* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
... All right yan magandang araw mga kapatas natin and welcome sa isa namang livestream. Tama itong sinabi ni DG, sakim kayo, hindi kayo nakontento.
00:16.0
Dito si Don Supremo, mga sakim kayo hindi kayo nakontento sa tatlo, tatlo na kanina tapos andito pa kayo pang apat. Sakim din ako kasi hindi ako makontento sa isang livestream sa isang gabi, dapat apat apat. Grabe sobrang sakim ng mga Pilipinong.
00:36.0
Di lang ako FW, tayo mga kapatas natin sobrang sakim. Well mga kapatas natin, kidding aside, seryoso itong usapan na ito. Bakit?
00:50.0
Hindi kasi biro itong matag ka o ituring ka na terorista. At mga kapatas natin, itong sinasabi dito na tinuturing ng terorista ng Anti-Terrorism Council, ito yung legal na pagturi ng terorista.
01:06.0
Hindi yung katulad ng ginagawa ni Badoy at ka Eric na tinuturing nila ang mga tao na terorista na hindi naman dumadaan sa tamang proseso. Kasi nga mga kapatas natin nakalagay talaga doon sa Anti-Terrorist Act natin kung paano i-designate o tratuhin na terorista ang isang individual, grupo, organisasyon o asosasyon.
01:33.0
Ipapaliwanag ko at papakita ko sa inyong mga kapatas natin kung ano ang relevant provisions at kung ano ang mangyayari dyan. Ang gagawin muna natin siyempre panoorin mo muna natin itong balita.
02:03.0
Pero siyempre dahil terorista na siya at tinuturing na siyang terorista ng Anti-Terrorism Council, hindi na po siya doktor. Kasi nga mas mananaig yung pagiging terorista niya. Kasi nga tinuring na siyang terorista ng Anti-Terrorism Council.
02:33.0
At nabagaan nila ni Castro ang ilang bahagi ng Anti-Terrorism Act of 2020. Yan mga kapatas natin. Anti-Terrorism Act 2020, may evidencia na pinasok, may tumistigo, nagkaroon na ng probable cause.
02:50.0
So ganyan yung tamang pag-iimbestiga sa isang pinaghihinalaang terorista. Siyempre pinaghihinalaang terorista pa rin naman yan kasi nga hindi pa tapos yung trial. Magkakaroon pa lang ng trial nyan.
03:04.0
Ang katapat nito mga kapatas natin pag tayo ay nagdidiscuss tungkol sa ordinary crimes at hindi terrorism, mga kapatas natin ay preliminary investigation.
03:15.0
So ibig sabihin, tapos na yung preliminary investigation, natag siya o kaya denesignate siya as terrorist, ngayon lilitisin siya doon sa mga inaakusang terroristic acts laban sa kanya.
03:34.0
Ganon ang susunod na mangyayari dito. Tuloy natin.
03:41.0
Ito ay sa pamamagitan ng aktibo at patuloy na paglahok ni Castro sa mga aktividad ng CPT-NPA-NDF.
04:12.0
Or cannot hold you liable immediately as a terrorist. You have to do terrorist acts. Ano yung terrorist acts sa kanya?
04:24.0
Pagsapi o gumagawa siya ng mga paraan para tulungan o paglawigin yung mga ginagawang terrorist acts ng mga teroristang grupo. Okay, tuloy natin.
04:55.0
So nagbibigay siya ng training mga kapatas natin. So those are terroristic acts. Kasi overt acts na yan.
05:03.0
So hindi nila makuha ang pahayag niya, ang gagawin natin ang mga kapatas natin. Papaliwanag ko sa inyo kung ano nang mangyayari dyan.
05:34.0
Hello yan. Okay na siguro? Okay na ba may audio na? Paglang naputol yung audio. Yan okay na? Okay na?
05:44.0
Nag-mute nga kanina. Ito mga kapatas natin. Section 25 ng Anti-Terrorism Act. Designation of terrorist individual groups of persons, organizations, or associations.
05:56.0
So dito sa section 25 mga kapatas natin pwede ka nang mag-designate ng mga terorista, tao man o grupo, o kaya orginasasyon.
06:07.0
Ngayon mga kapatas natin, ito nakalagay dito, the Anti-Terrorism Council may designate an individual groups of persons, organization, or association, whether domestic or foreign, upon finding of probable cause.
