Royal Heartbreak: Isang Hari ang Binasted ng Isang Pilipina!
00:50.8
At ngayong araw na mga puso, at dahil na rin marami sa inyo ang nag-request ng Tagalog version ng video na ito,
00:56.6
halina't kilalali natin ang hari ng Cambodia na minsan lang bumisipan.
01:00.0
At nabighanin ang isang dalagang probinsyana.
01:04.0
Alamin din natin kung bakit nga ba naging makasaysayan ang pagbisitang ito.
01:08.9
Noong 1872 sa panahon ng mga Kastila sa Pilipinas, ay may isang napaka-espesyal na pangyayari ang naganap.
01:15.5
Pagkat isang hari mula sa ibang bansa ang bubisita sa Pilipinas, si Haring Norodom ng Cambodia.
01:21.2
Pero bago natin talakayin ang pagbisita ni Haring Norodom at ang kwento ng kanyang sinisintang Pilipina,
01:26.8
ay kailangan muna natin unawain ang mga kaganapan.
01:30.0
Sa kalakhang Timog Silangang Asya noong 1800s.
01:33.6
Pagkat noong 1800s kasi, ay naging mas agresibo ang mga Europeans sa Asia.
01:38.7
Halimbawa, sapilitang binuksan ng mga British ang mga merkado ng China sa kalakalan ng opium.
01:44.8
At ito na nga ang kinatawag na opium wars o mga digmaang opium.
01:49.4
Noong 1800s din, nang sapilitang din buksan ng mga Westerners ang mga bansang Japan at Korea sa impluensya ng kanluran.
01:56.5
Samantala, sa Timog Silangang Asya naman, ay nagbabalak din.
02:00.0
Ang mga Pranses na palawakin ang kanilang sariling imperyo sa tinatawag noon na Indochina.
02:05.4
O ang mga bansa ngayon ng Cambodia, Vietnam at Laos.
02:09.0
At mula noong 1850s, ay nagsimula silang makialam at makigulo sa politika ng Vietnam at Cambodia.
02:15.3
Upang mapasakamay nila ang kabuoang Indochina.
02:18.5
At noong mga panahon ito, ay magkaalyado ang mga Pranses at ang mga Kastila.
02:22.1
Kaya naman, noong magpadala ang mga Pranses ng ekspedisyong militar sa Vietnam upang ito'y kanilang masakop noong 1858,
02:28.9
ay naglaan din ang mga Kastila ng daan-daang mandirigmang Pilipino mula sa Pilipinas.
02:34.4
At karamingan sa kanila ay mga Kapampangan mula sa Lapampanga.
02:38.3
At makalipas ang ilang taon, ang mga mandirigmang Pilipinong ito ay dinistino naman sa Cambodia.
02:43.7
Upang tulungan ang mga Pranses at ang Prinsipeng Sirachavadi.
02:47.6
Sinusuportahan kasi ng mga Pranses ang Prinsipeng Sirachavadi noong magkagulo noon sa Cambodia.
02:53.4
Siya kasi ang nais nila malukluk sa trono ng kaharian.
02:56.1
At sila nga ay nagtagumpay.
02:58.9
At mula noon, si Prinsipeng Sirachavadi ay opisyal na kinilala bilang si Haring Norodom ng Cambodia.
03:07.0
Subalit, may kapalit pala ang suportang kanyang natanggap mula sa mga Pranses at mga Kastila.
03:12.2
Kaya naman, bagamat siya ay naituring hari ng Cambodia,
03:15.7
si Haring Norodom ay nagmistulang isang puppet o isang tuta lamang ng mga Pranses.
03:20.7
Mas nangingibabaw kasi ang mga Pranses sa pagpapatakbo ng kanyang kaharian.
03:25.0
Lalong-lalo na sa ugnayang panlabas nito.
03:28.2
hawak talaga ng mga Pranses ang bawat galaw ng Cambodia.
