01:36.0
At Justin Brown din nagpasapog ng 41 points sa lapang Gilas Pilipinas contra Jordan.
01:43.0
The international team kinapos sa ilong uling minuto ng laro.
02:11.0
Sa isang buong linggong malawakang tigil pasada, idaraan ang mga transport group ang kanilang protesta sa PUV modernization program ng LTFRB.
02:21.0
Dahil sa programang yan, ipiface out ang mga luma at tradisyonal na mga jeepney at UV Express na naging bahagi na ng ating kultura.
02:30.0
LTFRB, tayo pong mga board member dyan, tayo po dapat ang ma-face out at hindi po ang kultura ng lahing Pilipino, ang traditional jeepney at ang UV Express.
02:49.0
Giit naman ang Department of Transportation hindi mamadaliin ang mga hirap sa pag-modernize. Nasa front line ang balita niyan, si Elaine Fulgencio.
02:58.0
Tuloy na po ito, hindi lamang po tigil pasada, itatambak po namin sa harapan ng LTFRB, yung aming mga traditional jeepney at UV Express para to'n na makita kung gano'n kami karami.
03:10.0
Gigil na gigil at palaban ang hamon ng nagsama-samang transport groups sa Quezon City na disididong mag-tigil pasada sa loob ng isang buong linggo.
03:20.0
Sisiguruhin daw nilang mararamdaman sa buong bansa ang kanilang protesta kontra sa PUV modernization.
03:28.0
Dito pa lang sa Metro Manila, mahigit 40,000 jeepney at UV Express ang hindi pa pasada simula sa March 6 hanggang 12.
03:37.0
Bagamat wala pa silang maibigay na bilang ng mga lalahok na driver at operator, sa tigil pasada sa mga probinsya, may mga nagsabi na raw nasasali sa protesta.
03:47.0
Yung gravity po nito, sigurado pong hindi makakapasok yung ating mga manggagawa. Kaya LTFRB, mag-isip-isip po kayo.
03:57.0
Bukod sa mga pasajero, apektado rin ng tigil pasada ang kita ng mga driver. Pero kakayanin daw nila ito.
04:05.0
Nakaya po namin ng halos dalawa, halos batlong taon na hindi po kami nakakapiyahe. Kakayanin natin yung isang linggo mga kasama! Mas kaaba pa!
04:15.0
Ngayon pa lang, humihingi na sila ng paumanhin sa mga pasajerong walang masasakyan.
04:20.0
Pero kailangan daw nila itong gawin kung hindi mas mahaba ang magiging pagdurusan ng mga driver at mga pasajero.
04:27.0
Nananawagan na rin sila ng tulong kay Pangulong Bongbong Marcos.
04:32.0
President Bongbong Marcos, sinisingil na po namin kayo ngayon kung sa inyong ipinangako na hindi kami mapipaysad at magpatatuloy ang aming hanap buhay.
04:42.0
Ang ating pagulo naman, tinulungan namin kayo, maawa naman kayo, makinig kayo sa amin, ipatayap nyo kami sa Malacanang!
04:51.0
Sa Malacanang, dalin nyo kami, mag-uusap tayo. Kung talaga pong gusto ninyong modernisasyon, ibatas ninyo ng tama.
04:59.0
Wala pang bagong tugon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
05:04.0
Pero nauna na nitong iginiit na hindi napapayagang pumasadang mga traditional jeepney at uve express unit matapos ang June 30, maliban na lang kung sila ay parte ng kooperatiba o korporasyon.
05:17.0
Ang pag-anib sa mga kooperatiba at korporasyon ang magsisilbing tulay ng mga driver at operator para makakuha ng pautang para sa modernong sasakyan.
05:27.0
Even since last year, we are already addressing dun sa mga GFIs, yung government banks, to address the loans.
05:35.0
But for the meantime, while we're addressing it, ito sanang mga hindi pa nakapag-consolidate.
