Ricky Lee's Journey To Becoming A Legendary Writer And National Artist | Toni Talks
00:19.5
For the script writing class.
00:21.2
Alam nyo ba sinabi ko noon, yung before pandemic,
00:23.5
sabi ko nakakamiss na kasi ang dami nag-tuloy ng mga class sa inyo.
00:28.5
Kaya lang nung nag-pandemic, naputol muna.
00:31.1
Then, nag-online na ako.
00:32.7
So, nakailang batch ako online.
00:34.8
Kasi naalala ko, ako yung ilan sa mga una.
00:37.9
Tapos, narinig ko si Bea din.
00:39.7
Yan, si Naisa Alsado.
00:43.7
Ngayon, sa July, face-to-face ulit.
00:58.5
Ito na po, ito sa bahay ni Sir Ricky to.
01:17.4
Tapos, di ba ginagawa nyo po ito? Parang way of giving back?
01:21.0
Kasi nung nagsimula akong magsulat, wala akong kalam-alam paano magsulat na yung script.
01:25.1
At the time, walang workshops.
01:27.0
Nung panahon ninyo?
01:28.5
Pero, mababait naman si Nailino Broca.
01:30.8
So, parang natuto po kayo, on set na?
01:34.0
Through experience?
01:34.8
Through experience.
01:35.6
Walang formal-formal?
01:37.6
Ang swerte ko, nung bagong pasok ako,
01:39.8
si Marilu, si Ismael Bernal, Nailino Broca, si Nail Portes, Mel Chong,
01:45.2
yung mga director noon.
01:46.1
Very generous silang mag-tool.
01:47.8
Parang kinup-kup nila ako.
01:49.1
In a way, tinuruan nila ako.
01:50.9
Yung ibang writer kasi, isang director lang ang nakakatrabaho all throughout.
01:54.4
Ako, ang dami nila, iba-iba.
01:56.5
Iba-ibang filosopiya, iba-ibang style.
01:58.5
Iba-ibang personalidad.
02:00.4
And ako naman, para akong plastic na very malleable,
02:03.4
oh sige, de-shape me, re-shape me, kung saan yung gusto.
02:06.8
Ano po yung pakiramdam nung inawardan na kayo as National Artist for Film and Broadcast Arts?
02:12.7
Years ago, may mga bumubulong-bulong.
02:14.4
Pero, hindi mo naman in-expect yun eh.
02:16.5
Madi-disappoint ka lang.
02:17.8
Aside from, hindi naman ako ganong tao eh.
02:20.9
Pero, nang dumating, parang blessing.
02:22.9
Hindi lang for me, kundi para sa mga writers.
02:25.2
Kasi diba ang writer usually, wala sa trailers yung pangalan.
02:29.5
Nakakalimutan sa poster.
02:31.4
Ayun. So, in a way, yung karangalan na gaya ng National Artist, parang karangalan na rin naming lahat na writers.
02:37.7
So, mas kinakakahiya ng konti.
02:40.9
Naihiya pa po kayo doon.
02:43.3
Pero, you grew up in Daet?
02:46.4
Small town in Dicol.
02:48.7
Na weird sa kanila, pag nakita kang may daladalang libro, naglalagad sa kalsada.
02:52.9
Pero, ganun po kayo doon?
02:54.8
Eh, ampun lang ako.
02:55.7
Diba, namatay ang nanay ko nung five years old ako.
02:58.2
Ampun ka, naghanap ka ng kakapitan.
03:01.5
So, kumapit ako sa pagbabasa.
03:03.4
Comics, magazines, then books.
03:05.8
Doon nyo binuhos?
03:06.9
Doon ko binuhos. Doon ako nag-create ng...
03:13.0
Dito malaki ako, hindi ako maliit.
03:14.9
Niligtas ako ng pagbabasa.
03:16.6
Niligtas ako ng mga kwento.
03:18.3
Binago niya ako eh, diba?
03:19.4
May kapangyarihan yung kwento na nabago niya ako eh.
03:21.9
Mahiyayin ako nun eh.
03:25.3
Yan ah, feeling kong liit-liit ko.
03:26.9
Pero, pag nagbabasa ako, binabago.
03:28.2
Binabago niya ako eh.
03:29.0
Bibigyan niya ako ng confidence.
03:30.8
So, kailan nagsimula yung pagsusulat?
03:33.8
Kasi yung una, nagsimula sa pagbabasa.
