* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Mag-aral ng todo upang sa paglaki ay magkaroon ng magandang trabaho at makakuha ng malaking sweldo.
00:09.0
Tama ba ang karerang iyong pinili? Talaga bang sa pagsusumikap mo ngayon ay malaking sahod ang magiging sukli?
00:17.0
Kaya narito ang 10 mga trabaho sa Pilipinas na may pinakamalaking sweldo.
00:26.0
Computer Engineer
00:28.0
Kung napili mo ang ganitong kurso, ay paniguradong magandang oportunidad ang naghihintay sayo.
00:34.0
Kung ikaw kasi ay isang Computer Engineer o kilala rin bilang Software Engineer, maaari kang kunita ng mahigit 47,000 pesos kada buwan.
00:46.0
Sila rin ang utak sa pagbuo ng mga applications na ginagamit madalas para gawing libangan para sa trabaho at negoso.
00:55.0
Upang makuha ang ganitong uri ng karera, maaari kang mag-aral ng BS Computer Engineering at iba pang related fields.
01:05.0
ICT Installers and Services
01:07.0
Isa rin magandang karera para tahakin ang pagiging isang ICT Installer.
01:12.0
Dito ay maaari kang kumita ng mahigit 49,000 pesos kada buwan.
01:18.0
Sila madalas ang nag-aayos, nag-i-install at nag-re-repair ng mga telecommunication equipment, data transmission equipment, cables, mga antena at computer hardwares.
01:31.0
Kailangan mo lang mag-aral ng BS Computer Science at iba pang related fields.
01:39.0
Telecommunications Engineers
01:42.0
Ang eksperto sa sistema ng telecommunications, kasali na ang voice, data, radio, fiber optics at waves work.
01:52.0
Sila rin ang nagdidesenyo at kumagawa ng mga telecommunication system.
01:57.0
At upang makuha ang ganitong karera, kinakailangan mong mag-aral ng BS Telecommunication Engineering at iba pang related fields.
02:06.0
Kumikita ang mga telecommunication engineers ng hanggang 50,000 pesos kada buwan.
02:14.0
Ang mga application programmers
02:16.0
Ang mga computer programmers ang nagkukode at gumagawa ng mga computer softwares.
02:22.0
Nagdidesenyo, nagdedebug, nagta-troubleshoot at nagmiminti na ng mga source code na may kaugnayan sa iba't ibang computer programs upang magamit at mapakinabangan ng mga end-users.
02:36.0
Maaari rin silang mag-customize ng mga computer programs na maaaring bilhin ng mga vendors.
02:42.0
At sa kakayahan nilang ito ay maaari silang kumita ng mahigit 51,000 pesos kada buwan.
02:49.0
Upang maging isang programmer ay BS Computer Science, BS Information Technology at iba pang related fields.
02:59.0
Ay mga geologists o geophysicists.
03:02.0
Ay silang mga nag-aaral ng mga komposesyon, estruktura at iba pang physical na aspeto ng lupa.
03:09.0
Sila rin ang nagtatrabaho sa mga proyekto upang matagpuan ang iilang mga yamang mineral, petroyo at ground waters.
03:18.0
Mag-monitor at mag-forecast ng seistic, magnetic, electrical, thermal at oceanographic activity.
03:26.0
Kung sino mang eksperto sa larangan na ito ay maaari sumahod ng hanggang mahigit 53,000 pesos kada buwan.
03:34.0
Ang ganitong uri ng karera, kakailanganin mong mag-aral ng BS Geology, BS Geography at iba pang kursong may kaugnayan sa mga naunang nabanggit.
03:48.0
Ay ang espesyalista sa larangan ng medikal.
03:50.0
Kilala sa pagsusuri, pagkilatis at paggamot sa anumang uri ng mga karamdaman.
03:56.0
Isa ang mga medical practitioners sa mga higit na nakakatanggap ng magandang sahod sa Pilipinas.