05:42.0
Ang Department of Transportation naman nananawagan sa mga driver at operator na makipag-usap muna sa gobyerno bago ituloy ang balak na tigil pasada sa lunes.
05:53.0
Siguro dapat pag-isipan natin mabuti yung pag-stop ng operations.
05:58.0
Dapat mag-usap-usap muna. Let's understand what the issues are. Kasi baka hindi tayo nagkakaintindihan.
06:06.0
Nanindigan ang transport groups na hindi sila titigil na kalampagi ng gobyerno hanggat hindi nababaliktad ang planong face-out.
06:15.0
Nagbabalita mula sa frontline, Elaine Fulgencio, News 5.
06:21.0
May rollback naman ng ilang oil companies simula bukas.
06:24.0
1 peso and 30 centavos ang bawas sa kada litro ng diesel.
06:29.0
70 centavos naman sa gasolina, habang 1 peso and 80 centavos sa kerosene.
06:34.0
May nakaambarin bawas presyo sa LPG sa susunod na buwan.
06:38.0
Sa tansya ng Republic Gas Corporation o Regaso, 4 na piso ang posibleng rollback sa kada kilo ng LPG.
06:45.0
Katumbas yan ang 44 pesos kada tangking may 11 kilos.
06:50.0
Bahagyang pambawi ito sa higit 11 peso big-time hike sa kada kilo ngayong Pebrero.
06:58.0
Binigyan din ni Sen. Aimee Marcos na normal lang na may mga hindi sila pagkakaunawaan ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.
07:06.0
Gwento ng Senadora, may mga pagkakataong nagkakasalungat ang opinion nila ng Pangulo.
07:12.0
Halimbawa raw sa usapin ng agriculture smuggler.
07:15.0
Pero hindi naman daw ito maituturing na matinding alitan.
07:19.0
Ako hype naan sa mga smuggler. Si Bongbong nagtitimpi pa rin, mabait pa rin, hindi ko maintindihan.
07:26.0
Kaya yun, nagkakadiferensya kami sa ganyan.
07:29.0
Kapag nagkakamali, talagang para sa manang, di ba yan ang papel ng ate, talagang kukutusin ka.
07:36.0
At talagang sabi ko nga eh, tiisin mo na, ganyan talaga naman ang papel ng manang.
07:41.0
Babatukan ka pag hindi siyang ayon sa ginagawa ko.
07:45.0
Hilaw rin ng Senadora na hindi si Pangulong Marcos ang sinabun niya sa isa niyang Facebook post tungkol sa Tanok Festival sa Ilocos noong Biernes.
07:55.0
Ang anak daw niya ang si Ilocos Norte Governor Matthew Manotok ang sinita ng Senadora.
08:00.0
Isinabay kasi ang festival sa anibarsaryo ng EDSA People Power Revolution.
08:05.0
Sa araw na ito, nakaugalian daw ng Senadora na bisitahin ang puntod ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
08:13.0
Sinabun ko ng buwang-buwang ang aking anak, si Gov, si Gov Matt, yung aking bonso na naging governor.
08:22.0
Hindi nag-iisip kasi bagets pa katulad nyo.
08:25.0
Sabi niya, what's the fuss, ma'am? Eh sabi ko, naku anak, hindi ako nagsi-celebrate, bahala ka sa buhay mo, hindi ko kaya.
08:33.0
Tapos sabi niya, eh, ba't ganyan? Eh sinabi ko, basta, hindi mo na ako pumunta, kayaan na ninyo ako."
08:43.0
Negosyo ang naikitang dahilan ng Bureau of Corrections sa pagkontra ng Masungi Geo-Reserve Foundation sa plano ng Bucor na ilipat doon ang kanilang tanggapan.
08:53.0
Personal ng bilisitan ni Bucor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. kanina ang lugar.
08:59.0
Ipinunto niyang ilang bahagi ng lupa na nakapangalan sa kanilang ahensya ay ginawang ecotourism site.
