01:41.3
Pero bago tayo magsimula, huwag mo sanang kalimutang i-like ang video nito para ma-recommend ito ni YouTube sa mga kababayan natin gusto rin umasenso.
01:50.4
Kung handa ka na, simulan na nating talakayan.
01:52.8
Ang unang financial advice
01:54.7
Financial advice number 1
01:57.4
Hindi mo kailangan mag-ipon ng pera
01:59.7
Hindi natin maitatanggi na karamihan sa mga magagandang advice tungkol sa pera at pagyaman ay makukuha natin sa mga taong successful dahil totoong iba ang kanilang mindset at strategy sa pagkita at paghandle ng pera kumpara sa mga ordinaryong tao.
02:15.1
Kung naririnig man natin sa mga mayayaman ang katagang huwag kang mag-ipon ng pera, paniguradong iba ang ibig nilang sabihin sa ganung advice.
02:22.8
Katulad nalang ni Ramon Ang, pang-apat sa pinakamayamang tao dito sa Pilipinas at merong net worth na 3.4 billion dollars ayon sa Forbes.
02:32.9
Sinabi niya sa isang interview na hindi pa ako nag-iisip tungkol sa pera na itatago, lahat ng pera na meron ako ay ininegosyo ko, lahat ng pera na meron ako ay ininvest ko.
02:45.1
Ayaw niyang mag-ipon dahil higit pa sa pag-iipon ang gusto niyang gawin.
02:49.1
Pero paano naman kaya kung kaibigan mo ang nagsabing huwag kang mag-ipon?
02:52.7
Ano kaya ang ibig niyang sabihin?
02:54.7
Tandaan mo nalang na may mga taong hindi pinopromote ang ideya ng pag-iipon dahil nakafocus sila sa pag-iinvest.
03:01.7
At may mga tao namang ayaw ang ideya ng pag-iipon dahil ang gusto lang nila ay gumastos.
03:07.7
Pero sasabihin ko sa iyo ngayon na kailangan mong mag-ipon.
03:10.7
Kahit matagal ka na sa iyong trabaho o nagsisimula pa lang at hindi mo pa naranasang mag-ipon ng pera, ini-encourage kita na mag-ipon ngayon.
03:18.7
Dahil isipin mo nalang, paano kung merong darating na ipon?
03:23.7
Halimbawa merong nagkasakit sa inyo tapos wala kang ipon.
03:27.7
Paniguradong wala kang ibang choice kundi ang mangutang.
03:30.7
At sa pag-iipon, dito mo rin matututunan ang magkaroon ng disiplina sa paghawak ng iyong pera.
03:36.7
Katulad ng paggawa ng budget, pag-track ng iyong expenses, at pati na rin pagkontrol ng iyong emosyon na hindi gagastos ng sobra.
03:44.7
Ang disiplinang ito ay magagamit mo sa long term.
03:47.7
Kahit nag-iinvest ka na ng iyong pera at kumikita ng malaking halaga,
03:51.7
mahalagang gawin mo pa rin habit na hindi gagastos ng katumbas sa iyong income.
03:56.7
Ayon sa sinabi ng author ng sikat na librong The Psychology of Money na si Morgan Housel,
04:01.7
Building wealth has little to do with your income or investment returns, and lots to do with your savings rate.
04:08.7
At totoo ito, dahil kahit kumikita ka ngayon ng 200,000 pesos o higit pa every month kung ginastos mo lang ito lahat sa iyong mga luho,
04:16.7
ang mangyayari ay magmumukha ka lang mayaman sa paningin ng ibang tao.
04:20.7
Pero ang katotohanan ay mas mayaman pa sa iyo ang taong kumikita lang ng sakto at mayroong naiipon.
04:26.7
Hindi ka yayaman at mananatiling mayaman kung hindi ka marunong mag-ipon ng pera.
04:31.7
Hindi ka makakapagsimula ng iyong negosyo kung wala kang ipon.