03:32.0
At makalipas ang sampung taon nang mapalakas ni Haring Norodom ang kanyang posisyon
03:37.4
at siya ay kumpiyansa na nga sa tatag ng kanyang trono bilang hari ng Cambodia,
03:42.1
ay siya ay nagpasiyang lumibot sa isang serye ng state visits upang bisitahin ang iba't ibang kabisera ng Asia.
03:48.9
Nagsimula siya sa pagbisita sa Danang sa Vietnam,
03:51.6
kung saan nakasentro ang kapangyarihan ng mga Pranses sa Indochina.
03:56.1
Pagkatapos naman ito ay nagpunta naman siya,
03:58.2
sa siyudad ng Macau na noon ay hawak ng mga Portugis at sa siyudad ng Hong Kong na nasa ilalim naman noon ng mga British.
04:05.5
At ang kanyang naging huli at masasabing pinakamahalagang binisita ay ang Maynila.
04:10.9
Siya ay opisyal na bumisita sa Pilipinas bilang isang hari upang ipakita ang kanyang pasasalamat sa pagtulong noon ng mga Kastila at Mandirigmang Pilipino noong 1860s
04:21.2
nang kanyang ipinaglaban ang kanyang karapatan sa trono ng Cambodia.
04:25.7
Dumating si na Haring Norodom noon sa Kamaynila,
04:28.2
noong August 8, 1872 at siya ay sinalubong ng isang malaking pagdiriwang kabilang na ang 21 Gun Salute
04:35.7
na pinangunahan ng Kastilang Gobernador General ng Pilipinas na si Rafael de Izquierdo
04:40.9
at nagpatuloy ang mga pagdiriwang ito sa loob ng ilang araw.
04:44.3
Kapansin-pansin din ang suot ng hari pagkat minsan ay may suot siyang mga magagarbong tradisyonal na kasuotan na mga kamay o Cambodian
04:52.2
at may mga okasyon din naman na nagbibihis European ang hari
04:55.5
upang ipakita ang kanyang pagiging bukas sa impluensya at kultura ng mga Europeans.
05:00.7
At noong August 9 naman ay nagkaroon ng isang marangyang piging sa Palasyo ng Malacanang.
05:06.3
At sa piging na ito ay naitila naman ang kamanghamanghang mga alahas at tradisyonal na kasuotan ng banyagang hari.
05:13.0
At syempre sa gabi din ito ay nagpakitanggilas ang mga Pilipino
05:16.7
sa pamamagitan na makulay at mailaw at pinakamaningning na fireworks display sa ilog pasig.
05:23.5
Pero hindi dyan nagtatapos ang kanyang official state visit
05:26.7
pagkat sa sumunod na linggo ay namasyan naman ang hari sa mga probinsya ng Bulacan at Lapampanga.
05:32.7
At sa mga probinsyang ito ay nagdaos din ng mga kapistahan, handaan at piging ang mga Pampanggenyo at mga Bulakenyo
05:40.1
sa ngala ng kanilang bisitang hari.
05:42.6
At dito na nga nakilala ng hari ang magagandang magkapatid na si Josefa at Anita Rojas.
05:48.6
At sa kanilang unang pagtatagpo pa lamang ay talaga namang nabighani,
05:53.5
sa busilak na kagandahan ni Josefa.
05:56.9
At mula noon ay in love na in love na ang hari sa dalagang Pilipina.
06:01.0
Si Josefa noon ay 20 years old pa lamang.
06:03.6
Siya rin ang ate sa magkapatid.
06:05.3
At ang palayaw ni Josefa ay Pepita.
06:08.1
Ngunit dahil sa kanyang busilak na kagandahan ay mas kilala siya sa mga mamamayan ng Pampanga at Bulacan
06:14.5
bilang marilag na araw ng kalumpit.
06:17.0
At bilang pagsalubong sa hari ay niregaluhan ni Pepita si Haring Norodom
06:21.5
ng isang hand-painted na pamaypa.
06:23.5
Habang ang nakababatang si Ana naman ay nagregalo sa hari ng isang marikit na pares ng tsinelas.
