01:03.7
Ngayon ay 28 years old na ako at nagtatrabaho bilang HR officer sa isang kilalang kumpanya.
01:10.9
Sa province talaga ako lumaki pero dahil sa walang masyadong job opportunity sa lugar namin ay nag-decide akong umalis doon upang makipagsapalaran sa ibang lugar.
01:23.8
Hindi ako nagsisise na ginawa ko yun.
01:27.9
Kasi nagkaroon ako ng trabaho na kayang isustain ang aking pangangailangan.
01:35.0
And at the same time ay nakakatulong ako kahit pa paano sa aking pamilya.
01:41.0
Before pala ay nakatira ako sa isang apartment kung saan ay kasama ko ang tatlo sa aking mga katrabaho.
01:48.7
Puro kami girls, Papa Dudut.
01:51.9
Yung dati kong apartment ay mayroong dalawang kwarto, dalawang tao sa isang room.
01:58.9
Masaya naman ako doon kasi ka-close at ka-work ko ang kasama ko.
02:05.8
Wala ko naging problema sa kanila.
02:09.2
Maganda rin ang hatian namin sa mga gastos at never kaming nag-isipan.
02:16.2
May mga times na nagkakatampuhan at hindi nagkakaintindihan.
02:22.2
Pero naayos din kaagad at hindi na namin pinapatagal.
02:28.2
Lahat kasi kami ay naniniwala na dapat ay piliin palagi namin ang magkaayos kapag may problema kasi magkakasama kami sa isang bubong.
02:43.6
Ang pangit din kasi talaga na kayo na nga ang magkakasama ay pinapatagal nyo pa ang away.
02:51.0
Sa mga panahon na nandun ako ay nagkaroon ako ng boyfriend, Papa Dudut.
02:55.8
Nandun ako sa apartment na yon nang magkaroon ako ng first boyfriend.
03:02.0
Tumagal din ang isang taon ng aming relasyon pero nang pumasok ang pandemic ay doon na kami nag-break.
03:09.4
Hindi kasi kami nasanay na hindi nakikita kahit once a week.
03:15.0
Parang parehas na kaming tinamad na makipag-usap sa isa't isa.
03:20.8
Parehas kaming nanlamig and to be honest wala naman akong iba.
03:26.1
At ang sabi niya ay wala rin naman siyang iba.
03:30.3
Talagang malala lang ang naging epekto ng pandemic sa aming dalawa, Papa Dudut.
03:35.8
To the point na may mga araw na lumilipas na kahit isang chat ay wala kami sa isa't isa.
03:44.6
Nasanay na kaming maging ganun.
03:47.5
Naging cold kami parehas hanggang sa nag-decide na kung tapusin na ang aming relasyong dalawa.
03:55.7
Kasi parang naghihintay na lamang kami kung sino ang mauunang makipaghiwalay.
04:02.1
Ang nasa utak ko kasi kapag ikaw ang nakipaghiwalay ay ikaw ang may problema.
04:09.3
Pero feeling ko kasi hindi talaga makikipag-break ang diyawa ko before kung hindi ako gagawa ng paraang.
04:19.4
Kaya ako nang gumawa ng first move.
04:22.3
Tinawagan ko siya at sinabi ko sa kanya na parang wala na kaming gana sa isa't isa.
04:28.3
After that ay nakipag-break na ako at inamin niya na pinag-iisipan na rin niya yon ng matagal.
04:36.0
Buti raw at ako na ang nagsabi.
04:39.2
Maayos ang naging breakup namin, Papa Dudut.
04:42.9
Hindi ganong masakit kasi bago pa ang breakup ay inasahan ko na ang mangyayari yon, Papa Dudut.
04:50.2
Nangihinayang ang mga kaibigan ko sa breakup namin.
04:54.2
Sayang daw ang three years.
04:57.0
Pero para sa akin ay hindi yon sayang kasi mas okay nang tapusin ang isang relasyon.
05:03.4
Kung parehas na kayong walang gana at hindi na nakikita ang isa't isa na magkakasama forever.
05:11.8
Dahil pandemic at nabawasan ang araw ng pasok namin, ay kinailangan ko maghanap ng side hassle.
05:18.6
Pinag-aralan ko ang pag-i-edit ng pictures and videos.
05:22.2
Kapag wala akong ginagawa at naghanap ako ng mga client na magpapa-edit ng videos at pictures sa online.
05:30.6
Kahit paano ay nadagdagan ang kinikita ko sa ginagawa ko na yon, Papa Dudut.
05:36.6
May isa ako naging client na nagpa-edit ng video ng birthday ng mother niya,
05:44.4
Nagustuhan niya ang pagkaka-edit ko sa video at binigyan pa niya ako ng bonus.
05:51.0
Akala ko ay normal na client ko lamang si Noah pero nagulat ako nang bigla niya akong i-add sa Facebook.
05:57.9
Doon na nga nag-start ang pag-chat-chat namin sa pang-araw-araw.
06:02.9
Hanggang sa na-feel ko na unti-unti lang nahuhulog ang loob ko sa kanya.
06:08.0
Gusto ko sanang pigilan yon kasi parang ang pangit tingnan na halos kaka-break ko lamang ay nagkaka-gusto na kagad ako sa ibang lalaki.
06:17.9
Kaya one week kong hindi siya na-add si Noah.
06:21.5
Kahit na chat siya ng chat ay hindi ko sinisin ang messages niya.
06:27.6
Gusto ko kasing malaman kung ganun pa rin ba ang mararamdaman ko sa kanya
06:33.2
if ever na hindi ako makipag-communicate sa kanya ng matagal.
06:38.0
Yun nga, isang linggo lamang ang kinaya ko at hindi na ako nakatiis pang i-chat si Noah kasi miss na miss ko na siya kaagad.
06:47.4
Naging honest na ako sa feelings ko para kay Noah at umamin siya na may gusto rin siya sa akin.
06:56.0
wala lang nangyaring ligawan kasi mutual naman ang nararamdaman naming dalawa papa dudot.
