ASWANG SA SUCAT NOONG 1997 | True Aswang Encounter | HILAKBOT
01:12.0
Bale dalawa lamang kaming magkapatid at ako yung panganay.
01:17.0
Nagbuntis po si Mama noong 1997 at 1998 nung kanyang kamuanan.
01:24.0
Hirap na hirap magbuntis si Mama noon kasi lagi pong nakukunan.
01:30.0
Namamatay ang baby and then finally nung nagbuntis na nga po siya, this is for real.
01:38.0
Bale 8 years yung gap naming magkapatid kaya may muwang na ako nung na-encounter namin yung aswang experience na ito.
01:52.0
Madalas kaming maiwan sa bahay ni Mama kasi si Papa ay palagi pong nasa work at minsan nga po ay nadedestino sa ibang lugar.
02:02.0
So nagsimula ito nung nabanggit sa akin ni Mama nang isang araw na meron siyang nakasalubungang matanda sa bandang labas lamang ng compound namin sa sukat.
02:17.0
Napapansin daw kasi ni Mama na itong matandang ito ay medyo matalas kung tumingin pero pinagsawalang bahala lamang po niya ito noong una.
02:29.0
Pero simula nga nang kanya pong ma-encounter at lagi na po niyang nasasalubungang matandang iyon,
02:38.0
napapansin din niya na palagi na itong nakatambay sa labas ng gate ng compound.
02:45.0
Yung matandang iyon daw ay madalas na tumitingin sa tiyan ni Mama.
02:54.0
As in titig na titig at halos hindi nga daw po nito tinatanggal ang paningin nga nito sa namimilog na tiyan ni Mama.
03:05.0
Iniisip ko nga noon e baka type lamang nung matandang iyon yung sinusuot na duster ni Mama kasi madalas talagang magpatahi ng magaganda.
03:15.0
At matitingkad na kulay na dress noon si Mama.
03:19.0
Pero ang weirdo kasi dito Sir Red ay naglilikot daw yung kapatid ko sa loob ng tiyan every time na nakikita niya yung matanda at tumititig sa tiyan ni Mama.
03:34.0
Siguro nabanggit ni Mama sa mga elders, sa lola o sa mas takatatanda pa niyang kapatid at sa mga tiyahin ko.
03:44.0
Kaya pinabili po kami ng korona ni Jesus.
03:48.0
Ito po yung mukhang halamang ugat na nakashape na parang crown of thorns ni Jesus at ito po ay binili namin sa kiyapo.
03:58.0
Sinabit namin yun sa bintana ng bed.
04:03.0
Kaso hindi kami tinantanan kahit may ganoon na nga kaming pinaniwalaan na pangontra.
04:11.0
Naalala ko nga din po Sir Red na simula nang nabanggit ni Mama ang tungkol sa matandang babae.
04:20.0
Gabi-gabi ay meron po kaming na-a-amoy na kung anong mabaho at umaalingasaw talaga sa paligid.
04:29.0
As in bigla-biglang amoy yung malansa na para bang hinalukay na burak.
04:35.0
Yung bang amoy bulok na imburnal.
04:37.0
Pag hinalukay mo yun, yung gas na na-a-amoy e tapos mahahaluan pa ng sobrang lansa na katulad ng mga itinatapo na mga hasang sa palengke.
04:48.0
Ganon po yung amoy at pasensya na sa description ko.
04:54.0
Ganon na ganon yung lagi po namin na na-a-amoy na alingasaw gabi-gabi.
05:00.0
As in napaka-consistent.
05:02.0
Nung una ay mateded mamupay kaso sinabihan ko na si Mama na hindi iyon normal.
05:10.0
Malinis naman din yung buong paligid namin at napaka-imposible din na meron namang nagtatapon ng kanyang basura o nagwawalang hiya sa bakura namin.
05:22.0
Ang tinitiran po kasi namin dati sa sukat si Red ay malapit lang din sa isang factory ng isang sikat na Tuna Can Good.
05:33.0
Inisip nga din ni Mama na baka marahil yung na-a-amoy namin na alingasaw gabi-gabi e nang gagaling doon sa factory na yon.
