01:14.0
Ang nangyari tuloy ay nagrebelde siya at hindi pumasok kahit pa enrolled.
01:20.0
Sumama siya sa mga kabarkadang cosplayer at voluntaryong naging photographer na mga iyon at kung minsan ay iginuguhit pa nga niya ang mga ito.
01:31.0
Kaya nang malaman ng kanyang mga magulang, ang paglalakwat siya at pagsuway niya ay buntal at sermon na walang papangalawa ang inabot niya.
01:43.0
Tinanggap ni Lemuel ang lahat ng salita.
01:46.0
Kasalanan din naman kasi niya. Kaya lamang.
01:51.0
Kapalit nun ay hindi na siya sinustentuhan ng kanyang mga magulang.
01:56.0
Hindi na rin siya pinaaral.
01:59.0
Ang akala niya ay makakahanap siya ng suporta sa kanyang mga kamag-anak ngunit maging ang mga iyon ay hindi rin siya pinanigan.
02:08.0
Suwail daw siyang anak.
02:11.0
Dapat daw ay mahalin niya at sundin ang utos ng kanyang mga magulang sapagkat pumapangalawa raw iyon sa mga utos ng Diyos pero sinuway niya.
02:24.0
Napailing na lamang noon si Lemuel.
02:27.0
Napakamakadyos ng kanyang mga kamag-anak.
02:31.0
Bukang bibig ang salita at pangalan ng Diyos pero kung husgahan siya ay daig pa ang Panginoon.
02:38.0
Ano ang nangyari sa palasak na kasabihang,
02:42.0
Kung ang Diyos nga ay nakapagpapatawad, bakit tao pa ang hindi?
02:49.0
Hindi yata applicable sa sitwasyon niya ang kasabihang iyon.
02:53.0
Dahil nang minsang banggitin niya ay kamuntik pa siyang masampal ng titaayda niya.
03:01.0
Anito sabay ang tanda.
03:04.0
Magmula noon ay hindi na nga lumapit sa mga magulang at kamag-anak niya si Lemuel.
03:11.0
Pasalamat na lamang siya sa mga kabarkada niyang nakakaunawa sa kanya at sa naging sitwasyon niya.
03:29.0
Nagdaan ang ilang buwan at na-interview sa isang sikat na primetime news si Lemuel.
03:36.0
Magdaraos siya ng isang malaking art exhibit.
03:40.0
Sikat na sikat na sa labas ng bansa ang kanya mga obra.
03:45.0
At iyon ay dahil sa tulong ng kanyang mga kaibigan.
03:50.0
Gulat na gulat naman ang mga kaanak ng pinata lalo na ang kanyang mga kaibigan.
03:55.0
Gulat naman ang mga kaanak ng pinata lalo na ang kanyang mga magulang.
04:00.0
Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang anak nilang batugan at walang kaderedireksyon ng buhay,
04:07.0
ilang buwan pa lamang ang nakararaan ay naging international celebrity na?
04:13.0
Ang buhay nga naman ng tao.
04:17.0
Nakatanggap ng imbitasyon ng mga ito para sa exhibit ni Lemuel na pinamagatang unholy.
04:24.0
Bilang nagsisimula pa lamang sa industriya at unti-unti pa lamang na nakikilala,
04:30.0
ay nakipagtulungan si Lemuel sa isang higit na tanyag na pintor,
04:35.0
ang kanyang mentor na walang iba kundi ang nag-iisang si S. Afflictus.
04:44.0
Nakilala ni Lemuel ang tanyag na pintor na si S. Afflictus
04:49.0
o si Mion sa kanyang mga kaibigan nang umalis siya sa kanilang bahay.
04:55.0
Nang malaman ni si Mion ang kanyang kwentong buhay ay nahabag umano ito sa kanya.
05:01.0
Napakabuti ng lalaki dahil kahit nasaglit pa lamang siya nitong nakikilala ay inalok na siyang maging apprentice nito.
05:10.0
Hindi naman din siya tumangi siyempre.
05:13.0
Sa tulong ni si Mion ay nakakuha ng maliit na kwartong mauupahan si Lemuel.
05:19.0
Nagkaroon din siya ng allowance at dahil doon
05:22.0
ay napayapa ang kanyang mabaliw-baliw na utak sa pag-iisip kung saan siya kukuha ng makakain araw-araw.
05:32.0
Mula sa portraits at anime style na pagguit ni Lemuel
05:36.0
ay pinayuhan siya ni si Mion na subukang maging mas realistik ang kanyang estilo.