07:02.2
After nang pag-uusap naming yon, ay nag-decide kami na maging kamina officially kahit na hindi pa kami nakikita ng personal.
07:10.9
That time ay nakatira rin sa apartment si Noah kasama ang mga katrabaho at kaibigan niya.
07:17.8
Kahit na hindi pa kami nakikita ni Noah ay nararamdaman ko pa rin na seryoso siya sa akin.
07:24.1
Palagi kaming magka-video call kahit may free time kaming parehas.
07:29.7
Bukod noon ay nagpa-plano na rin kaming magkita ng personal.
07:34.2
Nangyari naman yon sa fourth month sa rin namin.
07:38.2
Apat na buwan pa talaga ang lumipas bago kami nag-meet ng personal.
07:44.0
Kinabahan pa nga ako noon kasi baka magbago ang nararamdaman namin once na magkita na talaga kami.
07:51.2
Pero hindi yun nangyari.
07:53.4
After naming magkita ay nagpatuloy pa rin ang aming relasyon.
07:57.6
At mas naging masaya kami kasi halos every week ang pagkikita namin.
08:04.2
Kumakain lamang kami sa labas at nag-uusap.
08:08.2
Mahingit isang taong kaming gano'n papadudut.
08:11.4
Nakasurvive naman kami hanggang sa may i-open sakin si Noah na isang beses na magkita kami.
08:19.7
Love ano kaya kung tayo nalang dalawang magsama sa isang apartment?
08:24.6
Ayaw ko na doon sa apartment namin.
08:27.5
Ang ingay na mga kasama ko.
08:30.2
Hindi ako makapagpahinga ng maayos.
08:33.1
Kapag pinagsasabihan ko naman tatawanan lang ako.
08:36.7
Akala nila palagi ako nagbibiro sumbong Noah sa akin.
08:42.6
Pwede bang pag-isipan ko muna love?
08:45.0
Nakakahiya kasi sa mga kasama ko sa apartment, tugon ko.
08:49.8
Tinanong ko mga kasama ko sa apartment kung okay lang ba sa kanila na umalis na ako sa apartment namin
08:56.0
at ang sabi nila ay walang problema pero malulungkod sila.
09:00.7
Kung sa tingin ko raw ay time na yun para magkasama na talaga kami ni Noah ay ipush ko nalang daw.
09:08.0
Iniisip ko rin si Noah at ang sitwasyon niya sa apartment niya.
09:12.2
Naaawa ko sa kanya kasi alam ko kung gaano nakakapagod ang klase ng trabaho niya.
09:18.1
Yung tipong kailangan niya talaga ng maayos na pahinga
09:21.7
para meron ulit siyang energy na magtrabaho sa susunod na araw.
09:28.0
Ilang araw ko yung pinag-isipan hanggang sa nakapag-decide na ako natanggapin ang offer ni Noah.
09:34.6
Napakasaya ni Noah na ang sabihin ko sa kanya na payag na ko.
09:40.3
Naghanap na kami ng apartment na malilipatan namin papadudut
09:44.5
at inabot pa kami ng isang linggo sa paghahanap bago kami nakahanap ng pasok sa panlasa at budget namin.
09:52.4
Isa yung one bedroom na apartment maayos at maaliwalas.
09:59.5
Ang sabi sa amin ng landlady ay pangatlo pa lamang kami sa titira doon dahil medyo bago pa ang apartment niya.
10:07.1
Bale meron siyang apat na unit.
10:09.7
Napapalibutan niyo ng mataas na pader at matibay na gate kaya safe yung mismong lugar.
10:15.6
Hindi siya basta-basta mapapasok ng kung sino-sino.
10:21.0
Ang kakaiba lang sa mga apartment na naroon ay kulay pula ang mga pinto ng mga unit.
10:27.0
First time ko kasing makakita ng paupahan na ganon ang kulay ng pinto.
10:32.1
Hindi na rin kami nagtanong sa landlady kung bakit pula ang mga pinto.
10:36.8
Baka ganon kulay lang talaga ang trip niya o baka favorite color niya.
10:42.7
Ang importante ay maayos yung mismong apartment at tahimik yung lugar.
10:47.9
Paniguradong makakapagpahinga kami ng maayos lalo na si Noah.
10:53.5
Kinuha na namin ni Noah ang apartment na yun nang dumating ang weekend ay naghakot na kami ng mga gamit.
11:00.0
Nagimayos naman ang pagpapaalam ko sa mga kasama ko dati sa apartment at nakasuporta sila
11:05.5
sa kung saan ako sasaya.
11:08.6
Lahat ng gamit ko ay dinala ko na.
11:11.9
Umarkila ako ng jeep kaya isang hakutan lang ang ginawa ko.
11:16.6
Napansin ko na hindi ganong karami ang dinalang gamit ni Noah.
11:20.9
Yan lang ba lahat ng gamit mo?
11:23.2
Parang ang konti naman. Punako.
11:26.6
May mga naiwan pa ako sa apartment namin.
11:29.6
Hindi pa kasi ako makakalis kasi hanggang katapusan pa talaga ako doon.
11:33.5
Sayang naman ang bayad ko. Tugon pa ni Noah.
11:37.9
Ibig sabihin one week ako rito na wala akong kasama? Tanong ko.
11:43.1
Oo. Okay lang ba sayo? May mga asikasuhin din kasi ako.
11:48.1
Pero susubukan kong dalawin ka rito araw-araw.
11:51.4
Para na rin madala ko na ng paunti-unti ang mga gamit ko na nandun pa.
11:56.2
Ang sabi pa ni Noah.
11:58.6
Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa sinabi ng boyfriend ko, Papa Dudut.
12:03.4
Saka naisip ko rin na isang linggo lang naman na hindi ko makakasama si Noah noon.
12:09.6
And after noon ay araw-araw na kaming magkasama.
12:14.3
Mabilis lang naman ang one week.
12:17.4
Mabuti na lang din at unang dinala ni Noah ang lutoan at TV niya.
