00:44.9
Masakit isipin ang akala mong pwedeng panghabang buhay ay mauwi lang pala sa paglimot at pagwawakas.
00:53.1
Ako po si Emily hanggang ngayon ay puno pa rin ako ng pagsisisi sa aking buhay.
00:58.1
Kung bakit hindi ko nabigyan ng importansyang isang bagay na nanatili ng matagal sa akin.
01:05.2
Masyado kong nagpakampante na magiging permanente ang lahat pero hindi pala.
01:12.0
Andito ko ngayon sa dalampasigan at inaabangan ang paglubog ng araw.
01:17.4
Madalas may kasama ako sa bawat pagtatapos ng araw at sabay naming pinapanood ang sunset.
01:23.6
Pero ngayon ay mag-isa na lamang ako.
01:26.8
At walang ibang paglubog.
01:28.1
Ang dapat nasisihin kundi ang sarili ko mismo.
01:33.2
Sa bawat paghampas ng alon at pagdampin ng malamig na hangin sa aking pisngi ay ang unti-unting pagbabalik.
01:43.1
Nang ala-ala na pilit ko ng kinakalimutan.
01:47.5
O Emily gumising ka na dyan at maglalaba ka pa.
01:50.5
Ang sigaw sa akin ng aking tiyahin, kapatid ni Mama, si Auntie Letty Papadudut.
01:55.8
Dahil sa apat kaming magkakapatid at tapatid,
01:58.1
at ang tanging pamamasada lamang ng tricycle ni Tatay,
02:01.8
ang kinabubuhay namin ay napilitan akong sumama sa Auntie ko dito sa Maynila,
02:06.8
malayo sa aming probinsya sa Katanduanes.
02:11.0
Walang asawa si Auntie at isa siyang matandang dalaga.
02:14.9
Masungit si Auntie, strikto at mitikulosa.
02:18.4
Gusto niya lahat ay perpekto pero kahit na gano'n siya ay maalaga naman ito at hindi madamot.
02:25.3
Nakumbinsin niya si Mama na dito muna ako kasama siya.
02:28.1
At tutulungan niya daw akong makapagtapos ng pag-aaral.
02:33.1
Kumukuha ako ng kursong nursing, Papadudut.
02:36.7
Gusto ko kasi balang araw ay makapag-abroad.
02:39.6
Para naman ang sa ganon ay mabigyan ko ng magandang kinabukasan ng aking mga kapatid.
02:45.1
Kaya kahit mahira pa'y pinilit kong magpatuloy.
02:49.6
Andiyan na Auntie, ayusin ko lang po itong higaan ko.
02:53.4
Ang sagot ko naman sa kanya.
02:56.1
Kumain ka muna bago maglaba.
02:58.1
At saka dyan pala yung pera.
03:00.4
Iniwan ko pambili mo ng merienda, papunta muna ako sa amiga ko at makikipag-birthday.
03:06.4
Ang paalam ni Auntie sa akin.
03:09.6
Linggo noon at wala akong paso kaya naman naglinis at naglaba ako para naman matuwa siya.
03:15.7
Pagkatapos ay umupo ako sa may balkonahe at nakita ko ang masasayang mga batang naghahabulan sa aming compound.
03:22.4
Bigla tuloy akong nanungkot.
03:24.6
Naalala ko yung mga kapatid ko sa probinsya.
03:26.9
Siguro ay nami-miss na rin nila akong kalaro.
03:30.5
Hinintay ko ang pagbabalik ni Auntie pero mag-aalas 8 na ay wala pa rin siya.
03:35.3
Hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng gate.
03:38.8
O Auntie, ginabina ata kayo ang sabi ko dito.
03:43.4
Hindi niya ako pinansin pero naamoy ko ang alak sa kanya.
03:47.0
Auntie, uminom po ba kayo ang sabi ko pa?
03:51.8
Alam mo Emily, minahal ko yun eh.
03:54.3
Binigay ko ang lahat nang meron ako pero anong ginawa niya?
03:59.1
Niloko niya lang ako.
04:00.8
Sabi niya ay masyado raw akong matagal.
04:03.3
Hindi niya na daw kayang hintayin na maabot ko ang aking mga pangarap.
04:07.6
Kaya ayun, pinagpalit niya ako sa iba.
04:10.1
Ang sabi ni Auntie na pasuray-suray na pumasok sa bahay.
04:14.4
38 na si Auntie pero wala pa rin siyang boyfriend.
04:17.3
Ngunit sabi ni Mama, may lalaking minahal si Auntie noon.
04:21.1
Kaso si Auntie daw ay masyado siyang maraming pangarap sa buhay.
04:24.3
Kaya mas inuna niyang tuparin ang mga pangarap niya.
04:28.2
Hanggang sa pagbalik niya ay wala na palang naghihintay sa kanya.
04:32.3
Bigla tuloy akong naawa kay Auntie.
04:35.1
Pero siguro ay may dahilan ng lahat.
04:37.7
Kaya hindi siya naging masaya sa kanyang buhay pag-ibig.
04:42.3
Sinabi ko sa aking sarili papadudod na gagawin ko ang lahat para sa aking mga pangarap.
04:47.3
At kung darating man ang araw na magmamahal ako ay sisiguraduhin kong doon sa taong handa akong panindigan.
04:54.3
At higit sa lahat ay kayang suportahan ang aking mga pangarap.
04:59.0
O Emily, alam mo may isang engineering student ang pumunta rito tapos ewan ko ba hinahanap kanya?
05:06.7
Ang sabi sa akin ng aking best friend na si Malu.
05:10.7
Ha? Eh paano naman ako hahanapin ang isang engineering student eh?
05:14.9
Hindi nga ako nagagawi sa building nila.
05:17.1
Ang sabi ko naman sa kanya.
05:19.8
Iba ka din talaga girl. Sobrang ganda mo ah.
05:22.9
Ang sabi ni Malu sa akin.
05:24.8
Pinipilit akong alalahanin papadudod kung meron ba akong na-encounter na lalaki sa engineering department pero wala talaga.
05:32.7
Hanggang sa nagaya si Malu na kumain sa kantin.
05:38.2
Halika na at tiisin mo lang yung guto mo.
05:41.5
Kita mo ang daming tao ang haba ng pila.
05:44.7
Ang sabi ko sa kanya.
05:46.8
Ewan ko nga ba sa university namin.
05:49.3
Eh ang laki-laki ng tuition pero hindi madagdaga ng kantin.
05:54.3
Ano ka ba? Naguguto mo talaga ako eh.
05:56.2
Hindi ko na kayang ipagpabahay pa ito.
05:59.3
Ang sabi niya sa akin.
06:01.7
Dito na lang kayo mo po.
06:04.3
Narinig ko ang boses ng isang lalaki kaya naman bigla akong napalingon.
06:09.6
Ang gwapo niya papadudod at sa totoo lang ay napatigil talaga ako.