09:05.0
Ayon kay Catapang, wala itong kaukulang permit.
09:09.0
Sa bara, sa Rizal daw kasi kumuha ng permit ang foundation pero hindi ito ang nakakasakop sa Masungi.
09:15.0
Plano ng Bucor na ilipat ang kanilang headquarters sa Masungi.
09:19.0
Pero sa ngayon, hindi raw muna gagalawin ng Bucor ang lugar hanggat hindi pa napa-plan siya ang mga issue.
09:26.0
Ang ongoing hearing nila sa Congress. May hearing sila sa Congress na tukul din dito sa lupa and then ang mga kung babayad ba ng taxes whatever.
09:42.0
Right now, there are properties na nandyan na so we want to talk to the owners and talk to them about paano ba natin ito i-overcome kasi nga nandito kayo sa lupa namin.
10:12.0
Ang pinakakomplikadong problema sa mundo ang sigalot sa South China Sea.
10:17.0
At transfer fee sa mga bank transaction pinag-aaral ang tanggalin ng Banko Sentral ng Pilipinas.
10:25.0
Magbabalik pa ang front line tonight.
10:35.0
Tinitignan na raw ng Philippine National Police na bigyan ng security detail ang mga politikong buhabiyahin ng malayo.
10:41.0
Kasunod yan ng sunod-sunod na pananambang sa ilang local executives.
10:46.0
Handa namang magbigay ng suporta ang Kamara para paigtingin ang kampanya ng gobyerno laban sa krimen.
10:51.0
Nasa front line, ang balitan niyan si Bryan Castillo.
10:56.0
Handa raw ang Kamara na ibigay ang anumang suportang kailangan ng Philippine National Police at ng Department of Interior and Local Government para puksain ang krimen sa bansa.
11:06.0
Ito ang naging pakayag ni House Speaker Martin Romualdez kasunod ng emergency meeting niya kasama ang PNP at DILG kaugnay ng magkakasunod na pag-atake sa mga local government official.
11:18.0
Sabi ni Romualdez, magbibigay daw ang Kamara ng sapat na funding support at bagong batas kung kailangan para paigtingin ang kampanya ng gobyerno kontra krimen.
11:27.0
Dagdag pa ni Romualdez, ikinutuwari ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbigay pansin ng mga mambabatas sa mga nangyaring high-profile crimes kamakailan.
11:36.0
Nagsimula ang mga ambush noong February 17 kung saan sugatan sila naudal Sur Governor Mamintal Adion Jr. matapos tambangan ang kanilang convoy sa Bayan ng Maging.
11:47.0
Patay sa ambush ang apat niyang security escorts.
11:51.0
February 19 naman ang Vice Mayor ng Aparikagayan na si Romel Alameda at ang lima pa niyang kasama sa sasakyan ang nasawi sa Pananambang sa Nueva Ecija.
12:00.0
At nito lang na karaang Huebes, pinagbabaril ang kotse ni Datu Muntawal Mayor Otto Muntawal sa pass site ng Riding in Tandem, sugatan sa pamamaril ang Alkalde.
12:11.0
Tinayak naman ni PMP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na gumugulong ang kaso at masusinang iniimbestigahan ang lahat ng posibling anggulo sa likod ng mga pag-atake.
12:42.0
Ipinag-utos na rin ni Azurin sa mga regional police commanders na magsagawa ng threat assessment sa mga LGU official. Mahalaga raw na matukoy kung sino-sino ang mga may bantas sa buhay.
12:55.0
Kahit daw kasi walang nakikitang koneksyon sa magkakasunod na Pananambang, meron naman daw napansing pattern ang PMP sa mga krimen.
13:25.0
Pero nauna nang nilinaw ni Interior Secretary Ben Herr Avalos na kailangan munang pag-aralan ang pag-deploy ng security detail sa mga opisyal.