04:35.7
Hindi ka rin makakapag-invest kung wala kang ipon.
04:38.7
At hindi mo malalabanan financially ang darating na emergency kapag wala kang ipon.
04:44.7
Kaya sa mga taong nagsasabi sa iyo na hindi mo kailangan mag-ipon,
04:47.7
intindihin mong mabuti kung ano ang ibig nilang sabihin.
04:54.7
Kikita ka ng pera kahit natutulog lang.
04:56.7
Bago ka mag-react at i-explain ang kahulugan ng passive income,
05:00.7
hayaan mo munang ipaliwanag ko kung ano ang problema sa ganitong advice.
05:04.7
Totoo na merong tatlong uri ng income.
05:07.7
Merong active income o income na galing sa pagtatrabaho.
05:11.7
Ang formula sa ganitong uri ng income ay work is equal to income.
05:16.7
Kung wala kang trabaho, wala ka rin kikitaing pera.
05:19.7
Pangalawang uri ng income ay ang portfolio income.
05:23.7
Ito yung income na galing sa mga investments na nagbibigay interest, capital gain at dividends.
05:29.7
Mga iilang halimbawa dito ay ang stock, bonds at mutual funds.
05:34.7
Kabilang na rin dito ang royalties.
05:37.7
At ang pangatlong uri ng income ay ang passive income.
05:41.7
Ang income na ito ay hindi na nakabase sa iyong pagtatrabaho,
05:45.7
kundi sa kung ano ang performance ng iyong asset.
05:48.7
Halimbawa, meron kang rental properties at nagbibigay ito sa iyo ng average 100,000 pesos profit every month.
05:56.7
Masasabi natin kumikita ka ng passive income dahil ang perang kinita mo ay nanggaling sa asset na iyong binoo.
06:03.7
Ang awareness sa tatlong uri ng income na ito ay ang dahilan kung bakit karamihan sa atin ay gustong kumita ng passive income.
06:10.7
Iisipin agad natin na kapag meron tayong negosyo,
06:14.7
ay kikita tayo ng pera kahit walang ginagawa, kahit nagbabakasyon at kahit natutulog lang.
06:20.7
At dito na nagsisimula ang problema.
06:23.7
Wala ka pa ngang nasimulang negosyo, ang intensyon mo na agad ay kikita ng walang ginagawa.
06:28.7
Ang problema sa advice na kikita ka ng pera kahit natutulog lang ay madalas na na-misunderstood ng karamihan
06:35.7
at parang tinuturoan nila ang kanilang sarili na maging tamad.
06:39.7
Magandang isipin ng ganitong idea.
06:42.7
Pero walang ganito sa tunay na buhay.
06:44.7
Totoo na pwede kang kumita kahit hindi ka masyadong nagtatrabaho pero hindi ibig sabihin noon na hindi ka na magtatrabaho.
06:51.7
Dahil tingnan na lang natin ang mga bilyonaryo,
06:54.7
sina Enrique Razon, Elon Musk, Bill Gates, Warren Buffet, Ramon Ang at iba pa,
07:00.7
hindi natin maririnig sa kanila ang salitang passive income.
07:04.7
Walang sinabi si Elon Musk na kaya sinimulan niya ang Tesla at SpaceX ay para kikita siya ng pera kahit nagbabakasyon siya.
07:13.7
sinabi pa nga niya sa isang interview kung ilang oras siya nagtatrabaho sa isang linggo.
07:18.7
Sinabi niya na my workload went up from 70 to 80 hours a week to probably 120.
07:24.7
Go to sleep, I wake up, work, go to sleep, work, do that 7 days a week.
07:30.7
Walang masama kung naghahangad kang kumita ng passive income.
07:33.7
At lalong hindi rin masama na magpahinga ng sapat na oras.
07:37.7
Pero wag mong hayaan na ma-mislead ka sa idea ng passive income.
07:41.7
Dahil mahalagang connected tayo palagi sa ating purpose.