05:43.0
Since it seems na persistent yung aswang, may nag-advise kay Mama na yung pinagpawisan daw na damit ni Papa ang isuot niya sa gabi para ma-mask o ma-itago yung amoy ng baby.
06:02.0
E saktong mekaniko si Papa so yung sinusuot niya sa trabaho niya ay yun naman talagang sinusuot din ni Mama sa gabi.
06:15.0
And then one night, ito na yung masasabi kong pinaka-OA.
06:23.0
Parang ang weird at parang kahit ako man ay hindi makapaniwala.
06:30.0
Yung pinto kasi namin noon ay may screen door.
06:36.0
Bali isang kahoy na door tas isa pang screen door.
06:41.0
Yung screen na yon ay DIY lang.
06:44.0
Manipis at masasabing anti-lamok na rin kahit papano nung panahon yun.
06:50.0
Hindi siya yung pangmayaman na style ng aluminum screen door.
06:55.0
So talagang simple lang.
06:56.0
Isang gabi nga din ay nabulabog kami dahil sa tunog ng screen door.
07:04.0
Parang may nagbubukas dis oras ng gabi.
07:09.0
Imposibling neighbor namin yun kasi meron pong umiiral na curfew sa compound namin.
07:16.0
Police din po kasi yung landlord namin at natatakot din kaming lahat doon noon.
07:22.0
Yung kalabog niya, yung parang nagpupumilit talaga na pumasok.
07:28.0
Ganon yung tunog at paulit-ulit na hinahatak para mabuksan.
07:34.0
So dahil doon ay natakot kami.
07:38.0
Pag nasira kasi yung screen door, edi yung main door na lang yung susunod at maaaring niya itong masira.
07:46.0
By this time, meron na rin po kaming buntot-pagi.
07:52.0
Iwinasiwas ni Papa yun sa sahig.
07:55.0
At nang madinig sigurado nung nila lang na naruroon sa labas ng screen door ang tunog ng buntot-pagi,
08:04.0
otomatiko po siyang nawala.
08:07.0
Di na rin po namin narinig pa na binubuksan niya yung screen door namin.
08:14.0
Kinaumagahan, nakita namin yung screen at gula-gulanit talaga siya.
08:22.0
Yung main door, maniwala man kayo sa hindi, ay puro kalmot.
08:29.0
I swear talaga, Sir Red.
08:32.0
Alam niyo yung paulit-ulit na kinalmot at hindi lamang ng paanampusa,
08:38.0
o kahit na anong klaseng hayop, sapagkat malalaki yung kalmot na yun.
08:46.0
Lumipas ang ilang araw at ang akala namin ay natakot na
08:52.0
o kaya ay naitaboy na namin ang posibleng aswang na gumagambala sa amin
08:58.0
matapos niyang madinig yung hampas ng buntot-pagi noon.
09:02.0
Pero nagtatakot na namin,
09:04.0
tila baga nagpahinga lamang yung aswang na yun.
09:08.0
And the worst, para silang nag-estrategize at nag-regroup?
09:15.0
Isang gabi, dito ay may narinig na naman kaming kalabugan sa bubong.
09:23.0
Naalarma kami sapagkat dis oras na naman iyon.
09:28.0
Sa labas din po kaming mga aswang,
09:30.0
ay may parang canopy na plastik.
09:33.0
Panasahod po yun kapag umuulan.
09:37.0
So after po nung kalabugan na nadinig namin,
09:40.0
yung mga pinsan kong lalaki ay nagtakbuhan sa labas.
09:44.0
Mga siga kasi sila nung panahong iyon sa aming lugar.
09:48.0
Akala nila ay magnanakaw lamang ang dumadaan sa bubong namin
09:54.0
kasi ang bibigat talaga nung yabas.
09:56.0
Naiwan pa rin kami ni mama sa loob nung bahay.
10:00.0
Paglabas na mga pinsan ko, laking gulat nila kasi may nakita silang aso na nasa bubong.
10:13.0
Dahil doon ay nagkagulupo talaga ang lahat.
10:17.0
Bakit naman magkakaroon ng aso sa bubong namin at magkakaroon sa bubong namin?
10:23.0
At bakit doon iyon dadaan?