13:33.0
Nanindigan naman ng PNP na wala pang dapat ika-alarma ang publiko. Kahit kasi ilang araw lang ang pagitan ng mga pag-atake at tinuturing pa nilang isolated cases o hindi konektato ang mga ito.
14:03.0
... Ito may rivalry or other reasons why these killings are happening. Incidentally siguro or accidentally it just so happened they are in public service."
14:18.0
Pero ang group ng volunteers against crime and corruption, hindi kumbinsidong isolated cases. Ang tatlong Pananambang na nangyari sa loob lang ng isang linggo.
14:26.0
Kasi nakita nga natin dito yung sunod-sunod na ganitong incidents
14:31.0
na kung saan ang namamatay, 4, 5, 6 in broad daylight using long firearms.
14:37.0
Kung ang PNP hindi nga nila kayang proteksyonan itong mga elected officials na ito,
14:42.0
e paano pa kaya tayong mga low-abiding citizens?
14:45.0
Kaya panawagan ng grupo, huwag maliitin ng mga otoridad
14:49.0
ang ganitong banta sa kaligtasan ng mga Pilipino.
14:53.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Bryan Castillo, News 5.
14:58.0
Gustong ipahawak ng ilang senador sa National Development Company o NDC
15:03.0
ang isinusulong na Sovereign Wealth Fund.
15:06.0
Sa pagdinig ng Senado, pinalutan ang ilang mambabatas
15:09.0
na maaaring ang NDC ang humahawak ng pundo
15:12.0
imbis na gumawa ng hiwalay ng Maharlika Investment Corporation.
15:17.0
Iitinuturing na oldest government investment company ang NDC na itinatag noong 1919.
15:23.0
Sa ngayon, may Php 17.8 billion ang value ng hawak nitong mga proyekto.
15:29.0
Giit naman ang NDC, mananatili itong investment arm ng gobyerno
15:34.0
na nakatutok sa investment caps at suporta sa micro, small and medium enterprises.
15:40.0
Magiging complementary lang daw ito sa MIF, oras na maitatag ito.
15:45.0
We can be a primary vehicle for equity financing for smaller projects of the government
15:51.0
as opposed to Maharlika's big tickets.
15:55.0
NDC Startup Venture Fund with the DTI
15:58.0
will continue to support the innovation and startup development ecosystem.
16:03.0
Our solid history of remitting funds to the national government will continue.
16:08.0
Tanong naman, Senator Nancy Vila,
16:10.0
posible bang mag-level up ang investments ng NDC kung lalakihan ang pondo nito?
16:15.0
Paniwala naman ang NDC, tama lang daw na isinusulong ang MIC na hawak sa investment fund.
16:22.0
Kahit daw kasi kaya ng NDC na gumamit ng mas malaking pondo,
16:26.0
matatagalan raw ang pagproseso nito sa mga big ticket investment.
16:31.0
We are preparing the white paper in preparation for a proposal for a new charter for NDC.
16:42.0
However, I would like to note that this will take a long time
16:47.0
and we feel that the government, the economic team is on the right track
16:55.0
in pushing for a Maharlika fund at this time, at the soonest possible time.
17:01.0
Technically, we can do it.
17:07.0
Sabi bang balita, nakakagalit at nakakahiya.
17:10.0
Yan ang reaksyon ni Sen. Grace po sa pagnanakaw ng limang security personnel
17:15.0
sa isang turistang thai sa Naia.
17:18.0
Sabi ni po, niluraka na naman nito ang reputasyon ng paliparangat.
17:22.0
Kung sino pa raw ang dapat magbantay ang seguridad ng mga pasahero,
17:26.0
sila pa yung mga pasimuno ng pagnanakaw.
17:29.0
Hindi raw sapat na suspindihin na ang mga sangkot dahil kasong kriminal ang pagnanakaw.
17:34.0
Gusto rin silipin ng Senadora ang sahod ng Naia personnel
17:39.0
at kung ito ba ang naguudyok sa mga ito na gumawa ng krimen.
