00:58.4
Ito ang letter ko para basahin sa inyong channel.
01:01.2
Medyo matagal ko na po itong naisulat pero ngayong taon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipadala ito sa inyo via email.
01:10.7
Medyo natatakot kasi ako na mahusgahan sa authenticity ng aking kwento.
01:16.7
Pero naisip ko na hindi lahat ng tao ay ma-pi-please ko.
01:20.4
Marami talaga mga judger at mga akala mo'y kung sino kung mag-comment sa section ng inyong YouTube channel.
01:27.1
Kaya tawagin niyo na lamang po ako sa pangalan na Shareen.
01:32.4
Dalagita pa ako nang mangyari ang kwentong ito at nangyari ito sa province namin na hindi ko na lamang po sasabihin kung saan.
01:42.2
Ngayon ay meron na akong asawa at mga anak pero sobrang linaw pa rin sa alaala ko ang lahat ng mga nangyari.
01:51.5
Simple lamang ang buhay namin sa probinsya Papadudod.
01:55.4
Kahit papaano'y nakakaraos kami sa buhay,
02:00.4
yung bahay nga pala namin doon ay bahay talaga ng lolo at lola ko.
02:05.4
Kasama naming nakatira doon ang kapatid ni mama na si Tita Lynn at ang asawa niya at isa nilang anak.
02:13.3
May kalakihan ang bahay na yon at mayroong dalawang palapag.
02:18.9
Bale si na Tita Lynn sa ibaba kasama si na lolo at lola habang kami naman ay sa itas.
02:25.4
Nang time na yon ay dalawa pa lamang kaming magkapatid.
02:29.9
Ako pala ang panganay pero kapag kakain ay magkakasama kaming lahat.
02:35.4
Hindi kami nag-iisipan, gawa pala sa simento ang bahay at ang bubong naman ay yero.
02:43.1
Ang sabi sa akin ni mama dati ay kahoy at pawid lamang ang bahay nila
02:47.3
pero pinagawa yon ng panganay na kapatid ni mama na nagtatrabaho sa ibang bansa.
02:55.3
Wala naman kaming naging problema sa pakikisama sa isa't isa.
02:59.2
Lahat kami ay magkakasundo at hindi kami nag-iisipan ng mga gastos at mga gawaing bahay.
03:06.3
Ang nasa isip namin, kami naman ang lahat na nakatira sa bahay na yon.
03:12.2
Kaya dapat lamang na magtulungan kami.
03:15.9
Makadyos ang lola ko at walang palya siya na magsimba tuwing Sunday.
03:22.0
Talagang first mass pa siya nagsisimba.
03:25.3
Alas 6 ng umaga ang first mass noon sa province namin.
03:30.7
Kung minsan ay sumasama ako sa kanya pero hindi palagi.
03:35.1
Si lola rin ang nagturo sa aming mga apo niya na ugaliing magdasal.
03:41.8
Kahit daw wala kaming hinihiling sa Diyos, ay magdasal kami.
03:48.2
Yung simpleng pasasalamat lang daw na buhay kami
03:51.2
ay malaking bagay na para mas mapalapit kami.
03:55.3
Sa sala ng bahay ay merong altar si lola.
04:01.4
Tuwing alas 6 ng gabi ay palagi siyang nagdarasal doon.
04:06.4
Merong siyang rebulto ni Mama Mary at isang santo ninyo na dinada sila niya araw-araw.
04:14.4
Talagang madasali ng lola ko.
04:17.3
At kahit may edad na siya ay sumasama pa rin siya kapag merong prosesyon sa aming lugar.
04:25.3
Hinahayaan na lamang siya ni na Mama kasi mas okay na sa simbahan at pagdarasal na pupunta ang oras ni lola kesa sa ibang bagay.
04:36.0
Ang mga kaibigan ni lola at kagaya rin niya na palagi nagsisimba.
04:41.6
Kung minsan ay nagkakaroon din sila ng mga prayer meeting na ginaganap minsan sa bahay namin.
04:48.8
Isa yun sa inaabangan ko kasi nagluluto ng sopa si lola kapag may pa-prayer meeting sa bahay.
04:56.1
Siyempre hindi pwedeng hindi kami makakakain ang kapatid at pinsan ko.
05:02.4
Sa bahay na yun pala ako pinanganak kaya masasabi ko na walang kababalaghan ang nakabalot doon papadudot.
05:11.8
Kahit ang mga kasama ko sa bahay na yun ay wala rin nakakatakot o paranormal na experience.
05:19.6
Doon naniniwala ako sa mga multo at inkanto.
05:23.4
O kung ano pang nilalang nasaint.
05:25.3
Marami rin kasi akong naririnig na mga kwento tungkol sa mga ganong nilalang habang lumalaki ako.
05:34.7
Kahit sa aswang ay naniniwala rin ako.
05:38.7
Lalo na at probinsya ang lugar namin.
05:42.0
Kahit mga matatanda sa amin ay nagsasabi na totoo ang mga ganong nilalang.
05:48.0
Pero hindi tungkol sa multo at aswang ang ikikwento ko papadudot.
05:53.6
ay hindi pa rin namin alam kung ano nga ba ang nilalang ang dumating sa bahay at buhay namin.
06:00.6
Yung lugar pala namin ay medyo daanin siya ng malalakas na bagyo.
06:05.8
Malapit din kami sa dagat kaya kapag may bagyo,
06:09.5
ay hindi pwedeng hindi magkakaroon ng baha.
06:14.5
Isa sa dahilan kung bakit pinalagyan ang second floor ng kapatid ni mama,
06:18.9
ang bahay na yon ay para merong kaming mapupuntahan kapag merong baha.
06:23.6
At hindi na namin kailangan na lumipad sa ibang bahay na ligtas sa baha.
06:30.6
Nung hindi pa kasi nagagawa ang bahay na yon,
06:33.4
ang kwento sa akin ni mama ay pumupunta pa sila sa bahay ng kakilala nila na may second floor.
06:40.6
Hindi na raw nila hinintay na tumataas ang tubig.
06:45.0
Basta may bagyo, ay lumilikas na sila.
06:49.4
Mahirap kapag ganon kasi may ibang importanteng gamit,
06:53.6
na nababasa at hindi na napapakinabangan.
06:58.3
Ilang bagyo na rin ang na-experience ko noong nandun ako sa bahay na yon.
07:03.6
Never namang inabot ng tubig ang second floor ng bahay kaya hindi rin ako masyadong takot.