06:29.6
At masayang tinanggap ng hari ang mga regalong ito bilang tanda ng kanyang maligayang pagbisita.
06:34.9
At pagkatapos ito ay nagpa siya si Haring Norodom na magtagal pa ng ilang araw sa bayan ng Apalit sa Pampanga.
06:41.4
Umaasa kasi siya na ligawan at mapasagot ang dalagang si Pepita.
06:45.6
Pagkat si Pepita kasi noon at ang kanyang pamilya ang angkan ng mga Rojas ay nakatira noon sa kalumpit.
06:51.1
Nakaratig bayan lamang ng Apalit.
06:53.1
Sa katunayan, ito'y nasa kabilang pampang lamang ng ilog Pampanga.
06:56.6
At habang nasa Apalit, ang hari ng Kambodya ay nagbakasyon sa isang napakatanyag na mansyon na kung tawagin ay ang La Sulipena.
07:06.1
Isang marangyang kamanghamanghang bahay na bato sa barrio Sulipan ng Apalit na nakaharap mismo sa pampang ng Rio Grande de la Pampanga.
07:15.9
At ang hari ng Kambodya ay naging bisitang pandangal ng mga arnedo, isang prominenteng angkang kapampangan,
07:22.6
na silang nagmamayari ng Mansyong La Sulipena.
07:26.1
Lingid sa kaalaman ng mga Pilipino, kabilang na ang marami sa mga kapampangan ang bayan ng Apalit.
07:32.1
Noong panahon ito ay napakayaman, napakaunlad at napakatanyag na binibisita ng mga prominenteng dayuhan.
07:39.6
Sa katunayan ay kabilang sa mga nagbabakasyon noon at naging bisita ng La Sulipena ay ang mga royal families ng Japan at Europa.
07:48.1
Gaya ni Prince Alfred, ang Duke of Edinburgh na ikalawang anak na lalaki,
07:52.6
ni Queen Victoria ng United Kingdom,
07:54.6
at gaya rin ni Grand Duke Alexis Aleksandrovich na anak ng makapangyarihang emperador ng Russia na Cesar Alexander II.
08:03.1
Sa katunayan, maliban sa mga European at Asian royalties,
08:07.1
ay mahilig ding bumisita noon at magbakasyon sa La Sulipena ang iba pang mga prominenteng Pilipino.
08:13.6
At kung iisipin ang pinakatanyag dito ay ang walang iba kundi ang bayaning si Gat Jose Rizal.
08:19.6
Bago natin ituloy ang ating kwento,
08:21.4
ay nais kong munang pasalamatan, isang taus-pusong pasasalamat sa lahat ng aking mga patrons at subscribers
08:26.4
na taus-pusong sumusuporta sa pagkawa ko ng mga video gaya nito.
08:30.4
At kung gusto nyo akong tulungan gumawa pa ng maraming video gaya nito,
08:33.9
ay supportahan lamang ang aking Patreon o maging miyembro ng aking YouTube channel.
08:38.4
Maaari nyo rin bilhin ang alinman sa aking mga aklat, coloring books, ebooks at iba pang mga merch
08:44.4
tungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, Timog Silangang Asya at marami pang iba.
08:49.4
And actually, ang ating kwento today ay kabilang at isang buong chapter sa aking aklat
08:54.4
tungkol sa mga magigiting at lakilang kababaihan ng Timog Silangang Asya.
08:57.4
Ayan siya o, si Haring Norodom at si Pipita Rojas.
09:00.4
And actually, kabilang din siya sa ating, baliktad na naman,
09:04.4
sa ating coloring book tungkol sa kababaihan ng Timog Silangang Asya.
09:07.4
Kaya naman para sa kalagayang kalaman ay i-check lamang ang mga links sa ibaba.
09:11.4
Pero teka lang, balikan muna natin ang kwento ni Haring Norodom at ni Pipita Rojas.