12:22.4
May mga gamit na rin kami sa pagluluto at pagkain kaya hindi na namin yun problema.
12:28.4
Nagtulong na rin kaming dalawa sa pag-aayos ng mga gamit kaya mabilis kaming natapos.
12:35.2
Pagsapit naman ang gabi ay nagpa-deliver na kami ng pagkain.
12:39.4
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na si Noah sa akin kasi may pasok pa siya sa susunod na araw.
12:47.0
Nakaramdam ako ng lungkot ng mag-isa na lamang ako sa bago naming apartment.
12:52.8
Hindi kasi ako nasanay na walang kasama dahil matagal akong may kasama palagi sa apartment.
12:59.9
Bago mali si Noah papadudot ay sinabi niya na maglock ako ng pinto at kung sakaling darating siya bukas
13:07.8
para bisitahin ako ay may duplicate key naman siya.
13:12.5
Nanood muna ako ng TV ng sandali at nang medyo inaantok na ako ay naligo na ako.
13:17.8
Habang nasa loob ako ng banyo ay narinig ko
13:21.0
Nabumukas yung pinto ng apartment at sa unang pumasok sa isipan ko ay bumalik si Noah.
13:27.6
Baka meron siyang nakalimutan.
13:30.6
Hindi ko rin macheck ang phone ko kung may nagchat o text.
13:34.3
Nababalik siya dahil hindi ko dala sa CR ang cellphone ko.
13:38.5
Dahil inisip ko na si Noah yun ay hindi ako natakot o kinabahan.
13:43.9
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at hindi ko nakita si Noah.
13:49.9
Nagtaka ako kasi ang akala ko ay bumalik siya kasi narinig ko talagang bumukas ang pinto.
13:57.1
Tinawagan ko si Noah para masigurado kung bumalik ba talaga siya.
14:01.8
Baka kasi may kinuha siyang sandali kaya hindi ko na siya nakita nang lumabas ako ng banyo.
14:07.9
Ang isa pang nakapagtataka ay kung ganon ang nangyari bakit hindi ko narinig na bumukas ulit kung umali siya.
14:17.1
Hello love, namiss mo ba ako kaagad kaya tumawag ka?
14:22.0
Ang natatawang sagot ni Noah sa tawag ko.
14:25.4
Baliw, may tatanong lang sana ako.
14:29.0
Nasan ka na? tanong ko.
14:31.8
Malapit na ako sa apartment siguro mga 5 minutes na lang, sagot niya.
14:37.2
Bumalik ka ba rito sa apartment kanina? tanong ko.
14:41.1
Hindi naman bakit mo naitanong ang sabi ni Noah.
14:45.7
Sinabi ko kay Noah na narinig ko kasing bumukas ang pinto ng apartment.
14:50.6
Wala namang ibang pwedeng pumasok kasi nakalak yun.
14:54.0
Kami lang ni Noah ang may associate yung landlady.
14:57.7
Hindi naman siguro papasok yung landlady namin ang hindi nagpapaalam.
15:02.2
Ang sabi sa akin ni Noah ay baka nagkamali lamang ako ng dinig.
15:06.2
Baka raw sa kabilang unit yung bumukas na pinto.
15:10.2
Baka raw malakas kaya napagkamalang ko yung pinto namin ang bumukas.
15:15.8
Nakumbinsi naman ako ni Noah na ganun nga ang mga nangyari.
15:20.6
Baka nagkamali lamang ako ng dinig papadudut.
15:24.3
Hindi ako nagkaroon ng hinala na merong something na kung ano sa apartment na yon.
15:29.7
Noong dumating kasi kami roon ay magaan sa pakiramdam.
15:34.2
Wala kong nafeel na baka may multo o kung ano mang elemento ang naroon.
15:39.7
Sobrang aliwalas pa ng unit na yon kasi medyo malaki ang bintana at nakaharap pa yon sa sinisikatan ng araw.
15:49.5
Sa unang gabi ko sa apartment ay okay din naman.
15:53.4
Medyo nahirapan lamang akong makatulog na alam kong normal kasi namamahay pa ko.
16:00.1
Siguro ay alauna na ng madaling araw akong nakatulog.
16:05.2
Late na akong nagising dahil wala akong pasok sa trabaho.
16:09.5
Pagkagising ko ay nagprepare na ako ng almusan.
16:13.5
Habang kumakain ako ay tinitignan ko ang email ko kung merong magpapa-edit sakin ng video o pictures.
16:21.6
At merong dalawa na kaya kong gawin na tapusin ang araw na yon.
16:26.8
Naglinis din muna ako ng mabilis pagkatapos kong kumain.
16:32.3
Malinis na naman doon noong lumipat kami.
16:35.8
Pero nasanay lang talaga ako na kapag wala akong pasok ay nagwawalis at nagpupunas ng mga gamit para hindi maipon ang alikabok.
16:46.1
After kumaglinis ay saka ko lang hinarap ulit ang aking laptop para gawin ang side hassle ko.
16:53.0
Malaking tulong din talaga na pinag-aralan ko ang editing ng video at pictures kasi nakakadagdag yon sa sinasahod ko.
17:01.9
Hindi ko ginagalaw ang perang kinikita ko roon papadudot.
17:06.9
Yon na ang savings ko para kung sakaling may emergency na mangyari ay meron agad akong mahuhugot na pera.
17:15.6
Nakakapagdala pa rin naman ako sa pamilya ko.
17:18.7
Lalo na ng time na yon na nawala ng trabaho ang nanay ko ng dahil sa pandemic.
17:26.5
Dahil sa sobrang tuto ko sa aking ginagawa ay hindi ko na namamalaya ng oras.
17:33.4
Napahinto lamang ako ng makaramdam ako ng gutom at nakita ko sa orasa ng laptop ko na maga alas dos na ng hapon.
17:43.2
Tinabad na akong magluto kaya naisipan kong bumili na lamang ng lutong ulam at kanin sa nabas.
