdam daw siya na makikilala ko na ang lalaking unang magpapatibok ng puso ko.
06:54.4
Sinunod ko naman ang gut feeling niya kaya magkasabay kaming nagpunta sa Quiapo pagkatapos ng shift naming dalawa.
07:02.2
Isa lang ang madalas kong puntahan na manguhula sa Quiapo.
07:06.0
Mas accurate kasi ang mga hula niya sa akin kumpara sa ibang naro roon.
07:13.2
Feeling ko nga scammer ang karamihan na naro roon.
07:17.6
Pero itong si Manang Ida iba siya kumpara sa mga manguhulang nakapuesto sa Quiapo.
07:22.9
Nahulaan nga niya na magkakatrabaho na ako at ilang araw lang ay tinawagan na ako ng hotel kung saan ako nagtatrabaho sa ngayon.
07:31.6
Kaya ganoon na lamang kalaki ang tiwala ko sa kanya.
07:34.6
Nung gabing ring yun.
07:36.0
Ay sa kanya ako nagpunta para magpahula.
07:39.6
Nagulat nga siya at sa unang pagkakataon ay kapalaran ko naman sa pag-ibig ang ipapahula ko.
07:45.5
Madalas daw kasi ay sa karirang madalas kong ipahula.
07:49.2
Na-excite naman siyang basahin ang kapalaran ko sa buhay pag-ibig.
07:53.6
Malakas din daw kasi ang pakiramdam niya na makikilala ko na ang lalaking nakatadhana para sa akin.
07:59.5
Dalawa silang nagsabi sa akin na ganoon kaya nagtiwala na lamang ako sa iniisip nila.
08:04.2
Hindi ko rin naman kasi maiiwasan ang tadhana.
08:08.9
Baka nga nasa tabi-tabi lang ang lalaking makakapagpaligaya sa nalulumbay kong puso.
08:16.0
At kung makilala ko man siya.
08:18.8
Hindi ko na rin mapipigilan ang kapalaran naming dalawa papadudot.
08:22.7
Pagtatagpuin at pagtatagpuin ang landas namin kahit ano paman ang mangyari.
08:28.4
Pinapili ako nima ng ida ng anim na baraha pagkatapos niya itong balasahin.
08:33.2
Sa unang pagkakataon,
08:34.2
nakataon muna ang baraha.
08:36.7
Isa-isa niya itong itinihaya hanggang sa pang-anim na baraha.
08:42.2
Hindi ko mabasa ang mukha niya habang tinitingnan isa-isa ang mga tarot card na napili ko.
08:49.8
Kalmado lang siya at parabang may malalim na iniisip.
08:54.4
Segundo lang ang lumipas ay saka ko palang narinig ang kanyang sentimiento sa mga barahang napili ko.
09:00.6
Makikilala ko na raw ang lalaking nakatadhana sa akin sa simbahan.
09:04.2
Makakabanggaan ko raw ito.
09:06.3
Guwapo at matangkad ang lalaking yon, sabi pa niya.
09:09.6
Pero kailangan ko pa rin daw magingat dahil baka maakit ng iba ang lalaking para sa akin.
09:15.3
Hindi ko alam kung papaano ko papaniwalaan ang bagay na yon, papadudot.
09:19.8
Madalas naman din kasi akong nagsisimba at karamihan sa mga lalaking nakakabangga ko
09:24.0
ay kung hindi matanda, mga snatcher at kilalang mandurugas ng kiyapo.
09:29.0
Mukhang sa unang pagkakataon ay hindi ako maniniwala sa hulang yon ni Manang Ida.
09:33.2
Minsan na kasi akong nabudol ng mga lalaking aksidente kong nakabanggaan sa loob ng kiyapo church.
09:40.0
Kaya posibleng ang tinutukoy ni Manang Ida ay isa na namang malaking kalokohan.
09:45.6
Sinabi ko sa kanya na baka sa pagkakataon yon ay sumablay siya.
09:49.4
Hindi ko alam kung magtitiwala pa ako sa kanya oras na hindi mangyari ang sinasabi niya sa akin.
09:55.2
Dismayado kong malis ng kanyang pwesto at siguro ay dahil hindi ako handang marinig ang mga bagay na sinasabi niya.
10:03.2
Kaya sa hindi ako handang magka-boyfriend,
10:05.8
ang totoo nga niya na ay sinasabi ng mga magulang ko
10:08.5
na maghanap na raw ako ng lalaking makakasama ko sa panghabang buhay.
10:13.6
Pero ayaw ko pa talaga.