06:15.0
Maala Jake Vargas yung pagkagwapo niya.
06:18.8
Nadadaaning ka sa tingin tapos ay mapapaoo ka na lang sa kanya.
06:23.0
Sobra as in kamukhang kamukha niya si Jake Vargas.
06:27.9
O girl, yun yung lalaking sinasabi kong naghahanap sa iyo.
06:32.7
Ang sabi ni Malu sa akin.
06:35.0
O nga pala miss, ako nga pala si Mark.
06:39.2
At eto nga pala yung notebook mo.
06:42.0
Naiwan mo kahapon sa library kaya hinanap kita mukhang importante yan eh.
06:47.2
Kaya talagang hinanap kita.
06:48.9
Ang sabi niya sa akin.
06:50.5
At habang nagsasalita siya ay hindi ko alam.
06:53.0
Dahil nakatitig lang talaga ako sa kanyang mukha.
06:56.5
Umasa ako na baka ligawan niya ako or crush niya ako.
07:00.1
Kaya niya ako hinanap pero dahil lang pala yun.
07:05.0
Salamat ang sabi ko sa kanya.
07:07.9
Marami talaga akong gustong sabihin pero ewan ko ba dahil bigla na lamang akong natameme.
07:13.7
Ngumiti na lamang ito at saka inabot ang notebook ko.
07:17.1
Magmula noong araw na yun ay parang mas ginanahan akong mag-aral at dahil din kay Mark.
07:23.0
Ay mas gumanda ang aking college life.
07:26.6
Madalas ko na siyang kasabay umuwi at lagi kaming tumatambay sa park malapit sa school.
07:32.3
At sabay naming pinagbamasdan.
07:36.6
Noon ay takot akong magdilim.
07:38.9
Takot akong matapos ang araw pero dumating si Mark sa buhay ko.
07:43.1
Ang takip silim ay naging hudyat ng isang pagtatapos.
07:46.4
Nang magandang araw na sigurado akong susundan pa.
07:49.6
Nang mas maganda pang kinabukasa nakasama ko siya.
07:53.0
Lingon dito, lingon doon.
07:56.0
Lagi bang inahanap siya ng aking mga mata tapos bigla na lamang siyang susulpot.
08:02.1
Emily, kumusta ka?
08:03.6
Ang bunga niya sa akin isang umaga nakita ko na naman ang nakakalusaw niyang mga titig.
08:10.1
Ah, okay lang naman. Nakakagulat ka naman.
08:13.6
Ang sabi ko naman sa kanya.
08:15.2
Maya-maya ay may kinuha siyang bulaklak sa kanyang bag.
08:19.1
Para sa iyo, ang sabi nito.
08:20.8
Grabe, Papa Dudut.
08:23.0
Halos himatayin ako sa sobrang kilig.
08:26.1
Flowers para santo, ang sabi ko naman.
08:30.0
Gusto kita, Emily.
08:31.5
Masyadong mabilis kong iisipin pero
08:33.3
hindi kasi ako katulad ng ibang lalaki na dadaanin ka sa mga matatamis na salita at sa mga regalo.
08:40.0
Gusto kita, Emily.
08:41.2
At sana ipayagan mo ko maging parte ng buhay mo.
08:44.3
Ang sabi niya sa akin.
08:46.4
Tuwang-tuwa ako, Papa Dudut.
08:48.2
At sobrang lakas din ang pintig ng aking puso.
08:51.2
Gusto kong sumagot ng oo pero bigla kong naisip ang sinabi sa akin ni Auntie na piliin ko daw ng mabuti ang taong aking mamahalin.
09:00.5
Ah, Mark, alam mo, sa totoo lang ay crush din kita.
09:04.2
Kaya lang, marami pa kasi akong priority sa buhay.
09:07.6
Hindi kami mayaman, Mark.
09:09.0
Tinutulungan ako ng Auntie ko para makapagtapos sa college.
09:12.6
Kaya ayaw ko naman sayangin ang lahat ng iyon.
09:15.1
Ang sabi ko sa kanya.
09:17.0
Akala ko ay aatra siya at hahayaan na lamang ako pero nagulat ako sa mga sinabi.
09:22.5
Handa naman ako maghintay at hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo pa.
09:27.1
Basta andito lang ako para sa iyo.
09:29.5
Kapag nangangailangan ka ng isang kaibigan.
09:32.1
Ang sabi niya sa akin.
09:34.5
Hindi ko alam kung anong nagawa kong kabutihan sa mundo para mahalin ako ni Mark.
09:39.2
Nang sobra-sobra.
09:41.2
Magmula nung araw na umamin siya sa akin ay naging consistent siya sa pagpapatunay na mahal niya ako.
09:48.1
Inamin din niya na dati pa man ay lagi na niya akong inaabot.
09:51.2
Abangan sa library.
09:52.7
Naging masayang bawat araw na magkasama kami.
09:55.9
Naging matalik ko siyang kaibigan at marami ang nagsasabi na maswerte daw ako kasi sobrang loyal ni Mark.
10:01.5
Kahit sobrang dami namang babae ang nagkakandara pa sa kanya.
10:06.5
Hindi ko alam ay unti-unti na rin pala akong nahuhulog sa kanya.
10:10.5
Ilang araw din ang nakalipas nang hindi ko siya makita kahit text o tawag man lang.
10:15.6
Ay wala akong natanggap mula kay Mark.
10:17.7
Hanggang sa nabalitaan ko na lamang sa kaklase niya na naaksidente.
10:21.2
Na naaksidente daw ito, nabangga daw ang kanyang motor at nasa ospital.
10:25.4
Hindi ko alam ang gagawin ko at nanlamig ang aking buong katawan.
10:28.8
Lalo na noong sinabi sa akin na malala daw ang lagay niya.
10:32.0
Kaya naman dali-dali akong pumunta sa ospital at hinanap kong saang room siya.
10:36.6
At nang makita ko siya ay halos maiyak ako ng madatnang ko.
10:40.4
Ang kanyang mga barkadang andun din at iyak ng iyak.
10:43.8
Agad akong lumapit sa kanya.
10:46.5
Mark, gumising ka na dyan.
10:49.3
Sabi mo ay hihintayin mo ako.
10:51.7
Nangako ka sa akin pero bakit ganito Mark?
10:54.6
Ang daya-daya mo naman.
10:56.8
Hindi ko pa nga nasasabi sa iyo na mahal kita.
10:59.7
Mark, gumising ka na dyan.
11:03.4
Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga kamay at inihap los sa aking ulo.
11:09.2
Totoo bang mahal mo ko Emily?
11:11.4
Ang sabi niya at nakangiti ito.
11:13.8
Taliwa sa sinabi ng kanyang mga barkada na wala na daw itong malay.
11:18.1
Tumingin ako sa kanila at lahat sila ay nakangiti sa akin.