17:50.4
May nakita kasi akong karinderian na malapit doon sa apartment.
17:55.4
Paglabas ko ng unit namin ay nakita ko ang isang middle-aged na babae na nakaupo sa isang rocking chair sa labas ng isang unit.
18:04.9
Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako sa kanya.
18:09.1
Ikaw pala yung bagong lipat dyan. Welcome nga pala. Ako si Michelle.
18:14.6
Pwede mo kong tawagin ate o tita. Ikaw na ang bahala. Pagpapakilala niya sa akin.
18:22.4
Salamat po ate. Ako po si Violet Tugonko.
18:27.3
Ikaw lang bang mag-isa dyan o merong kang kasama? Tanong ni Ate Michelle.
18:33.3
Kasama ko po ang boyfriend ko pero next week pa po ang lipat niya dito dahil meron po siya mga kailangang asikasuhin, sagot ko.
18:42.7
Mabuti at may kasama ka, babae ka pa naman, turan niya.
18:48.2
Bakit po, hindi po ba safe dito? Tanong ko.
18:52.3
Safe naman pero hindi kasi natin alam ang mga pwedeng mangyari hindi ba? Ang sabi pa ni Ate Michelle.
19:00.6
Dahil nasa labas na ako at nakita ko naman yung pulang pinto ng mga unit doon ay tinanong ko na rin si Ate Michelle.
19:09.3
Kung bakit pula ang mga pinto doon.
19:12.6
Ang sabi niya sa akin ay hindi rin niya alam sa landlady namin.
19:17.7
Pero sa pagkakalam daw niya ay protection nyo laban sa mga masa, samang espiritu ang pulang pinto.
19:25.6
Magandang araw yun para hindi kami mapasok ng mga demonyo at masamang espiritu.
19:31.9
Dapat anguna lamang ako sa mga sinabi ni Ate Michelle.
19:36.0
Kasi hindi ko makita ang logic kung paano ang pulang pinto ay protection sa mga ganong klase ng nilalang.
19:43.2
Nagpahalam na ako sa kanya kasi nagugutom na talaga ako at kailangan ko ng kumain para magkaroon ako ng energy na balikan ang aking tinatrabaho ng araw na yon.
19:53.3
Si Ate Michelle ang naging ka-close ko kaagad sa mga tenants sa apartment na yon, Papa Dudut.
19:58.9
Kasama niya ang asawat isang anak niya sa apartment.
20:02.6
Sabi nga niya matanda na siya pero wala pa rin silang sariling bahay.
20:07.0
Ang sabi ko naman ay wala namang edad ang pagkakaroon ng sariling bahay at naniniwala ko na magkakaroon din sila ng ganon.
20:16.7
Nabanggit niya kasi sa akin na masipag magtrabaho ang asawat, anak niya.
20:22.7
Nang sumunod na gabi ay nagpunta si Noah sa apartment namin at may dala siyang ilang gamit niya.
20:29.0
Siya na rin ang bumili ng pagkain namin sa labas.
20:32.4
Ang sabi niya ay doon siya matutulog.
20:35.2
Agahan na lang daw niya ang alis para hindi siya ma-late sa trabaho.
20:40.7
May additional kasi na 30 minutes lang ang layo ng apartment na yon sa pinagtatrabawhan niya Papa Dudut.
20:48.8
Kinumusta niya ako at ang sabi ko ay okay naman.
20:52.2
Nabanggit ko rin sa kanya si Ate Michelle at natuwa siya na meron akong kaibigan sa mga tenant sa apartment na yon.
20:59.8
Mas okay daw kasi na maging kaibigan man lang namin ang ibang tenant doon.
21:05.2
Dahil sa maagang gigising si Noah kinabukasan ay maaga kaming natulog.
21:10.6
Hindi na ako namahay, isang gabi lang talaga ako namahay Papa Dudut.
21:15.4
Nagimaayos na ang tulog ko at ganoon din naman si Noah.
21:19.1
Nagising na lamang ako sa alarm ng cellphone ni Noah kaya ginising ko na siya.
21:24.7
Habang naliligo siya ay nagluluto ako ng almusal naming dalawa.
21:29.7
Mayamayay nakarinig ako ng malakas na tunog sa banyo na parang may nahulog sa sahig doon na kung ano.
21:36.5
Ang naisip ko ay baka nabitawan ni Noah ang tawo o may naibagsak siya kung anong bagay kaya hindi ko yon pinansin.
21:45.0
Natapos na ako sa pagluluto at nakakain na ako pero hindi pa rin lumalabas si Noah.
21:52.1
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko siya kinatok.
21:56.1
Nang hindi sumagod si Noah ay doon ako kinabahan.
21:59.4
Mabuti na lamang at hindi nakalak yung pinto ng banyo kaya nabuksan ko yon ng walang kahirap-hirap.
22:06.1
Nag-hysterical ako nang makita ko si Noah na nakahandusay sa sahig at walang kahit na anong suot.
22:13.0
Pero naisip ko na baka pinaprank niya lamang ako kaya ginising ko siya at kiniliti sa paa at kilikili.
22:20.5
Nang hindi pa rin siya gumagalaw, ay doon ko na nakumpirmang may masamang nangyari sa kanya.
22:27.3
Bago ako tumawag ng tulong ay kumuha muna ako ng shorts ni Noah at binihisang ko siya noon.
22:33.8
Kumatok ako sa unit ni na Ate Michelle at sinabi ko na kailangan ko ng tulong.
22:39.6
Bakit? Anong nangyari?
22:41.4
Kinakabahang tanong ni Ate Michelle.
22:44.3
Yung boyfriend ko po kasi nang wala ng malay sa CR, umiiyak kong sagot.
22:50.2
Mabuti na lamang at naroon ang asawa ni Ate Michelle at may number ito ng malapit na ospital.
22:55.8
Tumawag ito sa ospital at hindi nagtagal ay may ambulansya nang dumating upang dalhin si Noah sa ospital.
23:03.4
Iyak ako ng iyak habang nasa ambulansya.
23:08.6
Hanggang sa ospital.
23:10.6
Natatakot kasi ako na baka kung ano lang nangyari kay Noah.
23:14.8
Medyo matagal din ako naghintay bago ako tinawag ng nurse sa kwarto kung nasaan ang boyfriend ko.
23:21.4
Nang puntahan ko si Noah sa kwarto niya ay meron na siyang malay at nakangitin na siya sa akin.
23:28.4
Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag.
23:31.6
Tinanong ko kaagad siya kung kumusta na siya at nang sabi niya ay okay na siya.
23:35.6
Mabuti raw at hindi nabagok ang ulo niya nang nawalan siya ng malay.
23:40.8
Ano ba kasing nangyari?
23:42.7
Umii akong tanong kay Noah.
23:45.5
Bigla na lang ko nahilo tapos dumilim ang paningin ko.
23:49.7
Mamaya ay lalabas ng resulta ng mga test sa akin.
23:53.4
Sana'y walang naging problema?
23:55.5
Sagot pa ni Noah.
23:58.1
Normal lahat ng test.
24:00.6
Nalalang daw marahil ng pagod at stress kaya pinayuhan si Noah na magpahinga muna.
24:08.4
Doon ako nakahinga talaga ng maluwag papadudut.
24:11.9
Kinabukasan ay nakalabas na ng hospital si Noah at sa apartment na kami umuwi kasi malayo ang bahay nila.
24:20.3
Gusto ko sana mag-live ng ilang araw para maalagaan si Noah pero pinigilan niya ako.
24:28.6
Huwag ko raw siyang isipin kasi okay na siya.
24:32.1
Magpapahinga lang daw siya at makakabawi rin siya kaagad ng lakas.
24:37.5
Mabuti na lang talaga at hindi araw-araw na may pasok ako kaya may mga araw na buong araw kong nababantayan si Noah.
24:46.0
Na makarecover na si Noah ay tinulungan ko na siyang dalihin lahat ng natitira niyang gamit sa dating niyang apartment.
24:53.9
Umarkila na kami ng isang jeep para madala yon ng isahan.
24:59.0
Nakabalik na rin si Noah sa pagtatrabaho at sinabihan ko siya na huwag nang mag-OT palagi para hindi na siya napapagod ng sobra.
25:09.2
Natatakot na kasi akong maulit yung nawalan siya ng malay.
25:13.8
Paano kung maulit yun tapos may malala ng mangyari kagayan ng mabagok ang ulo niya?
25:19.0
Paano kung siya lang mag-isa sa apartment at wala ako?
25:23.5
Ganon ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko papadudot.
25:28.6
Sa mga nakalipas na araw ay naging okay naman ang lahat.
25:32.5
Umabot na kami sa apartment na yon ng isang buwan, yun nga lang.
25:37.0
Hindi ko alam kung bakit kapag mag-isa ako sa apartment na yon ay may pakaramdam ako na meron akong kasama.
25:43.9
Yung feeling na palaging may nakatingin sakin lalo na kapag meron akong ginagawa sa laptop ko.
25:51.2
Hindi ko na lamang yon pinapansin kasi kapag pinansin ko pa ay mawawala ang concentration ko sa mga ginagawa ko.
25:59.5
May ideya ko na baka meron ngang multo sa apartment na nalipatan namin papadudot.
26:07.4
Hindi ako matatakotin sa ganon.
26:11.0
May nakapagsabi kasi sa akin na kapag pinapansin mo ang mga nagpaparamdam na kaluluwa,
26:18.6
ay mas lalo silang magpaparamdam sa'yo.
26:21.9
Kapag nalaman nila na nakikita o naririnig mo sila, ay mas lalo ka nilang guguluhin.
26:29.1
Kaya ganon ang ginawa ko.
26:31.7
Kahit may maramdaman akong kakaiba ay dead man na lamang.
26:36.6
Isang araw parehas kaming walang pasok ni Noah.
26:39.6
Minsan lang yon, mangyari kaya nagkasundo kaming mag-date.
26:44.4
Nanood kami ng sine at pagkatapos ay kumain sa isang restaurant.
26:49.4
Habang kumakain kaming dalawa ay hindi ko napigilan ang sarili ko na pag-usapan yung tungkol sa apartment namin.
26:59.7
ang sabi ni ate Michelle,
27:01.8
yung pulang pintu raw ang proteksyon laban sa bad spirits,
27:06.1
baka yun daw ang reason kung bakit pulang mga pinto sa apartment natin,
27:10.5
ang sabi ko kay Noah.
27:13.2
Talaga, hindi ko alam yun ah, ang sabi ni Noah.
27:17.4
Hindi ko rin naman alam kung totoo yun eh, nasabi lang sakin ang sabi ko.
27:22.8
Pero kung totoo yun, maganda kasi hindi tayo mapapasok ng bad spirits, ang sabi pa ni Noah.
27:31.2
May tatanong din ako sa iyo,
27:33.1
wala ka bang nararamdamang kakaiba sa apartment natin? Tanong ko.
27:39.0
Anong ibig mong sabihin sa kakaiba? Tanong din ni Noah.
27:43.6
Yung parang may kasama ka kahit na ikaw lang mag-isa.
27:46.9
Sa madaling salita ay multo, wika ko.
27:51.2
Napansin ko na medyo natigilan si Noah sa sinabi ko.
27:54.9
Hindi agad siya nakapagsalita at yung tipong parang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya.
28:02.7
Nanonood ka ba ng mga horror movies? Tanong ni Noah na may kasamang pagtawa.
28:09.3
Hindi, saka kailan mo ba ako nakitang nanood ng gano'n?
28:14.0
Ano nga, wala ka bang nararamdaman? Tanong ko ulit.
28:18.6
Sinagot naman ni Noah ang tanong ko at ang sabi niya ay wala siyang nararamdaman kakaiba.
28:25.4
Baka raw kaya ganun ang nararamdaman ko ay dahil sa bago pa lamang kami sa lugar na yon.
