MASAMANG ELEMENTO HORROR STORIES "Mabait si kuya Ferdie pero bakit siya KINULAM?" | HILAKBOT
01:36.0
May isang araw nga po nang mabalitaan namin na isinugod sa ospital si Kuya Ferdy dahil sa malubhang kalagayan nito.
01:44.0
Gayun na lamang ang aming pagtataka sapagkat noon isang araw ay nakita namin na okay naman ito at malakas pa.
01:53.0
Nakikipagkwentuhan at nakikipagbiruan pa nga sa iba pang mga kasama namin sa compound.
01:59.0
Isang linggo na ang lumipas at naroroon pa rin si Kuya Ferdy sa ospital.
02:05.0
Hanggang sa narinig ko ang pag-uusap ni na mama at daddy tungkol sa lagay ni Kuya Ferdy.
02:14.0
Dad, kumusta na ba si Ferdy? Malubha pa rin ba yung sakit niya? Ano daw, ano daw findings?
02:24.0
Sabi daw ng mga doktor, hindi daw nila matukoy kung ano yung sakit ni Ferdy eh.
02:30.0
Pero nasa coma stage pa rin eh.
02:32.0
Hindi nila alam kung saan nagagaling yung tubig na nasa baga niya.
02:36.0
May nakita pa nga din daw na tubig sa tiyana at bituka.
02:40.0
Kaya pinasakan na rin siya ng mga tubo para doon nalalabas yung mga ekstrang tubig.
02:46.0
Nakakaawa pero yun ang hinana daw talaga si Ferdy sabi ng mga doktor.
02:52.0
Inamin na nga din nila na baka hindi na rin ito magtatagal.
02:55.0
Nakakatakot naman yun, Dad.
02:59.0
Pero kung hindi matukoy yung sakit ni Ferdy at nandun na rin lang naman sa ospital at parang hindi na rin naman siya gumagaling.
03:09.0
Hindi kaya, hindi kaya nakulam si Ferdy?
03:15.0
Hindi kaya, hindi kaya nakulam si Ferdy?
03:18.0
Parang, parang ganun kasi yung mga kulam diba?
03:22.0
Biglaan tapos hindi na lalaman ng doktor kung ano yung pinakapuno o dahilan nung pagkakasakit ng pasyente.
03:35.0
Ma, sino namang gagawa nun sa kanya?
03:40.0
Parang hindi na rin naman siya gumagaling.
03:43.0
Ma, sino namang gagawa nun sa kanya?
03:47.0
Parang hindi na rin naman siya gumagaling.
03:50.0
Mabait at mabuting tao yun.
03:54.0
Hindi ko alam ha.
03:59.0
Ba't di mo kaya sabihin sa asawa ni Ferdy na ipatingin siya sa isang albularyo?
04:04.0
Isusubukan lang naman nila.
04:06.0
Wala din namang mawawala.
04:07.0
Isang linggo ulit ang lumipas sa Red at sinunod nga nila ang payon ni Mama at ni Daddy
04:17.0
na subukang ipatingin si Kuya Ferdy sa isang albularyo.
04:22.0
Nang makita ng albularyo si Kuya, ura-ura dahil napakomento ito ng,
04:29.0
Oo, kulam nga ito.
04:31.0
Kaya agarang gumawa ng aksyon ng matanda at sinabi daw nito na kailangan nilang malaman kung sino ang gumawa ng kulam na ito kay Kuya Ferdy.
04:41.0
Wala akong alam sa mga ganito noon, Sir Red, pero pwede pala yung gagamit ka ng isang tao para malaman kung sino yung kumulam?
04:52.0
Sa pagkakataong ito, si Ati Jenna, hindi tunay na pangalan, asawa ni Kuya Ferdy,
04:59.0
ang ginawang kasangkapan para matukoy nila kung sino ang may gawa nito kay Kuya.
05:07.0
Hanggang sanasaksiyan ko rin po ang buong proseso.
05:13.0
Ando ng albularyo, kinakausap si Ati Jenna.
05:19.0
Alam kong naririnig mo ako. Sino ka? Bakit mo ito ginagawa kay Ferdy?
05:26.0
Sumagot naman si Ati Jenna, pero hindi sa sarili niyang boses.
05:35.0
Dinig ko pa ang eksaktong mga salita noon at ang sabi,
05:40.0
Hindi ako ang nagawan niya ng kasalanan!
05:46.0
Ah, pero ikaw ang may gawa nito kay Ferdy diba?
05:50.0
Sino ang nagutos sa'yo?
05:53.0
At inipit ng albularyo sa mga daliri ni Ati Jenna sa paa ang isang palito ng posporo.