05:42.0
Magpinta umano siya ng mga still life at walang tanong-tanong na sumunod naman si Lemuel.
05:49.0
Sa bawat proseso niya sa pagpipinta ay pahirap ng pahirap ang ipinagagawa sa kanya ni si Mion.
05:57.0
Natutuwa raw ito sa kanya dahil mabilis siyang matuto,
06:01.0
hindi reklamador at talagang masipag.
06:05.0
Nakikita raw nito ang sarili sa kanya.
06:08.0
Isang lalaking tinalikuran ng mga mahal sa buhay kaya nagsisikap na paunla rin ang sarili.
06:15.0
Hindi nga daw magtatagal at siya rin ay aasenso.
06:21.0
Nagbigay ng kalituhan kay Lemuel ang sinabing iyo ni si Mion.
06:26.0
Ano ang ibig sabihin ng kanyang guru na nakikita nito ang sarili sa kanya?
06:32.0
Sa pagkakaalam niya kasi ay nagmula ito sa maayos na pamilya at may maganda at maunawaing asawa.
06:40.0
Parati nga niyang nakikita ang misis nito na nanonood sa kanila sa estudio.
06:47.0
Padaan-daan lang ito at naglilinis ng estante ng mga pintura.
06:51.0
Nang minsang tangkain niya itong batiin ay inilapat ka agad nito ang hintuturo sa mga labi
06:57.0
na para bang sinasabing huwag siyang maingay dahil maiistorbo si Si Mion sa konsentrasyon.
07:05.0
Kaya napatangon na lamang siya.
07:08.0
Tuloy, magmula noon ay parating tanguan lamang ang palitan nila ng komunikasyon ng may bahay ni Si Mion.
07:16.0
Maliban sa paminsan-minsang pagbisita ng ginang sa estudio ay bihira na itong makita ni Lemuel.
07:24.0
Hindi na sumasabay sa kanilang pagkain o kaya ay nakikipagkwentuhan kapag tapos na sila sa pagpipinta.
07:32.0
Bahaganon lang talaga ang patakaran ng mag-asawa sa tahanan na mga ito
07:37.0
na ang estudyante ni Si Mion ay estudyante lamang talaga nito at hindi na dapat makikialam pa.
07:48.0
Isang umaga ay napaaga yata ang dating ni Lemuel.
07:51.0
May susi siya sa estudio ni Si Mion kaya nakapasok siya kahit sarado pa iyon.
07:57.0
Wala pa doon ang kanyang guru kaya nagkaroon pa siya ng pagkakataon na pag-aralan ng obra nitong Finishing Touches na lamang.
08:05.0
Kagaya ng iba pang koleksyon na naro roon ay may tema ang erotiko ang panibagong likhang sining na iyon.
08:13.0
Ngunit gaya ng mga napapansin niya noon pa sa pinakahuling mga obra ni Si Mion,
08:18.0
tila ba bukod sa erotiko ay may bahid din ng galit at karahasan ang bawat hagod ng pintura sa canvas.
08:28.0
Bukod doon ay parabang parang may kakaibang amoy ang canvas.
08:41.0
napaigtad si Lemuel nang may sumutsot sa kanya.
08:45.0
Nang lumingon siya sa pinagmumulan nito ay halos mabaligtad siya sa kinatatayuan.
08:52.0
May dalawang figura sa may estante na mga pintura na hindi niya mawari kung babae ba o lalaki.
08:59.0
Paano'y naliligo sa dugo ang mga iyon at hindi niya mawari kung babae ba o lalaki.
09:06.0
At mistulang niloray ang mga katawan.
09:10.0
Sa labis na sindak ay iilang beses yata siyang sisinghap-singhap na tila isdang hinango sa tubig.
09:18.0
Nang mahanap naman niya ang tinig upang sumigaw, ay saka naman dumating si Si Mion at tinawag siya.
09:25.0
Tuloy ay nauwi sa pag-ubo ang kanyang pagpalahaw.
09:31.0
Dali-dali siyang lumapit dito at itinuro ang mga figura ngunit natameme siya ng mapagtantong na malikmatalamang pala siya.
09:40.0
Wala na ang mga nakakakilabot na nila lang sa may estante.
09:45.0
Tinanong siya ni Si Mion kung ano ang itinuturo niya ngunit umiling na lamang siya.
09:52.0
Anyay nahilo lamang yata siya sa amoy ng pintura.