09:15.4
Sa isa sa mga piging at ingrandeng sayawan at handaan,
09:19.4
na idinaos noon sa La Sulipena ay nagkaroon ng pagkakataon si Haring Norodom
09:24.4
na makasayaw ang kanyang irog na si Pipita.
09:27.4
Masayang nagsayawan ang dalawa na tila ba wala nang bukas.
09:31.4
Kaya naman mabilis na nahulog ang loob ng dalawa sa isa't isa.
09:36.4
At noong gabi ding yon ay nag-propose ang inlove na inlove na hari sa dalagang Bulakenya.
09:42.4
Subalit, ito'y binasted ni Pipita.
09:45.4
Magalang na tinanggihan ng dalaga ang proposal ng hari.
09:49.4
Pagkat ahayaw raw ni Pipita ang talikuran ang simbahang katoliko.
09:53.4
Samantalang, si Haring Norodom naman ay isang tapat na Buddhist.
09:57.4
At bilang hari ng Kambodya ay tradisyon din sa kanila na siya'y makapag-asawa ng marami.
10:03.4
Kaya naman kong iisipin na ito'y taliwas sa kultura at tradisyong kinalakihan ni Pipita.
10:08.4
At hindi raw matatanggap ni Pipita ang maging isa lamang sa maraming asawa ng hari.
10:13.4
Sinasabi din na malaking dahilan ng kanyang pag-basted sa hari
10:17.4
ay ang kagustuhan ni Pipita'ng alagaan.
10:19.4
Ang kanyang mga magulang sa kanilang pagtanda.
10:22.4
Hindi raw kasi kayang iwan ni Pipita ang kanyang pamilya kahit na ang kapalit nito ay ang maging reyna ng Kambodya.
10:29.4
Labis na nasaktan ang hari.
10:31.4
At sa kabila ng kanyang nagdurugong puso ay buong loob na tinanggap ng hari ang pasya ng dalaga.
10:37.4
At matapos ang kanyang pamamasyal sa La Pampanga at Bulacan ay nagbalik ang hari sa Maynila.
10:43.4
Kung saan agad siyang namili ng mga alahas mula mismo sa kanyang dalang yaman.
10:48.4
Upang iregalo sa magkapatid na dalaga.
10:51.4
Niregaluhan ng hari si Pipita ng isang gintong granada o pomegranate o isang alahas na hugis puso na punong-puno rin ng mga mamahaling hiyas at dyamante.
11:01.4
Bilang tanda ng kanyang pag-ibig kay Pipita.
11:04.4
At maliban dito ay binigyan din niya ang nakababatang si Ana ng isang gintong alahas na hugis kabibe.
11:11.4
At ang state visit na ito ni Haring Norodom ay natapos noong August 17.
11:16.4
Ilang araw lamang makalipas ang pagkakabasted sa kanya ng dalagang Bulakenya.
11:21.4
At sa kanyang paglalayag pabalik ng Kambodya ay sinama rin ng hari ang isang brass band o band ng Pilipino.
11:27.4
Pinromote din ng hari ang mga sundalong kapampangan na noon ay tumulong sa kanya upang makamit ang seguridad ng kanyang trono bilang hari ng Kambodya.
11:36.4
Sa katunayan ay marami sa mga sundalong ito'y nanatili sa Kambodya at naging bahagi rin ng royal court ng hari.
11:43.4
Kaya naman daw matapos bisitahin ni Haring Norodom.
11:45.4
Ang Pilipinas ay pinarangalan niya ang mga sundalong kapampangan bilang kanyang pasasalamat.
11:52.4
At dito na nga nagtatapos ang nag-iisang naitalang official state visit sa Pilipinas ng isang royal head of state o hari noong panahon ng mga Kastila.
12:00.4
Subalit, lingid sa kaalaman ng marami, ang pagbisita ni Haring Norodom sa Pilipinas ay naganap sa panahon ng tumitinding kaguluhan sa bansa.
12:10.4
Pagkat noong mga panahon ito ay sumisiklab at nagliliyab ang isa.
