Close
 


Ilang barge na inanod, tumama sa tulay, flood gate sa Pasig City | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Patuloy na nakasara ang isang tulay sa Pasig City na tinamaan ng mga barge na inanod sa ilog sa kasagsagan ng habagat at bagyong Carina. Sa ngayon hindi pa naaalis ang mga bumarang barge sa ilalim ng tulay, at tumama rin sa isang flood gate habang lahat naman ng mga tauhan na lulan ng mga nagkarambolang barge ay nailigtas na. Nagpa-Patrol, Katrina Domingo. TV Patrol, Huwebes, 25 Hulyo 2024 For more TV Patrol videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh1OkASW8fYoeXTt-CGTy60 For more latest Entertainment News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjT9hEOBQXAoI1gxbcvG87r For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Tw
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 06:04
Has AI Subtitles




Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Katrina, ano ang nangyari ba doon at may isang lalaki na iwan sa inanod na barge sa Pasig?
00:11.9
Karen, umabot ng humigit kumulang walong oras bago tuluyang narescue ang naturang individual nitong Huwebes ng Madaling Araw.
00:20.8
Bukod kasi, doon sa Rumaragasang Ilog ay nabuwal din ang isang poste ng kuryente malapit dito sa F. Manalo Bridge.
00:28.1
Itong video na inyong makikita sa ating mga screens, iyan ang eksena na nasaksihan ng ilang mga residente sa Barangay Manggahan
00:36.7
miyerkules ng hapon sa kasagsagan ng paghagupit ng Habagat at Bagyong Karina sa Metro Manila.
00:44.5
Bukod sa mga palutang-lutang na barge, mas ikinagulat ng mga residente nang mapansin ang ilang tao na inaanod na rin kasama ng mga barge.
00:53.2
Ayon sa ilang residenteng tumulong sa pagsagip sa mga inaanod na tao,
00:57.4
lumundag ang mga individual mula sa mga barge nang makita nilang sasalpok na sila sa F. Manalo Bridge.
01:07.1
Nakita po namin sila na inaanod, nakaano sila sa mga puno rin po.
Show More Subtitles »