09:56.0
Tumangutango ang lalaki at inutusan siyang buksan ang mga bintana ng estudio.
10:03.0
Hindi na nga rin daw nito nagugustuhan ng kulob na nagmumula roon.
10:08.0
Walang kibong sumunod si Lemuel.
10:12.0
Nang tanghaling iyon ay binanggit din ni Lemuel kay Si Mion ang kanyang nakita.
10:17.0
Tawang tawa pa siya nang sabihin na sosobrahan na daw siya ng singhot ng pintura dahil kung ano-ano na ang kanyang nakikita.
10:26.0
Naiiling na natawa na rin lamang ito sa kanya.
10:30.0
Pagkatapos ay sinabing gamitin niyang inspirasyon ang kanyang nakita upang makabuo ng panibagong obra.
10:40.0
Doon ay natahimik si Lemuel at napaisip.
10:47.0
Pag-uwi sa inuupahang silid ay pilit na inalala ni Lemuel ang anyo na mga figurang kanyang nakita.
10:55.0
Bagamat kinikilabutan ay isinaalang-alang niya ang payo ni Si Mion.
11:00.0
Pasok pa rin naman sa tema ng kanilang exhibit ang aparisyon kaya pwede nga niya itong ikonsidera na bahagi ng kanilang obra.
11:10.0
Hindi siya ang mga kanyang nakita.
11:12.0
Hindi siya nakatulog sa paulit-ulit na pagguhit, punit, guhit, punit hanggang sa inumaga ng atsya't lahat
11:21.0
kaya naman napagpasyahan niyang magtungo na lamang sa estudio baka sakaling makita niyang muli ang aparisyon.
11:29.0
Nakakatakot pero inspirasyon kasi iyon.
11:34.0
Para sa isang alagad ng sining ay walang puwang ang hilakbot.
11:38.0
Kagaya nang nagdaang araw ay nauna rin dumating si Lemuel kay Si Mion.
11:43.0
Ngunit naroon na si Ginang Pilar at isa pang lalaki na kahawig ni Si Mion.
11:49.0
Mas malaman lamang at matangkad ang lalaking iyon.
11:54.0
Ngunit sa biglang tingin ay aakalaing iisang tao ito at si Si Mion.
12:01.0
Si Ginang Pilar at isa pang lalaki na kahawig ni Si Mion.
12:06.0
Si Ginang Pilar ang nagpakilala sa kanya sa lalaki.
12:11.0
Kakambal daw ito ni Si Mion na nagnangalang Si Mon.
12:15.0
Nagbigaygalang naman siya sa dalawa na sa loob ng ilang buwan niyang pagiging estudyante ni Si Mion ay noon lamang niya nakausap.
12:25.0
Ika pa ni Si Mon ay narinig nito ang usapan nila ni Si Mion nang nagdaang araw ukol sa pagguhit niya sa mga aparisyon na kanyang nakita.
12:36.0
Ibig daw sana siya nitong tulungan na magkaroon pa ng inspirasyon sa pagguhit.
12:42.0
Bago paman siya makatugon ay bigla na lamang lumapit sa kanya ang lalaki at binunggo siya.
12:50.0
Nakadama ng labis na panlalamig si Limuel.
12:54.0
Pagkatapos ay nakita niya kung paano pinagtataga ni Si Mion si Si Mon.
12:59.0
Masuka-suka siya dahil nasa harapan lamang niya ang buong eksena.
13:04.0
Gusto niyang tumakbo at sumigaw ngunit napako na ang kanyang mga paasakin na pipwestuhan at tila may nakatakip sa kanyang bibig.
13:16.0
Ang sumunod na eksena ay nasa kusina si Si Mion at tinatadtad sa maliliit na piraso ang karne ni Si Mon.
13:24.0
Iniluto nito iyon pagkatapos ay lumipat na ang eksena sa isang silid kung saan nakaluhod si Pilar habang nagrorosaryo.
13:34.0
Panay naman ang hagupit ni Si Mion sa likod ng asawa.
13:38.0
Nakalapag sa isang tabi ang isang tray na may lamang kanin at masarasang karne na walang iba kundi ang karne ni Si Mon.
13:50.0
Nang makuntento sa paglalatigo ay kumuha ng canvas si Si Mion at ibinalabal sa dugo ang asawa.
13:59.0
Dinala ni Si Mion sa estudio ang canvas at ipinako sa frame.
