Close
 


Biden umatras sa halalan sa US | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Hindi na itutuloy ni US President Joe Biden ang muling pagtakbo sa pagkapangulo matapos ang mga panawagang umatras siya sa halalan. For more TV Patrol videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh1OkASW8fYoeXTt-CGTy60 For more latest Entertainment News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjT9hEOBQXAoI1gxbcvG87r For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #ABSCBNNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:21
Has AI Subtitles




Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.6
Sa isang pambihirang pangyayari, inalunsyo ni US President Joe Biden na aatras na siya sa kanyang pagtakbo bilang Pangulo sa ikalawang termino.
00:12.3
Sa kanyang post sa X, sinabi niyang bagamat gusto niyang kumandidatong muli, kailangan niya itong ipagpaliban para sa kapakanan ng kanyang partido at ng bansa.
00:23.0
Sa halip, tututukan niya ang kanyang mga nalalabing tungkulin bilang Pangulo.
00:28.8
Inilabas niya ang pahayag habang nagpapagaling sa COVID-19 sa kanyang beach house sa Delaware.
00:36.4
Bago nito, ilang beses siyang nagsabing itutuloy niya ang kandidatura sa kabila ng pinipintasang performance niya sa debate kay dating Pangulong Donald Trump nitong Hunyo.
00:47.2
Sa edad na 81, ikinabahala rin ng ilang mga kasapi ng Democratic Party ang kanyang kakayahang mamunong muli.
00:55.8
Sa kanyang pagatras, inendorso niya si Vice President.
00:58.8
Vice President Kamala Harris bilang nominee ng Democrats sa pagkapangulo.
01:03.9
Hinimok niya ang mga kapartido na magkaisa para talunin si Trump na pambato ng Republican Party.
Show More Subtitles »