10:16.3
Kaya siguro gano'n na lamang ang pagtanggi ko na totoo ang magiging hula ni Manang Ida para sa akin.
10:22.2
Matapos nga naming magpahula ni Vanessa ay nag-decide na lamang ako na dumaan sa simbahan.
10:27.3
Para na rin siguro malaman kung totoo ba ang hula ni Manang Ida sa akin
10:31.2
at para na rin ipagdasal.
10:32.7
Ipagdasal na mabuhay pa ng matagalang mga magulang ko.
10:37.9
Masyado kasi silang nag-aalalaan na baka kapag wala na sila ay tumandang dalaga naman ako.
10:44.0
Hindi naman siguro mangyayari yon dahil kahit papaano naman ay malakas pa rin ang katawan nila.
10:50.3
Magkasama kami ni Vanessa noong mga oras na yon sa simbahan.
10:54.3
Bigla nga lang ay may tumawag sa kanya at sinabing may emergency raw sa bahay.
10:59.4
Hindi ko na naman siya pinigilan kaya pinagmadali ko siya.
11:02.7
Sinabi ko na lamang na huwag niya akong alalahanin dahil kaya ko namang mag-isa.
11:10.2
Matapos ko nga magdasal ay saka pa lamang ako lumabas ng simbahan.
11:15.2
Tulad ng inaasahan ay wala akong lalaking nakabangga.
11:19.0
Mukhang napatunayan ko na sumablay rin si Manang Ida sa panghuhula niya sa akin.
11:25.6
Pero hindi pa man ako nakakalabas ng bakura ng simbahan ng Quiapo.
11:29.4
Ay bigla ko na lang naramdaman na may matigas na tumama sa akin.
11:32.7
Nang iangat ko naman yon ay para kong nakakita ng anghel sa lupa.
11:38.1
Isang lalaki ang nasa harapan ko gwapo at matangkad.
11:41.8
Hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko.
11:47.5
Una siyang humingi ng pasensya sa nangyari at pinulot ng shoulder bag ko na nalaglag.
11:53.5
Sinabi ko naman na ako dapat ang mag-sorry dahil hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko kaya nabangga ko siya.
12:01.6
Nakatingin kasi ako sa phone.
12:02.7
Habang naglalakad kaya hindi ko siya napansin.
12:08.2
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ng mga oras na yon kaya minabuti ko na lamang na magpaalam sa kanya.
12:16.8
Papadudot tumanggi pa ako na totoo ang hula ni Manang Ida sa akin.
12:21.9
Ang sabi niya kasi ay sa loob ng simbahan kami magtatagpo ng lalaking nakatadhana sa akin.
12:28.7
Kaya hindi ko sigurado kung ang lalaking nakabangga ko sa labas ng simbahan.
12:32.7
Ang tinutukoy niya.
12:34.8
Pero hanggang sa pag-uwi ko ay naiisip ko siya.
12:39.3
Parabang panayang pagrehistro ng napakagwapo niyang mukha sa uta ko.
12:44.0
Kulang nangalang ay maglabas ako ng photocopy ng picture niya gamit lang ang ulo ko.
12:49.2
Bukod kasi sa napakaamo at napakalalim ng kanya mga mata ay napukaw din ang atensyon ko ang napakatangos niyang ilong.
12:57.1
Na dinaig pa ang ruler sa sobrang tuwid.
13:00.0
Pero ang mas lalong nakapagpakilitin ng kapatid.
13:02.7
Ang mga kalamnan ko ay ang napakalalim niyang boses.
13:07.9
Lalaking lalaki ang dating niya sa suot niyang white shirt at maung pants.
13:12.9
Tapos ay sobrang bangupa ng kulong niya.
13:16.0
Saka pa lamang ako nagsisi ng mapagtantong hindi ko natanong ang pangalan niya at hindi man lang nakapagpakilala sa kanya.
13:24.6
Ewan ko ba dahil sa kabako ay kaagad akong umalis sa lugar.
13:28.8
Pero naniniwala ako na kung talagang siya na.
13:32.7
Para sa akin ay magkikita at magkikita kami ulit.
13:37.8
Lalo naman akong nagsisi ng mapagtantong na wala ang wallet ko.
13:42.7
Papasok na sana ako sa trabaho pero nang titignan kong pitaka ko sa bag ko ay wala na ito.
13:48.9
Mabuti na lang talaga at mahilig akong magtabi ng pera sa bag ko kaya may pamasahe pa ako papunta ng trabaho.
13:55.4
Napansin naman ni Vanessa na sobrang aligaga ako nang makarating ako sa front desk.
14:00.1
Muntik pa nga akong maliit.