12:15.4
Sa katunayan, sa parehong taong ito, noong Enero 1872 ay may isang makasaysayang pag-aaklas ang naganap sa Cavite, na kung tawagin natin ngayon ay Cavite Mutiny, kung saan nag-alsa ang mga sundalong Pilipino sa Fort San Felipe.
12:32.4
Sa taong ding ito, noong Pebrero 1872 ay naganap sa Luneta ang hindi makatarungang pagbitay sa tatlong bayaning pari na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora.
12:45.4
Na higit namang nagpalala sa alab ng puso at galit ng mga Pilipino laban sa kolonyalismo.
12:51.4
At hindi rin may tatangging higit pang lumala at lumubha ang sitwasyon sa ilalim ni Gobernador General Rafael de Izquierdo dahil sa kanyang karumal-dumal na kalupitan laban sa anumang panawagan para sa katarungan at kasarinlan ng sambayanang Pilipino.
13:08.4
Kaya naman lahat ng pagsisikap ay ginawa ng mga Kastila upang itago at pagtakpan ang anumang senyales ng Pilipino.
13:13.4
Kaya naman lahat ng pagsisikap ay ginawa ng mga Kastila upang itago at pagtakpan ang anumang senyales ng Pilipino.
13:14.4
Kaya naman lahat ng pagsisikap ay ginawa ng mga Kastila upang itago at pagtakpan ang anumang sanyales ng Pilipino.
13:15.4
Ngunit, kalaunan ang lahat ng ito'y hahantong din sa himagsikang Pilipino.
13:16.4
Ngunit, kalaunan ang lahat ng ito'y hahantong din sa himagsikang Pilipino.
13:17.4
Ngunit, kalaunan ang lahat ng ito'y hahantong din sa himagsikang Pilipino.
13:18.4
Ngunit, kalaunan ang lahat ng ito'y hahantong din sa himagsikang Pilipino.
13:19.4
Ngunit, kalaunan ang lahat ng ito'y hahantong din sa himagsikang Pilipino.
13:20.4
Ngunit kalaunan ang lahat ng ito'y hahantong din sa himagsikang Pilipino, na siya namang nagpalaya sa Pilipinas mula sa tanikala ng mga Kastila noong 1898.
13:31.4
Ito rin ay nagbunsod sa pagkakatatag ng unang Republikang Pilipino, na kinikilala rin bilang unang malayang Republikang Konstitusyonal sa kasaysayan ng Asia.
13:41.8
Ang opisyal na pagbisita ni Haring Norodom sa Pilipinas noong 1872 ay natatangi at halos hindi na mauulit pa.
13:49.6
Pagkat napakaraming mga taon at dekada ang lumipas bago makabisita sa Pilipinas ang kaapu-apuhan ni Haring Norodom.
13:57.9
At ito'y walang iba kundi si Haring Norodom Sihanouk, na bumisita sa Maynila bilang Prime Minister ng isang malayang Kambodya noong 1956 at muling bumalik noong 1964.
14:09.5
At pagkatapos nito noong 1969, ang dating Haring Norodom Sihanouk ay bumalik muli sa Maynila.
14:15.4
Ngunit sa pagkakataong ito'y hindi siya bumisita bilang isang pilgrim o bilang...
14:19.6
hindi siya bilang isang leader ng Kambodya, kundi bilang isang apo upang magbigay-pugay at magbigay-galang sa isang espesyal na kayamanan ng simbahan.
14:28.2
At ang kayamanang ito ay walang iba kundi ang medalyon na ibinigay ng kanyang lolong si Haring Norodom kay Ana Rojas, ang nakababatang kapatid ni Pepita noong 1872.
14:38.5
Ang medalyon na ito na hugis-kabibe ay gawa sa purong ginto at pinalamutian ng mga dyamante, perlas at mga emeralds.
14:46.3
Mayroon din itong inukit na nagsasabing...
14:49.6
O sa Tagalog, ang kanyang kamahalan ang hari ng Kambodya para kay binibining Ana Rojas, taong 1872.
