Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button.
Full Screen Mode
Nawalan ng trabaho si Tatay Ronel David kaya habang naghahanap ng kapalit, nakita niya ang oportunidad na pagkakitaan ang ginagawa niyang mga origami.
Sa edad na 43, malala na ang problema niya sa mata at habang tumatanda ay labis pang lumabo ang kanyang paningin.
Sabi niya, "Nagsimula yung grado ko, 300, 500, 600. Ngayon po ang grado na ng salamin ko, 800 na po parehas."
Iba-ibang disenyo ang ginagawa nya tulad ng bulaklak na tulips, ibon na crane, at agila na nakadapo.
Sa kabila ng pinansyal na pangangailangan, pinipili ni Tatay Ronel na huwag presyuhan ang kanyang mga gawa.
Kwento niya, "Minsan binibigyan ako singkwenta, trenta, 100. Minsan pagkain po kung ano man po ang ibigay sa akin, malaking tulong na po sa pamilya ko."
Simpleng ama na nangangarap ng maayos na buhay para sa kanyang pamilya. Kaya lahat ay gagawin ni tatay ronel, maitaguyod lamang sila.
Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (September 29, 2024)
Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.
For more ABS-CBN