* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Tao, binili at tinangkin ang buwan at mga planeta.
00:04.8
Sino ang taong ito na may arib di umano ng buwan at planeta?
00:09.6
Totoo at pwede bang angkinin ng isang tao ang celestial bodies in our solar system?
00:15.0
At gawing real estate business?
00:17.1
Legit ba ang ganitong negosyo?
00:19.5
Yan ang ating aalamin.
00:26.0
Real Estate Business
00:27.9
Ang ating planeta ay nanganganib na masira dahil sa kapabayaan ng tao.
00:33.8
Bilang solusyon, kasalukuyang patuloy ang eksplorasyon ng mga tao sa ibang planeta upang malaman ang potensyal nitong maging pangalawa nating tahanan.
00:43.2
Dahil ang halaga ng isang ari-arian sa ating mundo ay maaaring tumaas sa paglipas ng panahon o kilala rin sa tawag na property appreciation.
00:52.7
Marami ang nag-i-invest sa real estate pero para magkaroon ka ng ganitong investment,
00:57.9
kinakailangan mo rin ng maraming pera.
01:00.3
At dahil sa mataas na halaga ng mga lupa sa mundo, naisip ng isang lalaki sa Amerika ang gawing isang business opportunity ang mga untouched at unclaimed lunar areas sa buwan.
01:13.2
The Man Who Sells the Moon
01:15.7
Walang ibang taong nagkaroon ng interes na pagkakitaan ang buwan kung hindi si Chris Lamarr, isang Amerikano sa East Coast at presidente ng Lunar Embassy.
01:26.5
Siya ay nagmamayari ng mahigit 200 million acres ng lupa sa buwan o 809,373.72 square kilometers, katumbas ng 200,000 beses na laki ng pinagsama-samang Central Park sa New York City, ang pinakamalaking city park sa Amerika.
01:47.3
At ngayon, gusto niya rin ang kinin ang ibang planeta sa outer space. Ang nakakagulat pa, wala siyang ginastos ni isang dolyar upang bilhin ang mga lupa sa buwan. Paano ito nangyari?
02:01.2
Maaaring tunog biro para sa iba, pero hindi ito biro ayon kay Chris. Sa loob ng mahigit 41 taon, ay nagbibenta si Chris at ang kanyang ama ng ari-arian sa buwan maraming taon nang nakalilipas.
02:15.4
Nais ng ama ni Chris na magtayo ng real estate business. Ngunit sobrang mahal ang halaga ng ari-arian sa planetang Earth. Kaya isang gabi, habang tinitignan niya ang langit, nakakita siya ng mas higit pa sa mismong buwan. Nakakita siya ng oportunidad sa real estate.
02:31.3
Naalala niya ang isang kursong political science noong siya ay nasa kolehyo pa, kung saan kanilang pinag-aralan ang 1967 Outer Space Treaty, isang resolusyon ng United Nations na nilagdaan ng halos lahat ng bansa sa mundo.
02:45.4
Na nagsasaad na walang pampamahalaang entidad o soberanyang entidad ang may otoridad, karapatan sa pag-aari o jurisdiction sa alinman sa mga katawang selestyal sa ating solar system. Kabilang ang buwan. Ngunit walang nabanggit sa treaty na nagbabawal ng individual ownership. Kaya sumulat siya ng liham sa UN na nagdedeklara na ang buwan ay kanya. At dahil wala namang sumagot sa kanya pabalik, inakala niyang na-aproba siya at nagsimulang ibenta ito.
03:14.5
Bilang isang extraterrestrial property owner, inangkin nilang isang malaking bahagi ng buwan at pagkatapos ay hinati ito sa limang milyong maliit na ari-arian. Pagkatapos ay binenta nila ito sa milyon-milyong tao simula 1980. Kung kailan? Na itatag ang Lunar Embassy. Sa halagang 5 hanggang 25 US dollars o mahigit isang libong piso, nakakakuha sila ng kliyente mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.
03:39.7
Mula sa lahat ng uri ng buhay, may mga kilalang personalidad.
03:44.5
May mga mga mula na may-ari ng lupa, korporasyon at mga taong bumibili ng paulit-ulit. Mayroon silang methodical grid system na nagbibigay ng eksaktong coordinates ang mamimili kung saan matatagpuan ang kanilang lupa. Meron din silang isang malaking registration database na nagtatala ng posisyon ng bawat isa sa sistema. Higit sa lahat, bawat ari-arian na kanilang ibinibenta ay may kasamang magandang tanawi ng Earth mula sa outer space.
04:11.3
Balang araw, plano nilang palawakin ang kanilang negosyo, kaya naman nagsimula silang magbenta ng ari-arian sa solar system. Sa kasalukuyan, nagbibenta sila ng lupa sa Mercury, Mars, Venus, ang buwan ng Earth at sa Io, isa sa mga buwan ng Jupiter.
04:28.9
The moon is everybody's property. Para sa mga pamahalaan at mga profesor sa unibersidad, walang legitimasyon o legitimacy ang kanyang negosyo.