03:36.2
Nung fourth year high school, nakikita ko na may anunsyo sa Filipino Free Press
03:42.2
na tatanggap silang short story at babayaran nila maski baguhan.
03:46.9
So, nagsubmit ako ng short story.
03:49.1
Hindi ako marunong mag-type.
03:49.9
Nakitype lang ako dito sa typewriters shop sa Kanto.
03:53.2
Tilulungan naman ako.
03:54.3
Then, pinadala ko yung short story ko na may kasamang letter.
03:58.2
Mas nagustuhan ng editor yung sulat ko.
04:01.2
Kasi siguro nakakaiyak.
04:02.4
Sinabi ko na orphan lang ako at ganito ang pangarap ko and so on and so forth.
04:05.9
More than the story.
04:06.9
Basta tinagapin yung story, nabayaran ako.
04:09.4
Magkano? Naalala niyo pa yung bayad sa inyo?
04:13.7
That's late sixties.
04:16.3
So, with that money, two weeks before graduation,
04:21.7
lumayas ako sa mga nagampun sa akin.
04:24.8
Kasi gusto kong mag-ara sa Manila.
04:26.5
Gusto kong mag-set out.
04:29.2
Noong dumating kayo sa Manila, saan kayo ulang pumunta?
04:32.2
May kasamang apat na kaibigan na puro umalis din.
04:36.2
Tumira muna kami sa squatters area, kamag-anak ng isang kasamahan.
04:40.2
And then, nagtrabaho sila sa factory.
04:42.2
Eventually, nagtrabaho ako, nag-waiter.
04:45.2
Lahat ng trabaho, nag-waiter, nag-salesman.
04:47.2
Pumunta kami ng Manila na hindi namin alam kung anong klaseng kapalaran na naghihintay.
04:51.2
Kung anong mangyayari sa amin.
04:53.2
Pero gusto naming magkipagsapalaran.
04:56.2
nakapag-aaral ako. Pero working student ako.
04:59.2
Saan po kayo nag-aaral?
05:01.2
UP Diliman, AB English.
05:03.2
Tawag nila sa akin noon, ay si Ricky Lee.
05:06.2
Yung Diculanong inchik na nag-aaral ng AB English.
05:11.2
Pero nagsusulat sa Pilipino.
05:14.2
Parang medyo freak.
05:18.2
Pero ba't pangarap niyong pumunta sa Quiapo noong bata kayo?
05:21.2
Sa comics at sa magazine, napabasa ko lagi na parang sa Quiapo nangyayari lahat.
05:25.2
So parang lahat ng klase ng tao doon nagpupunta. Doon nabubuhay. Parang ang dami-daming nangyayari.
05:31.2
And then eventually, nung nag-aaral na ako sa UP,
05:34.2
nagsusulat ako. Usually na pagsulat ako pag gumagalaw eh.
05:37.2
Sumasakay ako ng bus from UP to Quiapo.
05:40.2
Then from Quiapo to UP, pabalik-balik ako doon hanggang nakabuha ko ng idea.
05:44.2
Yun ba yung trip to Quiapo na libro?
05:46.2
Kaya yung manual, ginawa akong title eh, Trip to Quiapo.
05:49.2
Parang hindi lang pagbuo ng script yung Quiapo, kundi parang andun yung pangarap.
05:54.2
Paano nagsimula yung unang-unang hawak niyo sa pagsusulat tapos nagsulat kayo ng kwento?
06:02.2
Nung high school yun, handwritten. Kasi di ako marunong mag-type yung short story noon.
06:08.2
Sulat lang ako ng sulat ng kwento. Then puro ako corrections.
06:11.2
And then nag-type ako doon, kinorect. Nung sinubmit ko may mga corrections pa.
06:15.2
Di ba? Wala akong konsepto ng dapat ganito, dapat. I think kaya ako nang pagsulat.
06:21.2
Nung EGB English po kayo natapos niyo?
06:26.2
Kasi naging aktibista ako noon.
06:28.2
Oo nga po. Ito po ba yung time na presidente na yung senior, Ferdinand Marcos?
06:34.2
Okay. Paano po kayo naging aktibista nung time na yun?
06:37.2
Well actually nung una, ayaw ko na maging aktibista kasi kailangan yung scholar.
06:40.2
Kailangan yung university scholar. So tutok pag-aaral talaga.
06:43.2
Kaya lang, siyempre nakikita mo sa palibot, mga nag-aaralin, nag-de-demo at hinihila ka.
06:48.2
And eventually nakikita mo rin naman na eh galing ako sa hirap.
06:52.2
Baka nga may paraan na ma-solve itong kahirapan.
06:55.2
Naging activist po kayo nung time?
06:59.2
Yung college. At saka mayroon kang masarap na pakiramdam eh. You belong.
07:03.2
Ako na walang pamilya, bagong salta, mag-isa at never pa akong bumalik doon sa pamilya ko that time eh.
07:09.2
You feel that you belong and you feel na you're doing something.
07:12.2
Ano yung gusto nyong baguhin sa sistema?
07:14.2
Siyempre idealistika in a way. Gusto mong mabago lahat. Siyempre yung nakikita mong mga hindi pagkapantay-pantay.
07:21.2
Wala akong chance na mag-aral kaya ako lumayas. Wala akong pang-college.
07:25.2
So ba't may oportunidad ang iba? Ang iba wala. So may mga konting ganun thinking. So may mga gusto ko ang baguhin na ganun.
07:33.2
And so yun. So eventually I dropped out. At hindi na ako nakatapos ng pag-aral ko at all.
07:38.2
Kaya nung gusto kong magturo, three times akong na-reject sa UP. At at time when ginagamit na nila yung short stories ko, hindi ka pa rin akong makapasok kasi kailangan ng degree.
07:48.2
Pero yung story nyo yung ginagamit nila pag nagsuturo?
07:51.2
So part of the reason, I decided na magpa-workshop.
07:54.2
Pero nung panahon po ng martial law, nakulong kayo.
07:57.2
Ilan taong kayo nung nakulong kayo?
07:59.2
Sa loob, one year. Na-raid yung tinitirahan kong bahay. And then may mga ramlet, etc. and so on.
08:06.2
Then hinuli ako. Detainees ang tawag sa amin, hindi prisoners kasi walang charge. Dinidetain ka lang.
08:13.2
So siguro mga three months pa lang, I started coughing blood. I think mga three months ako sa military hospital.
08:20.2
Tapos nag-collapse yung left lungs ko. Kaya up to now, konting ambon, konting walan. May na ang lungs ko eh.
08:27.2
So nag-collapse. Ang tagal eh. Ang tagal ako doon sa loob ng hospital.
08:35.2
Paano kayo napinakawalan? Anong nangyayari?
08:38.2
You never know eh. On the day itself, at the very moment, biglang papatawag kayo. I think at that time, I think fifty kami lahat.
08:46.2
Bira yung ganun karami eh. I think magkapapas ko eh.
08:49.2
Yeah. Basta pinatawag na lang kami. And then sinakay sa truck. O yun.
08:53.2
Malaya na kayo. Oo.
08:54.2
Paano naka-apekto yun sa inyo?
08:56.2
Una, when something happens, may natitira sa loob eh. May natitirang hindi nawawala ever.
09:07.2
Maski siya sabihin mong sugat, pag naging peklat na, nandun yung peklat eh.
09:11.2
And to some extent, up to now, pag nakakakita ako ng naka-uniform sa labas, feeling ko guilty ako.
09:18.2
Yeah, may jerk. Ayaw ko nang may nagdo-doorbell o tumatawag pag past ten or eleven. Kasi ganun, may jerk kang nararamdaman.
09:27.2
And in a way, I think it makes the writing better. You write better pag nasaktan ka, pag nakaramdam ka ng sugat.
09:35.2
Mas madaling mong makukommunicate yung sugat at pain sa ibang tao, sa audience. At ang audience natin, lahat yan may pain.
09:42.2
Lahat yan may sugat. Lahat yan hindi buo. And so you find a connection. And that's when the magic of writing.
09:48.2
Storytelling happens.
09:49.2
So kaya nung nakalabas kayo, parang yung mga pagsusulat nyo, laging gusto nyo may mensahe na?
09:55.2
Nagkaroon ng deeper meaning yung pagsusulat nyo, paglabas nyo?
09:58.2
Yes. Kasi na-purify yung emotions mo. Kumisan yung halo-halong sangasangang emotion.
10:06.2
Pag may nangyari sa'yo yung traumatic, somehow nagiging iisang ilog, iisang daloy. So in a way, it becomes easier to write.
10:15.2
Paano po yun? Yung unang-unang...
10:17.2
Sabak nyo sa pelikula? Kasi wala kayong formal training.
10:22.2
Actually, ang unang sabak ko, talagang wala akong kalam-alam. Naghanap si Joseph Strada ng magsusulat na writer na may Chinese blood.
10:31.2
Through some connections na Chinese, na-contact ako nila. And so, kinuha ko ni Arap.
10:36.2
Activist ako, so hindi ko pinagamit yung pangalan that time.
10:39.2
Pinagunin yung pangalan.
10:40.2
So uncredited. And then years after that, tumawag si Pete Lacaba to tell me na si Lino gustong gumawa ng project.
10:47.2
Nung time na yun, Lino Broca na sila, Mike De Leon na sila.
10:50.2
Yes, kilala na sila.
10:51.2
So na-intimidate kayo?
10:52.2
Yes, ako probinsyanong aanga-aanga. Pero open and willing na madala kung saan matuto.
10:59.2
So sabi niya, gusto mo mag-corrite with me? Sabi ko, payo ba si Lino?
11:02.2
Sabi niya, oh kilala ka doon ni Lino kasi nagsulat ka ng short stories.
11:06.2
Yun yung una kong credited script, 1979, Jaguar.
11:12.2
So bali yun yung official entry ko sa movies. Pero ang nagpasok sa akin,
11:16.2
sa pelikula, si Erap.
11:18.2
Anong pakiramdam pag nakikita niyo na yung mga artista binabanggit yung mga linya na sinulat niyo?
11:25.2
Siyempre, nakakakilig. Kasi movie fan ako eh. And then suddenly may mga artista na ang lalaki and feeling ko ang liit ko.
11:34.2
Pag yun, pag sinasabi niyo yung linya, parang ang husay-husay ko pala. Parang may magic. Like walang himala.
11:42.2
Pag nakasulat naman yan.
11:45.2
Di ba? Parang walang himala.
11:46.2
Oo. Pero nung sinabi na ni Guy, iba na eh. May magic eh.
11:52.2
Paano niyo po nasulat yung himala? Anong inspiration po?
11:56.2
May totoong nangyari nung 1967. May isang dalagita, si Belinda, na umihi sa tabing daan.
12:04.2
And then may mga kaklase siya. Then nagpakita daw yung Mahal na Birhem.
12:07.2
So nagsinabi niya sa lahat, nabago na yung buhay sa buong island, sa Mindoro. May lumabas ng mga articles about that.
12:14.2
1967 nangyari yun. Nang nabasa ko. Ayun, nai-inspire ko. Ah, gagawin ko to.
12:19.2
So I started writing it in 1976 kasabay ng Itim. And then it got rejected.
12:25.2
Yung himala, na-rejected?
12:28.2
Noong unang sabit niyo?
12:29.2
Hila-hila ako ni Bibsie Carballo. Nagpupunta kami kung kanin-kanin nung producer. And then later Nora Onor, na-rejected pa rin.
12:36.2
Nora Onor, na-rejected pa rin?
12:37.2
Kasi walang love story. Walang love theme. Namatay pa ang bida. And then religious film daw.
12:43.2
Sinong manunood. And malungkot. And so on. So kabir-kabilang rejection.
12:49.2
So until nung 1982, in-announce yung ECP ni Aimee Marcos, Experimental Cinema of the Philippines.
12:55.2
So sumali ako. And napili siya. Nanalo siya. So na-produce siya.
13:00.2
Pero nung nilabas siya at naging critically acclaimed, nanalo ng napakaraming award, anong nadulot nun sa inyo? Anong pakiramdam?
13:13.2
Big change yan sa buhay ko kasi walang muna mahihiyahin akong tao. Nasa business ako where may attention. Pero ayoko ng attention. Kaya nga ako writer eh.
13:23.2
So feeling ko nun, safe naman ako sa writer behind the camera. Pero during that MMFF, pinalabas yung Moral, Himala at Aplos. At yung tatlo ang naging best picture, second best and third best.
13:38.2
Lahat pelikula niyo?
13:39.2
Oo. And then akong namanominate dun sa tatlo.
13:41.2
And so ilang beses ako makita the stage at nanalo ako dun sa screenplay at sa story. So after that, nagbago na ang buhay ko. Ang dami nang nakakilala. That time naman wala namang makakakilala kung scriptwriter kayo.
13:53.2
Kala nila ini-invento ng mga artista yung linya.