11:21.8
Kayo niloloko nyo nang pala ako?
11:24.2
Ang sabi ko pero wala nga silang imig.
11:27.3
Emily, tumingin ka sa akin.
11:29.7
Mahal mo ba talaga ako?
11:31.4
Ang tanong ni Mark.
11:32.8
At wala na akong ibang nagawa pa kundi ang sabihin ang aking tunay na nararamdaman.
11:39.2
Oo, mahal kita Mark. Mahal na mahal kita.
11:42.5
Bigla na lamang lumabas ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya.
11:46.8
And that is the beginning of everything.
11:49.2
Hindi nga nagtagal.
11:50.5
May naging kami na nga.
11:52.0
Kahit may takot sa aking puso ay pinaglaban ko ang aking nararamdaman para kay Mark.
11:56.9
Masaya ako tuwing kasama ko siya, Papa Dudut.
12:00.7
Mabait at sobrang mahal na mahal niya ako.
12:04.0
Hanggang sa makapagtapos kami pareho ng kolehyo at doon na nga ako nagsimulang aminin kay Auntie ang lahat.
12:11.3
Congratulations, Emily.
12:13.4
Sigurado ko na makakahanap ka ng magandang trabaho at matutulungan mo na ang mga magulang mo.
12:19.0
Ang sabi sa akin ni Auntie.
12:20.4
Umupo ako sa tabi ni Auntie at hinawakan ko ang kamay niya.
12:26.3
Auntie, salamat po sa lahat ng tulong ninyo ha.
12:29.5
Alam kong kung hindi dahil sa inyo, wala po ko ngayon dito.
12:34.6
Nakita kong unti-unting tumulo ang luha niya.
12:37.5
Ako man ay naiyak na rin.
12:40.1
Ikaw talagang bata ka basta yung mga sinasabi ko sa iyo ha.
12:43.8
Huwag mong kakalimutan.
12:45.5
Tandaan mo na dapat ay unahin mo munang makatulong bago ang puso mo.
12:50.4
Ang sabi sa akin ni Auntie.
12:52.3
Bigla ko tuloy naalala si Mark.
12:54.5
Hindi pwedeng panghabang buhay ay itatago ko ang namamagitan sa aming dalawa ni Mark.
12:59.5
Isa pa ay wala namang kaming ginagawang masama at alam kong kapag nakilala ni Auntie si Mark ay matatanggap niya din ito.
13:09.2
May gusto po sana akong sabihin sa inyo.
13:11.9
Ang sabi ko dito.
13:13.6
Kinuha ko ang isang baso ng tubig bago ko ipinagpatuloy ang sasabihin ko kay Auntie.
13:20.4
Mukhang seryoso ka ata ah.
13:22.7
Ang sabi nito sa akin.
13:24.9
Auntie, may boyfriend na ako si Mark.
13:27.6
At matagal na rin po kami.
13:29.8
Tumingin si Auntie sa akin pagkatapos ay ngumiti.
13:33.7
Doon pa man ay alam ko na.
13:35.8
Nagulat ako sa mga sinabi niya sa akin.
13:40.3
Ibig sabihin ay matagal niyo na pong alam?
13:43.1
Ang tanong ko sa kanya.
13:45.4
Nakita ko nung minsang pumunta ako sa university ninyo.
13:49.3
Kaya inobserbahan ko.
13:50.4
Tapos ikaw hanggang sa mapatunayan kong dapat kitang pagkatiwalaan sa mga bagay na tulad ng ganyan.
13:57.8
Alam kong alam mo ang ginagawa mo, Emily.
14:00.4
Mabuti kang bata at alam kong hindi mo ako bibiguin at ang mga magulang mo.
14:05.1
Ang sabi sa akin ni Auntie.
14:07.5
Maraming salamat sa tiwala, Auntie.
14:10.7
Huwag po kayong mag-alala.
14:12.3
Iba si Mark, mabait siya at responsable.
14:14.9
Hindi siya tulad ng ibang lalaki kaya excited na rin akong maipakilala ko siya sa inyo.
14:20.4
Sabi ko kay Auntie, sabay ngiti.
14:22.8
Excited na akong ibalita ang lahat kay Mark at sigurado kong matutuwa siya na wala nang ibang hahadlang sa aming pagmamahalan.
14:31.3
Hindi nga nagtagal ay nagkaroon din kami ng aming sariling trabaho.
14:35.0
Natanggap na rin nga ni Auntie si Mark at sobrang saya ko dahil napakabait ni Mark.
14:40.4
At lagi niyang ipinaparamdam sakin na mahalaga ko.
14:44.4
Tuwing linggo o kapag day off ko o sa trabaho ay nasa bahay siya at pinagluluto niya ako.
14:49.1
Tapos ay tumatambay kami sa aming balkonahe at sabay nang angarap ng kung ano-ano.
14:55.6
Mahal salamat ha, ang sabi ko kay Mark habang nakasandal ang ulo ko sa kanyang balikat.
15:02.0
Salamat para saan naman?
15:03.8
Ang tanong naman ni Mark sa akin. Nakatitig na ako noon sa kanya.
15:08.3
Alam mo, sobrang saya ko nung dumating ka sa buhay ko.
15:11.9
Dati akala ko hindi na ako makakahanap ng tulad mo.
15:15.1
Takot kasi ako magmahal dahil na rin sa mga ikinuwento ni Auntie sa akin.
15:19.1
Tapos nakilala kita.
15:22.4
Gwapo ka, mabait at lahat ng hinahanap na mabaya ay nasa iyo.
15:27.1
Kaya nagdalawang isip ako kung bubuksan ko ba sa iyo ang puso ko para maging tayo.
15:33.6
Hanggang sa araw-araw ay nakilala kita ng lubos.
15:36.6
At doon ko napatunayan na iba ka sa lahat.
15:39.4
Ang sabi ko sa kanya at umiti siya at ibinalik ang titig niya sa akin.
15:44.2
Ikaw ang buhay ko, Emily.
15:45.9
At hindi ko alam kung paano mabubuhay ng wala ka.
15:49.1
Kaya gagawin ko ang lahat para mapanatili ang relasyong ito.
15:54.0
Ang sabi niya sa akin.
15:56.3
Pangako, hindi mo ko iiwan kahit na anumang mangyari.
16:00.1
Ang sabi ko sa kanya at niyakap niya ako.
16:03.4
Oo naman, pangakong hindi na ako magmamahal ng kahit na sino kung hindi ikaw lang.
16:08.2
Ang sabi niya sa akin, hindi siya romantic, hindi siya yung tulad ng ibang lalaki na mahilig sa surprises.
16:14.5
Pero pagating sa sweetness at pag-aalaga ay panaro naman itong si Mark.
16:19.1
At kung hihilingin pa papadudut at pakiramdam ko ay nasa akin na ang lahat.