06:02.0
Takang-takang ako dahil talagang nasaktan ng sobra si Ati Jenna.
06:07.0
Ilang beses siyang sumigaw na masakit at tama na.
06:15.0
Ako ang may gawa!
06:17.0
Pero inutusan lang ako ng isang babae!
06:23.0
Anong kasalanan ni Ferdy sa kanya?
06:27.0
Malaki ang galit ng babaeng ito kay Ferdy!
06:31.0
Ayaw panagutan ni Ferdy ang magiging anak nito sa kanya!
06:38.0
Nagulat kaming lahat sa narinig.
06:41.0
Tila baga isang remelasyon.
06:47.0
Tanong ulit ng albularyo.
06:51.0
Ano bang gustong mangyaring ngayon ng babaeng sinasabi mo
06:54.0
para tigilan na niya ang pagpapahirap kay Ferdy?
07:00.0
Ang gusto niya lang ay sustentuhan siya at ang magiging anak nila
07:05.0
dahil walang wala talaga yung mga daliri.
07:10.0
Kung yun lang naman pala ang hinihiling,
07:13.0
bakit hahantong pa sa ganito?
07:17.0
Hindi rin ba niya naisip na kung sakaling mapuruhan si Ferdy
07:20.0
na tuluyan siya dahil sa kulam na ginawa mo,
07:24.0
eh di mas lalong mawawala ng ama,
07:26.0
yung batang sinasabi mo?
07:31.0
Ano bang gusto ni Ferdy?
07:33.0
Yung batang sinasabi mo?
07:38.0
Aayusin na lang natin.
07:40.0
Ipapangako ng pamilya ni Ferdy na hindi sila pababayaang mag-ina.
07:45.0
Basta't sundin mo ang sasabihin ko.
07:49.0
Tanggalin mo na ang kulam na ginawa mo sa kanya.
07:55.0
Pag hindi mo ginawa at hindi mo tinanggal ang kulam na ginawa mo
07:59.0
sa lalong madaling panahon,
08:01.0
ako ang makakalaban mo.
08:04.0
Huwag mo akong susubukan.
08:07.0
Nagkakaintindihan ba tayo?
08:10.0
Nagkakaintindihan ba tayo?
08:16.0
Tataggalid ko na!
08:23.0
Uy ka ni Ati Jenna na labis pa rin ang sakit na nararamdaman.
08:31.0
Makalipas ang ilang araw mula noon si Red.
08:35.0
Himalang bumuti ang lagay ni Kuya Ferdy.
08:39.0
Hanggang sa tuluyan na rin siyang mailabas ng ospital
08:42.0
at maging ang mga doktor ay hindi maipaliwanag ang nangyari.
08:48.0
Pinag-usapan ng mag-asawa ang tungkol sa kanilang problema
08:51.0
at napagkasunduan din kalaunan na sustentuhan na lamang ang anak nito sa ibang babae.
09:02.0
Pasensya na po sa mga tingapakinig kung hindi sila masyadong natakot sa istoryang ito
09:09.0
pero naway kinapulutan nila ng aral ang nangyaring ito.
09:22.0
Magandang araw sa lahat.
09:24.0
Ako pong muli si Maria at ito po yung isa na naman sa hindi ko malilimutan karanasan
09:30.0
nang kami ay magsimula na rin tumira sa bahay ni Lola sa Bicol.
09:37.0
Since tulad nung unang naikwento ko kung inyo pong matatandaan
09:40.0
na nagkaroon po kasi ng problema sa pinagtatrabahuhan ni Papa
09:45.0
kaya talagang wala po sa plano na napauwi kami ng probinsya at doon na nagsimulang muli.
09:51.0
Kaya nung una, dumawa muna ng pansamantalang tirahan sa balkon nila Lola si Papa
09:57.0
nakatabi ng ilog at yung katapat nun ay yung pababana sa CR
10:01.0
kung saan nangyari yung unang naikwento ko na nailigaw ako ng engkanto.
10:07.0
Nung una, okay naman talaga yung pamumuhay namin doon
10:11.0
hanggang sa napagdesisyonan po namin na lumipat sa gawin ng kusina nila Lola.
10:19.0
Malawak po yung kusina nila Lola kaya naman yung kalahati nun ay ginawa po namin bahay.
10:28.0
Maliit lang din po yung ginawa ni Papa doon at yung bintana nito ay nakatapat pa sa paana ng bundok
10:35.0
kaya talagang refreshing kapag magigising ka tuwing umaga sapagkat tanaw na tanaw mo
10:41.0
ang mapuno o makahoy na bahagi nun.
10:45.0
Sa pagkakatanda ko nga Sir Red, sa labas din ng bintana ay may malaking umbok ng lupa
10:52.0
o punso kung tawagin natin at mas matangkad pa nga ito sa akin.