14:01.7
Mabuti na lang talaga at hindi kaagad dumating ang boss namin.
14:05.5
Kundi ay katakot-takot na namang sermon ang aabutin ko.
14:09.1
Hindi po yun ang unang beses.
14:11.6
Nanawalan ako ng wallet sa kya po kaya hindi ko inilalagay doon mga importanteng bagay tulad ng ATM card ko.
14:18.0
Natuto na ako kaya bumili talaga ako ng purse na lagaya ng mga card at ID ko.
14:22.9
Hindi pa ba natatapos ang araw ko ay may bigla namang sumulpot sa harapan ko.
14:27.3
Pamilyar ang mukha ng lalaking yun at hindi ako maaring magkamali.
14:30.5
Bigla niyang ibinigay sa akin ng isang pitaka na kilalang kilala ko ang itsura.
14:36.2
I believe this is yours.
14:39.1
Yun ang sabi niyang habang inaabot sa akin ang wallet ko na inakala kong nasnatch na.
14:44.7
Nahulog ko raw yun ang magkabangga kami sa labas ng Quiapo Church.
14:48.5
Ahabulin niya na sana ako pero hindi na niya ako nakita dahil sa dami ng taong nakaharang sa kanya.
14:54.0
Mabuti na lang at naroon ang lumang company ID ko kaya siguro inalaman niya ang nagtatrabaho ko sa hotel.
14:59.9
Ahabulin niya na sana ako pero hindi na niya ako nakita dahil sa dami ng taong nakaharang sa kanya.
15:00.5
Ang mas nakakagulat pa ay naka-check-in daw siya sa hotel na pinagtatrabaho ko at nagpakilala siyang si Glenn, isang businessman.
15:09.5
Panay naman ang panunokso sa akin ni Vanessa matapos niyang masaksihan ang pag-uusap namin yun ni Glenn.
15:15.6
Nakakita daw siya ng kakaibang spark sa mga mata namin.
15:19.4
May utang na naman ako sa kanyang kwento dahil hindi ko man lang daw sinabi kung paano kami nagkakilala ni Glenn.
15:27.1
Sigurado rin naman ako na hindi niya ako titigilan.
15:30.0
Kaya ikikwento ko na sa kanya kung paano nagsimula ang lahat.
15:34.2
Kilig na kilig naman siya habang inilalahad ko ang pangyayari kung paano nagkrus ang landas namin ng lalaking yun.
15:41.7
Hindi rin kasi ako makapaniwala na magkikita ulit kami pagkatapos ng lahat.
15:46.9
Doon pa lang ako naniwala na tama ang hula ni Manang Ida.
15:50.9
Mukhang tadhana na nga ang nagsasabi na si Glenn na ang lalaking nakaguhit sa palad ko.
15:57.7
Hindi ko naman inaasahan na pagkatapos,
16:00.0
tapos ng shift ko o ay inaya niya akong kumain.
16:03.9
Tinanong ko naman si Vanessa kung gusto niyang sumama pero ang sabi lang niya ay may importante siyang gagawin.
16:12.0
Alam ko namang palusot lamang yun ang kaibigan ko dahil bago yun ay sinabihan niya ako na kailangan ko na raw kilalanin ang lubusan si Glenn
16:20.2
at bigyan ang pagkakataon ng sarili kong sumaya.
16:24.9
Hinayaan ko na lamang si Vanessa at sumama na nga kay Glenn.
16:27.9
Ang akala ko ay sa mga Korean event.
16:30.0
Ang akala ko lang napapanood ng mga ganito.
16:32.6
Noong lumabas kasi ako ng building ay isang kotse ang nakaabang sa amin ni Glenn na siya namang pinagbuksan ako ng pinto.
16:40.6
Sobrang nakakakilig ang mga eksena ng yun na akala ko ay imposibleng mangyari sa buong buhay ko.
16:47.3
Sa isang 5-star restaurant niya ako dinala.
16:50.0
Noong una ay nahihiya ako dahil hindi naman talaga ako sanay kumain sa mga ganong klase ng restaurant.
16:55.9
Akala ko nga ay sa simpleng restaurant lang kami kakain pero hindi raw.
17:00.0
So bagay ang ganda ko sa mga mumurahing restaurant lamang.
17:04.8
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ng mga oras na yon papadudot dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may lalaking nagparamdam sa akin na espesyal ako.
17:15.0
Inaaming ko nararamdaman kong nahuhulog na ang loob ko kay Glenn.
17:19.7
Hindi ko nga lang alam kung pareho kami ng nararamdaman.
