ISRAEL versus PALESTINE. PAANO NAGSIMULA ang DIGMAAN?
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
2014, binomba ng Israel ang Palestine. At noong 2021, gumanti naman ang Palestinian.
00:10.0
At nitong October 7, 2023, sorpresang inatake ng Hamas ang Israel.
00:17.0
Tila paulit-ulit na lamang ang sigalot at tenso ng Israel at Palestine.
00:22.0
Paano nga ba nagsimula ang hidwaan at tumitinding digmaan?
00:27.0
Sino ba ang may kasalanan at ano ang kinalaman ng grupong Hamas sa pambubomba sa Israel?
00:34.0
Yan ang ating aalamin.
00:42.0
Geographically location sa mapa,
00:45.0
ang Israel at Palestine ay nasa iisang landmass o kalupaan lamang ito.
00:51.0
Bakit kaya naging komplikado?
00:53.0
At sino ba ang may karapatang manirahan sa lupain na pinag-aawayan ng dalawang estado kung babalikan ang kasaysayan?
01:02.0
Maraming beses na rin nasakop.
01:04.0
Gaya noong 500 BC, ang pagbunta at pamamayagpag ng Babylonia.
01:09.0
At noong 70 BC naman, ay nasakop naman ito ng Imperyong Roma.
01:14.0
Hanggang sa noong 1517 to 1917, ang pamamayagpag ng Ottoman Empire.
01:21.0
Sa panahong ito ay napa sa ilalim at pinamumunuan ang lupain ng Ottoman Empire.
01:26.0
At noong 19th century, ang mga nakatira ay mga Muslim, Hudyo at iba pa.
01:32.0
Sa pagbabago ng panahon, ang mga Hudyo ay nagkalat na sa iba't ibang bahagi ng mundo, especially sa Europa.
01:40.0
Noong 1800, ang mga Hudyo sa Palestine ay mas mababa sa 2%.
01:45.0
Halos ang buong populasyon ay binubuo ng mga Muslim.
01:49.0
At sa pagdaan ng mga taon, ninais ng mga Hudyo na makabalik sa itinuturing nila sa kasaysayan na Promised Land.
01:57.0
Pero hindi ganoon yun kadali na makabalik agad sa sinasabi nilang homeland.
02:02.0
Dahil noong taong 1900, ang nakatira na halos dito ay mahigit 500,000 na mga Muslim.
02:10.0
At nasa mahigit 23,000 lang ang Jews.
02:14.0
Noong matapos ang unang digma ang pandaigdig, natalo ang Ottoman Empire at ang mga kakampi nitong Triple Alliance.
02:22.0
Gaya ang lupaing pinag-aagawan ay nakuha ang buong control ng Great Britain at sa kanilang pamahala.
02:28.0
Interesado ang British sa ideya ng pagtatag ng isang pambansang estado ng Hudyo sa Palestine.
02:35.0
Tinawag itong Balfour Declaration, isang paraan upang matiyak ang siguridad ng makasaysayang tinubuang bayan ng mga Hudyo.
02:44.0
At sila ay makabalik sa sinasabi nilang Promised Land.
02:47.0
Sa pagdagsa at pagdami ng Jews sa lupaing ito, unti-unting nawawalan ng lupaing ang Palestinian.
02:54.0
At nakadagdag ito sa umiinit na tensyon at sigalot sa dalawang estado.
02:58.0
At nang matapos halos ang ikalawang digma ang pandaigdig, hindi pa rin humuhu pa ang tensyon sa magkabilang partido.
03:06.0
Umalis na ang Great Britain sa lupaing, kaya naiwan ang responsibilidad sa United Nations,
03:12.0
na nooy kabubuo pa lang dahil hindi naging mabisa ang League of Nations dahil nagkaroon ng World War II.
03:18.0
Kaya noong taong 1947, nagpasya ang UN sa bisa ng Resolution 181 na baguhin ang mapa at nagsasaad na paghiwalayin at hatiin ang Israel at Palestine.
03:30.0
Kaya unti-unti nang nababago ang geografiya ng dalawang estado.
03:34.0
Pero dahil ang dalawang partido, ay mayroon pa rin paniniwala at paninindigan sa kanika nilang teritoryo at hindi naging masaya ang Palestinian sa hatian.
03:44.0
Nagresulta ito ng kabikabilang mga digmaan sa pagitan ng Israel at Palestine.
03:49.0
At mas lalong tumindi ang tensyon at digmaan noong 1948 na kung tawagin ay Arab-Israeli War, digmaan sa pagitan ng mga Arab at Israel.
04:00.0
Dahil ang kalaban dito ng Israel ay hindi lamang Arab-Palestinian, kundi mga Arab countries na nakapalibot sa Israel.
04:08.0
Pinagtulungan ang Palestine, Egypt, Syria, Saudi Arabia, Lebanon at Iraq ang Israel sa gyera.
04:16.0
Pero sa huli, alam nyo bang nanalo pa rin sa digmaang ito ang Israel?
04:21.0
At dahil maraming naipanalo ang Israel sa bawat labanan, lumaki pa ng lumaki ang kanilang lupaing nasasakupan.
04:28.0
At pinanawagan naman nila ang lahat ng kanilang kalahi na mula sa iba't ibang panig ng mundo, ang Law of Return.
04:35.0
Kaya kung titignan noong 1948, ang populasyon ng mga Hudyo ay wala pang isang milyon o nasa 800,000 lamang.
04:43.0
Pero nitong 2023, nasa 9.3 milyon na ang naninirahan dito.
04:48.0
Nanalo ang Israel noong 1948 na itinuturing nilang kalayaan at siya namang kahihiyan sa mga Palestinian.
04:57.0
Dahil halos mahigit 700,000 Palestinians ang naitaboy matapos ang digmaan, sila ang naging bagong refugees, lumiit at halos na wala ng lupaing sa matagal na nilang tinitirhan, at ang Israel ay mas pinalawak ang nasasakupan.
05:14.0
Pagkatapos ng digmaan sa pagitan ng Israel at Arab countries, nagkaroon ang mga partido ng kasunduang pangkapayapaan at tigil putukan at tanging Palestin lamang ang hindi pumirma sa kasunduang ito dahil para sa kanila, sila ang argabiado.
05:31.0
Sa katunayan pa nga, noong 1967, pumutok ulit ang digmaan sa dalawang istadong ito ng Israel-Palestine Six-Day War.
05:40.0
At dahil nanalo ulit ang Israel, tuluyan ang nakuha ang malaking bahagi ng lupain ng Israel, ito ang Gaza Strip at West Bank, sa Sea Map of Palestine 1947 and 1967.
05:54.0
Nang matapos ang digmaan, sinimulan ng Israel ang kanilang Israeli settlement sa Gaza Strip at West Bank, at sa mga sumunod na mga taon ay hindi na nahinto ang tila walang katapusang digmaan sa pagitan ng dalawang partido.
06:08.0
Dahil naganap naman ang First Intifada noong 1987-1993, kung saan nag-alsa ng bayulenteng hakbang ang mga Arab-Palestinians at marami ding nasawi sa sigalot na ito.
06:22.0
At dahil sa tumitinding galit ng mga Palestinians sa mga Israeli sa panahon ding ito, nabuo ang Hamas, o ang Palestinians Islamist Political Organizations and Militant Group, isang grupo kung saan namamahala sa Gaza Strip, na matindi ang galit sa Israel.
06:41.0
At noong 1993, sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng agreement sa pagitan ng Israeli at Palestinian leader. Ang parehong partido ay nagnanais na itigil na ang matagal ng konflikt sa dalawang partido. Pero ito ay ginulo ng Hamas sa pamamagitan ng suicide bombing.
06:59.0
Noong 2005, umalis ang Israel sa Gaza Strip, at agad naman itong inukupan ng Hamas. At mula noon, hindi na matapos-tapos ang digmaan sa pagitan ng dalawang ito, dahil noong 2008, 2012 at 2014 ay inatake ng Israel ang Gaza. At gumanti naman ang Hamas noong 2021, at itong October 7, 2023, ay sorpresang inatake ng Hamas ang Israel.
07:27.0
Ayon sa kasaysayan, bagamat naging malupit din ang naging kapalara ng milyon-milyong mga Hudyo sa Holocaust sa kamay ng Nazi, ay hindi ito lisensya upang sila naman ang mag-alipusta sa mga Palestinians. Sana ay matuldukan na ang digmaan ito, dahil sa usaping gyera ay walang panalo, at ang mga ordinaryong sibilyan din ang kawawa at talo.
07:51.0
Ikaw, sa iyong palagay, ano ang solusyon upang matigil na ang digmaan sa pagitan ng Israel at Palestine? At sino ang dapat na magparaya upang matapos na ang gulo? Ikomento mo naman ito sa iba pa. Pakilike ang video. I-share mo na rin sa iba. Maraming salamat at God bless!