13:55.2
So paano niyo hinandle yun yung instant fame?
13:58.2
Umaatras ako. Umuuruw ako. Hindi ako nagpapakita masyado. Iniisip kong hindi naman ako artista. So at least 10% lang. Imagine kayo. Maski saan ka pumunta. Wala kang matataguan.
14:10.2
Ako naman, sabi ko may 80% pa akong matataguan. Kaya ko na siguro yung 20% na yun.
14:17.2
Anong proseso niyo po pag nagsusulat? Paano kung dumadating ang ideya? Nagsisimula ba kayo with the ending in mind? With the two characters? Paano ang proseso?
14:28.2
Magulo akong… I always tell my workshoppers, may dalawang klase lang ng writer. Yung organisado, methodical, focused, at yung maligalig at magulo. Ando na ako sa number two.
14:40.2
Magulo ako. I go all over the place. Wala akong set na dapat ganito o ganyan. Wala akong…
14:46.2
So you don't write na from the beginning ang story. You can write dito.
14:51.2
I can write anywhere. I can write on the spot na walang outline. Kasi ganun ako. When I was writing Himalaya, I was writing moral and up close. Hindi ako makatagal sa isa.
15:01.2
Maski hanggang ngayon, marami akong project. Lipat-lipat. Nang narealize ko na maligalig akong writer, ang ginawa ko, kailangan mag go opposite ako.
15:09.2
Labanan ko ang sarili ko. So since high school, meron akong things to do every day up to now. Sa cellphone ko, dati sa papel, one, two, three, four, things to do today.
15:20.2
And then itong mga goals ko for the year, in-organize ako kasi even if 50% hindi matupad, feeling organized ako. And it makes me feel a little more confident na hindi nanliliit. So nilalabanan ko yung sarili.
15:34.2
So ang proseso ko is organisadong-organizado. But actually, I don't know. I don't know. I don't know. I don't know. I don't know. I don't know.
15:39.2
Actually, I'm not.
15:40.2
It worked for you.
15:41.2
It works for me because then I realized that kung ano yung weakness mo as a person, as a writer, if you turn it around and make it work, it becomes your strength.
15:52.2
And it's even stronger than the usual strength kasi nanggaling siya sa baba at naikot niya 360 degrees pataas. At nakita mo yung ibaba, yung strong na nandito lang, ito lang nakita nila. Pero kung nakita ko mula dito at nahila ko hanggang doon,
16:09.2
so parang strongest pala ako kasi yung weakness ko ang pinagalingan ng strength ko.
16:14.2
Ano po ang pinaka-frustration para sa inyo sa Philippine cinema or sa entertainment industry natin?
16:22.2
Noong unang panahon, as in nung baguhan pa ako, sa lahat ng scripts na nagawa ako, siguro 10% lang yung akin talaga. Sa akin nagsimula, idea ko. Usually producer ang nagsasabi o director eh. Di ba? O sasabihin ni mother, o gawa tayo pelikula.
16:38.2
Si Gloria Romero nahulog sa agdan, o bahala ka na Ricky. Pero ito akin to, yung himala. Idea ko to, akong pumili kay Nora Honor, akong pumili kay Ismael Bernal, akong naglako hanggang na-produce siya at nagawa siya.
16:50.2
Noong lumabas na yung pelikula, nakita ko yung poster, wala yung pangalang ko. Pero ang ganda-gana ng poster, nandun yung si Nora, si Bernal, and yung picture ni Nora, wala yung pangalang ko. Baguhan lang ako noon, so sabi ko siguro ganito ang kalakaran, writer lang. And then later nakita kong gano'n pala talaga ang trato sa writer.
17:08.2
Much much later, nung nakilala na ako, nangyayari pa rin, every now and then. Pero sa mga workshoppers ko, nangyayari siya madalas. So, yun, isa yun sa mga masakit sa dibdib.
17:17.2
Yung credit and recognition, hindi masyadong nabibigay.
17:20.2
Hindi, oo. Ngayon nakalagay na siya doon sa malaking box. Kaya lang nandoon naman lahat. Alapin ko pa, sino writer dito? Kasi nandito si ganito, at si ganito, at si ganito.
17:29.2
Pero kung tutuusin, yung writer, yun yung katabi ng director eh, sa paggawa ng pelikula eh. So may konting feeling ng gano'n para sa writer.