17:23.3
Kaya bago pa maging malabo sa amin ang lahat ay tinanong ko siya kung para saan
17:27.8
ang pag-i-invite niya ng Glenn.
17:30.0
Wala kasi akong makitang dahilan para yayain niya ako at dalhin sa ganong klase ng lugar.
17:37.0
Hindi ko pa pa natatapos ang kinakain ko ay bigla na lamang niyang sinabing gusto niya ako.
17:42.3
Simula nang makita niya ako sa simbahan ay hindi raw ako matanggal sa isipan niya.
17:48.3
Kaya naman ang magkaroon ng pagkakataon magkita ulit kami ay sinigurado na niya na hindi na niya palalagpasin pa ang lahat.
17:57.0
Gusto niya raw akong ligawan at maging grabe.
18:00.6
Papadudot isang panibagong katanungan na naman ang kailangan kong sagutin.
18:07.1
Gusto ko naman talaga si Glenn pero ayaw kong madaliin ang lahat.
18:12.0
Hindi naman kasi ako ang klase ng babae na makukuha agad sa material na bagay.
18:17.9
Noong sinabi ko nga kay Vanessa ang napag-usapan namin sa dinner date ay inis ang naramdaman niya sa akin.
18:26.0
Bakit daw nagpakipod pa ako at binitin ang sagot ko kay Glenn?
18:30.0
Ang mga ganong pagkakataon daw ay hindi na dapat pinapalagpas pa.
18:35.7
Pero paano kung niloloko lang niya ako at baka madiskubre ko?
18:40.2
Na isang araw na hindi lang pala ako ang babaeng dinidate niya.
18:44.8
Masyado raw akong nag-o-overthink.
18:47.2
Baka nga raw ganon ang mangyari kung patatagaling ko pa ang lahat.
18:51.7
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Manang Ida sa akin na baka nga makuha agad ng iba ang lalaking para sa akin.
18:58.1
Kung hindi ako mag-iingat.
19:00.0
Hindi ko naman ina-anticipate na mangyayari nga ang bagay na yon kasing mahirap mag-decide.
19:06.1
Kaagad na hindi pa ako sigurado kaya pinatagal ko muna ng isang buwan ang panunuyo ni Glenn sa akin.
19:13.4
Baka kasi katulad din siya ng ibang lalaking nagpakita lang ng motibo at pagkatapos ay iiwan lang din pala ako sa ere.
19:22.1
Gusto ko rin makasigurado na siya na ang lalaking nasa barahan ni Manang Ida.
19:27.7
Ayaw ko rin kasing may pagsisihin.
19:30.0
Ako sa bandang huli.
19:31.9
Alam kong hindi magiging madali para kay Glenn ang lahat pero nakalagpas siya sa expectation ko.
19:38.7
He pursued me for more than a month kaya naman napag-isipan ko na ang lahat.
19:44.5
I invited him sa isang date at doon ko siya sinagot.
19:48.5
Sobrang saya niya noong mga oras na ibigay ko na ang matamis kong oo sa kanya.
19:54.8
Ipinangako naman niya sa akin na hinding hindi siya magsisisi na sinagot ko siya.
20:00.9
Masayang masaya rin naman ako noong saguting ko na siya.
20:04.5
Doon ko naramdaman papadudot na may taong kayang magtiis makasama lang ako papadudot.
20:12.0
Noong araw din yun ay ipinakilala ko na siya sa mga magulang ko.
20:16.3
Masaya naman sina nanay at tatay sa ibinalita ko sa kanya.
20:20.3
Nakiusap pa nga sila kay Glenn na huwag na huwag akong sasaktan.
20:24.7
Nangako naman si Glenn sa kanila na kahit na anong mangyari hinding hindi niya ako paiiyakin.
20:30.3
Ibinalita ko na rin kay Vanessa na boyfriend ko na si Glenn.
20:34.0
Tuwang-tuwa naman at masayang masaya siya para sa akin.
20:38.4
Walang paglagyan ang saya ko sa mga nangyari.
20:41.7
Pakiramdam ko ay malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay ko noong magkaroon na ako ng boyfriend.
20:48.8
Simula nga noon ay hatid sundo na ako ni Glenn sa trabaho.
20:53.3
At madalas na rin kaming kumakain sa labas.
20:56.7
Tinanong niya ako kung gusto ko raw bang pumunta sa condo unit.
21:00.0
Hindi naman ako nakatanggi dahil matagal ko nang gustong malaman kung saan siya nag-i-stay.
21:07.3
Hindi ko naman din inasahan na noong gabing yun ay may mangyayari sa amin.
21:12.5
That was my first time to sleep with a guy in one bed.