07:10.3
Kapag may bagyo, kahit malakas kasi alam kong ligtas kami.
07:15.8
Matibay din ang pagkakagawa ng bahay na yon.
07:19.6
Kaya kahit malakas ang hangin,
07:21.9
ay hindi yon nagigiba o hindi lumilipad ang bubong.
07:28.0
Pero isang bagyo ang hindi talaga namin makakalimutan papadudot.
07:33.7
Akala namin ay normal na bagyo lamang yon.
07:37.5
Pero yon pala ang bagyo na magiging mitsa para magbago ang aming buhay
07:42.9
at maranasan namin ang isang bagay na kahit sa panaginip ay hindi namin naisip.
07:49.3
Nang ibalita sa TV na may paparating,
07:51.9
na malakas na bagyo ay tinulungan na namin sinatita na ilagay sa itaas sa mga gamit nila.
07:58.2
Pati na rin ang mga importanteng gamit kagaya ng mga nasa kusina at sa sala.
08:02.8
Mas mabuti na kasi na kahit na wala pang bagyo ay gawin na namin yon.
08:07.0
Kesa sa kapag tumaas na ang tubig ay saka namin yon gagawin.
08:11.5
Sa pagsapit ng gabi ay nawalan na ng kuryente.
08:14.9
Ready naman kami kasi merong kaming mga kandila at gasera.
08:18.5
Sa radyo na dibateryana kami,
08:21.1
nakikinig ng update sa bagyo.
08:23.8
Malakas ang hangin noon at mataas ang baha.
08:27.1
Ilang dangkal na lamang ay aabuti na kami sa second floor kaya natakot kaming lahat.
08:32.4
Sa lahat ng bagyo na na-experience namin ay parang yon ang pinakamatinde papadudot.
08:38.7
Hindi kami makatulog.
08:41.2
Sinabihang kami ni Lola na magdasal kami na ginawa namin.
08:45.3
Abang napakalakas ng hangin sa labas ng bahay,
08:48.3
ay nagdasal kami ng buong pagdudot.
08:53.0
Madaling araw nang napansin ni mama na hindi na gaanong tumataas ang tubig kaya sinabihang nila kami na pwede na kaming matulog.
09:02.3
Kinaumagahan ay hindi pa kami nakabababa ng second floor kasi may baha pa rin.
09:07.3
Si papa at ang asawa ni tita Lynn ang buaba para tignan ang lagay ng first floor ng bahay.
09:13.9
Buti at wala namang nasira.
09:17.0
Nang tuluyan ng humupa ang baha ay inumpisahan na namin ang paglilinis
09:21.1
sa ibaba at sa buong bukuran ako ang inutosan ni mama na magkuskos ng dingding kasi nagkaroon niyo ng maduming marka dahil sa baha.
09:31.1
Abang nagkukuskos ako ng dingding ay may nakita akong dumi sa dingding na hindi ko alam kung anong klaseng dumi.
09:39.1
Kulay itim siya papadudot.
09:42.1
Sumakto pa ang duming yon sa kinakapwestohan ng altar ni Lola.
09:48.1
Kasing laki ng palad ng tao ang dumi.
09:51.1
Kinuskos ko ang dumi pero hindi siya natanggal gamit ang sabon at tubig.
09:56.1
Nagfade siya ng kaunti pero hindi nawala ng tuluyan.
10:00.1
Ano ba yan siya rin?
10:02.1
Kanina ka pang kuskos ng kuskos dyan.
10:05.1
Hindi ka na natapos.
10:07.1
Puna ni mama sa akin.
10:09.1
Hindi ko po kasi maalis itong dumi.
10:12.1
Hindi ko po alam kung ano ito.
10:15.1
Sige na ako na ang maghaalis niyan mamaya.
10:18.1
Pumunta ka na sa taas at magtatanghalian ako.
10:20.1
Ang wika ni mama.
10:23.1
Pagkatapos namin kumain ay si mama naman ang sumubok na alisin yung dumi sa dingding papadudot.
10:29.1
Nagawa naman niyang alisin at gumamit na siya ng bleach kasi kahit siya ay nahirapan nung una.
10:35.1
Makalipas ang ilang araw ay balik na ulit sa normal ang buhay namin.
10:40.1
Saturday noon at sinabi ni mama na mag general cleaning kami.
10:45.1
Kapag may general cleaning ay tulong tulong kaming lahat.
10:48.1
Hindi lang yung taas ang nililinisan namin kundi buong bahay talaga.
10:53.1
Siyempre kapag nililinis ay minumove ang mga gamit para malinisan pati ang kasulok-sulukan.
11:00.1
Nang alisin pansamantalang altar ni lola ay nakita namin na nandun ulit yung dumi sa dingding.
11:06.1
Bumalik siya papadudot at ang nakapagtataka pa ay mas lumaki na yun at parang nagkaroon na siya ng hugis na mukha ng tao kung titignan ang mabuti.
11:18.1
Sinubukan ulit ni mama na alisin ang dumi sa dingding gamit ang bleach.
11:23.1
Nawala ulit yun kaya akala namin ay okay na.
11:27.1
Pero nang sunod na general cleaning namin ay nandun na namaan yung dumi.
11:31.1
Mas nakikita na ang hugis ng mukha na korte ng dumi.
11:35.1
Diyos ko, tingnan ninyong mabuti.
11:38.1
Hindi ba't mukha yan ni Jesus?
11:40.1
Kitang-kita ang koronang tinig sa ulo niya.
11:42.1
Bulalas pa ni lola.
11:44.1
Dahil sa sinabing niyo ni lola ay tinignan namin ang mabuti.
11:47.1
Ang mukha na nilikha ng dumi.
11:50.1
Sa dingding at nakita namin na totoo nga ang mga sinabi ni lola.
11:55.1
Talagang parang naging mukha na siya ni Papa Jesus.
12:00.1
Ano kayang ibig sabihin yan?
12:02.1
Tanong ni Tita Lynn.
12:04.1
Kaya pala kahit na anong linis dyan eh siya rin pagkatapos ng bagyo ay ayaw maalis.
12:10.1
Tapos nung gumamit ako ng bleach naalis naman pero bumalik.
12:13.1
Hindi naman ganyan dati ang itsura niyan eh.
12:16.1
Tapos ngayon ay mukha na ni Papa Jesus ang nandyan.
12:20.1
Sabi ni Mama habang namamangha.
12:24.1
Ang sabi ni lola ay mukhang pinaghihimalaan ang bahay namin.