06:25.0
So tulad nga ng sinabi ko sa inyo kanina mga kapatas natin, parang ito rin ay preliminary investigation. Ang kailangan probable cause.
06:33.0
Ano yung probable cause? Base dun sa mga ebidensya na ito, malaki ang chance na itong tao nga ito ay isang terorista at gumagawa ng terroristic acts.
06:44.0
So ganoon ang nangyari kay Doc Natty. Pagkatapos, tignan yung ebidensya laban sa kanya, kasali yung mga testimonya ng mga testigo, nakahanap sila ng probable cause.
06:58.0
Tapos ito mga kapatas natin, ilalagay dito na nag-commit sila or attempt to commit or conspire in commission of the acts defined or penalized under section 456789101112 of this act.
07:13.0
So itong section 456789101112 ito yung terroristic acts. Ito yung mga bagay-bagay katulad ng pagtulong o pagbibigay pondo sa mga terrorist groups, pagbobomba o kaya pagtitrain, patay ng mga tao in relation or in furtherance of terroristic activities.
07:34.0
Ganoon mga kapatas natin. So ang nangyari dito, ang nangyari dyan kapag ikaw ay na-designate bilang isang tao na pinagkakamalang terorista at may probable cause nga, hindi ito.
07:48.0
Uulitin ko, katulad ng ginagawa nitong si Badoy at si Eric, invento-invento lang yan. Ito based on evidence na ito mga kapatas natin. Based on evidence na.
08:07.0
Ngayon ang parusa dito, kapag ikaw ay isang individual na na-designate bilang isang terorista o kaya isang tao na gumagawa ng terroristic activities, you will be under the authority of the Anti-Money Laundering Council.
08:26.0
Ito may sabihin noon lahat ng pera mo sa banko i-freeze nila yan. Hindi ka makaka-withdraw. Siguro pwedeng mag-deposit sayo pero hindi mo matatanggal ang pera mo dyan. Hindi mo maililipat.
08:42.0
Ganoon ang mangyayari dyan. Ngayon, the designation shall be without prejudice to the proscription of terrorist organizations. Ito naman proscription na ito yung binabawalan pag babawal.
08:56.0
So babawalan yung mga tao na gumawa ng mga bagay-bagay. Kaya lang ito mga kapatas natin, iba na yan. Ito lang yung kailangan nating intindihin dyan. Pagkatapos na magkaroon ng designation ng isang tao na isang terorista, pwede na siyang huliin.
09:17.0
Ngayon pag hinuli siya magkakaroon naun ng trial, doon sa special court na denesignate para sa mga crimes committed under the Anti-Terrorism Act.
09:30.0
Okay? Ganoon po ang mangyayari dyan. So kapag ibabangga mo ito doon sa ating regular proceedings in relation to ordinary crimes, parang natapos na yung preliminary investigation.
09:45.0
Pag natapos na yung preliminary investigation, may lalabas na na-warrant of arrest. So pwede ka nang arestuhin. Pag inaresto ka, tatakbo na yung kaso. Tapos titignan na kung makukulong ka o hindi.
09:58.0
Kasi pag titignan nyo, siyempre siyempre sasabihin ng mga tao, hindi tapos na yan kasi terorista ka na nga. Ina-designate ka na terorist.
10:06.0
Itong designation na isa kang terorista, merely based on probable cause. Violations of the Anti-Terrorism Act are criminal in nature. Bakit may kulong?
10:23.0
Kapag criminal in nature o may kulong ang isang kaso, dapat proof beyond reasonable doubt yan. So hindi pa tapos itong kasong ito. Pag nahuli siya, magkakaroon ng paglilitis.
10:40.0
Lininaw ko lang yan mga kabatas natin kasi siyempre maganda rin magkaroon tayo ng idea sa mga nangyayaring ganto because hindi rin maganda maabuso yan.
10:53.0
At siyempre dapat alam din natin kung ano nga ang mangyayari kapag na-designate o na-tag bilang isang terorista ang isang tao. Yung may ebedensya, hindi yung badoy style.
11:03.0
Maraming salamat mga kabatas natin. At siyempre tulad ng laging sinasabi matulog tayo ng mahimbing dahil alam natin na natutulog ng mahimbing siya ang lagi panalo. Paalam po pansamantala.
11:33.0
Thank you for watching!