17:44.0
Nung nakita mo yung video na yun, talagang nakakagalit at nakakahiya.
17:50.0
Walang excuse ha sa paggawa ng isang bagay na iligal kahit na nangangailangan ka.
17:56.0
Pero ang totoo nun, pag sobrang gipit ka dahil hindi ka binibigyan ng tamang sweldo,
18:03.0
ay mas lalo kang maienganyo gumawa ng mga ganitong kalokohan.
18:09.0
Nag-viral ang pagnanakaw ng 20,000 yen o katumwas ng 8,000 pesos
18:17.0
kay Kit Jathab Thiem sa Baggage Inspection sa Terminal 2.
18:21.0
Papuntang Japan noon ang biktima nang mapansing nawawala ang kanyang pera.
18:25.0
Saktong nakuhana ng kanyang kababayan ang pagnanakaw,
18:29.0
kaya kinumpronta niya ang security personnel.
18:32.0
Ang mismong uploader ang nagsampa ng reklamo.
18:35.0
Suspendido na ang mga salarin habang gumugulong ang investigasyon.
19:06.0
Because of, I have very strong evidence.
19:09.0
It will be my first and my last time in the Philippines.
19:16.0
Ginuconsideran na rao ng Banko Sentral ng Pilipinas
19:19.0
natanggalin ang fees sa small value fund transfers
19:22.0
o ang patong sa pagpapadala ng maliit na halaga ng pera.
19:26.0
Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla,
19:29.0
layo nitong mahimok ang mga Pilipino na gumamit ng digital payment.
19:33.0
Ginamit nitong halimbawa ang patong sa pagpapadala ng pera sa magkaibang banko.
19:38.0
Aniya, masyadong malaki ang minimum charge na P15 para sa interbank transfer
19:43.0
kung ang ipadadala lang ay nasa P200.
19:47.0
Para matanggal ang ganitong patong,
19:49.0
tinitingnan daw ng BSP na babaan ang reserve requirement ng mga banko
19:53.0
o ang halaga ng pera na hawak ng banko
19:56.0
kontra sa dinedeposito ng customer.
19:59.0
Sa ngayon, nasa 12% ang reserve requirement ng Pilipinas
20:02.0
para sa mga banko.
20:04.0
Pero nauna nang sinabi ni Medalla
20:06.0
na maaari itong ibaba sa single digit bago siya magretiro sa Hulyong
20:10.0
kung bababa ang inflation.
20:15.0
Ipinasara ng Makati City Government
20:17.0
ang main office ng Smart Communications sa Nasa Lungsod.
20:22.0
binatawa ng closure order ang kumpanya
20:25.0
dahil sa pag-ooperate ng walang business permit simula noong 2019.
20:29.0
Bukod pa riyan, hindi rin pinayaran ng Smart
20:32.0
ang franchise tax na aabot sa P3.2 billion
20:36.0
mula taong 2012 hanggang 2015.
20:56.0
Sabi naman ni Sen. Grace Po
20:58.0
bakit hinayaan ang gobyerno na hindi magbayad
21:01.0
ng ganoon katagal ang Smart?
21:03.0
Paano rong ito nakalusot?
21:04.0
Kayong isa itong malaking kumpanya.
21:25.0
Sa pahayag naman ng Smart,
21:27.0
iginit itong sumusunod ang kumpanya
21:29.0
sa mga local tax ordinance ng Makati City
21:32.0
at sa iba pang batas kauknay ng pagbabayad ng buwis.
21:35.0
Naghahain din daw ang Smart na makakaukulang kaso
21:38.0
para ma-resolve ang mga isyong legal
21:40.0
at sa ngayon ay nakabindin pa ang mga ito.
21:43.0
Pero patuloy daw nakikipag-ugnayan
21:45.0
ang kanilang tax team sa Makati LGU.
21:48.0
Siniguro naman ang Smart sa mga subscriber
21:51.0
na available at accessible pa rin ang kumpanya.