12:29.1
Huwag daw namin aalisin ang mukhang iyon sa dingding dahil ang Panginoong Diyos daw.
12:36.1
Ang naglagay noon doon Papa Dudot.
12:39.1
Sa dami daw nang pwedeng maging hugis ng dumi sa dingding.
12:43.1
Ay bakit pa mukha ni Papa Jesus?
12:46.1
Baka raw malasin kami kapag pinilit naming alisin iyon.
12:52.1
Iniba na ni lola ang pwesto ng kanyang altar.
12:56.1
Hindi na niya hinarangan ng mukha na nasa dingding Papa Dudot.
13:02.1
Kinagabihan ay pinagsindi pa niya iyon ng kandila at ninasalan pa namin.
13:07.1
Simula noon bago kami matulog ay nagtitirik na kami ng kandila sa mukha na nasa dingding at nagdarasal din kami.
13:15.1
Wala namang kaming balak na ipagsabi ang bagay na iyon sa mga kapitbahay namin kasi baka pagkaguluhan iyon.
13:21.1
Pero isang araw ay inatake si lolo ng hika niya na kinailangan na siyang dalhin sa ospital.
13:26.1
Dagdasal si lola sa mukha ng dingding at tumiling siya na pagalingin ito si lolo.
13:32.1
Inaumagahan sinabi sa amin ni lola na napanaginipan niya na nagsalita yung mukha sa dingding.
13:38.1
Sinabi raw nito na kumuha ito ng panyo at ipunas iyon sa mukha na nasa dingding at pagkatapos ay ipunas,
13:44.1
ang panyo sa dibdib ni lolo.
13:47.1
Ginaway ni lola at dumalaw siya kay lolo dala ang panyo na ipinuna sa mukha sa dingding.
13:53.1
Inihaplos ni lola sa dibdib ni lolo at parang himala ang nangyari dahil ng araw din iyon.
13:59.1
Ay naging maganda na ang pakiramdam ni lolo kaya nakalabas na siya ng ospital makalipas ang ilang araw.
14:05.1
Doon narealize ni lola na may kapangyarihan na magpagaling ng sakit ang mukha na nasa dingding ng aming bahay.
14:13.1
Naniwala kami noon na iyon ang nagpabuti sa pakiramdam ni lolo noong nasa ospital siya.
14:21.1
Ako mismo ay naniniwala sa kapangyarihan ng mukha na iyon.
14:25.1
Ang sabi ni lola ay meron siyang kaibigan na taga roon sa amin na palaging inaatake ng pagsakit ng tuhod at gusto niya itong tulungan.
14:34.1
Pinapunta ni lola ang kaibigan niyang matandang babae at pinapunas niya ito ng panyo sa mukha at pagkatapos ay ipinunas naman ang panyo.
14:43.1
Makalipas ang isang linggo ay bumalik sa bahay ang kaibigan ni lola at masaya nitong sinabi na simula nang pumunta siya sa bahay at nagpunas siya ng panyo na ipinunas sa mukha ay hindi na sumakit ang tuhod niya.
15:00.1
Hindi namin napigilan ang pagdagsa ng mga tao sa bahay namin dahil sa mukha na iyon.
15:06.1
Ang hinala namin ay ikinawento ng kaibigan ni lola sa iba ang pagaling ng pananakas.
15:13.1
Nung unang pagpunas ni lola ang pagsakit ng kanyang tuhod dahil sa pagpunas ng panyo sa mukha ng inakala namin na mukha ni Papa Jesus.
15:21.1
Nung una ay tutol si na mama sa pangyayarin iyon, pero sinabi sa amin ni lola na baka ang himalang iyon ay hindi lang para sa amin kundi para din sa ibang tao.
15:32.1
Baka raw kapag ipinagdamot namin iyon sa iba ay mawala ang himala sa aming bahay, baka raw parusahan kami ang mga ganong bagay daw na mula sa nasa ibang tao.
15:43.1
Nasa sa itaas ay dapat na ibinabahagi sa iba, lalo na sa mga nangangailangan at nawawala ng pag-asa na gumaling sa sakit nila.
15:55.1
Napaka-bilis na kumalat sa lugar namin at sa mga kalapit na lugar namin ang tungkol sa naghihimalang mukha sa dingding ng aming bahay papadudot.
16:07.1
Araw-araw ay dinadagsa kami ng mga tao at lahat sila ay parehong may dalampanyo.
16:13.1
Upang ipunas sa mukha.
16:15.7
Karamihan ay may mga sakit at meron din naman na gusto lang magdasal at humiling.
16:21.3
May ilan din na nais lang makitang mukha na yon.
16:25.9
Hanggang sa unti-unti na namin tinanggap ang malaking pagbabago sa aming buhay, Papa Dudut.
16:33.4
Nasanay na kami na merong hindi namin kinalang tawang papasok sa aming bahay para tingnan ang mukha na nasa dingding.
16:40.1
Tuwing alas 6 ng gabi ay dinadasalan ni Nalola at ng ibang naniniwala na himala ang nangyaring yon.
16:48.2
Walang palya sila sa pagdarasal kasi naniniwala sila.
16:52.3
Sinalola na kapag hindi yon dinasalan ay mawawalan ng visa ang apangyarihan na magpagaling ng mga sakit.
17:00.4
May ilan din namang bumalik sa bahay para magpasalamat dahil sinabi nila na gumaling sila sa kanilang sakit, Papa Dudut.
17:08.0
Inay, hindi ba parang hindi na magandang sakit?
17:10.1
Ano ang nangyayari? Araw-araw ay merong ibang tao dito sa bahay natin.
17:15.0
Parang wala na tayong privacy.
17:17.0
Ang sabi ni Mama, isang gabi habang naghahaponan kami.
17:22.0
Abay dapat nga ay matuwa tayo kasi naging instrumento ang bahay na ito para makatulong sa ibang tao.
17:28.3
Saka ang sarap sa pakiramdam na may mga bumabalik para magpasalamat.
17:32.7
Ang tura naman ni Lola.
17:34.8
Nag-aalala lamang kasi ako na baka may mga taong may masamang loob na magpapasalamat.
17:40.1
Ang panggat na deboto tapos may gawin na hindi maganda.
17:45.5
Kagaya ng baka pag nakawan tayo, sambit pa ni Mama.
17:50.7
Ano ka ba? Huwag kang mag-isip ng mga ganyang negatibong bagay. Hindi tayo pababayaan ang nasa itaas.