21:17.3
Pero hindi ko pinagsisisihan na ibinigay ko kay Glenn ang pinaka-iingatan kong perlas.
21:24.5
Ganon ko kasi siya kamahal, papadudot.
21:29.4
Nagising na lamang ako na nakahiga sa kama ni Glenn.
21:33.7
Tulog pa siya na mga oras na yon kaya malaya akong napagmasda ng napaka-amu niyang mukha.
21:39.7
Naisip ko na sobrang hirap pakawala ng katulad niya.
21:42.7
Kapag kasama ko siya ay pakaramdam ko ay bumabagal ang oras ko.
21:46.5
Hindi ko na nga na na malaya na mga araw na magkasama kami at habang tumatagal ay lalo ko siyang minamahal.
21:53.1
Doon ko napagtanto na siya na talaga ang lalaking nakatadhana para sa akin.
21:58.1
Hindi ko rin alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin.
22:03.0
Baka mamatay ako.
22:05.0
Habang pinagmamasdan ko siya sa mga oras na yon ay tumunog naman ang phone niya.
22:09.5
Ginising ko siya pero mukhang mahimbing ang pagkakatulog.
22:13.4
Nagdadalawang isip pa ako kung babasahin ko ang message na nagpop up sa phone niya.
22:18.1
Hindi ko kasi ugali ang magbasa ng messages ng iba.
22:22.1
Pero naisip ko rin na baka importante na message yon kaya naman dinampot ko na ang phone sa site.
22:28.1
At binasa ang message.
22:33.0
Hindi naman siguro siya magagalit kung sakaling basahin ko ang message na yon.
22:37.6
Girlfriend naman niya ako after all.
22:40.2
Nang binasa ko ang message ay galing yon sa isang unknown number.
22:43.4
Ang sabi nito ay naroon na raw sa kanilang depo ang mga internal organ na idideliver.
22:49.1
Napaisip ako ng mga oras na yon.
22:53.3
Hindi ko alam kung anong iisipin ko at para kasing may kakaiba akong kutob sa mga nabasa kong minta.
22:58.1
Pag-insahid sa phone ng boyfriend ko.
23:00.7
Papadudot kahit kailan ay hindi ko pa alam kung ano talagang negosyong pinapatakbo ni Glenn.
23:07.0
Sa tuwing tinatanong ko kasi yon, ang sinasabi lamang niya ay isang shipping company raw.
23:12.6
Pero hindi ko alam kung saan ang opisina niya.
23:15.0
Halos magdadalawang buwan na kami pero kahit na isang beses ay hindi ako nakapunta doon.
23:20.5
Na hindi ko nga rin alam kung buhay pa ba ang mga magulang niya o may mga kapatid pa ba siya.
23:25.5
Saka ako lang na realize na nasa loob ng 2 months.
23:28.1
Naming relasyon ay wala akong halos alam sa buhay ni Glenn.
23:32.8
Mas madalas pa nga akong magkwento ng tungkol sa akin kesa sa kanya.
23:37.2
Palagi na lang siyang tahimik kapag magkausap kami.
23:40.5
Pero malambing naman siya kaya hinahayaan ko na lang.
23:43.6
Nang magising siya ay agad naman niyang kinuha ang phone sa akin.
23:47.7
Nagalit siya nang makitang hawak ko ang phone niya.
23:51.0
Nag-sorry ako dahil akala ko ay ayos lang sa kanya.
23:53.9
Pero ayaw niya pala nang may nakikialam ng gamit niya.
23:58.1
Nung ko lang nakitang nagalit ng ganun si Glenn.
24:02.4
Para bang sobrang laki ng kasalanang nagawa ko.
24:05.5
Sinabi lang niya na umuwi na lang muna raw ako at may importante siyang pupuntahan.
24:11.2
Tinanong ko naman kung pwede ba akong sumama.
24:14.5
Hindi raw pwede dahil mahalaga ang lakad na yon sa kanya at huwag na lang daw akong makulit.
24:20.5
First time kong ma-encounter ang ganung mood niya.
24:23.8
Madanas kasi kalmado lamang siya at tahimik.
24:26.2
Ilang araw ding hindi nakipagkita sa akin si Glenn matapos sa mga nangyari.
24:31.8
Kinawagan ko naman siya pero ang lagi lang niyang sagot ay busy siya.
24:36.5
Napansin din naman yon ni Vanessa at parang bigla na nga lang nanlamig sa akin si Glenn.
24:42.2
Pagkatapos ng ilang buwan naming relasyon.