28:31.4
Naninibagwa lamang daw ako.
28:33.7
Pero siya naman daw ay madaling mag-adjust kahit bago siya sa isang lugar.
28:39.1
Hindi ko naman na-gets ang pinapoint ni Noah dahil noong bago naman ako sa dating apartment na tinitirhan ko ay wala kong na-feel na ganun.
28:49.5
Hindi na lamang ako nagsalita at hindi ko na ipinilit pa kay Noah ang feeling ko sa apartment na yon.
28:59.3
Kahit na noong sabihin ko sa kanya ay hindi niya pa rin ako papaniwalaan.
29:05.3
Ginaslight ko na lamang ang sarili ko na wala lang yung mga nararamdaman ko na yon.
29:10.5
Inisip ko na ako lang din ang kawawa kapag masyado ko yung iniisip.
29:15.7
Baka kapag pinagtuunan ko pa yun ng pansin ay hindi na ako magtatrabaho pa ng maayos.
29:22.7
May isang beses na mag-isa ako sa apartment, Papa Dudut.
29:27.4
Busy ako sa aking laptop.
29:29.9
Nasa sala ko noon at bandang hapon yon ang ngyari.
29:33.8
Nang time na yon ay malapit ng umuwi si Noah mula sa trabaho niya.
29:39.3
Inihintay ko na lamang talaga siya.
29:42.2
Habang abala ko sa ginagawa ko ay narinig ko ang pagpasok ng susi sa keyhole ng pinto.
29:49.3
Nakatalikod ako sa may pinto kaya hindi ko yon nakikita pero kapag ganoon ay tiwala na ako na si Noah ang nagbubukas ng pinto sa apartment.
29:59.0
Maya-maya ay narinig ko ng pagbukas ng pinto at ang paglalakad niya.
30:03.9
Medyo nagtakal lamang ako kasi hindi tulog ng sapatos ang narinig ko kundi yung tulog ng naglalakad ng walang sapin sa paa.
30:13.6
Naisip ko na baka hinubad muna ni Noah ang sapatos at medyas niya bago pumasok.
30:19.6
Baka madumi ang sapatos niya kaya hindi na niya ipinasok sa loob.
30:25.2
Love, anong ulamang gusto mo?
30:28.2
Lulutuin na ba natin yung tilapia sa freezer?
30:31.4
Last week pa yun eh, kalmado kong sabi.
30:35.0
Naghihintay ako ng sagot ni Noah pero wala akong narinig na sagot mula sa boyfriend ko.
30:40.6
Doon ako nagtaka kasi kapag kinakausap ko si Noah ay sumasagot naman siya kaagad.
30:46.2
Lumingon na ako at hindi ko nakita si Noah ang nakita ko ay yung pulang pinto na nakabukas.
30:52.5
Bigla akong kinilabutan at kinabahan papadudut.
30:56.5
Hindi rin nakabukas yung pinto ng kwarto o ng banyo kaya sigurado ko na wala pa si Noah sa apartment.
31:03.4
Ang unang pumasok sa utak ko ay isarado ang pinto kasi nakabukas yun.
31:08.2
Ngunit tatayo pa lamang ako para gawin yun ay bigla nalang sumarado ng sobrang lakas ang pinto.
31:14.9
Napasigaw ako sa gulat.
31:17.2
Para bang may isang tao na nagsarado ng pinto at pabalibag niyang ginawa yun.
31:23.0
Sa takot ko ay lumabas na ako ng apartment at doon ko na hinintay si Noah.
31:27.3
Napansin ko rin na wala si Ate Michelle sa katabi naming unit kasi nakasarado ang pinto nila.
31:33.0
Palagi kasi yung nakabukas kapag nandun siya o ang asawa at anak niya.
31:37.4
Gusto ko sanang doon muna ako kina Ate Michelle pero dahil sa wala sila ay wala kong choice kundi ang doon na lamang ako sa labas ng unit namin.
31:46.2
Doon ko sana tatawagan si Noah pero hindi ko ginawa kasi alam kung nasa biyahe na siya pa uwi.
31:52.7
Natutulog kasi siya sa biyahe bilang pambawi sa maagan niyang pagising sa umaga.
31:59.2
Nanginginig ang buong katawang ko at gusto kong isipin na hangin lang ang may kagagawan.
32:04.3
Kung bakit sumarado ng malakas ang pinto pero hindi ko pa rin maalis ang posibilidad.
32:10.1
Nabaka nga merong multo sa apartment na yun dahil sa mga nararamdaman kong kakaiba.
32:16.6
Halos kalahating oras din ako naghintay kay Noah sa labas ng apartment bago siya dumating.
32:22.1
Nagtaka pa nga siya nang makita ako doon.
32:25.8
Anong ginagawa mo dito sa labas love?
32:28.2
Nagtatakang talong ni Noah matapos niya akong halikan.
32:32.2
Natatakot ako sa loob love, may nangyari kasi, sagot ko.
32:37.7
Ano nangyari? Doon tayo sa loob, sabihin mo sa akin ang sabi ni Noah.
32:44.3
May pagdadalawang isip pa akong pumasok sa apartment namin pero nang mauna nang pumasok si Noah ay sumunod na rin ako sa kanya.
32:53.3
Pagkatabi kaming umupo sa maliit na sofa habang hawak ni Noah ang pinagpapawisan kong kamay.
33:00.1
Ganon kasi ako kapag natatakot pinagpapawisan ako ng malala papadudut.
33:05.1
Tinanong ulit ako ni Noah kung ano ang nangyari at kung bakit parang takot na takot ako ng sandaling yun.
33:11.9
Ganina yung pinto ay biglang bumukas. Akala ko ikaw pero wala ka pa pala.
33:17.1
Nang isasarado ko na yung pinto biglang sumarado ng malakas.
33:20.8
Pagkwento ko pa kay Noah.
33:23.2
Love, baka naman hangin lang yung may gawa nun, ang sabi ni Noah.
