01:14.8
Punong-puno ng kaligayahan ang puso ng dalaga habang binabagtas ang daan pauwi sa kanila.
01:22.2
Bagamat may kalayuan ang lugar kung saan sila nagtagpo ni Estela upang ibalik ang anak nito ay sulit naman.
01:31.4
Ginabi siya ng uwi ngunit may mabuti naman iyong pinatunguhan.
01:37.1
Siyang siya pa rin si Jane sa naging takbo ng kanyang araw at tila lumalakad pa sa alapaap
01:44.0
kaya naman wala siyang kamuang-muang na nasa likod niya ay may isang nilalang na mistulang aso at tumatakbo.
01:54.4
Umaagos ang laway nun at takam na takam na nakamata sa kanya.
02:00.6
Nang halos ilang talampakan na lamang ang agwat nun sa dalaga ay biglaang tumalon at sinunggaban ang leeg ni Jane
02:09.8
ni hindi na nakapanlaban ang dalaga.
02:13.2
Sa mariing kagat sa kanyang leeg ay natungkab ang isang malaking tipak ng laman na nilunok kaagad ng nilalang.
02:24.2
Ang nanlalaking mga mata ng biktima ay dinukot at isinuburin.
02:30.9
Pagkatapos hinila ang katawan nun sa dilim at tuon na nilantakan na parang wala ng bukas.
02:42.6
Oras na naman na!
02:57.6
Asikasong-asikaso ng mag-asawang Ramon at Estela ang anak na si Monty.
03:03.8
Isang taong nawala ang kanilang anak kaya naman ganun sila kasabik.
03:09.9
Mayat-maya ay tinatanong kung nagugutom ba, kung ano ang ibig kainin, kung nais ba nitong lumabas, mamasyal o manood ng sine.
03:21.1
Sinusulit nila ang mga nanakaw na sandali sa kanilang mga anak.
03:26.7
Napagkasunduan ang mag-asawa na magbakasyon muna sa probinsya.
03:32.4
Sa probinsya ay sariwa ang hangin at presko ang mga pagkain.
03:37.6
Doon ay tiyak na mababawi nila ang mga panahong nawala sa kanila.
03:42.8
Malalayo rin sa social media na ilang buwan na silang pinagpepyastahan dahil daw sa nakakaiyak nilang muling pagkikita-kita.
03:51.6
Gusto nilang maging privado ang buhay at ang solusyon ay ang lumayo sa maingay na kabihasnan.
04:07.7
Malapit sa dagat ang bayan ng Murtuum, kung saan napadpad ang mag-anak na rakisa.
04:15.7
Sa unang araw pa lamang nilaroon ay kapansin-pansin na tila at home na at home si Monty.
04:25.7
Napatakbo-takbo agad ito sa buhangin sa pagkakaroon ng mga nakakain.
04:31.5
May kalakihan ng renta, ngunit sulit naman kumpara lamang sa kanilang anak.
04:38.5
Sa unang araw din na iyon ay may nakilala agad na bagong kaibigan si Monty.
04:44.5
Si Dolly, nakapareho nitong walong taong gulang din lamang.
04:51.5
Sa unang araw din na iyon ay may nakilala agad na bagong kaibigan si Monty.
04:56.5
Si Dolly, nakapareho nitong walong taong gulang din lamang.
05:01.5
Magmula ng magkakilala ang mga ito ay paratin ang magkasama.
05:06.5
Tila magkadikit sa tagiliran dahil naghihiwalay lamang kapag gabi na
05:11.5
at kailangan ng magsi-uwian sa kanika nilang bahay upang makapaghapunan at magpahinga.
05:19.5
Masayang pinanonood ng mag-asawa na maghapunan si Monty.
05:24.5
Nambigla ay napaluhan na lamang si Stella.
05:28.8
Kaagad naman itong dinaluhan ni Ramon at sinabing na uunawaan nito ang nag-uumapaw na damdamin ng kabiyak.
05:37.8
Nagpasalamat sila na muli pang nagbalik sa kanila ang bata.
05:42.8
Nang mapalingon sa kanila ang anak at ngumiti ito ay lalong nag-umapaw ang galak sa puso ng mag-asawa.
06:11.8
Isang umaga ay masayang-masayang Dali ang nabungara ng mag-asawang Rakesas at Therese ng kanilang bahay.