10:58.0
Malapit na nga din po nitong maabot ang gawin ng bubong nila Lola
11:02.0
kaya yun po yung aming ginagawang hagdan kapag umaakyat kami sa tuktok ng bubong.
11:09.0
Pero hindi naman din po inalis ito ni Papa nung tumira kami doon.
11:14.0
Wala naman din po nakatira sa punso na iyon sapagkat nung natatandaan ko na tinanggal na rin ito ng tuluyan
11:22.0
ay wala naman pong nangyari sa aming masama o kaya ay kamalasan.
11:28.0
One time po at nasa school pa ako at yung kapatid kong babae na sumunod sa akin
11:34.0
na noon ay sampung taong gulang pa lamang ang naiwan sa bahay.
11:39.0
Ang sabi po niya, nagpapatugtog ng malakas si Papa ng kanyang radyo.
11:46.0
Nung kinahaponan at umalis si Papa, siya na lang ang naiwang mag-isa sa bahay
11:51.0
o kaya naisipan daw po niyang magwalis.
11:54.0
Pinahinaan din daw po niya yung volume ng radyo.
11:59.0
Habang ginagawa daw po niya iyon, ikinagulat niya nang may mapansin siya sa kanyang peripheral vision
12:06.0
na parang taong nakaharang sa labas ng bintana.
12:10.0
Siyempre ang response mo nun ay otomatikong lilingunin mo kung sino yun
12:15.0
sa pag-aakala nga nung kapatid ko na si Papa yun.
12:19.0
Pero nagkakamali siya.
12:22.0
Lubos nga din daw na pinanindigan siya ng balahibo sa batok at talagang nag-freeze ang buong sistema niya.
12:30.0
Para nga din daw siyang inurungan ng dila sapagkat hindi siya makapagsalita o sumigaw man lang
12:36.0
at talagang literal na napako daw po siya sa kanyang kinatatayuan.
12:41.0
Ang kwento niya sa akin, kitang kita daw niya ang isang nilalang na nakasampa sa bintana
12:48.0
at pag-apang na nga daw ito habang papasok sa bahay.
12:56.0
Habang papasok, nakatitig pa daw sa kapatid ko ang mga nanlilisik na mga matanang nilalang
13:03.0
na halos para tinutuluan na daw ng pulang likido dahil parang luluwana at pulang-pula ang ugat.
13:12.0
Napansin din daw po niya yung malapot-lapot na laway na lumalabas sa bibig nito at magulo din daw ang buhok nito.
13:20.0
Ang pinakanakawindang pa sa kwento niya base sa kanyang deskripsyon
13:25.0
ay ang napansin niyang balat ng nilalang sa buong katawan at maging sa muka nito.
13:32.0
Para daw itong balat ng isang natutuyo o matandang punong kahoy.
13:40.0
Halos natulala na lamang daw po siya sa hilakbot ngunit nung bigla daw na umangil na parang hayop ang naturang nilalang
13:49.0
ay doon na nagbalik sa ulirat ang kapatid ko at nakatakbo daw siya palabas ng bahay.
13:55.0
Agad-agad ay dumeretsyo siya kina tita na kung saan sila na po yung nakapuesto at nakatira sa dating balkonahe nilalola.
14:07.0
Ang kwento naman po ni tita sa amin, nakita na lamang daw nila yung kapatid ko na sobra ang pamumutla at hindi halos makapagsalita.
14:17.0
Pinainom na lamang daw nila ito ng tubig kasi parang mahihimatay na.
14:21.0
Sa kalamang daw po nila nalama ng buong kwento ng mahimasmasan na ang kapatid ko.
14:28.0
Subalit na describe na lamang po niya sa amin ang itsura nang nakita niyang nilalang ditong malalaki na kami.
14:37.0
Sa katunayan nga sir Red nananatiling misteryo para sa akin ang mga bagay na ito sapagkat
14:44.0
ang kapatid ko ay may third eye pero ewan ko ba kung bakit ako kahit wala naman ay nakakaramdam.
14:53.0
Meron nga din po ako naranasan minsan sa school na kung saan nung mag-isa ako ay kusa pong yumogyog yung desk na sinusulatan ko.
15:03.0
Minura ko lamang po yung nilalang na iyon at nag-stay pa rin ako sa classroom.
15:13.0
Ang kwentong ito sir Red ay patungkol naman sa panglima kong kapatid na lalaki at nangyari sa kanya ito noong 5 years old pa lamang siya.
15:24.0
Simula po kasi nang lumipat kami sa gawing kusina ng bahay ni lalola ay gabi-gabi na po umiiyak ang kapatid ko na iyon.