17:38.2
Kaya sabi ko kanina, nung na-recognize ako as national artist, sinabi ko sa mind ko, ay hindi ito para sa akin lang. Para ito sa mga writer na hindi pinapansin.
17:47.2
Kasi every time they look at me now, they will see may mukha ang writer.
17:50.2
That is the reason why you are the best, is because of how you share your talent, how you share the credit. You never take it na sa akin lang ito.
18:00.2
Laging binabahagi nyo sa lahat. Even yung pagkapanalo nyo ng pagiging national artist, sabi nyo, this is dedicated to all the unsung heroes in Philippines.
18:08.2
This is for all the writers na hindi nabigyan ng credit. Hindi ba? I think the best quality that you have, more than being the best writer in the country, it's the humility that you have.
18:20.2
What is your message sa mga aspiring Filipino writers in the country?
18:25.2
Huwag kayong matakot. Kung gusto niyong magsulat, magsulat kayo. Kasi ang dami-dami kong workshoppers na laging sinasabing hindi pa ako handa. Magre-research muna ako. Mag-aaral muna ako. Mag-workshop muna ako.
18:38.2
Sa kabi-kabilang workshop. But they keep postponing the act of writing. And lumilipas na yung panahon. Nagkatrabaho sila ng ibang trabaho.
18:46.2
Pero I think it's a crime kung mayroong ang ganda-gandang kwento sa loob mo. At gusto mo namang isulat. At hindi mo sinusulat dahil takot ka lang na baka pangit.
18:54.2
Kasi madali naman siyang i-revise again and again and again. At kare-revise, mapapaganda. So kung gusto mong magsulat, pangarap mong maging writer, magsulat ka ngayon.
19:04.2
Ngayon na. Yan ang sign.
19:07.2
If you are looking for a sign kung itutuloy ko ba itong pagsusulat, kung ipupurso ko ba itong passion na ito, sabi ni Sir Ricky, ngayon na. Simulan na yan.
19:17.2
So when do you see yourself retiring in writing?
19:21.2
Kung doktor ka, hindi ka titigil manggamot eh. Maski na walang bayad, maski na walang trabaho sa ospital, manggagamot ka at manggagamot ka kasi doktor ka.
19:31.2
Kung ibon ka, kakanta ka. Kung panadero ka, gawa ka ng tinapay. So kung writer ako, I think I'll have to write until I retire.
19:37.2
Kasi yun yung being ko, yun yung paghinga ko.
19:40.2
Anong legacy gusto niyong maiwan sa mga manonood ng pelikulang Pilipino?
19:45.2
Na mayroong writer na nagsulat nito, na gumawa ng kwentong ito. Pinaganda siya, pinatingkad ng director, ng artista, ng lahat.
19:55.2
Maski yung grip, maski yung pinakamalilit na tao sa set, maski yung driver, lahat yung tulong-tulong na gumawa ng pelikula.
20:02.2
Pero mayroong isang writer sa gitna ng lahat na yan, na gumawa ng kwentong ito.
20:07.2
Nagsulat ng mga dialogue and may pangalan yun.
20:11.2
At ang pangalan niya ay Ricky Liz.
20:26.2
Takot ako lagi sa interview. I watch some of your interviews eh. Pag nag-interview ka, parang kakampi mo yung ini-interview.
20:34.2
Hindi ka matahas na ano.
20:37.2
Parang manumanay, et cetera. Not intimidating.
20:42.2
May pinapatanong po si Paul. Kasi ngayon ang dami ng platforms. So ano po sa tingin niyo ang nabago sa pagtanggap ng audience sa pelikulang Pilipino?
20:52.2
Dahil sa dami ng platforms, naisip ko na ah, baka sanay na yung audience sa fragmented na narrative.
20:59.2
So nasanay na sila ng, parang interface ng computer. Punta ko sa likod, punta ko sa bendisins, punta ko rito.
21:06.2
Punta ko sa interview, then tataposin ko ng pelikula. So nasanay na siya na non-linear and broken and fragmented. Lahat.
21:14.2
Na patch, patch, patch. And then, nasanay pa siya sa mga teleserye, series, and so on. Gabi-gabi na putol-putol din. Bukod sa iba bang platforms.
21:23.2
So, hindi na sa kanya bago, I think, yung non-linear.
21:27.2
Thank you, Sir Ricky.
21:29.2
Thank you, Paul. Sana makapag-workshop ulit kami sa inyo.
21:34.2
Salamat, salamat. It's an honor.