24:45.1
Pero binigyan ko pa rin siya ng benefit of the doubt at baka lang kasi talagang abala siya sa negosyo at marami rin ginagawa.
24:52.0
Kaya hindi ko nalang muna rin siya inabala.
24:55.2
Naikwento ko rin kay Vanessa.
24:56.2
May Vanessa ang nabasa kong message sa phone ni Glenn.
24:59.9
Akala ko naman ay kakampihan niya ako pero baligtad pa lang nangyari.
25:04.3
Maliraw kasi ng pakialamanan ko ang phone ng boyfriend ko kasi privacy niya yon.
25:11.3
Nang banggitin ko naman ang lamanang mensaheng nabasa ko ay baka lang naman daw internal organ ng mga hayop ang sinasabi.
25:19.1
Ewan ko ba papadudot pero sobrang gulo ng utak ko ng mga oras na yon.
25:23.1
Tapos ilang araw ding hindi nagparamdam sa akin si Glenn.
25:26.2
Naisip ko rin na baka may iba na siyang babae kasi kung talagang wala siyang babae,
25:31.6
bibigyan niya pa rin ako ng oras kahit gaano pa siya kabisi.
25:35.7
Girlfriend niya ako tapos wala man lang siyang ginagawa para makita ako.
25:40.1
Para bang hindi man lang niya ako nami-miss.
25:43.1
Hindi naman sa pagiging demanding at clingy pero karapatan ko naman yon bilang girlfriend niya.
25:48.9
Isa pa ay gusto ko rin sanang makita at makausap siya.
25:53.7
Halos mabaliw na kasi ako sa kakaisip.
25:56.2
Kung saan siya naroon.
25:59.4
Kapag naman dinadalaw ko siya sa kondo niya ay wala siya ron.
26:03.3
Halos dalawang linggo din ang lumipas bago siya nagpakita sa akin.
26:07.6
May dala pa siyang buke at malaking teddy bear noong puntahan niya ako sa front desk hotel.
26:13.1
Peace offering daw sa ilang araw niyang hindi pagpapakita.
26:17.2
Sobrang busy kasi niya sa trabaho at nagsori naman siya.
26:20.6
At ipinangakong babawi siya sa akin.
26:23.0
Hindi ko alam kung bakit hulog na hulog ako.
26:26.2
Ang isang tingin at ngiti lang niya ay parabang nawawala na ang galit ko.
26:31.4
Pinagbigyan ko naman siya at inaya niya ako sa isang dinner date para daw matanggal ang tampo ko.
26:37.9
Sumama naman ako at sa isang yate kami kumain.
26:41.5
Pagkaari daw niya ang yate kaya malayan naming magagawa ang gusto naming gawin.
26:48.0
Pero hindi pa man lumanlalim ang gabi ay may tumawag sa kanya.
26:51.6
Kailangan daw niyang umalis kagad dahil naka emergency daw sa opisina.
26:55.4
Inintindi ko na lamang siya sa halip na magalit.
26:59.0
Iahatid na lang daw niya muna ako sa bahay bago siya pumunta sa pupuntahan.
27:04.0
Pumayag naman ako at nagpahatid ako hanggang sa bahay.
27:07.8
Pero hindi ako pumasok sa amin nang maihatid niya ako.
27:12.1
Inintay kong makalayo ang kanyang kotse bago ako pumara ng taxi para sundan siya.
27:17.5
May hinala kasi ako noon na may kababalaghang ginagawa si Glenn.
27:22.0
At iyon ang kailangan kong malaman.
27:23.8
Pero ang ipinagtatak ako ay tumigil siya sa isang abandonadong gusali.
27:28.6
Bungakala ko ay sa isang malaking company building ang negosyo niya pero hindi ko inaasahan na isang bodega pala yun.
27:35.7
Lalong lumakas ang kutob ko na may ginagawang kalukuhan ng boyfriend ko dahil sa nakita ko.
27:41.9
Sinundan ko siya papasok sa lumang gusali na tingin ko ay isang bodega.
27:47.4
Medyo malayo ako sa kanya para hindi niya ako mapansin.
27:50.7
Gusto kong malaman.
27:51.9
Kung anong klaseng negosyo ang pinapatakbo ni Glenn.
27:55.4
Baka kasi iligal ang negosyo ang sinasabi niya sa akin at hindi ko alam kung ano pang mararamdaman ko sa kanya oras na makomperma kong may kabulastugang ginagawa nga ang kasintahan ko.
28:07.7
Hindi pa malakong nakakapasok sa loob ay nalanghap ko na ang masangsang na amoy papasok sa pinakaloob ng gusali.
