Close
 


POGO at West Philippine Sea, top trending online sa #SONA2024 | Patrol ng Pilipino
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
MAYNILA — Nanguna ang idineklarang ban sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at paggiit ng teritoryo sa West Philippine Sea sa mga pinag-usapan online sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kapwa ito sinalubong ng matagal na standing ovation sa Batasang Pambansa at samu’t saring reaksyon sa social media. Sa presyo ng bigas, muling siningil ng netizens ang pangako ng pangulo sa kanyang kampanya na magiging P20 ang presyo nito sa kanyang pag-upo. Samantala, naging usapan rin online ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi rin siya manonood ng SONA sa telebisyon man o sa kanyang gadget. Hinanap din ng ibang netizen ang mga paksang hindi natalakay ni Marcos Jr. sa kanyang talumpati, katulad ng pagsulong ng divorce at SOGIE equality bill at ulat sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund. – Ulat ni Lady Vicencio, Patrol ng Pilipino Follow #PatrolNgPilipino online! Facebook: https://www.facebook.com/patrolngpilipino Instagram:
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:35
Has AI Subtitles




Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Hashtag seated ka rin ba sa ikatlong State of the Nation address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.?
00:05.7
Balikan natin kung ano-ano ba ang mga isyong pinag-usapan at trending sa ulat sa bayan ng Pangulo this year.
00:12.7
Mahigit isang oras ito tumagal sa social media platform na X, top trending ang hashtag SONA 2024.
00:20.3
Umangat din ang keyword na Pogo matapos i-anunsyo ni Pangulong Marcos ang ban sa mga ito.
00:25.6
Effective today, all Pogos are banned.
00:55.6
Itigil ang operasyon ng mga Pogo.
00:57.9
Sinalubong din ng masigabong palaktakan ang mga pahayag ng Pangulo tungkol sa West Philippine Sea.
01:03.8
The Philippines cannot yield. The Philippines cannot waver.
01:20.5
Sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China,
Show More Subtitles »