10:27.0
Agad na pumunta yung pinsan ko sa kapitbahay para makidaan sa second floor
10:32.0
at puntahan yung aso na nasa bubong.
10:35.0
Pagakyat ng pinsan ko sa bubong,
10:38.0
ay siya rin pagtalon nung aso pababa at nashoot pa sa canopy.
10:43.0
Nag-aabang din yung isa kong pinsan sa may tapat nung door namin
10:48.0
at doon ngay may nahulog sa canopy.
10:50.0
At dahil sa sobrang bigat, nawasak yun.
10:55.0
Mahirap siyang paniwalaan talaga si Red.
10:59.0
Pero tunay siyang nangyari.
11:02.0
Ang mas nakagigimbal pa nga dito si Red.
11:06.0
Matapos nga pong bumagsak yung malaking aso doon sa canopy na siyang ikinawasak nito.
11:14.0
Ang nakita na daw nung pinsan ko,
11:19.0
Ang tumatakbo ng papalayo,
11:22.0
ay malaking pusa.
11:26.0
Sa awa ng Diyos ay hindi na po iyon na ulit.
11:30.0
Ipinanganak naman po ng maayos yung kapatid ko.
11:34.0
And then after a year,
11:36.0
simula nung nangyaring iyon,
11:39.0
umalis na rin po kami sa sukat at lumipat na sabi ko,
11:42.0
umalis na rin po kami sa sukat at lumipat na sabi ko.
11:49.0
Siya nga po pala si Red.
11:52.0
Nung pinose ko ito noon at nabasa ng iba.
11:55.0
Napansin ko sa comment section,
11:58.0
since nabanggit ko nga sa umpisa na ito'y shinare ko anonymously sa isang horror Facebook page.
12:05.0
Sa comment section,
12:07.0
maraming nagpapatutuo na meron gumagambala
12:12.0
at paggalagalang aswang sa area namin noon.
12:17.0
Hindi namang din sa sukat daw nangyari,
12:20.0
kundi sa bandang bikutan at iba pang malalapit na area.
12:27.0
Hanggang ngayon nga po'y kinakabog talaga yung dibdib ko.
12:31.0
Sa tuwing naiisip ko ang experience naming iyon,
12:35.0
hindi pa rin talaga ako makapaniwala na posible na mangyari yun.
12:42.0
siyudad na nga yung lugar namin at hindi liblib.
12:45.0
Pero kung ano man yung nilalang na iyon,
12:49.0
aswang man o hindi,
12:52.0
nagpapasalamat pa rin po kami sa Diyos
12:55.0
sapagkat safe si Mama at ang bunso kong kapatid.
13:02.0
Maraming salamat si Red sa pagbabasa ng kwento ko.
13:05.0
Pasensya na kung medyo napahaba dahil sa detalye,
13:09.0
pero sa pakiwari ko naman ay mas mainam
13:12.0
para mapicture out ng mga tikapakinig natin
13:16.0
kung ano ang nangyari sa amin noong gabing iyon.
13:21.0
Magpapadala pa rin po ako ng iba pang kwento
13:24.0
sapagkat hindi lamang po dito nagtatapos ang lahat.
13:29.0
Maging nung lumipat kami sa probinsya ng Bicol,
13:32.0
ay mas lalo pang dumami ang mga encounters ko.
14:02.0
Kung nagustuhan mo ang kwentong katatakotan na ito,
14:06.0
hit like, leave a comment,
14:08.0
at i-share ang ating episode sa inyong social media.
14:11.0
Suportahan ang ating writer
14:13.0
sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang social media.
14:16.0
Check the links sa description section.
14:19.0
Don't forget to hit that subscribe button
14:21.0
at ang notification bell
14:23.0
for more Tagalog horror stories,
14:25.0
series, and news segments.
14:27.0
Suportahan din ang ating mga brothers
14:29.0
ang Sindak Short Stories
14:31.0
for more one-shot Tagalog horrors.
14:33.0
Gayon din ang Hilakbot Haunted History
14:35.0
for a weekly dose of strange facts and hunting histories.
14:38.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan,
14:40.0
maraming salamat mga Solid HTV Positive!