04:38.9
Sa pagkatindi siya isang gobyerno.
04:41.3
Kaya naman nagpa siyang ama ni Chris na lumikha ng sariling gobyerno na tinawag niyang Galactic Government upang makapagbenta ng mga lupa sa buwan.
04:49.4
Isang kamangha-manghang ideya na mayroong isang tao na nag-aanggi ng lupa sa buwan at nagbibenta nito.
04:56.8
Ngunit sa totoo lang, ayon sa international agreements, wala ni isang tao o bansa ang malihitimong pag-aari sa buwan.
05:03.9
Ito ay itinuturing na common heritage ng sangkatauhan ayon sa Outer Space Treaty.
05:09.6
Ang Outer Space Treaty na nilagdagpuan,
05:11.3
sa pagkakataan ng maraming bansa, kasama na ang mga pangunahing bansang may kakayahang pumunta sa Outer Space ay nagbabawal ng anumang malaya o tahakang pag-aangkin sa mga celestial body, kabilang ang buwan.
05:23.5
Ang kasunduan na tinanggap ng United Nations noong 1967 ay itinatag na ang kalawakan, kasama ang buwan ay malaya para sa pagsusuri at paggamit ng lahat ng bansa para sa mapayapang layunin, at walang bansa ang maaaring mag-aangkin sa anumang katawang selestyal.
05:39.8
Kaya't itinuturing ang buwan na isang pangkalahatang pamana sa sangkatauhan.
05:44.7
Kung ganun, ano ang posibleng katotohanan ng mga lupang ibinenta ni na Chris sa mga tao?
05:51.5
May dalawang posibleng senaryo.
05:53.8
Kung hindi aprobado ng United Nations ang lahat ng ito, ang kanyang negosyo ay isang gimmick lamang.
05:59.8
Ngunit kung inaprobahan nito, si Chris at ang kanyang ama ang kauna-unahang taong nagmay-ari at nagbenta ng lupa sa buwan.
06:06.6
Hindi inaasahan o hindi pangkaraniwang konsepto ng katotohanan.
06:09.8
Ang pagbibenta ng ari-arian sa buwan, hindi ito totoo o legal na konsepto at hindi kinikilala ng international law.
06:17.0
Nakakatuwang ang isipin na silang mga bumili ng lupa sa buwan ang tanging mga landowner na hindi man lang makapunta sa lupang kanilang pagmamay-ari.
06:27.3
Sa ngayon, ang pangarap na manirahan sa buwan ay mas kilala sa larangan ng agham at teknolohiya.
06:33.3
Kesa sa pangarap na praktikal, may mga ilang mga space program na naglalayo na magsanay o magpapasakit.
06:39.8
Pa-eksperto sa pagbubuo ng human colony sa buwan, ngunit ito ay isang malaking hamon.
06:45.8
Ang kakulangan ng atmosfera, mababang temperatura, at kakulangan ng likas na yaman sa buwan ay ilan sa mga salik na pumipigil na maging realidad ang pagtira sa buwan sa hinaharap.
06:56.2
Ngunit ang mga siyentipiko at tuloy na nagsasagawa ng mga eksperimento noong mga nagdaang taon, si Elon Musk at ang kanyang kumpanyang SpaceX ay nagpahayag ng iba't-ibang mga layunin at plano sa pagsanay.
07:09.8
Sa buwan at kalawakan, ang SpaceX ay nagtataguyod ng kanilang sasakyang pangkalawakan kasama na ang mga misyon patungo sa buwan.
07:17.7
Isa rin sa mga pangarap ni Musk ay ang space tourism, kung saan ang ordinaryong tao ay maaaring magkaroon ng pagkakataon na makaranas ng paglalakbay sa kalawakan.
07:28.7
Bagaman hindi direktang konektado kay Elon Musk, ang SpaceX sa isa sa mga kumpanyang kasali sa Artemis program ng NASA.
07:36.8
Ang layunin ng programang ito ay inilunsad.
07:39.7
Ang ideya ng paglipad, paninirahan, komersyal na paglalakbay sa buwan ay nangangailangan ng malalim na pag-aaral, matinding pagsasanay at masusing pagsusuri sa teknolohiya.
07:56.4
Bagaman ito ay malayong marating, hindi natin maaaring itakwil ang posibilidad na sa hinaharap, may magaganap na mga pagsusuri at hakbang na makakatulong sa pagbuo ng mas malaking pangarap.
08:09.5
Chris, ang isang business opportunity ay maging isang daan upang matupad ang mas malaking layunin sa planeta.
08:16.5
Ang lahat ng ginawa sa mundo, ang buwan, planeta, at lahat ng bagay sa sansinukob ay gawa at pagmamayari ng isang creator. Ito ay ang makapangyarihang Diyos.
08:27.8
Meron ka bang natutunan sa video nito? Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit maraming interesado sa buwan?
08:34.1
I-comment mo naman ito sa iba ba.
08:36.9
Huwag kalimutang i-like ang ating video at i-share mo.
08:39.5
Hanggang sa muli, maraming salamat!