16:23.6
Naging maayos na ang buhay namin at unti-unti nakatulong na ako kay nanay kahit na maliit ang sahod dahil kumukuha pa lamang ako ng experience sa mga public hospitals.
16:34.2
Hindi na nga ako nakapaghintay na makilala nila si Mark.
16:37.2
Natutuwa din ako sa tuwing sinasabi ni Auntie Papadudut na nakikita niya daw na mabait talaga itong si Mark.
16:44.4
At kahit may itsura, e mukha namang mapagkakatiwalaan.
16:49.1
Ay okay na ang lahat.
16:50.5
Pero sabi nga nila ay walang perpektong relasyon.
16:53.7
Hindi ko talaga inakala na sa isang iglap ay bigla na lamang magbabago ang lahat.
16:59.6
Masasabi kong maayos na ang buhay namin.
17:02.0
Ganap na akong nurse.
17:03.3
At si Mark naman ay isa ng engineer.
17:06.0
Naisip ko na magayos na rin ako ng papers ko para subukan naman ang kapalaran ko sa ibang bansa.
17:11.6
Ngunit isang balita ang bumasag sa aking mga pangarap.
17:15.6
Nakasakay ako ng tricycle noon at sa hindi kalayuan ay natanaw ko na si Mark.
17:18.3
At sa hindi kalayuan ay natanaw ko na si Mark.
17:18.3
At sa hindi kalayuan ay natanaw ko na si Mark.
17:19.1
At sa hindi kalayuan ay natanaw ko na si Antie.
17:20.1
Ay kausap siya at halos hindi maipintang kanyang muka.
17:23.6
Puno ng pag-ala lahat lungko at kaya naman dali-dali din akong buhaban ng tricycle.
17:28.4
Nakita ko ni Antie at nakita ko ang kaba sa kanya.
17:32.1
Antie bakit po? May problema po ba?
17:35.1
Ang tanong ko sa kanya.
17:38.4
Umpos si Antie at halos maluha papadudut.
17:42.4
Emily wala na ang kapatid mo na si Andrew.
17:45.5
Ang sabi niya sa akin.
17:47.6
Tumingin ako kay Antie at hinting.
17:49.1
hinihintay kong sabihin niyang hindi totoo ang lahat.
17:52.3
Nagkakamali ka auntie, paano mangyayari yun diba?
17:56.1
Ang tanong ko kay auntie.
17:58.4
Emily, nalunod ang kapatid mo.
18:02.1
Pumunta daw sila sa ilog ng mga pinsan mo tapos biglang umagos ng malakas.
18:08.0
Hindi na nakaligtas ang kapatid mo,
18:10.5
ang sabi ni auntie at wala na siyang narinig na kahit na ano na sanita mula sa akin.
18:16.6
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
18:19.7
Ang bata-bata pa ng kapatid ko papadudot.
18:22.8
Next year ay gagraduate na siya ng high school at magpupulis daw siya
18:25.9
pero ang lahat ng pangarap na yun ay naglaho na parang bula.
18:30.8
Tinext ko si Mark at agad-agad ay pumunta siya para damayan ako.
18:35.6
Iyak ako ng iyak at hindi ko matanggap na nawalan ako ng isang kapatid.
18:39.5
Bakit ganito mahal?
18:41.1
Bakit kapag nagiging masaya ako ay binabawi din naman kaagad?
18:44.7
Ang unfair naman ang buhay?
18:47.1
Ang sabi ko kay Mark at umiiyak ako naman.
18:49.1
Noon at tumingin si Mark sa akin.
18:51.9
Ipinasandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat.
18:55.6
Lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit nangyayari.
18:58.7
Ang sabi pa nito sa akin.
19:01.1
Pero mahal, hindi pa ba sapat lahat ng pinagdaanan namin para parusahan kami ng ganito?
19:06.8
Wala namang kaming tinapakang ibang tao.
19:09.1
Marangal kaming magtrabaho pero bakit?
19:12.2
Sa dami-dami ng mga masasamang tao sa mundo,
19:14.6
ang kapatid ko pa talaga ang kinuha niya.
19:17.0
Ang paulit-ulit na tanong ko.
19:19.1
Humagul-hul ako at halos mabasa na ang damit ni Mark.
19:23.2
Huwag kang mag-alala.
19:25.1
Hinding-hindi kita iiwanan.
19:27.2
Ang mga salitang nakapagpagaan sa aking nararamdaman.
19:31.2
Makalipas nga ang ilang linggo papadudot ay inihatid na sa huling hantungan si Andrew.
19:36.9
Napakasakit sa aming pamilya ang mawala ng isang miyembro pero wala na kaming magagawa.
19:41.9
Kailangan na lang naming tanggapin ang pagkawalan ni Andrew sa aming buhay.
19:46.1
Mahirap ma na isinubukan ulit bumangon ang aking pamilya.
19:49.1
Ang pagsubok na iyon ay mas lalong nagpatibay sa aming pagsasama.
19:54.1
Hindi ko naituloy ang aking pag-aabroad kaya minabuti kong dito na lamang muna sa Pilipinas magtrabaho.
20:00.0
Masasabi kong maswerte pa rin ako dahil may isang Mark na laging nandyan kapag walang wala ako.
20:06.4
Pero dahil alam kong andyan siya at sobra niya akong minahal,
20:10.4
ay nagpakakampante ako na hindi niya ako iiwanan.
20:14.7
Okay na sila ni Nanay papadudot pero ako ay mukhang napagod din ako sa pagiging.
20:20.8
Pagod na akong magpadala sa kanila.
20:23.0
Pagod na akong tumulong sa aking pamilya.
20:25.7
Pagod na ako sa lahat.
20:27.5
Parang wala nang patutunguhan ang buhay ko.
20:30.6
Pag-uwi ko sa apartment na tunutuluyan ko ay andun si Mark nakaupo sa may sofa.
20:35.9
Gumiti ito nang makita niya ako pero ako ay wala sa mood.
20:42.8
Ang tanong niya sa akin.
20:44.6
Umupo ako at tumabi sa kanya.
20:47.1
Mukha ba akong okay mahal?
20:48.4
Ang sabi ko dito at kinurot niya ang pisngi ko.
20:51.7
Mahal tara labas tayo kain tayo sa labas.
20:54.2
Ang anyaya niya sa akin.
20:56.0
Kita mo nangang wala ako sa mood tapos magyayayakap pang lumabas?
21:00.2
Ang sabi ko dito.
21:02.3
Alam kong medyo nataasan ko na siya ng boses kaya marahil ay nagulat siya sa sagot ko.
21:07.5
Bakit ka ba nagkakaganyan mahal?
21:09.3
Ano bang iniisip mo?
21:11.1
Ang pag-aalala ang tanong niya sa akin.
21:14.0
Maging ako ay hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan ng pagiging matamlay ko.