14:03.0
Ang mga mantsa ng dugo roon ay siyang ginamit na outline ng lalaki para sa isang pamilyar na obra.
14:14.0
Napasinghap si Limuel pagkatapos ng eksenang iyon.
14:20.0
Naroon siyang muli sa estudio at kaharap si na Si Mon at Pilar.
14:25.0
Kapaluhaan ang mga ito at humihingi ng tulong sa kanya.
14:29.0
Nasa likod lamang daw ng estante na mga pintura ang bangkay ni Pilar.
14:35.0
Napanganga siya dahil nakausog na ang estante at sa likod noon ay isang pababanghagdan.
14:42.0
Si Si Mon naman daw ay wala ng bakas na naiwan dahil ipinakain ni Si Mion sa ginang ang bangkay nito.
14:51.0
Hindi makapagsalita si Limuel.
14:55.0
Litong-lito siya hanggang sa bumukas ang pinto ng estudio at inilua si Si Mion.
15:01.0
Nanlalaki ang mga mata ng lalaki habang nakamata sa nakabukas na lihim na silid.
15:09.0
Patakbo nito iyong tinungo.
15:12.0
Habang si Limuel naman ay napagtatagnitagnina ang mga pangyayari.
15:18.0
Naghahalo na sa kanyang utak ang mga obra ni Si Mion.
15:24.0
Ang galit sa bawat hagod ng paintbrush.
15:28.0
Ang kakaibang amoy sa canvas.
15:31.0
Ang hindi nito pagpansin sa asawang padaandaan lamang at ang mga karumaldumal na aparisyon.
15:41.0
Nagsimula sa iisang pantig lamang ang malakas na tawa ni Limuel
15:46.0
na maya-maya ay nagsunod-sunod na hanggang sa siya ay mapaluhod at mapaluha.
15:54.0
Baka sa muka ng mga imbitadong kapamilya ni Limuel ang disgusto sa mga obra sa exhibit nila na unholy.
16:20.0
Si Tita Ida ay napapaantanda pa habang nagkakandang nguing-ngui sa mga erotiko o bayulenting larawan na ipininta ni na Si Mion at Limuel.
16:31.0
Natatawa na lamang ang dalawang pintor sa mga kaanak ng binata.
16:36.0
Ang iba namang mga art aficionados ay hangang-hanga sa panibagong istilo na handog ni Esaflectus.
16:45.0
Panaypapuri at pagbati ang mga iyon sa kanilang dalawa lalo na nga kay Limuel na protege ng Batikang Pintor.
16:54.0
Nang matapos ang unang araw ng exhibit ay hindi nga nakatiis si Tita Ida at kinausap ng masinsinan si Limuel.
17:04.0
Tanong ito ng tanong kung bakit daw ganun ang kanyang mga obra.
17:09.0
Sobrang mahalay, bayulente at hindi raw angkop sa kanilang relisyon.
17:17.0
Paboritong pamangkin pa naman daw siya nito ngunit hindi nito na iibigan ang kanyang mga ginawa.
17:25.0
Ang mabuti pangaraw ay magbalikloob na lamang siya sa panginoon.
17:30.0
Magbalikloob din daw siya sa pamilya at gamitin sa kabutihan ng kanyang talento.
17:38.0
Pinigilang matawa ni Limuel.
17:41.0
Naaalala niya ang kwento ni Simeon kung bakit nito kinitlan ng buhay ang asawa at kakambal nito.
17:49.0
Mga taksil na mapagpanggap na may takot sa Diyos lalo na si Pilar.
17:57.0
Mga mapagkunwaring religyoso ngunit taliwas naman sa ikinikilos ang inilalabas ng bibig.
18:11.0
Inakbaya na lamang ni Limuel ang tiyahin at sinabing mainam na bisitahin na lamang siya nito sa estudio ni Simeon isa sa mga araw na iyon.
18:22.0
Ipakikitaan niya rito kung paano nagsisimula ang isang obra.
18:29.0
Kagaya ng turo sa kanya ni Simeon.
18:33.0
If you liked this scary story, hit like, leave a comment and share our video.
19:03.0
Don't forget to hit that subscribe button at the notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments.
19:32.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HDV Positive!
19:38.0
Mga Solid HDV Positive!
19:41.0
Ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na supportahan ng ating Bunsung Channel ang Pulang Likido Animated Horror Stories.
19:49.0
Subscribe na or else!
19:54.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakutan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio.
20:01.0
It's your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube!