Isla - Bakit Puti Lahat Ang Mga Bubong Ng Bahay Sa Islang Ito?
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Kung magsisearch ka sa Google Earth ng Bermuda,
00:03.4
bubungad sa'yo ang napakaraming maliliit na kulay puting hugi-square at rectangle.
00:10.0
Yan ay mga bubong ng bahay at mga buildings.
00:13.6
At lahat ng mga bubong sa Bermuda ay kulay puti.
00:17.4
Sinasabing kung hindi kulay puti ang bubong ng iyong bahay,
00:21.2
ay hindi ka mabubuhay sa Bermuda.
00:24.4
Sa lugar na to, ang bubong ay kailangang kulaya ng puti.
00:28.2
Dahil dito nakasalalay ang kanilang buhay.
00:31.4
Bakit kaya kailangang kulay puti at ganito dapat ang disenyo
00:35.8
ng lahat ng bubong ng mga bahay sa Bermuda?
00:43.2
Welcome to Bermuda Island,
00:45.4
isang teritoryo ng United Kingdom na makikita sa North Atlantic Ocean.
00:50.6
At kapitbahay nito ang sikat at misteryosong Bermuda Triangle.
00:55.4
Tirahan ito ng nasa 63,000 katao.
00:59.2
Ganito ang disenyo at kulay ng lahat ng mga bahay dito.
01:03.2
Hindi dahil paborito ng mga Bermudians ang kulay puti,
01:07.0
kundi dahil dito nakasalalay ang kanilang buhay.
01:10.6
Opo, literal na, it's a matter of life and death.
01:15.6
Ang sagot ay dahil dito.
01:23.2
Ang Bermuda ay katulad ng Pilipinas na isang archipelago.
01:27.4
Mayroon itong 7 pangunahing isla at 170 na maliliit na isla.
01:33.0
Pero bagamat napapalibutan ng tubig,
01:35.6
malaking problema ng mga mamamayan dito
01:38.4
ang pagkukuha na ng fresh water o tubig tabang.
01:42.0
Wala kasi ditong lawa o ilog.
01:44.6
Wala rin mga bukal dahil ang isla ay binubuo ng 60 meters na kapal ng limestone.
01:51.0
May ilang mga balon o tubig sa mga kuweba,
01:54.0
pero ito ay maalat at madumi din.
01:56.8
Kaya bagamat napapalibutan ng tubig,
01:59.2
walang source ng fresh water o tubig tabang na maaaring inumin ng mga mamamayan.
02:04.6
Buti na lang, sagana ang Bermuda sa tubig ulan.
02:08.4
At malaki ang papel ng materyales at disenyo ng bubong
02:12.0
ng mga Bermudians sa pag-ipon ng tubig ulan.
02:15.4
Ang mga bubong ng mga bahay dito ay gawa sa solid limestone
02:20.0
na sagana sa islang ito.
02:21.8
May dalawang dahilan bakit sila gumagamit ng bato bilang bubong.
02:26.2
Una, mabigat at matibay ito.
02:28.6
Hindi madaling lipa rin ang hangin at sirain ang malalakas na bagyo.
02:33.0
Pangalawa, para magkulekta ng tubig ulan,
02:36.0
ang bawat slab ng limestone ay isinasayos na parang steps sa bubong.
02:41.2
Ang purpose daw ng disenyong ito ay upang mapabagal ang pagdaloy ng tubig ulan
02:46.8
para walang masayang na tubig
02:49.0
o para ma-minimize yung pagtalsik ng tubig ulan na nauhulog lang sa lupa.
02:54.4
Ang dumadaloy na tubig ulan ay nakadirekta ang pagtulo
02:58.2
sa isang tubo na dederecho naman sa underground na tangke
03:02.6
kung saan iniipon ito.
03:04.4
Ngunit bakit nga ba kailangang kulay puti ang kanilang bubong?
03:08.2
Bago natin iyan sagutin, nagustuhan nyo po ba ang content natin ngayon?
03:12.6
Kung oo, ay mag-comment po kayo ng yes.
03:19.0
Ang puting-puting kulay ng mga bubong ay dahil sa ginagamit nilang lime wash
03:24.4
na gawa pa rin sa mga dinurog na limestone.
03:27.4
Ang iba naman ay gumagamit ng non-toxic na puting pintura para sa bubong.
03:32.8
Nakakatulong daw ang puting kulay sa pagpapanatiling malinis ng tubig ulan.
03:38.2
Nire-reflect kasi nito ang UV rays mula sa araw
03:42.0
na tumutulong mag-purify ng tubig.
03:44.8
At tumutulong na rin itong panatilihing malamig ang mga bahay.
03:48.6
Ang original na lime mortar o yung parang simento na ginagamit nila sa bubong
03:53.6
ay nagtataglay din daw ng antibacterial properties
03:57.2
na tumutulong sa pagpapanatiling malinis ng tubig ulan.
04:01.2
Ang kanilang mga bubong ay itinuturing nilang pinaka-efektibong paraan
04:05.8
para makaipon ng 30 gallons ng tubig
04:08.6
na sasapat sa pangangailangan ng bawat isang tao sa isang araw.
04:13.2
Ayon sa isang netizen,
04:14.8
meron din namang mga bahay dito na hindi kulay puti ang bubong
04:18.4
ngunit ito'y iilan lamang.
04:20.2
Majority pa rin ay kulay puti.
04:22.6
Dahil sa pakinabang na hatid ng kulay at disenyo ng mga bubong sa Bermuda,
04:27.6
isinabatas ng kanilang pamahalaan ang ganitong standard sa pagpapagawa ng bubong
04:32.6
at kasama ito sa kanilang Building Code.
04:35.4
Para sa 63,000 Bermudians,
04:38.0
bahagi ng kanilang pamumuhay ang pagtitipid sa pagkonsumo ng tubig.
04:42.8
Sa pagsisipilyo, ang bawat mumog ay kalkulado
04:46.4
para masigurong sapat hanggang sa huling mumog.
04:49.8
Sa paglalaba, kontrolado ang gamit ng sabon
04:53.0
para ang huling pinagbanlawan ay magamit pang pandilig ng mga halaman.
04:58.0
Tunay ngang mapalad tayong walang kakulangan sa malinis na tubig.
05:02.4
At naway maging aral sa atin ang mga puting bubong ng Bermuda
05:06.8
na nagpapaalala lang ang tubig na biyaya ng langit
05:10.2
ay dapat mahalin, tipirin, at huwag baliwalain.
05:14.0
Ikaw ka Awesome, gusto mo bang bumisita sa Bermuda?
05:17.2
Pakilagay ang inyong sagot at opinion sa comment section.
05:21.0
This is your Ate O from our Republic.
05:23.4
Hanggang sa muli and stay awesome!