21:57.0
Susunod, GILAS Pilipinas bigo sa laban
21:59.0
kontra Jordan sa pagpapatuloy
22:01.0
ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
22:05.0
At libo-libong teddy bears.
22:07.0
Bakit kaya pinaulan sa isang football match sa Turkey?
22:12.0
Tutok lang mga kapatid dito sa Frontline Tonight.
22:43.0
Nagtagal ng halos tatlong oras
22:45.0
ang panibagong hearing ng House Committee
22:47.0
on Constitutional Amendments
22:49.0
para talakayan ng mga detalye
22:51.0
sa panukalang Constitutional Convention o CONCON.
22:54.0
Ang CONCON ang isa sa mga paraan
22:56.0
para magmungkain ng revision o amendment
22:58.0
sa 1987 Constitution.
23:00.0
Matapos ang hearing, pumasang-akampani ang bill
23:03.0
para sa Resolution of Both Houses No. 6
23:06.0
na nagpapatawag ng CONCON.
23:08.0
Sa Panukalang Constitutional Convention Act,
23:10.0
304 ang magiging nyembro ng CONCON.
23:13.0
253 lito ang pagbubutuhan ng registered voters sa bansa,
23:18.0
tig-isa kada congressional district.
23:20.0
Ang natitirang 51 ay itatalaga ng
23:23.0
House Speaker at Senate President
23:25.0
mula sa iba't ibang sektor.
23:27.0
Ang butuhan sa congressional delegates
23:29.0
nakatakda sa Oktubre at nasa 1.5 billion pesos
23:32.0
ang tinatayang gastos para sa eleksyong ito.
23:35.0
Oras na mapili ng mga delegado ng CONCON
23:38.0
sasalang na sila sa mga pagdinig.
23:40.0
Alinsunod din sa Panukala,
23:42.0
may matatanggap ang bawat isang delegado
23:44.0
na P10,000 per diem o allowance
23:48.0
sa kada-araw na sesyon ng CONCON.
23:50.0
Libre rin ang travel at accommodation expenses
23:55.0
Tinutulan niyan ni Gabriela Partiles
23:57.0
Rep. Arlene Rosas.
23:59.0
Isa rin siya sa dalawang hindi-pabor
24:01.0
sa akampani ang bill.
24:03.0
Yung P10,000 na ibibigay sa kada-araw na lalahok sa delegado ng CONCON
24:08.0
Sabi namin kanina halos minimum wage na ito
24:12.0
ng isang manggagawa sa isang buwan.
24:15.0
Ngayon nga hindi natin maibigay yung P10,000 ayuda
24:17.0
para sa ating mga mamamayan.
24:19.0
Medyo mahirap-hirap po itong tanggapin ng mga tao.
24:23.0
Para naman kay Leyte Rep. Richard Gomez,
24:27.0
masadong malaki ang per diem,
24:29.0
lalo kung sagot pa ng gobyerno ang travel at lodging.
24:32.0
Pero tutul dito si abang lingkod Partiles Rep. Caraps Paduano.
25:02.0
So I'm wondering how come delegates are given that much privilege?
25:32.0
PEPESITO 6-10 ARAW
25:55.0
Mungkahi ni Senior Deputy Minority Leader Paul Daza, isabay ang plebesito sa 2025 elections para walang dagdag na gasto.
26:03.0
Sagot naman ni Congressman Rufus Rodriguez.
26:06.0
It will take a long time and our people cannot wait, especially on the economic provisions.
26:13.0
And so therefore, we believe that is the proper timing.
26:17.0
Duda naman si Atty. Christian Monsud, isa sa mga framers ng 1987 Constitution,
26:22.0
na uusad agad ang panukalang kon-kon sa Senado.
26:26.0
Hindi ako sigurado na lulusot sa Senado yun eh.
26:29.0
But siguro sa House lulusot syon. Alam mo, kontrolado nila yun eh.
26:34.0
Pero alam mo, magandang labanan eh sa public debate.