28:14.2
Pinaklobang ko na lamang ang aking ilong at bibig dahil pakiramdam ko ay babaligtad ang sigmura ko sa amoy.
28:20.2
Nang parang nabubulok na daga.
28:21.9
Nagtago ako sa likod ng isang nakataob na dram para hindi niya ako makita.
28:28.6
Nang silipin ko naman siya ay may mga kasama siya sa loob.
28:32.4
Apad sila at mukhang mga bouncer sa club yung dalawa.
28:35.6
Habang ang isa naman ay parang doktor dahil nakalabgaon ito.
28:39.5
Pero hindi ko inaasahan nang nakita ko nang biglang alisinig ni Glenn ang plastik na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
28:45.9
Tumambad sa mga mata ko ang bangkay ng dalawang babae na duguan.
28:50.1
At may malaking hiwa sa tiyan.
28:52.7
Napamulagat ako sa nakita ko.
28:55.6
Hindi ko inaasahan nabubulaga sa akin ang mga iyon at parabang wala lang sa kanilang ginagawa.
29:01.8
Kinukuha nila ang mga internal organs ng mga babae at nilalagay yon sa nakasil na plastik.
29:08.6
Narinig ko pa si Glenn na kailangan mapashift na ang mga iyon sa lalong madaling panahon papunta sa China.
29:16.2
Hindi ko akalain ang internal organ na tinutukoy sa nabasa kong message sa phone ni Glenn.
29:21.9
Ay literal na lamang loob ng tao pala.
29:25.6
Nanginginig ang buong tuhod ko sa mga nakita ko at muntig pa nga akong mapasuka dahil halos bumaliktad ang sigmura ko.
29:32.8
Hindi lang sa amoy kundi pati na rin sa kung paano nilakuhanin ang lamang loob ng mga bangkay na parang mga baboy lang.
29:40.7
Wala kong ideya na ganon pala ang madadatnang ko sa lugar na iyon.
29:45.3
Hindi lang iligal kundi isang karumaldumal na krimen ang negosyong pinapatakbo ng boyfriend ko.
29:50.6
Napansin ko rin na mga babae ang biktima nila kaya napaisip ako.
29:56.5
Ako na kaya ang isusunod?
29:59.3
Ayaw ko mang isipin pero posibleng mangyari nga ang bagay na iyon.
30:03.1
Kaya bago pa man may mangyaring masama sa akin sa lugar na iyon ay umisip ako ng paraan para makatakas.
30:10.0
Dahil kapag nahuli ako ni na Glenn ay siguradong hindi nila ako palalabasin ang buhay sa lugar na iyon.
30:16.9
Kaya dahan-dahan akong naglakad papalayo sa kanila.
30:20.6
Hindi pa man ako nakakalapit sa labasan ay hindi sinasadyang may maapakan akong bote ng mineral water na lumikha ng ingay.
30:31.2
At tulad nga ng inaasahan ay napansin nila ako.
30:34.4
Pero hindi ako lumingon sa kanila noong sandaling sumigaw sila.
30:37.8
Mabilis akong nagtatakbo para maisalba ang buhay ko na nasa bingit na ng kamatayan ng mga oras na iyon.
30:44.6
Narinig ko pang sinigaw ni Glenn ang pangalan ko pero kahit na isang lingon ay hindi ko ginawa.
30:51.5
Pinaputukan nila ako ng bala pero dahil sa bilis kong tumakbo ay hindi ako naabutan.
30:57.5
Laking pasasalamat ko na lang talaga papadudot na nakaligtas ako sa kapahmakan.
31:03.7
Nagtago kasi ako sa isang malaking puno dahil alam kong susundan nila ako gamit ang sasakyan.
31:08.9
Nang makalagpas sila sa pinagkukublihan ko ay agad akong tumawag ng punis para i-report ang bodega na nag-aangkat ng mga internal organs ng tao papunta sa China.
31:19.2
Agad naman silang rumisponde at pinuntahan ng lugar na sinabi ko.
31:25.3
Pero nakakalungkot na mabilis ding nakatakas ang mga taong involved.
31:31.4
Nalinis na rin ang lugar ng krimen kaya wala nang laman ng bodega na magpunta ang mga pulis.
31:38.4
Ang sabi pa ng mga pulis sa akin ay matagal na raw nilang hinahanap ang mga taong gumagawa ng iligal na gawain na iyon.
31:44.1
Hindi lang daw nila makita dahil magaling magtago ang mga taong gumagawa ng karumaldumal na krimen.
31:49.2
Inaakit daw ng leader nilang babaeng biktima pagkatapos ay kukuhanin ang loob nito.
