Close
 


Paano mag-invest sa Stock Market PSE : Investment Tips
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa video natin ngayon, ating pag-uusapan ang stock market. Kung paano ito gumagana, bakit bumababa at tumataas ang presyo ng stocks? Safe kaya kung dito mag-invest ng pera? Sa anong paraan kikita ng pera dito? Paano mag-invest sa Philippine stock market? At higit sa lahat, possible kayang yumaman dito? Lahat ng mga tanong na yan ay bibigyan natin ng sagot. VIDEO OUTLINE 00:00 INTRO 01:06 Primary market vs. Secondary market. 04:16 Bakit nagbabago ang presyo ng stocks? 08:44 Safe ba mag-invest sa stock market? 09:34 Dalawang paraan kung paano kumita sa stock market. 11:12 Guide kung paano mag-invest sa Philippine stock market. 13:52 Tips kung paano magtagumpay sa stock market. CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #StockMarketPilipinas #InvestmentTips #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 17:39
Has AI Subtitles




Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa video natin ngayon, pag-uusapan natin ang stock market, kung paano ito gumagana, bakit bumababa at tumatas ang presyo ng stocks, safe kaya kung dito mag-invest ng pera, sa anong paraan kikita ng pera dito, paano mag-invest sa Philippine stock market, at higit sa lahat, posibleng kayang yumaman dito?
00:29.7
Lahat ng mga tanong na iyan ay bibigyan natin ang sagot, pero bago tayo magumpisa, disclaimer lang ng purpose ng video nito ay magbahagi lang ng impormasyon tungkol sa stock market, at ang mga halimbawa na gagamitin namin ay hindi dapat gawing basihan ng iyong mga desisyon sa pag-iinvest, mas mabuting kumonsulta sa isang legit na financial advisor.
00:50.5
Kaya ehanda mo na ang iyong papel at panulat para malista mo ang mga mahahalagang aral, at make sure na panuorin mo ang buong video dahil sigurado akong marami kang matututunan. So hindi na natin patatagalin pa at simula na agad natin i-explore ang stock market.
01:06.5
Part 1. Ang pinagkaiba ng primary market at secondary market. Sa bawat market may mga taong nagbibenta at may mga taong bumibili.
01:15.8
Katulad ng palengke, may mga taong nagbibenta ng isda, gulay, prutas, karne at iba pa. At may mga taong gustong bumili ng mga produkto na iyon para makuha yung kanilang mga pangangailangan.
01:27.8
Sa financial market naman ay parang ganun din, pero sa halip na gulay at prutas, nagbibenta sila ng tinatawag na securities. Isa sa mga halimbawa ng securities ay ang stocks o shares.
01:39.3
Ang stocks ay ginagamit ng mga company sa pag-raise ng malaking kapital. Halimbawa sa ABC Incorporation ay isang private company.
01:47.8
Gusto niyang mag-expand ang kanyang business at para matupad ito, kailangan niya ng malaking kapital. So ang ginawa niya ay nag-transition muna siya bilang isang private company to a public company.
01:59.3
Ito yung tinatawag na IPO o Initial Public Offering. Nang sa ganun ay pwede siyang mag-issue ng stocks at iaalok niya ito sa kanyang mga potential investors, kagaya ng hedge funds, insurance companies, investment banks at iba pa.
Show More Subtitles »