17:57.3
Hindi niya hahayaan na may masamang tao na makapasok dito sa ating bahay.
18:02.6
May tiwalang sabi pa ni Lola.
18:06.8
Naintindihan ko kung bakit nakapagsasalita ng ganon si Mama.
18:10.1
Hindi kasi namin kontrol ang mga pupuntang tao sa bahay namin.
18:14.6
Lahat na nagpupuntaan na gustong makitang mukha sa dingding ay pinapapasok namin.
18:20.8
Wala kaming napipili kahit sino ay welcome.
18:24.3
Mabuti na lamang din at palaging nasa bahay.
18:27.4
Noon, sina Mama at Yalyn kasi sila ang palaging tumitingin sa mga taong pumapasok sa bahay.
18:34.1
Makalipas ang isang buwan na dinadagsa kami ng mga tao ay medyo naging kaunti na
18:38.4
ang nagpupunta sa bahay namin.
18:39.6
At ito ang mga tao na nagpupunta sa bahay namin.
18:40.1
Hindi na kagaya ng mga naunang linggo na talagang may pila pa sa labas.
18:45.6
Dumating ang time na kung minsan ay may araw na tatlo o lima na lamang ang dumarating sa bahay.
18:51.6
Pero may ilan pa rin na bumabalik para sabihin na napagaling sila ng mukha sa dingding.
18:58.9
Marami rin ang nagsasabi na magandaraw at hindi namin ipinagdadamot ang himala na yon.
19:04.3
Talaga raw mukha yon ni Papa Jesus.
19:06.8
Tuloy pa rin naman ang pagdarasal ni Lola sa mukha sa dingding.
19:10.1
Tuwing alasais ng gabi, kahit na hindi na sila ganong karami na nagdarasal noon, Papa Dudut.
19:16.1
Isang umaga habang nag-aalmusal kami ay may sinabi sa amin si Lola.
19:20.9
Sinabihan niya kami na ipamalita pa namin sa ibang tao ang pagihimala ng mukha ni Papa Jesus na nasa dingding sa aming bahay.
19:28.8
Sa sinabi ni Lola ay alam agad namin na gusto niyang mangyari ay ang kagaya ng dati na dinadagsa kami ng mga tao.
19:36.6
Bakit yan naman po gusto sabihin namin sa ibang tao, Inhay?
19:40.1
Tanong ni Titalin kay Lola.
19:42.5
Nanaginip kasi ako kagabi.
19:44.7
Kinausap ako ni Papa Jesus.
19:47.4
Yung mukha sa dingding sa sala natin.
19:50.3
Nalulungkot siya kasi kakaunti na ang nagpupunta sa kanya.
19:54.3
Kakaunti na raw ang nagdarasal sa kanya.
19:57.6
Ang gusto niya ay kagaya nung dati na marami palaging tao dito sa bahay.
20:02.6
Sagot pa ni Lola.
20:05.0
Pero hindi pa mas maganda nga na hindi na ganon karami ang tao?
20:09.1
Basta kapag pahinga tayo, ang sabi naman ni Mama.
20:14.0
Hindi ganon ang gusto niya.
20:16.2
Baka mawalan ng bisa ang kapangyarihang magpagaling ng mukha.
20:21.3
Sa dingding kapag kakaunti na ang nagpupunta rito.
20:27.4
Sinunod na namang namin si Lola sa gusto niyang gawin namin.
20:32.2
May ilang kakilala si ng Mama na pinapunta nila sa bahay namin, pati ako,
20:36.3
ay sinabi ko rin sa iba kong kaklase na baka mayroon.
20:39.1
At mayroong may sakit sa kanila.
20:41.2
May iba na pinagtawanan ako kasi naniniwala kami ng pamilya sa ganon.
20:46.2
Napahiya tuloy ako sa kanila.
20:48.5
Hindi na rin ako masyadong nag-aya.
20:50.9
Kahit pa paano ay nadagdagan ang maramang mga taong nagpupunta sa bahay namin.
20:55.4
Nakita namin kung gaano kasaya si Lola.
20:58.1
Araw-araw ay meron na rin nagtitirik ng kandila sa mukhang yon.
21:01.7
At may iba na bulaklak naman ang inaalay.
21:04.8
Ngunit dumating ang mga araw na nabawasan o kumaunti na naman.
21:09.1
Ang mga taong nagpupunta sa bahay papadudot.
21:13.3
May mga araw din na wala talagang nagpupunta.
21:17.0
Doon ay nalungkot si Lola.
21:18.8
Uminsan pa nga ay kinakausap niya yung muka sa dingding at nagsasorry siya dito
21:23.5
kasi hindi na marami ang nagpupunta sa aming bahay.
21:28.2
Hanggang sa isa o dalawang tao na lamang ang nagpupunta at kami na lamang ang nagdarasal.
21:34.5
Tuwing alas 6 ng gabi.
21:36.4
Isang umaga nagulat kami nang sabihin ni Lolo.
21:39.1
Sabihin ni Lolo sa amin na may nangyari kay Lola.
21:41.7
Hindi na raw kasi ito nagigising kahit na anong gising ang gawin niya.
21:45.7
Kinabahan at natakot kaming lahat.
21:48.7
Napatakbo kaming lahat sa kwarto ni Lola at nang mahawakan ko ang kamay niya.
21:54.0
Ay malamig na yon.
21:55.9
Yung pala ay iniwan na kami ni Lola.
21:59.7
Namatay siya habang natutulog at ayon sa mga doktor ay inatake sa puso si Lola habang tulog ito papadudot.
22:07.1
Lahat kami ay nabigla.
22:09.1
Nila ang pagkawala ni Lola.
22:11.2
Wala kaming alam na meron siyang sakit.
22:13.8
Wala siyang iniinda na kung ano sa katawan niya.
22:17.2
At malakas pa siya nang mawala siya.
22:20.7
Muling dumagsang mga tao sa bahay namin pero hindi para doon sa mukha na nasa dingding kundi para makira may isamin sa pagkamatay ni Lola.
22:30.3
Nang mailibing na si Lola ay nag-usap-usap si na mama at tita Lynn tungkol sa kung ano ang gagawin nila sa mukha na nasa dingding.
22:37.7
Siguro itakpa na lang na si Lola.
22:38.7
Siguro itakpa na lang na si Lola.
22:38.7
Siguro itakpa na lang na si Lola.
22:38.8
Siguro itakpa na lang na si Lola.