15:34.0
At nung panahon yun sir Red ay siya pa po yung bunso namin.
15:39.0
Eksaktong alas 9 o minsan pa nga po sa kalaliman pa ng gabi doon siya talaga pumapalahaw ng iyak sa dahilang hindi namin alam.
15:50.0
Ang malinaw lamang kung pagbabasehan mo yung pag-iyak niya ay hindi dahil sa may masakit sa kanyang katawan kundi dahil takot na takot siya.
16:00.0
Bigla na lamang talaga siyang magigising mula sa himbing ng kanyang pagkakatulog, iiyak at pagkatapos ay sisigaw na.
16:11.0
Nakamulat naman po ang mga mata niya na lingon ng lingon kung saan saang parte ng bahay namin at doon nga'y mararamdaman mo na may hindi talaga tama.
16:21.0
Parang meron siyang nakikita na hindi namin nakikita.
16:24.0
Minsan niyayakap ko na po siya o kahit nila mama at papa para patahanin kaso sobrang tagal po talaga bago siya tuluyang tumigil.
16:34.0
Pag nahihimas-masa naman po siya ay nakakatulog naman agad ulit.
16:39.0
Pag tinatanong namin siya kinaumagahan kung ano yung natatandaan niya kung bakit siya umiiyak nung nakaraang gabi, tahimik lamang siya at hindi talaga nagsasalita.
16:51.0
Kahit nga po anong panunokso, panguoto o pagpupumilit namin sa kanya, hindi talaga niya masabi sa amin.
17:00.0
Kaya ang iniisip na lang namin ay baka talagang hindi niya na matandaan.
17:06.0
Hanggang sa lumipas nga po ang panahon at ngayon ay 16 years old na yung kapatid ko na yun.
17:12.0
May isang beses na nagkwentuhan po kami kasama yung maliliit naming pinsan at yung mga kapatid ko at ito ay tungkol naman sa mga signos kapag nakita mo yung tao na walang ulo.
17:24.0
At dito po siya na trigger na ishare sa amin yung naranasan niya 11 years ago.
17:32.0
Ganito ang pagkakasabi niya sa amin.
17:37.0
Katulad ba yung ate nung dati?
17:41.0
Dahil sa pagtataka, ang tanong ko ay,
17:47.0
At yung sumunod niyang sinabi ang hindi ko inaasahan.
17:52.0
Eh dati kasi ate, nagigising ako sa gabi tapos andami dami kong nakikitang lumulutang,
17:58.0
tas umiikot na pugot na ulo na may sungay.
18:01.0
Tapos ang nakakatakot pa, nakangisi silang lahat, yung iba tawa ng tawa.
18:07.0
Takot na takot talaga akong magkwento nun kasi gabi gabi laging ganun yung nakikita ko.
18:13.0
Sinasabi nila sa akin na pag kwenento ko daw, gabi gabi silang naririto.
18:19.0
Gabi gabi nila akong pupuntahan at babantayan.
18:27.0
Nagtaasan talaga ang mga balahibo namin matapos niyang sabihin yun.
18:32.0
Muli akong nagtanong sa kanya,
18:36.0
Eh nakikita mo ba kami kapag ginigising o pinapatahan ka namin?
18:41.0
Wala naman kayo dun sa kwarto eh, mag-isa lang ako.
18:46.0
Sila lang yung kasama ko at nakikita ko, kaya talagang natatakot ako.
18:52.0
At napailing na lamang ako at niyakap siya.
18:56.0
Sa totoo lang po hanggang sa kasalukuyan si Red, dito pa rin po kami nakatira sa likod ng bahay ni Lola.
19:05.0
Nasa taas na po kaming bahagi ng paanan ng bundok at mas marami pa pong kababalaghan ang naranasan ng mga kasamahan ko dito sa bahay.
19:14.0
Ayon nga kina Lola, ang dati kasing kinatitirikan ng bahay nila ngayon ay daanan daw po ng mga nilalaman.
19:22.0
Na hindi nakikita ng iba sa atin.
19:53.0
Kung nagustuhan mo ang kwentong katatakotan na ito, hit like, leave a comment at i-share ang ating episode sa inyong social media.
20:02.0
Suportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang social media.
20:07.0
Check the links sa description section.
20:10.0
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments.
20:16.0
Suportahan din ang ating mga brother channels ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog horrors.
20:23.0
Gayon din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories.
20:28.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HTV Positive!
20:46.0
Suportahan ang ating bunsong channel ang Pulang Likido Animated Horror Stories.
20:52.0
Subscribe na or else!
20:57.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakotan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio.
21:05.0
Your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube.
21:16.0
Thank you for watching!