06:19.8
Noon ay alas-sais pa lamang ng umaga at natutulog pa si Monty.
06:25.6
Ipinakita ni Dali ang Polaroid camera ng kapatid nito na kinuharaw nito ng walang paalam.
06:33.6
Nagulat si Ramon at pinayuhan ang bata na isauli na iyon bago pa ito mabisto at mapagalitan.
06:44.6
Saglit lamang naman daw.
06:47.6
Uuwi rin ito at ibabalik ang gadget sa oras na makapag-picture na sila ni Monty.
06:53.9
Wala raw kasi silang larawan.
06:57.4
Doon ay natawa si Ramon at pagkatapos ay nagpa siya nagisingin ng anak para lamang makapag-selfie na ang dalawang bata.
07:07.4
Halatang wala sa mood si Monty nang bumangon.
07:11.4
Hindi pa ito nakakahilamos ngunit pumayag naman na mag-selfie sila ng kaibigan.
07:17.4
Si Ramon ang kumuha ng larawan.
07:20.2
Ngiting-ngiti si Dali samantalang seryosong-seryoso naman si Monty.
07:25.2
Ni hindi na nahintay pa na ma-develop ang larawan ay nagpasalamat na lamang ang bata at nagmadali ng umuwi.
07:33.2
Naiiling na natatawa naman si Ramon at Estela.
07:38.2
Sa isip nila ay napakasaya talagang maging bata.
07:43.0
Nang maghapong iyon ay hindi na nagpakita pa si Dali sa pamamahay ng mga rakisah.
07:49.0
Pupuntahan na sana ni Monty ang kaibigan subalit hindi ito pinayagan ng mga magulang dahil mainit ang ulo ng bata.
07:58.0
Naistorbo kasi ang tulog nito kaya naman sa lubong ang mga kilay at kunot na kunot ang noo.
08:05.0
Baka raw awayin lamang nito si Dali at masaktan pa.
08:09.8
Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Monty at galit na lumingon kay Ramon.
08:15.8
Kung bakit daw ba naman kasi inistorbo ito sa pagtulog?
08:20.8
Alam na alam naman daw na puyat ito.
08:23.8
Kagyat na lumuhod si Ramon sa harap ng anak upang magpantay ang taas nila pagkatapos ay humingi na lamang ng paumanhin.
08:33.6
Pakakainin na lamang daw niya ng paborito nito ang bata, huwag lamang itong magalit.
08:40.6
Sa sinabing iyon ni Ramon ay nagliwanag ang muka ni Monty.
08:45.6
Umakap ito sa ama at nagtungo na sa kwarto upang maghanda sa kanilang pagalis.
08:51.6
Nag-aalala naman ang sulyap na ibinigay ni Estela sa asawa.
08:56.6
Nginitihan niya sa mga mga mga kapatid.
08:59.6
Ninigay ni Estela sa asawa.
09:02.4
Nginitihan lamang ni Ramon ang kabiyak at pagkatapos ay niyakap.
09:08.4
Nagpalingalinga muna si Ramon.
09:11.4
Nang masiguradong walang ibang tao ay tsaka niya buong lakas na inihampas ang asarol sa nananahimik na lapida ng nicho.
09:21.2
Kaagad na umalingasaw ang masangsang na amoy ng pinaghalong formalin at bulok na bangkay.
09:29.2
Muli siyang nagpalingalinga dahil sa munting pagsabog na sanhinang pagsingaw ng nakulong na gaas sa kongkreto.
09:38.2
Kahit masuka-suka ay pinili niya ang nichong iyon dahil iilang araw pang naililibing ang laman.
09:45.0
Nang humupa ang makabaligtad sikmurang amoy ay tsaka niya tuluyang biniyak ang pinto ng nicho.
09:53.0
Napapaduwal pa rin siya sa sangsang noon ngunit kailangan niyang magtiis.
10:00.0
Ngiting ngiti naman si Monty nang sa wakas ay mailabas ang kabaong sa loob ng nicho.
10:07.0
Tinignan ng bata ang ama at pagkatapos ay nilalabas ang mga kapatid.
10:13.8
Nang tumangon si Ramon, mistulang gotom na hayop na dinaluhong ni Monty ang ataol na iyon.