22:38.8
Siguro itakpa na lang natin yun ng altar ni inay gaya ng dati ang sabi ni mama.
22:44.1
Parang hindi maganda natakpa natin yung mukha.
22:47.5
Alam natin lahat na importante yung kay inay noong nabubuhay pa siya.
22:51.5
Tutol ni tita Lynn.
22:53.9
Pero wala na si inay para na rin matigil na ang pagpunta rito sa bahay natin ang sabi pa ni mama.
23:02.8
Wala naman nang napunta hindi nakagay dati.
23:06.1
Kaya na lang natin sa pwesto yung altar.
23:07.7
Huwag na natin takpan yung mukha ni Papa Jesus na nasa dingding.
23:12.2
Ang turan pa ni tita Lynn.
23:14.8
Alala ko lang kasi ang nangyari kay inay kapag nakikita ko ang mukha na yun.
23:19.2
Ang daming napagaling ng mukha na yun.
23:22.4
Ang daming niyang buhay niya nailigtas.
23:25.1
Pero si inay hindi niya nailigtas man lang.
23:27.6
Ang naiiyak na wika ni mama.
23:30.3
Medyo pinagtalunan pa ni na mama at tita Lynn kung tatakpan ba ng altar
23:35.1
o hindi ang mukha sa dingding.
23:37.2
At ang papa dudot.
23:38.7
Pero sa huli nagkasundusin ang dalawa na huwag na lamang takpan.
23:42.6
Ang sabi ni tita Lynn kahit naman daw kakaunti na ang taong nagpupunta sa bahay namin
23:46.8
ay pwedeng kami mismo ang magdasal sa mukha na yun.
23:51.2
Si tita Lynn ay nagpatuloy ng nakasanayan ni Lola.
23:55.7
Noong nabubuhay pa si Lola.
23:57.6
Si titang palaging nagdarasal doon tuwing alas 6 ng gabi.
24:00.9
Siya rin ang nagtitirik ng kandila at ani ay ginagawa niya yun.
24:05.7
Makalipas ang ilang buwan ay tuluyan ng walang tao na nagpunta sa bahay namin papa dudot.
24:17.3
Bumalik na sa normal ang buhay namin.
24:20.2
Hindi na kami naiistorbo ng ibang tao dahil kailangan pa namin silang kausapin kung minsan
24:25.9
kapag gusto nilang makita o magdasal sa mukha na yun.
24:30.2
Isang umaga isang babae na may kasamang dalawang lalaki na nagpunta sa bahay namin.
24:34.7
Nagpakilala sila bilang isang kilalang manggagamot sa lugar nila.
24:39.3
Asawa niya ang isang lalaking kasama niya, si tita Lynn ang nakakwentuhan nila.
24:44.9
Ayon sa manggagamot ay hindi niya kayang pagalingin ang kanyang mister at may nakapagsabi sa kanila na merong naghihimalang mukha ni Papa Jesus sa bahay namin.
24:55.9
Malayo pa raw ang pinanggalingan nila.
24:58.9
Inihatid ni tita Lynn ang manggagamot at ang asawa nito sa dingding kung nasaan ang mukha.
25:04.1
Tinignan ang manggagamot ang mukha at tinawakan niya iyon.
25:07.1
Inalis niya kagad ng kamay niya na para bang napaso siya.
25:11.1
Sigurado ba kayo na mukha ito ni Jesus?
25:14.1
Tanong ng manggagamot.
25:16.1
Oo naman po, tinanin niyo na mabuti o.
25:19.1
Ito ang mata, ito ang ilong, bibig at ang koronang tinik.
25:23.1
Ang sabi ni tita habang isa-isang itinuturo sa manggagamot ang detalya ng mukha.
25:28.1
Sansya na pero hindi ko nakikita si Jesus.
25:35.1
Tura ng manggagamot.
25:37.1
Narinig ko pa na sinabi ng manggagamot kay tita na baka pwedeng ipatingin namin sa simbahan ang mukhang iyon.
25:43.1
Para makumpirma kung naghihimalang ba talaga iyon.
25:46.1
Sinabi naman ni tita Lynn na maraming tao na ang gumaling sa pamamagitan ng mukha sa dingding.
25:52.1
Inawa pa niyang example noon si Lolo na kauna-unahang napagaling noon.
25:57.1
Ginagal lang ko ang paniniwala ninyo pero ibang pakiramdam ko sa mukhang iyan.
26:01.1
Ang bigat niya sa pakiramdam.
26:04.1
Pero sana'y nagkakamali ako ng pakiramdam ang sabi pa ng manggagamot.
26:09.1
Ano po bang ibig ninyong sabihin?
26:11.1
Tanong ni tita Lynn.
26:13.1
Pakiramdam ko ay hindi mula sa langit ang himalang iyan kundi sa demonyo.
26:17.1
Hindi ko nakikita talaga ang mukha ni Jesus. Ibang mukha ang nakikita ko.
26:22.1
Tugon ng manggagamot.
26:24.1
Diyos ko imposible po iyang sinabi ninyo.
26:26.1
Marami na pong nakakita dyan at kayo pa lamang ang nagsabi na hindi ko nakikita.
26:30.1
Ang mga nagsabi na hindi ang mukha ni Papa Jesus.
26:33.1
Sambit ni tita na medyo natatawa pa.
26:36.1
Magaling man din lang ang mga demonyo.
26:39.1
Kaya nilang ipakita sa atin ang isang bagay sa paraan na gusto nila.
26:43.1
Pero sa kagaya kung may pangontra sa kanila ay hindi uubra ang kapangyarihan nila.
26:48.1
Paliwanag pa ng manggagamot.
26:50.1
Hindi na tinuloy ng manggagamot ang pagpunas ng panyo sa mukha sa dingding Papa Dudut.
26:56.1
Maayos silang nagpaalam at umalis na.
26:58.1
Pero bago sila umalis,
26:59.1
ay nag-iwan ang manggagamot ng contact number kay tita Lynn
27:03.1
at baka raw kailanganin namin ang tulong niya pagdating ng araw.
27:08.1
Habang kumakain kami ng hapunan ay naikwento ni tita Lynn sa amin ang tungkol doon sa pagpunta ng manggagamot.
27:15.1
Tumawa pa si tita nang sabihin niya na ibang mukha raw ang nakikita ng manggagamot.
27:21.1
Sa totoo lang, nang time na iyon ay hindi ko rin alam kung bakit hindi nakita ng manggagamot ang mukha ni Papa Jesus doon.