26:40.0
Susunod na isasalang sa plenaryo ang panukala para sa period of sponsorship and debate.
26:46.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Marion Enriquez, News 5.
26:52.0
Nagbago na raw ang misyon o tungkulin ng Armed Forces of the Philippines o AFP,
26:57.0
ayon niyan mismo kay Pangulong Bongbong Marcos.
27:00.0
Paliwanan ng Pangulo, kailangan raw kasing bantayan ngayon ng maigi, ng militar,
27:05.0
ang mga bagay na hindi naman daw dapat masyadong iniisip o inaalala noon.
27:10.0
May mga pagkakataon din daw noon na hindi naman kailangang mag-aalala ng Pilipinas
27:15.0
sa mga banta at sa alitan ng superpowers.
27:18.0
Binanggit ito ng Pangulo nagsabihin niya na ang sigalot sa South China Sea
27:22.0
ang maituturing na pinakamahirap at pinakakomplikadong problema
27:27.0
o geopolitical situation sa buong mundo.
27:30.0
Yan ay kahit para umaygyera pa rin sa Ukraine.
27:39.0
Heartbreak loss ang nangyari ngayong gabi para sa gilas Pilipinas
27:43.0
sa sixth at final window ng TIBA World Cup Asian Qualifiers.
27:48.0
Mainit ang naging labanan sa pagitan ng Pilipinas at Jordan sa home crowd sa Bulacan.
27:54.0
First quarter pa lang kasi, lumamang agad ang Jordan ng 19 points.
27:59.0
Nagtabla sa second quarter, pero bumawi pa rin ang gilas at nagawa pang mapantay ang laban
28:05.0
sa 81-all sa huling limang minuto ng fourth quarter.
28:09.0
Pero sa huli, lumamang pa rin ng maliit ang Jordan kontra gilas sa score na 91-90.
28:17.0
Revenge yan para sa Jordan.
28:19.0
Matapos silang talunin ang Pilipinas noong fifth window sa kanilang home court.
28:24.0
Nanguna naman sa gilas si Justin Noype Brownlee na may double 41 points at 12 rebounds.
28:31.0
Tabla na sa group E ang Pilipinas at Jordan na may 6-4 win-loss record.
29:01.0
So like I said, great adjustment. Yan lang, kapos lang talaga.
29:32.0
Katulad na nakikita rin ninyo dito, sunod na emosyon.
29:36.0
Ang strength, surprise at celebration.
29:39.0
Ngayon, pinaka pinag-usapang gilas player si kababayang Justin Brownlee na top scorer ng ating koponan.
29:46.0
Meron siyang lagpas 210 million na overall reach online.
29:51.0
Pangalawa, si Scottie Thompson na may mahigit 150 million overall reach.
29:56.0
Sunod si Bobby Ray Parks, Jamie Malonzo at Dwight Ramos.
30:13.0
Para naman sa ating pabaong pampagod night, kakaibang football match ang nangyari sa Istanbul, Turkey.
30:19.0
Nagpaulan kasi ng libu-libong teddy bears at stuffed toys ang fans.
30:24.0
Makululay at ibat-ibang laki at hugis ang hinagis ng fans sa pitch ng basic task at antalas for match.
30:33.0
Higit apat na minutong uminto ang laro habang ginagawa yan.
30:37.0
Parte rao yan ang relief efforts ng fans para sa mga batang survivor ng magnitude 7.6 na lindol doon.
30:45.0
Ang lahat ng stuffed toys ibibigay sa mga batang survivor.
30:49.0
At yan po ang kalahating oras ng paghimay sa mahalagang headlines.
30:54.0
Balitaan at diskusyon para sa paghubog ng matalinong opinion.
30:58.0
Kami ang inyong kasangga sa pagbabalita.
31:01.0
Ako po si Jess De Los Santos.
31:03.0
At ako naman po si Mae Ann Lospaños. Maganda gabi.