15:03.0
Kalaunan kasi binigay ni Ana Rojas ang gintong medalyon bilang donasyon sa simbahan, bilang pasasalamat sa imahen ng Nuestra Señora del SantÃsimo Rosario.
15:13.1
At ito'y bilang pasasalamat matapos gumaling ang kanilang kapatid mula sa malubhang pagkakasakit noong 1892.
15:19.6
Dalawang dekada pagkatapos na makasaysayang pagbisita ng hari sa Pilipinas.
15:25.7
Nakakalungkot namang isipin na si Pepita, ang dilag na naispakasalan at iniibig noon ni Haring Norodom, ay namatay na dalaga noong 1883.
15:35.1
Labing isang taon matapos ang kanilang maikli ngunit matamis na enkwentro.
15:40.2
Nakakalungkot rin na malaman na ang espesyalagintong pomegranate o hugis pusong alahas na ibinigay ng hari kay Pepita bilang sagisag ng kanilang pag-ibig.
15:49.6
Ay sinasabi rin ni Nakao at hindi na muling nakita pa.
15:53.4
Mahalaga rin tandaan na bagamat makasaysayan, ang pagbisita ni Haring Norodom noong 1872 ay hindi itong simula ng relasyong diplomatiko sa pagitan ng mga bansa na ngayon ay kilala bilang Pilipinas at Kambodya.
16:06.4
Pagkat noon pa mang ika-anin na siglo ay mayroon ng kalakalan at mabuting ugnayan sa pagitan ng kapuloan ng Pilipinas at sinaunang Kambodya.
16:15.4
Sa katunayan noong 1500s, ang mga mandirigmang Luzonians.
16:19.6
O ang mga ninuno ng mga kapampangan at Tagalog ay tumulong sa kaharian ng mga Kambodyans laban sa pagsalakay ni Haring Naresuan ng Ayutaya o ngayon ay Thailand.
16:31.3
Lingit din sa kaalaman ng marami na pinagtangkaan rin na mga Kastila na sakupin ang Kambodya noong ika-alabing-anin na siglo, ngunit sila'y nabigo.
16:39.6
Marami rin sa atin ngayon ang nag-aakala na ang kasaysayan at kultura ng Pilipinas ay laging nakabukod o isolated at hindi konektado sa iba pang mga bahagi.
16:49.6
Subalit ito'y napakalayo sa katotohanan.
16:53.4
Pagkat gaya na nabanggit ko noon sa aking maraming mga video ay noon pa man ang mga mayayamang kasaysayan at makukulay na kultura ng iba't ibang bahagi ng South East Asia o Timog Silangang Asia ay matagal na magkakaugnay.
17:07.1
Kailangan lang natin mas laliman pa ang ating pangunawa at palawakin pa ang ating kaalaman.
17:12.9
At kailangan rin natin matutong bigyang halaga ang ating magkakaugnay na pinagmulan.
17:17.8
Kaya naman para sa karagahan,
17:19.6
ay panoorin lamang ang aking YouTube playlist,
17:23.2
ang Demystifying South East Asia.
17:25.3
At hanggang dito na lamang muna sa ngayon.
17:28.0
I-comment lamang sa iba ba kung ano sa tingin nyo ang mangyayari kung sakali mang nagkatuluyan si Nahari Norodom at si Pipita Rojas.
17:35.5
Tingin nyo paano nga ba nito kung sakali nga sila nagkatuluyan, paano nga ba nito maapektuhan ang kasaysayan ng Pilipinas o ng Cambodia.
17:42.8
At syempre kung nagustuhan nyo ang video na ito at may bago kayo natutunan,
17:46.2
ay huwag kalimutang mag-like, mag-share, mag-comment at mag-subscribe.
17:49.8
Maraming maraming salamat po o sa kapampangan, dakalpong salamat sa binisraya, daghang salamat.
17:54.7
At syempre sa kamay o sa wika ng Cambodia, or kuntsram.
17:58.3
Hanggang sa muli, kita-kits o sa kapampangan,
18:01.0
MikiTix at sa kamay,