27:29.1
Lahat kasi kami ay nakatira sa bahay na iyon ay mukha pa ni Papa Jesus ang nakikita.
27:35.1
Kahit ang mga taong nagpunta roon dati ay nagsasabi na talagang mukha iyon ni Papa Jesus.
27:41.1
Kaya nga marami dati ang naniwala na isa yung Himala mula sa langit.
27:46.1
Hindi na lang namin binigyan ng pansin ang mga sinabi ng manggagamot dahil para sa amin.
27:51.1
Ay wala yung katotohanan.
27:54.1
Para kina tita ay nagsasayang lamang sila ng oras.
27:58.1
Kung papaniwalaan nila ang mga sinabi ng manggagamot.
28:03.1
Ang naisip pa nga ni tita ay baka gusto lamang ng manggagamot na kumita sa amin kasi nag-iwan ito ng contact number.
28:11.1
Nagbiru pa si tita na manggagamot yung babae pero hindi naman mapagaling ang asawa nito na may karamdaman.
28:20.1
Isang gabi, sinabihan ko si tita ni na magdasal doon sa mukha ng nasa dingding.
28:27.1
Nakapikit pa ako noon at nang ibukas ko ang mata ay nagtaka ako kasi parang nagiba yung mukha.
28:36.1
Parang mas naging malaki ang hugis ng mata niya at medyo parang nakangiti na siya.
28:40.1
Inintay ko munang matapos kami ni tita Lynn bago ko yun sinabi sa kanya.
28:45.1
Tita, tingnan mo nang mabuti yung mukha o parang nagiba na ang sabi ko.
28:51.1
Oo nga no, parang nakangiti na siya. Gulalas ni tita Lynn.
28:56.1
Kaya nga tita eh, bakit kaya nagiba na yan? Tanong ko.
29:00.1
Siguro kaya nakangiti na yan ay dahil masaya si inay na itinutuloy natin ang mga ginagawa niya noong buhay pa siya.
29:07.1
Wala naman siguro tayong dapat na ipag-alala ang wika pa ni tita.
29:12.1
Ngunit simula nang magkaroon ng pagbabago sa mukha na nasa dingding ay nagsimula na rin ang mga kababalaghan sa bahay namin Papa Dudut.
29:22.1
Hindi lang yun ang nangyari kundi nagkaroon din ang halos magkakataon.
29:26.1
Naka kasunod na kamalasan sa aming lahat.
29:28.1
Nagsimula yun ng maaksidente ang asawa ni tita Lynn sa trabaho at ilang araw itong nasa ospital.
29:34.1
Sumunod naman na nadengge ang kapatid ko kaya nasa ospital din siya.
29:39.1
Halos lahat kami ay nagkaroon ng matinding sakit. Kung hindi lagnat ay matinding ubo at sipo naman.
29:47.1
Parang lahat na yata ng kamalasan ay sinalo ng pamilya ko noon Papa Dudut. Dahil din sa madalas akong lagnatin.
29:56.1
Ay naapektuhan noon ang aking pag-aaral. Dumami na ang mga absent ko sa school.
30:01.1
Natakot ako noon na baka dahil sa madalas kong pag-absent ay mawala na ako sa owner ng seksyon namin.
30:08.1
Habang nangyayari ang mga kamalasan na yun ay sinabayan din yun ng mga kababalaghan sa aming bahay Papa Dudut.
30:15.1
Kagaya na lamang nang nagising kaming lahat nang marinig namin ang sigaw ng asawa ni tita Lynn sa ibaba ng bahay na meron daw nakapasok sa bahay.
30:24.1
Tatakbosan na ako sa bahay.
30:25.1
Tatakbosan na ako pa ibaba pero pinigilan ako.
30:31.1
Huwag na raw kaming buwaba pa ni ng Mama at siya na lamang ang bababat baka delikado.
30:37.1
Baka lipas ang ilang sandali tahimik na sa bahay bumalik na si Papa sa itaas.
30:42.1
Anong nangyari? Nakita niyo ba yung tango nakapasok?
30:46.1
Ang nag-aalala ng tanong ni Mama kay Papa.
30:49.1
Hindi nga e parang wala naman.
30:51.1
Pero sabi ni Nelson,
30:53.1
paglabas daw niya ng kwarto parang para mag-CR ay nakita niya ang isang malaking lalaki na nasa kusina.
31:01.1
Sagot pa ni Papa.
31:03.1
Diyos ko, napasok nga yata tayo ang turan pa ni Mama.
31:08.1
E madalim sa kusina hindi ba? Baka nagkamali lang ng tingin si Nelson.
31:12.1
Ang sabi ni Papa.
31:14.1
Paanong magkakamali? Paano kung may tao talagang nakapasok?
31:18.1
Nag-aalala pa ring tanong ni Mama.
31:21.1
Wala nga, ako mismo ang tumingin sa ibaba.
31:24.1
Nakalak lahat ng pintuan.
31:28.1
Huwag na kayong mag-aalala.
31:29.1
Ang turan pa ni Papa.
31:31.1
Kinabukasan, pinanindigan ang asawa ni Tita Lee na meron talaga siyang nakitang malaking lalaki sa kusina.
31:38.1
Sobrang tangka daw ng lalaking yon, Papa Dudut.
31:41.1
Ang ipinagtataka niya ay kung bakit bigla yon nawala ng sobrang bilis.
31:46.1
Hindi na rin daw niya nagawang buksan ang ilaw kaagad para...
31:50.1
Nakita niya sana yung lalaki kung sino dahil natarantana siya.
31:55.1
Hindi namin naisip na may kinalaman sa paranormal ang mga nangyari na yon.
32:00.1
Dahil alam namin na walang multo o kung anong nila lang ang meron sa bahay namin na yon.
32:06.1
Ang naging solusyon ni na Mama sa bagay na yon ay nilagyan nila ng double lock ang mga pinto na pwedeng pasukan ng ibang tao.
32:13.1
Pati ang mga bintana ay ganun din ang ginawa nila.
32:17.1
Tungkol naman sa muka na nasa dingding.
32:19.1
Napansin namin na habang tumatagal ay nag-iiba na yon ng itsura.
32:23.1
Kung titignan ay hindi na siya mukha ni Papa Jesus.
32:26.1
Mas lumalaki ang mata niya na parabang galit at lumalaki rin ang pagkakangit niya.
32:32.1
Bukod paraon ay nagkaroon siya ng parang sungay.
