* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Minsan mas nakakatakot pa ang katotohanan kaysa sa kwentong katangisip lamang.
00:07.4
Ikukwento ko sa inyo kung ano ang laman ng basurahan na ito na hatak-hatak ng estudyanteng ito.
00:13.7
Nang taong 2013, ang labing apat na taong gulang na estudyante na si Philip Chisholm ay nag-aaral sa high school sa Denver, Massachusetts, sa bansa ng Amerika.
00:35.8
Kasama nitong nakatira sa kanilang tahanan ay ang kanya lamang na ina.
00:40.3
Maaga pa lamang ay iniwan na sila at inabandunan.
00:43.7
Isinalarawan itong si Philip ng kanyang mga kaibigan at kaklase bilang tahimik at mahihain na uri ng estudyante.
00:54.0
Hindi rin ito laging nasasangkot sa kahit anong kaguluhan sa kanila na eskwelahan.
00:59.8
Ngunit tatahi-tahimik man, mataas ang grado nito sa paaralan.
01:04.8
Ito rin ay tinuturing na isa sa pinakamagaling pagdating sa larangan ng larong soccer sa kanilang eskwelahan.
01:12.7
Hapon ng ikadalawampu at dalawa ng Oktubre ng taong 2013, itong si Philip ay hindi pumunta sa ensayo nila sa soccer.
01:20.8
Hindi rin ito dumalo sa pinakamahalagang pagtitipon ng kanilang kupunan.
01:25.8
Kaya naman, ang mga nag-aalalang kagrupo nitong si Philip ay paulit-ulit na siya ay tinatawagan.
01:32.9
At hindi rin mabilang ang text na sa kanya ay ipinadala ng mga kasama niya.
01:38.1
Ngunit kahit anong dami ng text at tawag nila sa kanya,
01:42.0
ay wala ni isa itong si Philip na sinagot.
01:45.6
Kaya naman napagpasyahan ng mga kagrupo na puntahan ito sa kanilang mismo na tahanan.
01:51.5
Doon naabutan nila nang nag-iisa ang kanyang ina.
01:55.0
Ayon sa ina na hindi pa umuwi ang kanyang anak.
01:58.1
Kaya naman sa pag-aalala ng mga tao sa kanya,
02:01.4
napagpasyahan ng ina nitong si Philip na ilapit sa kapulisan ang nawawala na anak niya.
02:07.5
Sa parehong presinto, naroon din ang mga kaanak ng isa.
02:12.0
Guro ng parehong eskwelahan na kanilang pareho na pinapasukan.
02:17.2
Nang parehong gabi, hindi na rin nakauwi ang dalawampu at apat na taong gulang na guro na si Colin Ritzer.
02:25.1
At dahil dito, lubhanang nag-aalala ang mga kamag-anakal niya.
02:29.3
Kaya naman nang hindi na ito matawagan at hindi na rin ito sumasagot sa kanilang mga mensahe,
02:34.7
ay nagpasyana ang mga ito na idudulog na sa kapulisan ang pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.
02:42.1
At dahil nga iisa ang kanilang pinapasukan, agad na rumisponde ang kapulisan.
02:48.0
Kahit paggabing gabi na, ay agad silang nagtungo sa eskwelahan ng dalawa na pinapasukan.
02:54.7
Doon nagsimula nilang hanapin ang estudyanting si Philip at ang guro na si Colin.
02:59.4
Sa kaiikot nila, natumbok nila ang isang silid kung saan nag-oopisina ang guro.
03:05.2
Katabi nito ang palikuran ng pambabae.
03:08.1
Kaya naman kasama sa paghahanap ay isa-isahin ang bawat koridor.
03:12.0
At mga silid, pinasok rin nila ang nasabing kasilyas.
03:16.4
Doon nagulantang sila sa kanila na nakita.
03:19.9
Sa loob ng banyo ay mayroon silang nakitang mga patak na mga pulang likido na nasa sahig mismo ng palikuran.