07:47.7
Walang naging mayaman sa pag-aaral.
07:49.7
Kamakailan lang ay naging mainit-init na debate sa social media ang usapin ng diploma o diskarte.
07:56.7
May mga taong pumapabor sa diskarte kasa sa diploma.
07:59.7
Dahil napatunayan nila sa kanilang sarili na kaya pala nilang umaman kahit hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral.
08:06.7
At totoo ito lalong lalo na sa mga business owner.
08:09.7
Dahil hindi mo naman kailangan ng diploma para magsimula ng negosyo.
08:13.7
Ang kailangan mo lang ay plano, kapital, creativity, at diskarte.
08:18.7
At madalas pa nilang kinukumpara ang kanilang sarili doon sa mga taong merong natapos.
08:23.7
Ang dating tuloy ay parang mas successful sila dahil kumikita sila ng mas malaking halaga.
08:28.7
At marami naman ang hindi sang-ayon sa diskarte.
08:31.7
Dahil hindi mo naman pwedeng sabihin sa taong ang goal ay maging doktor o architect, engineer o lawyer,
08:37.7
na dumiskarte ang mga kaibigan.
08:39.7
Hindi na lang at huwag nang tapusin ang pag-aaral.
08:42.7
Kaya hindi na tayo magtataka kung bakit humantong sa debate ang topic na ito.
08:47.7
Pero kung ako ang tatanungin, diploma ba o diskarte?
08:50.7
Ang sagot ko dyan ay pareho.
08:53.7
Hindi mo kailangan mamili dahil pareho mong kailangan ng dalawa.
08:56.7
Totoo na may mga taong naging successful at umaman kahit wala silang natapos o kahit hindi sila matalino.
09:03.7
Pero hindi dapat yan ang gagamitin nating basihan dahil ang katotohanan ay marami pa rin naghihirap.
09:08.7
Walang maayos at stable na trabaho dahil hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral.
09:14.7
At hindi rin dapat natin ibabase ang success ng isang tao sa kung gaano kadami ang laman ng kanyang bank account.
09:21.7
Katulad ng sinabi ko kanina, kailangan mong mag-isip para sa iyong sarili.
09:25.7
Dapat alam mo kung anong impormasyon ang applicable at hindi applicable sa iyo.
09:30.7
Dahil isipin mo na lang kung bata ka pa, hindi ka mayaman, hindi ka tagapagmana ng malaking negosyo,
09:36.7
at wala kang ibibuild na software katulad ni Bill Gates at Mark Zuckerberg,
09:41.7
mas mabuting tapusin mo ang iyong pag-aaral.
09:44.7
Kunin mo ang iyong diploma.
09:46.7
Gamitin mo yan bilang isang asset para makahanap ka ng maayos na trabaho at para magkaroon ka ng experience.
09:53.7
At habang nagtatrabaho ka, dumiskarte ka rin.
09:56.7
Mag-ipon ka ng pera.
09:58.7
Pagplanuhan mo ang iyong retirement.
10:00.7
Pag-aralan mo ang mga bagay na hindi mo natututunan sa eskwelahan.
10:04.7
Mag-aaral ka kung paano magnegosyo.
10:06.7
At mag-invest kung gusto mo.
10:08.7
At magpatuloy ka lang na gawin ang mga bagay na meaningful sa iyo.
10:15.7
Hindi ka mapapasaya ng pera.
10:17.7
May mga bagay na hindi mabibili ng pera.
10:20.7
Katulad ng respeto at iwala ng ibang tao.
10:23.7
Dahil kailangan mo iyong anihin sa kanila.
10:25.7
Pero kahit ganun pa man, meron pa ring magandang purpose ang pera.
10:29.7
At hindi dapat natin ito baliwalain.
10:32.7
Especially sa panahon natin ngayon,
10:34.7
na halos lahat ng bagay ay merong presyo.