32:35.1
Ang hinala ni na tita Lynn ay baka kapag umuulan ay may pumapasok na tubig sa dingding.
32:41.1
Kaya naapektuhan ang itsura ng mukha ng nasa dingding Papa Dudut.
32:46.1
Kahit si Mama mismo ay nabahay.
32:48.1
Si Mama mismo ay nabahala na sa mga nangyayari na yon lalo na.
32:52.1
At nagmumuka ng demonyo o halimaw ang mukha na yon.
32:56.1
Kapag nga napapatitig ako roon ay kinikilabutan ako minsan.
33:01.1
May mga ilang yalanding mga tao na nakakita ng pagbabago sa mukha na nasa dingding.
33:06.1
At kahit sila ay nasabi na hindi na yon mukha ni Papa Jesus.
33:10.1
Napakalaki na raw ng ipinagbago.
33:12.1
Pero kahit na ganoon na ang itsura noon ay patuloy pa rin si tita Lynn sa pagdarasal noon tuwing alas 6 ng gabi.
33:16.1
At kahit sila ay nasabi na hindi na yon mukha ni Papa Jesus. Napakalaki na raw ng ipinagbago.
33:17.1
Pero kahit na ganoon na ang itsura noon ay patuloy pa rin si tita Lynn sa pagdarasal noon tuwing alas 6 ng gabi.
33:19.1
Lynn, ano kaya kung tumigil ka na sa pagdarasal noon sa mukha?
33:23.1
Parang hindi na yon si Jesus eh.
33:25.1
Minsan ay sabi ni Mama kay tita.
33:27.1
Kung titigil ako ay parang tumigil na rin ako sa pag-alala kay inay.
33:32.1
Kayo kung ayaw ninyong magdasal ay walang problema.
33:35.1
Basta huwag nyo na lamang akong pakialamanan.
33:38.1
Sagot pa ni tita Lynn.
33:40.1
Sige ko nang bahala baka lang kasi may ibang ibig sabihin yung pagbabago sa mukha na nasa dingding.
33:45.1
Ang turan pa ni Mama.
33:48.1
Hindi na napigilan ni Mama si tita sa pagdarasal sa mukha na yon Papa Dudut.
33:54.1
Hinayaan na lamang siya ni Mama dahil baka nga mag-away pa sila kapag pinilit niya si tita Lynn.
34:02.1
Ayaw din naman siguro ni Mama na magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni tita.
34:07.1
Habang tumatagal ay nagiging iba na ang pakiramdam ko sa bahay namin.
34:13.1
Parang ang bigat na palagi ng pakiramdam kapag nandun ako sa loob.
34:18.1
Hindi ko naman malaman kung bakit yon ang nangyayari hanggang sa pati ako ay naka-experience na rin ng kababalagahan doon Papa Dudut.
34:27.1
Isang madaling araw ay nalimpungatan ako.
34:30.1
Kahit na inaantok pa ako ay hindi ko alam kung bakit nahirapan na akong makabalik sa pagtulog.
34:36.1
Habang pinipilit kong makatulog ulit ay meron akong narinig na naglalakad sa ibaba ng bahay.
34:43.1
Hindi ko naman pinansin yon nung una kasi hindi naman imposibleng may maglaka doon kahit ganung oras.
34:50.1
Baka si tita Lynn lang yon o ang asawa niya o kaya ay si Lolo.
34:55.1
Pero nagtaka na ako kasi ilang minuto nang lumipas ay hindi pa rin tumitigil yung naglalakad sa ibaba.
35:01.1
Ewan ko ba kung bakit bumangon ako ng mag-isa at hindi ko ginising si Mama o Papa.
35:07.1
Buha ba ako at nagpunta sa may sala.
35:09.1
Grabe ang takot na nararamdaman ko nang makita kong isa.
35:12.1
Kakaibang nila lang sa may sala na naglalakad.
35:17.1
Para siyang malaking lalaki pero ang nakakatakot sa kanya ay meron siyang dalawang malaking sungay sa ulo.
35:23.1
Isa pa sa nakakatakot sa kanya ay ang mapubulan niyang mga mata na parang galit na galit.
35:29.1
Gusto kong sumigaw ng sandaling yon pero walang lumalabas na bose sa bibig ko.
35:35.1
Ang ginawa ko ay umakyat ulit ako sa hagdanan pero sa hindi ko malamang dahilan.
35:40.1
Ay parang sobrang bigat ng katawan ko at parang may kung anong energy ang pumigil sa akin.
35:46.1
Hirap na hirap akong ihakbang ang mga pa ko.
35:50.1
Ang huli kong natatandaan ng oras na yon ay nagdilim ang paningin ko.
35:55.1
Nagising na lamang ako na nakahiga ako sa sofa at medyo maliwanag na sa labas.
36:01.1
Nasa tabi ko si na Mama at ang sabi ni Mama ay nakita niya akong walang malay sa ibaba ng hagdanan.
36:08.1
Kahit paano'y nakikita ako.
36:09.1
Kahit paano'y nagpasalamat ako na hindi ako nakaakyat ng mataas sa hagdanan bago ako nawalan ng malay.
36:15.1
Kasi kung nawalan ako ng malay sa itaas ay malamang ay gumulong pa ako pa ibaba.
36:20.1
Tinanong ako ni Mama kung ano bang nangyari sa akin at hindi ako nagdalawang isip na sabihin sa kanya ang totoong nakita ko.
36:27.1
Kinilabutan at natakot sila sa ikinuwento ko.
36:31.1
Nang makita ko ang muka sa dingding ay sinabi ko na parang kamukha noon nakita ko nung madaling araw.
36:39.1
Na naglalakad sa sala.
36:41.1
Sinugundahan naman ang asawa ni Tita Lynn ang kwento ko at ang sabi niya ay baka yung nakita niya nalaki at nakita ko ay iisa lamang.
36:50.1
Sa pagkakataon na iyon ay sinabihan ulit ni na Mama si Tita Lynn na tumigil na sa pagdarasal sa muka.
36:56.1
Na nasa dingding maaari daw na nung una ay totoong meron niyong himala pero baka raw napasok na iyon ang demonyo.
37:04.1
Mabuti na lamang at naniwala na si Tita Lynn kay Mama Papa Dudut.
37:08.1
Naalala niya yung manggagamot na nagpunta dati sa bahay at aniya.
37:12.1
Ay baka matulungan kami noon para maalis na ang nakakatakot na mukha na nasa bahay namin.