31:55.5
Kapag nahulog na sa bitag ay sakagagawin ang karumaldumal na krimen.
32:00.3
Mga babae daw ang pinipili nilang biktimahin dahil alam nilang walang ganong bisyo ang mga babae at healthy ang mga internal organs.
32:08.4
Kung tama nga ang hinala ko ay maaring ako na nga ang susunod na biktima kung sakaling hindi ko siya sinundan ng gabing iyon.
32:16.1
Itinuro ko din kung saan nag-i-stay ang boyfriend ko.
32:19.2
Pero wala na ito doon.
32:21.0
Ang nahuli lang nila ay ang tatlo pa nitong kasama.
32:25.1
Papadudod sa takot na balikan ako ni Glenn ay kaagad ako nag-impake ng gamit.
32:30.6
Kasama ng mga magulang ko, hindi na rin ako pumasok pa sa trabaho.
32:35.2
Sinabi ko na lang kay Vanessa na magsisend ako ng resignation via email.
32:39.5
Ayaw ko rin kasing sabihin sa kanya kung bakit biglaan ng desisyon kong umalis sa trabaho.
32:44.5
Ayaw ko kasing madamay siya sa problema ko.
32:46.6
Umuwi kami ng mga magulang ko sa probinsya ng kapatid ko sa Masbate.
32:51.6
Doon muna kami nanirahan pansamantala hanggat hindi pa nahuhuli si Glenn.
32:56.4
Nang mabalitaan ko naman na namatay na ito sa isang entrapment operation.
33:01.4
Saka lang ako nag-decide na bumalik ulit ng Maynila para magsimula ulit.
33:06.8
Ngayon nga ay natanggap ako bilang isang waitress sa isang restaurant at nag-iipo na para makapag-apply sa barko.
33:13.0
Masakit para sa akin ang mga nangyari.
33:14.7
Totoong minahal ko ng todo si Glenn pero ang mas masakit sa akin ay nang malaman ko kung ano talaga ang tunay niyang katauhan.
33:23.9
Bagamat nawala na siya sa landas ko ay naroon pa rin ang masasayang alaala ng pinagsamahan naming dalawa.
33:30.9
Alam ko rin naman na hindi niya ako minahal ng totoo pero kahit papaano ay pinaramdam niya sa akin na babae ako.
33:37.5
Simula noon ay hindi na ako naniwala sa hula o sa mga baraha.
33:41.1
Hindi nakabase roon ang kapalaran ko kundi sa mga ginagawa ko.
33:44.7
Nawa ay magsilbing aral po ito sa mga nakikinig sa inyo.
33:49.3
Yun lamang at maraming salamat.
33:51.6
Lubos na gumagalang...
33:54.8
Madalas nating inaasa ang kapalaran natin sa swerte o malas.
34:01.4
Parang nakikipagpatintero tayo sa buhay kung kailan tayo aasenso.
34:06.0
Minsan naman ay inaasa rin natin ang ating buhay pag-ibig sa mga bagay na akala natin ay makakatulong sa atin para mahanap ang taong para sa atin.
34:14.7
Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay tutugma sa iyo ang pagkakataon.
34:18.7
Minsan ang inakala mong swerte sa iyo ay magdadala pala sa iyo ng malaking kapahamakan.
34:25.7
Tulad na lamang nang nangyari sa letter sender nating si Gia, inasa niya sa baraha ang kanyang kapalaran kahit pa walang kasiguraduhan.
34:34.7
Muntik pa siyang ihatid ng maling paniniwala sa kanyang huling hantungan.
34:39.7
Kaya kung susugal ka sa isang tao ay mas mabuting kilalanin muna ito.
34:43.7
Bago magpadala sa bugso ng damdamin, mas mabuting nang maging maingat kesa sa mapahamat.
35:13.7
Bago magpadala sa bugso ng damdamin, mas mabuting nang maging maingat kesa sa mapahamat.
35:15.7
Bago magpadala sa bugso ng damdamin, mas mabuting nang maging maingat kesa sa mapahamat.
35:17.7
Sa papatudod stories, laging may karamay ka.
35:29.7
Mga problemang kaibigan, dito ay pakikinggan ka.
35:42.7
Dito ay pakikinggan ka.
35:43.7
Dito sa Papadudud Stories, kami ay iyong kasama.
35:55.6
Dito sa Papadudud Stories, ikaw ay hindi nag-iisa.
36:03.2
Dito sa Papadudud Stories, may nagmamahal sa'yo.
36:17.0
Papadudud Stories
36:22.9
Papadudud Stories
36:33.2
Papadudud Stories