10:24.8
Kay lakas na mga daliri nito na bagamat walang matutulis na kuko ay nagawa namang tuhugin ang kahoy ng sisidlan upang dukutin ang bangkay na nasa loob.
10:37.6
Inilayo ni Ramon ang paningin sa anak.
10:41.6
Hindi niya kayang panuorin kung paano nito lantakan ang bangkay na nakahain.
10:47.6
Hindi niya kayang tanggapin na iba na ang Monty na umuwi sa kanila ni Estella.
10:54.6
Ngunit hindi rin naman nila kayang itaboy ito.
10:58.6
Mahal na mahal nila si Monty kahit pa nga hindi na ito ang totoo nilang anak.
11:07.6
Isang Taon Na Ang Nakararaan Nang Pumanaw Si Monty Sa Isang Misteryosong Karamdaman
11:16.6
Isang taon na ang nakararaan ng pumanaw si Monty sa isang misteryosong karamdaman.
11:23.6
Ka isa isang anak ni na Ramon at Estella ang bata.
11:27.6
Hindi na maaaring magkaanak ang mag-asawa dahil kapwa may reproductive disorder sila.
11:35.4
Isang himala nga na dumating sa buhay nila si Monty
11:39.4
ngunit kaagad naman iyong pinawi sa murang gulang na pito.
11:44.4
Desperado ang mag-asawa at handang gawin ang lahat upang muling makapiling ang anak.
11:51.4
Naniniwala sila na kung nagkaroon nga ng himala at naisilang si Monty
11:57.4
kahit na pareho silang may karamdaman.
12:00.4
Bakit ang hindi ito muling mabubuhay?
12:04.2
Hindi nga ba't ang Panginoong Jesus ay namatay ngunit muling nabuhay?
12:10.2
Ano ang tsansa na maaari din iyong mangyari sa kanila?
12:15.2
Gayong buong buhay naman nila ay ipinaglingkod sa Diyos.
12:20.2
Kaya nga sila nabiyayaan ng anak ay dahil sa kanilang taintim na panalangin.
12:27.2
Kaya lubha silang naniniwala,
12:33.0
sa kapangyarihan ng panalangin at pananampalataya
12:37.0
muling mabubuhay si Monty.
12:40.0
Muli nila itong makakapiling.
12:43.0
Kaya lamang ay nagdaan na mga araw at linggo
12:48.0
ang bankay ni Monty ay nagsisimula ng mag-iba ang kulay at mga moy.
12:54.0
Nahahalata na rin na mga kapitbahay ang kakaiba nilang ikinikilos
12:58.8
kaya naman masakit man sa mag-asawa ay kailangan na nilang ilibing ang anak.
13:05.8
Magkagayon man, hindi sila sumuko sa panalangin.
13:10.8
Hindi sila sumuko sa pag-asa na muling babangon si Monty sa hukay.
13:16.8
Magbabalik sa kanila at magsasama silang mag-anak na may matiwasay na pamumuhay.
13:23.8
Hindi din dapat minamaliit ang kapangyarihan ng panalangin
13:28.0
lalo na iyong klase ng dasal na nangangako ng kung ano-anong kapalit.
13:33.8
Nariyang ipangako ni Estela ang sariling buhay o kaya naman ay ang pangako ni Ramon
13:40.8
na handang magbigay ng buhay na alay, makasama lamang muli ang anak
13:46.8
na kahit daw kawangis lamang ni Monty ang ipagkaloob sa kanila
13:50.8
ay kanilang tatanggapin ng buong puso.
13:58.8
Hindi dapat hinahamon ang kawalan na magbigay ng imposibleng kahilingan.
14:06.8
May ibang nila lang na nakikinig sa mga panalangin at hindi ito nagmula sa kabutihan.
14:13.8
Ang mga mithiing hindi saklaw ng batas ng buhay ay may kapalit na hindi na rin sakop ng panuntunan ng mga buhay.
14:24.6
Makaraan ang isang taong taimtim at makasariling pananalangin ay may kung anong elemento ang tumupad sa kahilingan ng mag-asawa.
14:37.6
Hindi man makapaniwala ngunit walang balak na tanggihan ang kung anumang nila lang na gumagamit ng pisikal na kaanyuan ng kanilang yumaong anak.