10:37.7
Kapag marami kang pera, marami ka ring choice.
10:40.7
Pwedeng hindi mo natitignan ang price ng isang bagay
10:43.7
dahil ang iniintindi mo na lang ay ang value na makukuha mo galing dito.
10:47.7
Magiging convenient din o magaan ang iyong pamumuhay.
10:51.7
At meron ka ring peace of mind.
10:53.7
Meron nga nagumang survey sa mga Swedish lottery winners
10:56.7
na paglipas ng maraming taon simula nang nanalo sila ng malaking halaga,
11:00.7
ay masaya pa rin sila.
11:02.7
Nagbigay ng malaking impact sa kanilang happiness ang pera.
11:06.7
Kaya hindi na dapat natin pagtalunan kung kaya ka bang pasayahin ng pera o hindi.
11:11.7
Dahil obvious naman sa panahon natin ngayon, diba?
11:14.7
Financial advice number 5
11:16.7
Magsimula ka ng negosyo gamit ang utang
11:19.7
Kapag merong magsasabi sa'yo na gamitin mo ang utang para magsimula ng negosyo,
11:24.7
kailangan mong mag-isip ng mabuti at i-consider ang mga iilang bagay bago ka magdesisyon.
11:29.7
Una, meron ka na bang naisip na negosyo?
11:31.7
Pangalawa, alam mo ba kung paano ito i-operate?
11:35.7
Pangatlo, meron kayang demand dito?
11:38.7
At pangapat, magkano ang kailangan mong kapital?
11:42.7
Kung 10,000 to 20,000 lang ang uutangin mong pera,
11:46.7
yes, pwede kang mag-take ng risk.
11:48.7
Pero kung aabot na sa 6 digits ang uutangin mong pera para lang masimulan mo ang iyong negosyo,
11:53.7
kailangan mo munang mag-isip ng maayos.
11:56.7
Sinabi ng billionaire ni si Mark Cuban sa isang interview,
12:00.7
If you're starting a business and you take out a loan, you're a moron.
12:05.7
Because there's so many uncertainties involved in starting a business.
12:09.7
Yet the one certainty that you have to have is paying back your loan.
12:13.7
May mga taong nagsimula ng negosyo gamit ang utang.
12:17.7
Pero kailangan mong intindihin na mas safe kung magsisimula ka ng negosyo gamit ang sarili mong pera.
12:22.7
I-test mo muna kung meron bang demand sa iyong produkto.
12:26.7
Pag-aralan mo kung ano ang magandang strategy sa pagmamarket.
12:29.7
At kapag meron ka nang nakitang magandang resulta sa iyong negosyo,
12:33.7
kung consistent na positive ang kanyang cash flow,
12:36.7
at kung gusto mong mag-expand, doon ka magsimulang gumamit ng leverage o utang.
12:42.7
In conclusion, kailangan nating mag-ingat at maging selective sa mga impormasyon na pinapasok natin sa ating isipan.
12:49.7
At para makagawa tayo ng progress sa ating buhay,
12:52.7
kailangan din nating mag-take ng action sa mga impormasyon na applicable sa atin.
12:57.7
Ang limang financial advice ay,
12:59.7
na kailangan nating i-analyze at intindihin ng mabuti ay
13:02.7
1. Hindi mo kailangan mag-ipon ng pera.
13:05.7
2. Kikita ka ng pera kahit natutulog lang.
13:09.7
3. Walang naging mayaman sa pag-aaral.
13:12.7
4. Hindi ka mapapasaya ng pera.
13:16.7
5. Magsimula ka ng negosyo gamit ang utang.
13:20.7
Kung nagustuhan mo ang topic natin ngayon ay huwag mong kalimutang mag-iwan ng like at mag-comment ng inyong mga natutunan.
13:26.7
Bisitahin mo na rin ang iba pa naming social media account.
13:30.7
Maraming salamat sa panunood.
13:32.7
At sana ay magtagumpay ka!