37:17.1
Tinawagan ka agad niyo ni Tita at humingi siya ng tulong sa manggagamot tungkol sa nangyayari sa bahay.
37:23.1
Tatlong araw pa ang hinintay namin bago nakapunta ang babaeng manggagamot sa bahay at ng time na iyon ay mas nakakatakot na mukha na nasa dingding.
37:34.1
Mas humaba na ang sungay noon at parang galit na niya.
37:37.1
Hindi ba sabi ko naman sa inyo ay kakailanganin mo ng tulong ko?
37:44.1
Tama ang desisyon ko na iwan sa inyo ang contact number ko.
37:48.1
Sabi ng manggagamot kay Tita Lynn.
37:51.1
Kaya nga e, ibang usapan na kasi yung nangyari sa pamangkin ko.
37:55.1
Baka sa susunod ay hindi na lamang ganun ang mangyari.
37:58.1
Nag-aalala lang sabi ni Tita.
38:01.1
Huwag kang magalala.
38:03.1
Sisiguraduhin ko na may babalik ko sa impyerno ang kung sino man na nandito sa bahay ninyo.
38:09.1
Matapang nasabi ng manggagamot.
38:12.1
Kinabahan ako ng time na iyon Papa Dudut alam ko kasi na hindi na biro ang mga nangyayari.
38:18.1
Ang ginawa ng manggagamot ay dinasalan niya ang aming bahay.
38:22.1
Pinalis niya ang demonyong naroon.
38:25.1
Ang hinala ng manggagamot ay ginamit ng demonyo ang matinding paniniwala ng lola namin.
38:31.1
Para linlangin ito.
38:33.1
Pati kami na lahat na nakatira sa bahay ay dinasalan ang manggagamot bilang proteksyon.
38:38.1
Bago malis ang manggagamot ay sinabi niya na wala na kaming dapat na ipag-alala.
38:42.1
Kasi napaalis na niyang demonyo na nasa bahay namin.
38:46.1
Yun nga lang matapos niya yung gawin ay hinang-hina siya.
38:49.1
Sa bawat araw na lumipas ay chinecheck namin yung muka sa dingding Papa Dudut.
38:55.1
Kapansin-pansin na unti-unti na yung nawala at lumabu na.
38:59.1
Sinabihan kasi kami ng manggagamot.
39:01.1
At nahuwag na namin yung gagalawin at hayaan na lang namin hanggang sa tuluyang mawala na.
39:05.1
Ilang buwan din ang binilang bago mawala talaga yung muka na yun Papa Dudut.
39:12.1
Binalik na namin sa dating pwesto ang altar.
39:15.1
Simula ng mawala na ang muka sa dingding ay bumalik na rin sa normal ang aming buhay.
39:20.1
Nawala na yung mabigat na pakaramdam at nawala na rin yung nakita naming lalaki dati.
39:26.1
Ngayon naman ay sinatitalin na lang ang mga nakatira sa bahay na yun.
39:29.1
Lumipat na kasi kami.
39:30.1
Nang pamilya ko sa ibang lugar.
39:32.1
Nang makapagtrabaho si Mama sa ibang bansa at nakaipon siya ng pera.
39:37.1
Pero kapag may okasyon kagaya ng Pasko at New Year ay nauwi pa rin kami doon.
39:41.1
Hindi na rin namin pinag-uusapan pang nakakatakot na pangyayari na yun dahil sinabi rin sa amin ang manggagamot.
39:47.1
Naiwasan naming pag-usapan yun dahil palalakasin lang daw namin ulit ang demonyo na minsang nanirahan sa aming bahay.
39:57.1
Ang dapat daw naming gawin ay mas palakasin namin ang aming pananampalataya sa Diyos.
40:05.1
At kapag naulit ang ganung bagay ay huwag kaming basta-basta man niniwala.
40:09.1
Pero sa kabila ng lahat ay nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil alam ko na hindi niya kami pinabayaan.
40:17.1
Walang nasaktan sa amin pero yun nga lang ay nawala si Lola ng panahon na naroon din sa dingding ng aming bahay ang mukha na yun.
40:26.1
Lubos na gumagalang Sherine
40:33.1
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang paniniwala pagdating sa reliyon.
40:38.1
Bawat reliyon ay may iba't ibang paraan ng pagsamba sa Diyos na ating pinapaniwalaan.
40:44.1
Ngunit maging maingat din tayo sa mga sinasamba natin dahil maaari po itong gamitin ang mga kampo ng kadiliman upang tayo ay linlangin.
40:54.1
Maaaring totoo na may kakayahan ng mga demonyo upang tayo ay lokohin at maniwala sa isang bagay na hindi totoo upang makontrol nila tayo ng ayon sa kanilang kagustuhan.
41:06.1
Kaya kapag may nakita o napansin ka na mali sa isang bagay, bitawan o tigilan mo na kagad ito bago pa lumala ang sitwasyon.
41:15.1
Ang panalangin ay maaaring magbigay ng lakas at gabay sa pagharap sa ganitong mga pagsubok.
41:22.1
Ipinapakita rin ito ang pagitiwala natin sa Diyos at sa Kanyang kapangyarihan na gabayan at protektahan ang bawat isa sa atin.
41:31.1
Huwag pong kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe. Maraming salamat po sa inyong lahat.
41:52.1
Sa Papatudod Stories, laging may karamay ka.
42:05.1
Mga problemang kaibigan, dito ay pakikinggan ka.
42:18.1
Sa Papatudod Stories, laging may karamay ka.
42:20.1
Sa Papatudod Stories, laging may karamay ka.
42:21.1
Dito ay pakikinggan ka.
42:22.1
Sa Papatudod Stories, kami ay iyong kasama.
42:31.1
Dito sa Papatudod Stories, ikaw ay hindi nag-iisa.
42:44.1
Dito sa Papatudod Stories, may nagmamahal sa'yo.
42:51.1
Papatudod Stories
43:02.1
Papatudod Stories
43:10.1
Papatudod Stories
43:19.1
Hello, mga ka-on-line!
43:20.1
Ako po ang inyong Siltongå—ore.
43:21.1
Papa Dudut. Huwag kalimutan na
43:23.3
mag-like, mag-share at mag-subscribe.
43:26.3
Pindutin ang notification bell
43:27.7
para mas maraming video
43:29.0
ang mapanoodin nyo. Maraming
43:31.4
maraming salamat po sa inyong walang sawang