04:02.0
Sa kanilang kapasidad naman kasi na makapagligtas ng mga nanganganib na buhay,
04:07.0
ay karapat-dapat lang din na makuha nila ang angkop na halaga para sa profesyon nila.
04:15.0
Ang mga medical practitioners na nagsisilbi dito sa Pilipinas ay maaaring sumahod ng hanggang 54,000 pesos kada buwan.
04:23.0
Maaari mong tahakin ang ganitong uri ng karera kung ikaw ay nakapag-aral ng BS Human Biology, BS Biochemistry at iba pang mga kurso na may kaugnayan sa mga naunang nabanggit.
04:39.0
Ay ang mga system analysts at designers.
04:41.0
Ang mga taong bihasa sa mga programming languages, operating system at hardware.
04:47.0
Ang mga system analysts ay nararapat na may malawak na ideya upang makagawa ng mga efektibong solusyon para sa suliranin ng kanilang mga kliyente.
04:58.0
Ang mga eksperto sa larangang ito ay maaaring makatanggap ng sweldong maaaring humigit pa sa 54,000 pesos kada buwan.
05:07.0
Ang mga nag-aaral ng BS Computer Science, BS Information Technology at iba pang mga kurustong kaugnayan dito ang maaaring makakuha ng ganitong uri ng karera.
05:21.0
Ay ang mga chemical engineers.
05:23.0
Ang mga chemical engineers ay silang mga gumagamit ng prinsipyo ng chemistry, biology, physics. Madalas sila ang nagriresolba sa anumang suliranin na may kaugnayan sa gas, gamot, pagkain at iba pang mga produkto.
05:40.0
Sumasahod lang naman ang mga chemical engineers ng mahigit 58,000 pesos kada buwan.
05:46.0
Hinahilangan mo lamang mag-aaral ng BS Chemical Engineering at iba pang kursong kaugnayan dito upang magkaroon ng naturang karera.
05:55.0
Pangalawang trabaho na may malaking sahod sa Pilipinas ay ang mga mathematician at actuarist.
06:01.0
Ang mga actuary analyst ay gumagamit ng mga datos upang masukat ang mga panganib na maaaring kinakaharap ng mga kumpanya at organisasyon.
06:11.0
Madalas silang kinukuha ng mga insurance company at mga financial service companies.
06:17.0
Ang mga eksperto sa ganitong larangan ay maaaring sumahod kada buwan ng mahigit 62,000 pesos.
06:24.0
Napapasok sa ganitong larangan ang mga nag-aaral ng BS Accountancy, BS Mathematics at iba pang kursong kaugnay dito.
06:33.0
Ang nangungunang karera sa bansa na may pinakamalaking sahod sa Pilipinas ay ang mga aircraft pilots at related associate professionals.
06:43.0
Maaaring isa sa inyo na nanonood sa video ngito ay pangarap rin maging piloto.
06:49.0
Maliban kasi sa oportunidad na makapaglibot sa iba't ibang panig ng mundo, ay alam rin nating may magandang kita rin na naghihintay rito.
06:59.0
Sila ang mga inaatasan sa pagkontrol ng operasyong mekanikal, elektrikal at electronic equipment upang mapaganang isang sasakyang panghimpapawid.
07:10.0
Ang mga eksperto sa larangan ito ay maaaring sumahod dito sa Pilipinas ng hanggang 130,000 pesos kada buwan.
07:19.0
At kung nais mong tuparin ang pangarap na maging piloto o magtrabaho sa sasakyang panghimpapawid, kinakailangan mo lamang mag-aral ng BS Aeronautics at iba pang related fields.
07:31.0
Anong trabaho ang meron ka ngayon? O ano ang karerang nais mong tahakin sa darating na panahon?
07:37.0
Higit na mas mahalaga ay mahal mo ang iyong ginagawa. Dahil kung ang iyong puso at isip ay ibubuhos mo sa iyong karera, maniguradong tagumpay ang magiging hatid nito hindi lamang sa iyo, maging sa iyong buong pamilya.
07:52.0
Maraming salamat sa panonood at God bless!