33:28.2
Sabihin na nating hangin nga kaya sumarado, e paano mo i-explain yung bumukas siya nang walang tao, tanong ko.
33:36.4
Baka kasi hindi mo nalaknang maayos.
33:39.2
Hindi mo may nangyayari naman talagang ganun?
33:42.3
Iniisip mo na naman kasi na may multo rito.
33:45.4
Huwag ka nang matakot, nandito na ako, okay?
33:48.3
Ang sabi ni Noah at niyakap niya ako para kumalma ko.
33:52.9
Gusto ko pang ipilot kay Noah ang paniniwala ko na may multo talaga sa apartment na nakuha namin.
33:59.4
Pero parang useless lang kasi.
34:02.5
Dahil hindi siya naniniwala.
34:05.2
Kaya tumahimik na lamang din ako at hindi na nagsalita pa.
34:09.2
Iniisip ko na lamang na kung ang mali at masyado lang akong paranoid, papadudut.
34:14.6
Ayoko na rin pagtalunan pa namin ang bagay na yun at baka mauwi pa sa away?
34:20.2
O baka isipin din ni Noah na gumagawa ako ng kwento.
34:27.0
kung ako ang tatanungin ay maayos naman ang apartment na yun
34:31.4
kung wala yung mga ganong kaganapan papadudut.
34:35.3
Maayos at maliwalas doon.
34:38.3
Mabait ang landlady at mga ibang tenant lalo na si Atty Michelle at ang asawa at anak niya.
34:46.9
Tahimik din kahit umaga.
34:50.1
Nakakapagpahinga kami ni Noah ng maayos at payapa kapag wala kaming pasok.
34:55.8
Safe din doon kasi hindi basta-basta makakapasok ang masasama ang loob.
35:02.2
Pero dahil sa mga na-experience ko na nakakatakot
35:05.8
at hindi maganda ay nagkaroon ako ng kagustuhan na umalis na kami roon ni Noah.
35:11.1
Natatakot kasi ako na baka ang mga nararanasan ko ay umpisa pa lamang
35:16.6
at may mga mangyayari pa na ikakaloka ko ng mala.
35:21.3
Baka sa mga susunod na araw ay may mangyari na talagang magpapahamak sa amin ni Noah
35:27.5
o kaya ay sa aming dalawa.
35:30.0
Ganun na nga ang tumatakbo sa utak ko.
35:32.6
Kung pwede nga lang na palagi na lamang akong may pasok sa trabaho para hindi na ako palagi mag-isa roon
35:38.3
pero hindi naman po pwede.
35:41.3
Lumipas pang ilang buwan at sa awan ng Diyos ay tumigil na ang pagpaparamdam at mga bagay na hindi may paliwanag sa apartment.
35:49.7
Kahit paano ay unti-unti nang nawawala ang takot ko at naisip ko na baka nga
35:54.2
wala lang yung mga nangyari dati at dahil lamang yun sa pagiging paranoid ko.
35:59.3
Naging tahimik na ang buhay namin sa apartment na yon, papadudut at medyo naging kampante na ako
36:06.6
Bumalik na rin sa normalang pasok ko sa trabaho kaya hindi na ako naiwanang mag-isa sa apartment.
36:12.9
Yung side hassle ko ay hindi ko pa rin siya binitawan kasi sayang.
36:17.2
Ginagawa ko na lamang siya kapag weekend at tuwing rest day ko.
36:21.5
Hindi na nga lang ganun kalakiang kinikita ko sa trabahong yon kagaya ng dati pero ayos lang.
36:27.0
Mas ok na yon kesa sa wala akong sideline.
36:30.0
Tsaka gusto ko rin na nagagamit ko ang free time ko sa makabuluhang bagay.
36:36.0
Ngunit kung kailan kalmado na ako sa mga pangyayaring
36:39.0
saka naman bumalik ang mga kakaibang pangyayari sa apartment na yon, papadudut.
36:44.2
Ang akala ko talaga ay hindi na mauulit ang mga ganun pero nagkamali pala ko.
36:50.6
Sabad doon ang gabi noon.
36:52.8
Kapag ganung araw ay ako lang ang walang pasok sa amin inoa.
36:58.2
Pagkagising ko pa lamang ng umaga ay medyo masakit na ang ulo ko.
37:02.6
At ang dahilan na inisip ko ay dahil napuyat ako kasi tinapos ko yung inedit kong videos.
37:09.8
Pilin ko rin ay magkakaroon ako ng lagnat kaya inunahan ko na ang paginom ng gamot.
37:15.5
Aabsent pa nga sana si Noah nang sabihin ko ang nararamdaman ko.
37:20.7
Pero ang sabi ko sa kanya ay hindi na kailangan kasi kaya ko naman.
37:25.8
Sa madaling salita iba na ang pakaramdam ko ng araw na yon.
37:29.8
Mabigat siya na hindi may paliwanag pa pa dudot.
37:33.1
Pagdating ni Noah ay hindi pa rin nagbago ang pakaramdam ko.
37:37.8
Kumusta ka na love?
37:39.6
Uminom ka na ba ng gamot?
37:41.6
Tanong agad ni Noah pag uwi niya.
37:45.5
Oo love medyo mas naging ok na ang pakaramdam ko.
37:49.8
Sabi ko kahit na hindi naman yon totoo.
37:53.2
Si Noah nang nagluto ng dinner namin para sa gabing yon.
37:57.3
Pagkatapos ay kumain na kami.
37:59.6
Normal lang ang naging usapan namin pa pa dudot at tinanong namin kung kumusta ang araw ng isa't isa.
38:06.3
Mga ganoong bagay lang.
38:08.3
After ng dinner ay sinabi ko na
38:11.0
dako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin kasi si Noah na ang nagluto.
38:16.2
Habang naghuhugas ako sa may lababo ay
38:18.6
naligom muna si Noah dahil ang lagit daw ng pakaramdam niya.
38:23.0
Habang abala ako sa ginagawa ko ay may naramdaman akong yumakap sa likuran ko.
38:28.6
Siyempre kami lang ni Noah ang nandun kaya wala akong ibang iisipin kung sino ang yumakap sakin kundi siya lamang.
38:34.6
Isa pa ugali rin akong yakapin ni Noah kapag nakataligod ako.
38:39.5
Talagang naramdaman ko yung yakap.
38:42.1
Yung mga brasong pumulupod sa bandang bewang ko ay inilapit ako sa katawan niya.
38:48.5
Napangiti na lamang ako at maya maya ay nawala yung yumayakap sakin.
38:53.8
Nasabi ko pa nga sa sarili ko na ang bilis matapos maligo ni Noah.
38:58.3
Pero nagulat ako nang marinig kong bubukas ang pinto ng banyo at lumabas si Noah na bagong ligo.
39:03.9
Doon ako nakaramdam ng sobrang takot papadudut.
39:07.7
Tinanong ko si Noah kung lumabas ba siya kanina ng banyo at niyakap ako habang nakataligod at ang sabi niya ay hindi.
39:14.8
May yumakap sakin nakala ko ikaw. Medyo natataranta kong sabi kay Noah.
39:20.6
Seryoso ka ba love? Paano naman mangyayari yun eh ngayon lang ako lumabas ng CR. Ang sabi pa ni Noah.
39:28.1
Hindi ko rin alam basta may yumakap sakin.
39:31.3
Hindi ko iniimagine yun o kung ano.
39:33.9
Love, umalis na kasi tayo dito. Meron talagang multo dito. Ang sabi ko.
39:41.1
Hindi agad nakapagsalita si Noah. Nakita ko na naman yung may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya.
39:48.8
Hanggang sa nagsalita na siya at may inamin siya sakin.
39:53.0
Ipinalala sakin ni Noah yung araw na nawalan siya ng malay sa banyo habang naliligo siya.
40:00.0
Ang totoo raw habang naliligo siya ay may napansin siyang dark figure sa isang sulok ng banyo.
40:07.6
Nang tingnan niya ay may nakita siyang lalaki na nakatayo at nakatingin sa kanya.
40:12.8
Pagkakita raw niya sa nilalang na yon.
40:16.2
Ay doon na nagsimulang sumakit ang ulo niya hanggang sa nawalan siya ng malay.
40:21.5
After daw na mangyayari yun ay alam na niya na may kasama kaming nakatira sa apartment na yon.
40:28.6
Naniniwala rin daw siya sa mga sinasabi ko pero nangihinayang daw siya
40:33.5
Sa ibinayad namin sa apartment kung aalis agad kami kaya ginagawa niya ang lahat para mawala sa isipan ko ang mga kababalaghang nangyari sa apartment na yon.
40:46.5
Ang akala niya raw ay okay na ang lahat pero biglang may nangyari na naman na kababalaghan.
40:53.7
Natatakot na rin daw si Noah sa mga pwede pang mangyari kaya sa pagkakataong yon.
40:59.8
Ay nagka-isa na kami sa desisyon na umalis doon papadudut.
41:05.1
Kinabukasan ay kinausap na namin ang landlady upang ipaalam sa kanya ang pag-alis namin.
41:12.3
Meron pa kaming 2 weeks na natitira sa pagstay sa apartment at ginamit namin yon sa paghanap ng bagong apartment.
41:19.7
Nakahanap namang kami at makalipas ang dalawang linggo ay lumipat na kami roon.
41:24.7
Nang paalis na kami ay napansin ko na parang malungkot ang landlady namin pero nakikita ko sa mukha niya na meron siyang alam pero ayaw niya lamang sabihin sa amin.
41:34.7
Hindi naman nakakapagsisi na umalis kami dahil mas naging peaceful ang buhay namin ni Noah sa nilipata namin.
41:43.0
Until now ay wala pa rin kaming idea kung anong klaseng nila lang ba yung nakasama namin sa apartment na inalisan namin.
41:50.5
Pero okay lang naman kahit na hindi na namin malaman kung sino o ano siya.
41:56.0
Ang importante ay parehas kaming safe ni Noah.
41:59.4
Hindi kami nasaktan pero ang nakakatakot na experience na yon ay habang buhay ng nasa amin ni Noah.
42:07.5
Lubos na gumagalang Violet.
42:12.1
Bukod sa pagdarasal, mahalaga din na merong kahit isang tao tayong makakasama sa oras na tayo ay pinamamahayan ng takot at pangamba.
42:23.4
Isang tao na maniniwala sa atin at papawiin ang mga negatibong emosyon na nasa ating loob.
42:32.4
Kung bagay meron tayong moral support.
42:35.0
Kaya kapag ang partner mo o kahit na sinong taong malapit sa iyo na nag-open tungkol sa bagay na kanyang kinakatakutan,
42:43.2
ang importanteng huwag mong i-invalidate ang kanyang nararamdaman.
42:49.0
Pakinggan mo siya at i-analyze mo ang mga sinasabi niya upang mas maunawaan mo kung bakit siya nakaramdam ng gano'n.
42:57.5
Huwag kalimutan na i-like, share at mag-subscribe sa aking YouTube channel na Papa Dudut.
43:03.8
Harapin din po ang isa ko pang channel, ang Kaistorya YouTube Channel at ang Papa Dudut Family.
43:10.7
Marami pong salamat sa mga subscribers ng iba ko pang mga channel.
43:34.0
Laging may karamay ka
43:42.7
Mga problema ang kaibigan
43:49.3
Dito ay pakikinggan ka
43:55.4
Sa Papa Dudut Stories
43:59.5
Kami ay iyong kasama
44:07.5
Dito sa Papa Dudut Stories
44:11.5
Ikaw ay hindi nag-iisa
44:19.5
Dito sa Papa Dudut Stories
44:32.3
Papa Dudut Stories
44:38.3
Papa Dudut Stories
44:46.3
Papa Dudut Stories
44:55.5
Papa Dudut Stories