03:27.9
Hindi nila malaman kung kaninong likido ito sa estudyante ba o sa guro na pareho na nawawala.
03:35.1
Kaya naman agad nakinalap ng kapulisan ang mga kuha ng CCTV 24 na oras.
03:41.1
Bago ang estudyante at ang guro ay pareho na mawala, doon mas nabigla sila sa kanilang natuklasan.
03:49.9
Pasado alas 2.14 ng hapon ng araw na ang guro at estudyante ay mawala, ito ang kuha ng CCTV na kanila na nakuha.
04:00.5
Papunta sa palikuran kung saan natagpuan ang pulang patak ng mga likido ay ang guro na si Colin.
04:08.2
Sumunod na nakuna ng estudyante na si Philip.
04:11.1
Na tila ba nag-aalangan kung ang guro ba ay kanyang susundan?
04:16.3
Nagpalingali nga pa ito. Muli ito ay pumasok sa kanyang silid-aralan at sa paglabas muli nito, tinagpana nito ng hud ang kanyang muka.
04:26.5
Saka ito ay dumiretsyo na sundan ang guro na kasalukuyan noon ay nasa palikuran.
04:33.1
Kita sa kamera na nagsuot ng gloves itong si Philip at saka dire-diretsyo na ang nangyari.
04:41.1
Halos labing limang minuto matapos pumasok itong si Philip sa loob ng palikuran na ito na ay lumabas.
04:48.9
Naiwan pa rin sa loob ang guro na si Colin.
04:52.2
Samantalang nakita sa CCTV na tumakbong palabas ng eskwelahan ng estudyanting si Philip.
04:58.6
Saka ito ay kumuha ng malaking itim na basurahan at saka dinala sa palikuran.
05:07.7
Matapos unang pumasok si Philip sa banyo, sa CCTV kitang kita itong si Philip na ngayon ay wala ng jacket at may suot na bonet.
05:18.7
Hindi na rin ito sinuot ang kanyang hud.
05:21.3
Ngayon ay hila-hila na niya palabas ang itim na basurahan na halatang mas mabigat na kung ikukumpara nang ito ay ipasok niya.
05:29.6
At ang kadahilanan mga katinagalog ko, ang guru na niya ang laman ng itim na basurahan na kanyang hud.
05:39.1
Gamit ang CCTV sa buong paligid ng eskwelahan, agad nila na nalaman kung saan inilagay ng estudyanting si Philip ang basurahan.
05:47.9
Nakita nila ito agada sa hindi naman kalayuan.
05:51.5
Agad din namang nasa kote ang estudyanting si Philip.
05:54.4
Ito ay dahil matapos nitong gawin ang kanyang ginawa.
05:57.6
Kinuha nito ang credit card ng guru at ginamit niya ito upang manood ng sine sa pinuntahan na niya na plaza.
06:05.2
Matapos nito naisakdal ang estudyante.
06:07.7
Na si Philip sa sala ng kanyang ginawa.
06:11.2
Ang hatol sa kanya ay habang buhay na pagkakabilanggo.
06:15.0
Nang tanungin ito kung bakit niya nagawa ang mga bagay na ito sa kanyang sariling guru,
06:20.7
ang tanging sinagot lamang niya ay napikun siya sa isang zalitang sinabi nitong si Colleen sa kanya.
06:27.2
Kaya naman ito ang naging kabayaran para sa kanya.
06:30.6
Ito naman po mga katinagalog ko ang kuha sa CCTV habang hila-hila nitong si Philip ang itim na basurahan.
06:38.5
Mga katinagalog ko, alin pong salita ang sa tingin ninyo ay makapagpapanting ng inyong tenga at siya namang ikagagalit nyo?
06:47.3
Isulag po ang inyong sagot sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
06:53.9
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa isa na namang segment natin sa araw na ito.
07:07.7
Thank you for watching!