21:17.7
Siguro lahat naman tayo ay dumadaan sa point na ganito.
21:22.3
Ewan ko ba pero nawala na ako ng dahilan para magpatuloy pa.
21:26.3
Alam mo yung pakiramdam na kahit anong gawin mo ay parang sinasabi ng tadhana sa'yo
21:30.2
na hanggang dyang ka na lang.
21:32.6
Wala ka ng patutunguhan.
21:34.8
Ang sabi ko kay Mark at gumiti ito.
21:37.2
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalik ka na ko sa may noo.
21:41.1
Hindi pa ba sapat na nandito ako?
21:43.4
Na maging rason mo para ipagpatuloy ang mga pangarap mo?
21:46.3
Ang sabi niya sa akin.
21:48.8
Nang sabihin ni Mark yun, Papa Dudot ay parang na-touch ako.
21:52.7
Bigla ko naalala na nandyan siya pero hindi ko pinapahalagan.
21:57.1
Niyakap ko siya at binalik niya ang yakap na yun.
22:00.6
Sa pagkakataong yun, Papa Dudot ay nabuhayan ako ng loob at masayang masaya ako noon.
22:06.0
At nanumbalik ang aking sigla.
22:08.2
Pinagluto ko siya ng adobong manok na siyang paborito niya at nilagyan ko ito ng sili dahil mahilig siya sa maanghang.
22:14.8
Pinagsaluhan namin ang gabing yun dahil kay Mark.
22:18.5
Nahanap ko Papa Dudot ang rason para ipagpatuloy pa rin ang laban.
22:23.8
Naging abala ako sa trabaho, Papa Dudot.
22:26.4
Nagkaroon din ako ng maliit na negosyo, ang online shop.
22:30.4
Malakas ang kita at nai-enjoy ko naman ang pagbibenta.
22:34.4
Kahit papaano'y nakakaipon ako.
22:37.4
Naging abala din si Mark sa kanyang trabaho dahil na-promote siya at na-assign sa ibang lugar.
22:42.7
Yung halos everyday kami nagkikita.
22:44.8
At naging twice a month, bagay na sobra kong kinalungkot.
22:50.2
Hanggang sa makilala ko si Anton.
22:52.5
May binila siyang item sa akin at hindi nagtagal ay naging suki ko din siya.
22:56.6
Alam kong mali ang maramdaman nito pero hindi ko na rin kayang pigilan.
23:02.2
Masaya ako tuwing kasama ko siya.
23:04.6
Tama kayo, Papa Dudot.
23:06.8
Lumalabas na po kaming dalawa at lagi kaming magkasama.
23:11.5
Alam niyang may boyfriend na ako pero sabi niya ay ayos lang daw.
23:14.8
Iyon sa kanya dahil wala naman daw kaming ginagawang masama.
23:18.5
Kung tutusin ay tama nga yung sinabi niya sa akin at wala kong dapat na ikabahala.
23:24.2
Dahil sa kanya, Papa Dudot ay nalibang ako.
23:26.9
Ibang iba sila ni Mark, si Anton ay easy go lucky siyang tao.
23:30.8
Ang lagi niyang sinasabi sa akin ay dapat daw ay piliin na maging masaya.
23:34.6
Kung ano yung alam kong magpapasaya sa iyo ay subukan mo at huwag ka nang magdadalawang isipa.
23:40.4
Sa tuwing tumatawag si Mark sa akin ay lagi kong sinasabi na ayos lang.
23:44.8
At pagbubutihin niya lang ang kanyang pagtatrabaho.
23:49.2
Feeling ko ay hindi naman yun nakakahalata kasi alam kong busy din siya sa trabaho niya.
23:54.1
Napaka hardworking kasi ni Mark.
23:56.2
Minsan nga ay sobrang naiinis na ako sa kanya kasi kahit na oras naming dalawa ay inaatupag niya pa rin yung trabaho niya.
24:03.8
Yung parabang less priority ako na never kong naramdaman kay Anton.
24:10.3
Tanong ko sa kanya nang minsang lumabas kami sa isang coffee shop.
24:14.8
Kung saan ay malayo sa mga taong nakakakilala sa akin.
24:19.2
Ayoko kasi na baka malaman ni Mark ito.
24:23.8
Ang maikling niyang sagot sabay ngiti sa akin.
24:26.4
Guwapo din si Anton. Mapupungay ang kanyang mga mata, matangkad at moreno.
24:31.8
So ganun lang yun ang sabi ko sa kanya.
24:34.9
Sandaling nabalot ng katahimikan kaming pareho.
24:38.7
You want me to take this to the higher level?
24:41.3
Ang sabi niya sa akin.
24:42.9
Na nagpabilis ng pintig ng aking puso.
24:46.4
Ha? Anong ibig mong sabihin?
24:48.6
Ang sabi ko sa kanya.
24:50.3
Na kunwari walang ideya sa sinasabi niya sa akin.
24:53.7
Sa apartment ko mamayang gabi, I'll see you.
24:58.0
Ewan ko ba kung anong kalukohan ko o kung bakit parang nagusuhan ko yung pag-anyaya niya sa akin.
25:04.1
Umuta nga ako na hindi ko iniisip kung tama ba o mali ang gagawin ko.
25:07.9
At doon na nga nangyari ang lahat.
25:10.5
Sa unang pagkakataon ay dinala niya.
25:12.9
At dinala niya ako sa lugar na hindi ko pa nararating.
25:16.2
Ibang-iba nga sila ni Mark na sobrang gentle sa akin.
25:20.2
Pero aaminin ko na gusto kang lahat ng meron sa amin ni Anton.
25:24.0
At sa piling niya, papadudot.
25:31.1
Halos isang buwan na hindi kami nakapagkita ni Mark.
25:34.1
At sa mga panahon yun ay si Anton ang pumuno ng lahat ng aking pananabik sa kanya.
25:39.2
Mahal na miss kita ng sobra.
25:41.0
Ang sabi ni Mark sa akin.
25:42.9
Umuwi siya, isang mahigpit na yakap pa nga ang binigay niya sa akin.
25:46.6
Kailan ka pa nandito?
25:48.3
Ang tanong ko sa kanya.
25:50.1
Bigla akong kumawala sa kanyang pagkakayakap.
25:53.4
Hindi ka ba masayang makita mo ako mahal?
25:55.6
Ang tanong niya sa akin.
25:57.7
Hindi naman sa ganun kaso'y nabigla ako.
26:00.2
Wala ka naman kasing sinasabi sa akin.
26:02.6
Ang sagot ko naman sa kanya.
26:06.8
Gusto kasi kitang isurprise.
26:08.8
Ang sabi naman niya.
26:10.4
Kitang-kita sa mukha ni Mark na masaya siyang nabigla.
26:14.2
Pero isa lang ang ibig sabihin nito sa akin na hindi ko na madalas makikita si Anton.
26:21.3
Okay ka lang ba? Parang lumilipad yung isipan mo ha?
26:25.7
Ang sabi nito sa akin.
26:27.8
Medyo natigilan nga kasi ako noong kinausap niya ako papadudot.
26:31.3
Kasi naalala ko na may usapan pala sana kaming dalawa ni Anton ngayon.
26:35.6
Sasamahan niya akong mamili para maibenta ko.
26:40.5
Ah wala may naalala lang ako.
26:42.9
Mahal pwede bang dito na lang tayo sa bahay?
26:45.7
Lutuan na lang kita ng paborito mo?
26:48.0
Ang sabi ko naman sa kanya.
26:50.4
Ayaw kong magpahalata papadudot dahil ayaw kong mawala si Mark sa akin.
26:55.8
Pero ayaw ko ding mawala si Anton.
26:58.2
Naguguluhan talaga ako at hindi ko alam kung sino nga ba ang dapat kong piliin sa kanilang dalawa dahil pareho ko na silang mahal.
27:05.6
Muling umalis si Mark para magtrabaho.
27:08.2
Nakahinga kong muli ng maluwag.
27:09.9
Dahil may pagkakataon na muli kaming magkita ni Anton.
27:12.9
Doon ako sa apartment ni Anton tumuloy dahil ang gusto daw nito ay lagi kaming magkasama.
27:19.2
Everyday ay pinaglulutuan ako ni Anton ang masasarap na pagkain.
27:22.7
Punong-punong ito ng mga surprises na gusto ko din gawin ni Mark sa akin.
27:26.6
Kaya lang si Mark ay puro siya pangarap.
27:28.9
Gusto niya ay masettle muna ang lahat bago niya ako pakasalan.
27:32.3
Ang tanging gusto ko lamang papadudot ay isang simpleng buhay.
27:36.4
Basta magkasama kaming pareho.
27:38.8
Buti pa si Anton.
27:42.9
Boring na araw kapag nagkukulit ang kaming dalawa.
27:46.9
Babe, kailan mo ba hihiwalayan si Mark?
27:50.3
Ang tanong niya sa akin.
27:52.7
Nakahiga ako sa kanyang balikat at niyakap ko siya.
27:56.4
Pwede bang hindi ko muna sagutin yan?
27:58.7
Ang sabi ko dito.
28:00.4
Tumingin siya sa akin at hinalikan ako.
28:03.4
Gusto ko lang naman na akin ka na.
28:06.2
Ayokong may iba pang mga kahati.
28:08.5
Gusto kong buong-buo ka.
28:10.6
Ang sabi naman ito.
28:12.9
Nagay ko'y sobrang sweet na mga salitang binitawa ni Anton.
28:16.4
Hinalikan ko siya hudyat na gusto kong angkinin niya ako.
28:20.2
Nang makaipo na ako papadudot ay nagayos na rin ako ng mga papers ko para makapagtrabaho sa ibang bansa.
28:26.9
Natanggap din si Anton kaya sabay kami naglakad ng aming mga papeles.
28:31.2
Masayang-masaya ako dahil kapag nag-ibang bansa na ako ay mas malaki na ang maibibigay kong tulong kinananay sa probinsya.
28:38.9
At hindi lang yan.
28:40.3
Malayo ko ng mamahalin si Anton.
28:42.9
Nang umuwi muli si Mark ay nasabi ko ang tungkol dito.
28:46.8
Akala ko ay magagalit siya dahil hindi ko kaagad nasabi sa kanya ang aking plano.
28:52.3
Pero natuwa pa rin ito.
28:55.4
Hindi pa rin tumigil si Mark sa panunuyo sa akin na ayusin ang aming relasyon.
29:00.4
Hindi nga daw kayang mawala ako sa kanyang buhay.
29:03.8
Pero hindi pa rin siya ang aking pinili.
29:06.3
Sumama ako kay Anton at pinagpatuloy ang aking pangarap sa Canada.
29:10.8
At mga unang buwan namin doon.
29:12.9
Ang pinakamasaya sa lahat.
29:14.8
Uwi ako sa trabaho na handa na ang aking pagkain.
29:17.9
Tapos may warm bath pa ako na siya mismo ang naghanda.
29:21.8
Napaka sweet nito ni Anton sa akin pero hindi din mawala sa isipan ko si Mark.
29:27.4
Araw-araw ay nakakabasa ako ng message niya na magingat daw ako at maghihintay siya sa akin.
29:32.8
Halos anim na buwan na ganoon papadudod hanggang sa nakulitan ako sa kanya at tinawagan ko siya.
29:41.3
Hey, buti na lang at sa wakas ay kinausap mo din ako.
29:45.2
Kumusta ka na dyan? Okay ka lang ba?
29:47.5
Ako eto, andito kasama sila tatay sa probinsya ninyo.
29:51.1
Miss na miss ka na rin daw nila.
29:52.9
At miss na miss na rin kita Emily, ang sabi niya sa akin.
29:57.3
Naging ka-close na nga ng aking pamilya si Mark kaya naman nang hirap sabihin sa kanila na wala na talaga kami.
30:04.8
Mark please tama na.
30:06.9
Pareho lang natin niloloko ang ating sarili.
30:09.3
Ang sabi ko sa kanya.
30:11.3
Natahimik siya sa kabilang linya.
30:14.6
Emily, hindi mo na ba talaga ako kayang mahalin?
30:18.7
Ang tanong niya sa akin.
30:20.6
Malungkot na ang naging tono niya.
30:23.5
Mark, I'm so sorry pero ayoko na.
30:26.2
Leave in na kami ni Anton ngayon at masaya akong kasama niya.
30:30.6
Yung mga ginagawa niya sa akin yun yung mga bagay na hinahanap ko sa iyo noon.
30:34.7
Siya yung pumuno ng lahat ng mga pagkukulang mo.
30:37.8
Ang sabi ko sa kanya.
30:39.8
Hindi nagsalita si Mark.
30:41.3
Ngunit narinig ko ang malakas na buntong hininga niya.
30:45.3
Kung saan ka magiging masaya, Emily?
30:48.4
Yun ang pipiliin ko.
30:51.8
Akala ko ay kaya ko pang itamang lahat ng mga pagkukulang ko.
30:56.5
Akala ko ay pwede pa nating maibalik ang lahat pero...
31:00.6
Akala ko lang pala yun.
31:03.1
Sorry, Emily, sa lahat.
31:05.3
Mahal na mahal kita at sanay maging masaya ka na.
31:10.0
Sa baybaba ng telepono.
31:11.3
At magmula ng araw na yun, ay wala na akong narinig pa mula kay Mark.
31:17.2
Buong akala ko ay magiging okay na ang lahat pero hindi pala.
31:21.8
Nagiba si Anton at madalas ay umuuwi siyang lasing o kaya naman ay halos hindi na niya ako kausapin.
31:27.6
Sa tuwing tinatanong ko siya kung may problema ba siya ay hindi naman ito sumasagot ng maayos.
31:32.4
Hindi ko alam na magiging ganito ang mangyayari sa amin.
31:36.1
Napagalabang ko din na dalawang linggo na pala akong buntis.
31:39.3
Tuluyan na nga nagbago ang lahat.
31:42.4
Wala na yung dating Anton na pinili ko.
31:45.9
Nagpakamartir ako sa tuwing uuwi siya na may kasamang babae.
31:50.4
Lumabas na ang kanyang tunay na kulay pagkatapos niyang kunin ang lahat ng meron sa akin.
31:56.0
Pinagbubuhatan niya din ako ng kamay.
31:58.1
Lagi siyang galit kapag walang nakahandang pagkain.
32:01.2
Kaya kahit pagod na pagod ako sa duty ko ay pinagsilbihan ko pa rin siya.
32:06.3
Pinili ko pa rin magtiis, Papa Dudot, dahil sa...
32:09.3
wala akong ibang kakilala dito sa Canada.
32:12.7
At isa pa ay ayaw ko ding mawala ng ama ang aking magiging anak.
32:16.7
Hanggang sa ilang araw pa nga ang nakalipas ay na-confine ako at sinabi ng doktor
32:21.1
na dahil daw sa overfatig na wala ang batang nasa sinapupunan ko.
32:25.9
Labis ang aking pangihinayang at parang gumuho ang aking mundo.
32:29.9
Sunod-sunod na mga pasakit yon.
32:32.7
Walang pakilam si Anton dahil nalulong na siya sa bisyo.
32:36.1
Iniwan ko na siya at lumipat ng ibang matitirhad.
32:38.4
Akala ko ay hahanapin niya ako at marirealize niyang nagkamali siya pero hindi ganon ang nangyari.
32:45.1
Lahat ng inipon namin, Papa Dudot, ay inubos din niya.
32:48.8
Walang wala ako noon.
32:50.7
Naalala ko si Mark.
32:52.5
Siguro kung siya ang pinili ko ay hindi ito mangyayari sakin.
32:56.4
Siguro kahit simple ang buhay ay masayang masaya pa rin ako.
33:00.2
Sinayang ko ang halos pitong taon namin ni Mark para sa isang parang daliang kaligayahan.
33:05.1
Naging marupok ako sa tukso at yon ang pinagsisisimula.
33:08.4
Hindi ko pinaalam sa aking pamilya ang mga nangyari sa akin.
33:14.1
Pililit kong bumangon para sa aking sarili.
33:17.9
Ayokong umuwi ng Pilipinas na ganito.
33:21.1
Nawalang wala ako kaya naman nagtiis ako, Papa Dudot.
33:25.6
Apat na taon na nadagdaga ng dalawang taon hanggang sa unti-unti ay naibalik ko ang aking buhay.
33:33.8
Nabuo kong muli ang aking pangarap na minsang nawasak dahil sa isang pagkakamot.
33:38.4
Pagkakamali, uling balita ko ay umuwi na ng Pilipinas si Anton at nagkapamilya na.
33:45.3
Nagsisisi ako sa mga nagawa ko kung sana'y maibabalik ko lang ang panahon.
33:49.9
Magiging kontento ako sa mga bagay na meron ako at pahahalaghang ko si Mark.
33:55.3
Ang taong hindi ako iniwanan.
33:57.7
Pero asa na nga ba si Mark?
33:59.8
Biglang lumakas ang pintig ng aking puso dahil sa mga susunod na linggo ay uuwi na ako sa Pilipinas.
34:06.6
Pagkalipas ng halos pitong taon,
34:08.4
ay nakabalik ulit ako sa amin.
34:10.8
Sariwang hangin at maayos na din ang aming tahanan.
34:14.3
At hindi lang yan papadudot may trabaho na rin ang halos lahat ng aking kapatid.
34:19.7
Sobrang sayo ko pero pakaramdam ko ay may kulang pa rin sa akin.
34:24.3
Anak, kumusta ka?
34:25.9
Ang tanong ni nanay, nakahiga ako sa may duyan sa likod ng bahay at kitang kita ko ang bukid.
34:32.5
Uminga ko ng malalim.
34:34.3
Sa dami ng mga nangyari na ay masasabi kong naging matatag ako.
34:38.4
Sobrang dami kong natutunan.
34:40.8
Siguro dahil sa masyado pa akong bata kong mag-isip.
34:44.4
At inuna ang kaligayahan kesa sa kinabukasan.
34:48.1
Kaya ako siguro nagawa ang mga bagay na yun.
34:50.7
Ang sabi ko kay nanay.
34:53.3
Alam nila ang lahat ng mga nangyari at ang lahat ng kapalpakan ko sa buhay.
34:58.1
Pero niminsa na hindi nila ako hinusgahan.
35:01.1
Pagkos ay bas minahal nila ako at pinili nilang intindihin ang aking mga pagkakamali.
35:08.4
Kaya lagi si Mark na nagpupunta rito.
35:12.3
Umiiyak at humihingi ng sorry sa amin ng tatay mo dahil hindi ka daw niya naprotektahan dahil masyado siyang nagfocus sa mga pangarap niya para sa iyo.
35:20.7
Hindi niya namamalaya na unti-unti ka na palang nawawala sa kanya.
35:24.5
Sinisisi niya ang kanyang sarili.
35:27.2
Napakabait na bata niyang si Mark at nang malaman niya na nakabangon ka na ay tuwang-tuwa siya.
35:32.6
Ang sabi ni nanay sa akin.
35:34.8
Hindi ko namalaya ng pagtulo ng aking mga luha.
35:38.4
Mahal na mahal ko si Mark at hindi ko alam kung bakit hindi ko yung nakita.
35:43.7
Mas nanaig yung kagustuhan ko na maging masaya.
35:46.7
Hindi ko naisip na panandalian lamang pala yun at si Mark ang tunay kong kaligayahan pero wala na siya.
35:54.0
Ang huling balita ko sa kanya ay nag-ibang bansa din ito at doon ay nagpatuloy ng kanyang panibagong buhay.
36:00.0
Ang sabi ni nanay.
36:02.1
Mukhang imposible na talagang magkita ulit kami.
36:04.6
At sigurado ko na imposible niya akong mapatawad.
36:09.3
Hanggang sa isang araw ay muli kaming pinagtagpo ng tadhana.
36:14.7
At nang muli kong makita si Mark ay biglang nanumbalik ang lahat ng sakit at saya ng pinagsamahan namin.
36:21.5
At sa pagpasok niya sa bahay namin ay umaasa ako na eto na rin ang pagbabalik niyang muli sa aking buhay.
36:27.8
Madalas kaming magkasama ang lumabaas kaming dalawa at nag-i-enjoy naman kami sa bawat oras na lumipas.
36:34.2
Niminsan ay hindi ko inopen sa kanya yung mga nangyari sa aming dalawa.
36:37.6
Natatakot ako na baka maalala niyang muli yung mga sakit na naidulot ko sa buhay niya.
36:43.5
Yung biglaan kong pag-iwan sa kanya para sumama sa iba para tuparin ang pangarap ko na wala siya.
36:49.6
Masyado kong nasilaw sa pangungulila sa kanya at sa kagustuhan kong maging masaya ay hinanap ko pa yun sa iba.
36:57.1
Siguro yun ang malaki kong pagkakamali.
36:59.3
Nagpadala kasi ako sa lungkot kaya ako nagawa yun.
37:02.8
Umunda kami sa dati naming tambayan sa may park malapit sa school.
37:06.7
Kaya nang dati muli naming pinagmasda ng takip silim.
37:11.2
Alam kong kasalanan ko papadudot ang lahat ng mga nangyari sa amin.
37:16.1
Kaya kahit nakainin ko pa ang pride ko ay gagawin ko para bumalik lamang si Mark sa akin.
37:23.2
Nay, tama ba ang gagawin ko?
37:27.0
Ang tanong ko kay nanay, tumabi ako sa kwarto ni nanay.
37:31.7
Humingi ako ng suporta kung tama ba ang gagawin ko.
37:35.2
Anak, maikli lang ang buhay.
37:36.7
Kaya kung ano ang makapagpapasaya sa iyo ay gawin mo.
37:40.4
Ang sabi ni nanay sa akin.
37:42.6
Yumakap ako sa kanya at mas lalong lumakas ang loob ko na gawin yun.
37:46.9
Kinabukasan, papadudot ay naghanda ako.
37:49.7
Nagpaganda at in-ex si Mark.
37:52.0
Sumagot naman kagad ito dahil may sasabihin daw siya sa akin.
37:55.8
At muli nga kami nagkita sa aming dating tagpuan kung saan ay nagsimula ang lahat.
38:01.4
Invitation? Ikakasal ka na?
38:04.1
Nang makita ko ang invitation card na hawak nila,
38:06.7
O Emily, ikakasal na ako sa nanay ng magiging anak ko.
38:12.9
Tatlong taon na din nung mag-ibang bansa ako at nakilala ko si Michelle.
38:17.5
Sobrang bait niya at naiintindihan niya ako na hindi ko pa siya kayang mahalin ng buo kasi mahal pa kita.
38:23.3
Akala ko noon na hindi ko na kayang magmahal pero tinulungan niya ako magtiwala muli at buksan ang aking puso kaya
38:29.0
hindi nga nagtagal ay napamahal na rin siya sa akin.
38:32.8
At binayaan kami ng anak kaya umuwi kami ng Pilipinas para dito magpapasal.
38:39.7
Ewan ko kung nagpapakatanga ba ako pero pumunta ako sa kasal ni Mark Papadudut.
38:44.9
At doon ko nakita kung gaano siya kasaya.
38:48.3
Yung mga ngiting dati ako ang nagbibigay sa kanya pero ngayon ay wala na.
38:53.5
Iba na ang nagpapasaya sa kanya.
38:55.8
Lahat ng sinabi niyang mangyayari sa kasal namin ay ginawa niya sa kanyang kasal pero hindi na sa akin.
39:02.1
Ang sakit-sakit na makita ang taong mahal mo na masaya na sa piling namin.
39:06.7
Ang worst, Papadudut dahil ikaw din naman ang naging dahilan kung bakit siya nawala.
39:13.3
Limang taon nang nakalipas pero hanggang ngayon,
39:16.3
andito pa rin siya sa aking puso and no one can ever replace him.
39:21.5
Sa ngayon ay masaya na akong nag-aalaga ng aking mga pamangkin.
39:25.4
Wala pa rin kasing nagtatangkang mahalin ako.
39:28.0
Siguro dahil may edad na rin ako.
39:30.1
At sa edad kong 39 ay masaya na rin akong nakikitang masaya ang aking mga kapatid at ang mga pamangkin ko.
39:36.7
Sa kanila ko nalang ibinuhos ang lahat ng aking lakas
39:39.9
at sila ang naging inspirasyon ko para magpatuloy pa rin sa buhay sa kabila ng lahat.
39:45.4
Hindi man ngayon pero alam kong balang araw ay matatagpuan ko din ang lalaking muling magpapatibok ng aking puso.
39:52.6
Maraming salamat Papadudut sa pagkakataong ibinigay ninyo para may bahagi ko sa inyo ang aking kwento
39:58.1
na may makatulong po ang aking naging experience para sa mga taong parehas sa aking pinagdanaanan
40:03.7
o sa mga taong sa kasalukuyan.
40:06.7
Ay pinagdadaanan ang aking naging sitwasyon.
40:10.4
Huwag sana nating sayangin ang pagkakataong meron tayo para pahalagahan ang mga bagay na mas importante sa buhay
40:17.8
at yun ay ang pagmamahal at hindi lang panandali ang kaligayahan.
40:23.7
Nasa takip silim man ako ng aking buhay ngayon.
40:27.3
Alam kong balang araw ay muli ko ding makikita ang isang magandang umaga.
40:32.5
Maraming salamat Papadudut.
40:34.1
More power sa iyong YouTube channel.
40:36.7
Gusto gumagalang,
40:38.9
Hindi talaga maiiwasan ang minsang masilaw tayo sa mga bagay na pwede sa ating maybigay ng ibang tao.
40:47.8
Wala namang perfectong relasyon mga ka-istorya.
40:51.1
Laging may nagkukulang at laging may nagtatalo.
40:54.8
Pero sana ang kakulangan na yon ay hindi maging dahilan para bumitaw tayo.
40:59.6
Dahil ang unang sumuko ay ang talo.
41:02.3
Dahil sa isang relasyon may takip silim din.
41:05.5
Pero siguradong pagkatapos ng takip silim ay may panibagong simula ng isang magandang umaga.
41:13.3
Basta huwag ka nang susuko sa ngala ng pag-ibig para sa huli hindi ka din magsisi.
41:19.8
Huwag niyo pong kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
41:26.6
Maraming salamat po sa inyong lahat.
41:29.5
Ang buhay ay mahihwaga.
41:35.5
Laging may lungkot at saya.
41:41.5
Sa papatudod stories.
41:45.7
Laging may karamay ka.
41:54.3
Mga problemang kaibigan.
41:58.8
Dito ay pakikinggan ka.
42:06.2
Sa papatudod stories kami ay iyong kasama.
42:20.0
Dito sa papatudod stories ikaw ay hindi nag-iisa
42:28.5
Dito sa Papagdudud Stories
42:35.7
May nagmamahal sa'yo
42:40.5
Papagdudud Stories
42:46.8
Papagdudud Stories
42:54.4
Papagdudud Stories