14:49.4
Tinanggap ni Naramon at Estela ang bagong Monty.
14:56.4
Ang bagong Monty na sa unang kita pa lamang ay alam nilang hindi ang kanilang anak.
15:04.4
Sa unang gabi pa lamang nito sa kanilang tahanan ay bigla na lamang itong naglaho at nang muling magbalik ay dala na ang bangkay ng babaeng nagmagandang loob na ihatid ito sa mag-asawa.
15:19.4
Magmula noon ay kinakailangan ng kumain ni Monty ng karne ng tao upang mapanatili ang maayos na kalagayan ng katawang lupa nito.
15:32.4
Kung hindi, ay tuluyan itong mabubulok at muling mauuwi sa alabok.
15:39.4
At hindi makapapayag si Naramon at Estela na mawalang muli ang kanilang anak.
15:45.2
Kaya sa kahit na anong paraan ay pinakakain nila ito ng karne ng tao, mapabuhay man o patay.
15:59.2
Nahihirapan ng mambiktima si Monty sa syudad, kaya naman kinailangan ng lumipat sa liblib na probinsya ng mag-anak at doon na sila napadpad sa bayan ng mortuom.
16:15.2
Nang makuntento sa bangkay na kanyang nilantakan ay tumayo na si Monty.
16:21.2
Nihindi nilingon si Ramon na noon ay napatingin na lamang sa anak na tatakap-takap pa habang pinupunasan ang nanggigitatang nguso at muka.
16:32.2
Dali-dali namang ibinalik ng lalaki ang luray na bangkay sa loob ng nicho.
16:38.0
Bahala ng nakatiwangwang iyon at iisipin na lang ng mga makakakita na may mabangis na hayop na ngumay ngay roon.
16:47.0
Nuoy papadilim na, kaya naman kahit nakapangingilabot ang itsura ni Monty ay hindi na iyon alintana ng mag-ama.
16:57.0
Wala namang makakakita sa kanila, kaya...
17:01.8
Napapitlag si Ramon nang marinig ang tinig ni Dali na tumatawag sa kanila.
17:07.8
Ibig sana nitong pigilan ang paglapit ng bata, ngunit mabilis itong nakatakbo at nakaagapay sa kanila.
17:15.8
Hinihingal pa nitong iniabot sa kanya ang larawan na kinuha niya noong umaga, at nanlaki ang ulo niya ng makita iyon.
17:25.6
Tinatanong siya ni Dali kung bakit mukha ng isang asong na aagnas ang katabi nito imbes na si Monty.
17:34.6
Dapat daw ay noong umaga pa nito dadalhin ang larawan sa kanila,
17:39.6
ngunit pinipigilan na ito ng nakatatandang kapatid dahil sa takot sa larawan.
17:46.6
Tumakas lamang daw ito ng gabing iyon upang ipakita iyon sa kanila.
17:53.4
Napakadaldal ni Dali.
17:56.4
Marami pa itong sinasabi kaya marahil nabugnot na si Monty at sinakmal ito sa lieg.
18:03.4
Nihindi na nakapanlaban ang bata at kahit makapiyok man lang ay hindi na nagawa.
18:10.4
Sa mariing kagat sa lieg nito ay natungkab ang isang malaking tipak ng laman na nilunok kaagad ni Monty.
18:18.2
Sa di kalayuan ay naririnig na ni Ramon na tinatawag na mamagulang nito si Dali.
18:25.2
Makikita na mga iyon ang ginagawa ni Monty at alam niyang hindi magiging maganda ang resulta.
18:33.2
Hinigpitan niya ang hawak sa asarol na ipinambukas ng nicho at tinungo ang direksyon ng mga pagtawag.
19:10.2
Kaya't handa nilang ibigay ang sangkatauhan upang makasama lamang ang anak na nagkaroon ng buhay na walang saysay.
19:41.0
Supportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang social media.
19:56.0
Supportahan din ang ating mga brother channels ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog horrors.
20:03.0
Gayun din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories.
20:07.8
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HDV Positive!
20:13.6
Mga Solid HDV Positive! Ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na supportahan ang ating Bonsong Channel ang Pulang Likido Animated Horror Stories.
20:27.6
Subscribe na or else!
20:32.6
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakutan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio.
20:40.6
Your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube!