02:07.3
Tawagin yun na lamang pala ako sa pangalang Ina.
02:12.6
Pero hindi ko naman pinangarap na magkaroon ng sariling horror story.
02:17.3
Kung bibigyan nga ako ng chance na may baguhin sa mga nangyari sa buhay ko,
02:24.0
hindi ko naman pinangarap na magkaroon ng sariling horror story.
02:24.9
🎵 Dito sa Papagdudud Stories 🎵
02:25.3
Ang akala ko dati hindi ako makaka-experience ng paranormal
02:30.9
dahil alam kong wala akong third eye at kahit ang partner kong si Donnie ay wala rin.
02:39.3
Kaya talagang nakakaloka lang na nagkaroon kami ng ganong experience sa sarili pa naming bahay kung saan alam namin na safe kaming dalawa.
02:48.8
🎵 Dito sa Papagdudud Stories 🎵
02:49.8
Nagkakilala kami ni Donnie noong parehas kaming college.
02:54.9
Same university ang pinasukan namin dati.
02:59.4
That time ay meron akong boyfriend pero nagpaparamdam na si Donnie sa akin.
03:05.1
Hindi ko siya pinapansin kasi in a relationship ako.
03:10.0
Pagkatapos ng college ay hindi ko inaasahan na makikita kami ni Donnie sa birthday party ng anak ng isa kong kaibigan.
03:18.7
Nagkataon kasi na yung husband ng friend ko ay kaibigan pala ni Donnie.
03:24.0
Dahil sa magkakilala kami ay naguusap kami.
03:29.0
Single na ako ng panahon na yun at yun agad ang itinanong ni Donnie sa akin.
03:34.7
Doon na nagsimula ang pag-uusap namin papadudut.
03:39.2
Tawagan sa phone, palitan ng text, messages at paminsa-minsan ay lumalabas kami.
03:47.1
Parehas kaming manonood sa sinihan kaya isa yun sa naging banding namin papadudut.
03:54.6
Sa totoo lang ay walang ligawan na nangyari sa amin at nang magtapad si Donnie ng nararamdaman niya para sa akin
04:01.3
ay inamin ko rin na mahal ko na rin siya.
04:06.0
And after 3 years ng relasyon namin ni Donnie ay nag-decide kami mag-leave ina.
04:12.2
Pero wala pa sa plano namin noon.
04:15.1
Ang magkaroon ng anak kasi ang plano namin ay magtrabaho at mag-ipon.
04:22.6
Para kapag gusto na namin mag-ipon,
04:23.9
para kapag gusto na namin magpakasal ay merong kaming budget para doon.
04:28.4
May sariling bahay si Donnie at doon na rin ako tumira.
04:33.0
Before kasi nangungupahan ako sa isang apartment.
04:37.2
Para na rin makatipid ako ay nag-offer si Donnie na magsama na kami sa bahay niya.
04:44.3
Simple lamang ang bahay ni Donnie.
04:46.9
Meron yung garahe na kasyang isang malaking sasakyan.
04:51.1
May dalawang kwarto sa itaas.
04:53.9
Nakatayo yun sa isang maganda at tahimik na subdivision.
04:58.7
Ngunit ang plano namin na huwag munang magkaroon ng anak ay hindi natupad.
05:03.9
Dahil sa magkasama kami sa isang bahay, naging mapusok kaming dalawa papadudot.
05:11.1
Nagbunga ang aming pagmamahala ni Donnie.
05:15.1
Nanganak ako sa isang baby girl na itatago ko na lamang sa pangalan na Ella.
05:20.9
Dahil sa nagdesisyon akong maging full-time mom,
05:23.9
ay tumigil ako sa pagtatrabaho.
05:27.8
Pero naghanap pa rin ako ng isang online job na pwede kong gawin sa bahay at hawak ko ang aking oras.
05:35.8
Para kahit papaano ay meron pa rin akong naidadagdag sa budget naming tatlo.
05:42.1
Isinantabi na rin muna namin ang pagpapakasal kahit na may isa na kaming anak dahil marami pa kaming bagay na dapat naunahin.
05:51.8
Alam naman namin sa sarili namin.
05:53.9
Alam namin na sigurado na kami sa isa't isa.
05:57.2
At darating din ang tamang panahon para makapagpakasal kami papadudot.
06:02.4
Ang importante ay naibibigay namin ang pangangailangan ng anak naming si Ella.
06:08.8
Sa totoo lang ay sobrang komportable na ako sa bahay ni Donnie.
06:14.7
Mababait ang kapitbahay namin at masasabi ko na kasundo namin silang lahat.
06:19.8
Tahimik ang lugar kaya nakakapagtrabaho ako ng maayos sa bahay.
06:24.7
Isa pa ay secured ang buong subdivision kaya wala akong nababalitaan na nagkakaroon doon ng nakawan o kung ano pang nakakatakot na krimen.
06:35.0
Sa lugar na yon ko na pinangarap na mabuhay kasama si Donnie at ang mga anak namin.
06:41.9
Nang maglimang taon na si Ella ay doon na namin na pag-usapan ni Donnie ang kasal.
06:47.5
Ang sabi ni Donnie oras na para mangyari ang wedding day namin.
06:51.8
Pinagplanuhan namin ang lahat papadudot.
06:56.0
Nakakatuwa kasi si Donnie mismo ang nagsabi sa akin na bagay ng bagay na yon.
07:02.6
Natagalan man at least ay mangyayari pa rin papadudot.
07:07.2
Ngunit hindi pa nga yata talaga time para maikasal kami.
07:12.1
Dahil habang nagpaplano kami ay ginulat ang buong mundo ng balita tungkol sa pagkalat ng COVID-19.
07:19.9
Nung una ay inakalat.
07:21.8
Ngunit hindi pa namin na sandali lamang yon.
07:24.3
Pero nang tumagal na ang lockdown ay natakot na kami ni Donnie.
07:29.2
Pakiramdam kasi namin ay wala na yung katapusan.
07:32.8
At habang buhay nang nakasuot ng face mask ang lahat ng tao kapag lalabas ng kanilang bahay.
07:41.1
Patuloy pa rin naman si Donnie sa pagtatrabaho niya.
07:45.0
Dobling nga lang ang pag-iingat niya dahil sa palagi siyang lumalabas at may kasama kaming bata sa aming bahay.
07:52.6
Kaya lang kahit na anong ingat namin ay tinamaan pa rin kami ng virus.
07:58.2
Lahat kami sa bahay kaming tatlo ay nag-positive sa COVID.
08:02.8
Mabuti na lamang at wala kaming malalang sintomas lalo na si Ella.
08:08.0
Nawalan lamang kami ng panlasa at pangamoy.
08:11.3
Dahil sa hindi grabe ang sintomas namin ay pinag-home quarantine na lamang kami.
08:18.2
Pagkatapos ng mahigit 2 weeks ay na-clear naman ang aming COVID-19.
08:21.8
Doon na nag-decide si Donnie na hindi pala talaga safe ang lumabas palagi ng bahay kaya nagpatulong siya sa akin
08:29.7
na maghanap ng work na pwede niyang gawin sa bahay kagaya ng ginagawa ko.
08:36.1
Dahil sa mabilis naman na maturuan si Donnie ay nagamay niya kagad ang trabaho na ginagawa ko.
08:43.9
Nakahanap kagad siya ng kliyente habang ako naman ay naghanap pa ng ibang client dahil kailangan naming kumayod ng husto.
08:52.8
Nag-resign na si Donnie sa regular job niya para sa bahay na lamang kami magtrabaho.
08:58.9
Kung lalabas man kami o isa sa amin ay para bumili na lamang ng mga importanteng bagay kagaya ng pagkain.
09:08.4
Hanggang isang araw ay kinausap ako ni Donnie tungkol sa isang bagay.
09:14.4
Love, ano kaya kung bumili tayo ng motor?
09:18.6
Para hindi na natin kailangan sumakay ng tricycle papunta sa palenggan.
09:21.8
Grabe kasing maningil ang ibang tricycle driver ngayon, ang sabi ni Donnie sa akin.
09:29.3
May budget pa ba tayo para bumili ng motor? Tanong ko.
09:33.5
Meron naman, pero gusto mo ba kung okay sa iyo eh magsimula na akong tumingin-tingin?
09:39.6
Tugon pa ni Donnie.
09:42.0
Sige maganda nga yan, makakatipid tayo kahit papaano in long run.
09:49.4
Nagsimula ng tumingin sa online si Donnie.
09:51.8
Donnie, pati ako ay tumingin-tingin na rin.
09:55.1
Hanggang sinapunta ako sa isang group ng mga riders at may isang post doon na akong nakita na binibenta niya ang motor niya.
10:03.1
Isang taon pa lang daw niyang nagagamit ang motorsiklo at wala itong issue.
10:08.2
Kailangan lang daw ng pera ng seller kaya niya yon binibenta.
10:12.5
Ang maganda pa ay hindi yon malayo sa lugar namin kaya madali at mabilis lamang na mapuntahan.
10:18.8
Ipinakita ko kagad kay Donnie ang post na yon dahil siya ang marunong tumingin ng motorsiklo.
10:26.4
May motor kasi siya dati pero ibinenta niya rin noong kinailangan niya ng pera para sa pagpapagamot ng isa niyang kapatid.
10:34.4
Ayon kay Donnie ay mukhang maayos pa ang motor.
10:37.8
Nagmessage kagad ako sa seller para sabihin na interesado kami sa binibenta niyang motor.
10:45.5
Papadudot hindi na namin tinawara ng presyo niya.
10:47.9
Dahil alam namin na pandemic at lahat ay kailangan ng pera.
10:52.7
Nagkasundo kami na bukas din ay pupunta si Donnie sa bahay ng seller para makita ng personal ang motorsiklo.
11:00.2
Inihanda namin ang pera upang kung sakali na magustuhan niyo ni Donnie ay magbabayad na kagad kami.
11:07.0
Nangako naman ng seller na kalahati munang ibabayad namin at kapag nalipat na ang pangalan namin sa motor ay isa ka lang namin ibibigay ang kalahati pa.
11:17.9
Kinabukasan ng umaga ay umalis na si Donnie.
11:22.3
Ako naman ay nagtrabaho na habang hinihintay siya sa bahay.
11:27.1
Hindi naman na masyadong alagayin si Ella at alam na niya na kapag nakaharap ako sa laptop ay nagtatrabaho ako.
11:35.3
Hindi niya ako iniistorbo at naglalaro lamang siya sa tabi ko o sa lugar kung saan ko siya nakikita.
11:43.0
Bandang tanghali ay nagtext sa akin si Donnie na pabalik na siya ng bahay.
11:48.8
Tinanong ko siya kung nabili na ba niya ang motor pero hindi na siya nag-reply sa akin.
11:55.0
Makalipas nga ang halos kalahating oras ay tumalon ang puso ko nang marinig kong may umuugong na motor sa tapat ng aming bahay.
12:05.3
Nagmamadali akong sumilip sa bintana at naging malaki ang aking ngiti nang makita ko si Donnie na sakay ng motor at kahit siya ay napangiti nang makita ko.
12:16.8
Ipinarada ni Donnie.
12:17.9
Ipinarada ni Donnie ang motor sa gilid ng bahay.
12:20.4
Pumasok siya sa may likurang pinto at dumiretsyo sa banyo namin upang maligo.
12:26.4
Ganoon na kasi ang nakaugalian namin noon kapag galing sa labas ang kahit na sino sa amin.
12:33.8
Dapat ay sa likod dadaan at malinigo muna bago lumapit sa aming anak na si Ella.
12:40.0
Hindi ko na maitago ang excitement na nararamdaman ko.
12:44.8
Gusto ko nang marinig ang kwento ni Donnie.
12:46.8
Mabinis lang na naligo si Donnie matapos niyang makapagbihis ay sa kanya sinabi sa akin na kinuha na nga niyang motor dahil nakita niya na okay na okay pa yon.
12:59.2
Totoo na walang sira o kahit na anumang isyo na pwedeng maging problema namin sa mga darating na araw.
13:05.6
Sinimulan na rin daw ng seller na mailipat ang pangalan noon sa pangalan ni Donnie at kukontakin na lamang kami kapag kailangan kami sa proseso.
13:14.8
ng paglipat ng motor.
13:16.8
Salamat naman at meron na tayong service. Masaya kong sabi.
13:24.6
Kaya nga love maswerte rin tayo kasi tayo ang nakabili ng motor na yon.
13:30.6
Hindi na tayo mahihirapan kapag pupunta tayo sa grocery o kaya ay sa palengke. Sambit naman ni Donnie.
13:38.0
Basta mag-iingat ka palagi kapag nagmumotor ka ha. Magsuot ka palagi ng helmet. Paalala ko kay Donnie.
13:46.8
Para sa amin ay hindi luho ang pagbili ng motor papadudot.
13:51.9
Sa panahon noon ay maganda din na may sarili kayong sasakyan para madali kayong makapunta sa mga gusto ninyong puntahan.
14:00.0
Lalo na sa mga grocery store at palengke.
14:03.1
In case of emergency din.
14:05.3
Kapag may hindi inaasahan na pangyayari ay madali lang ang magpunta sa ospital.
14:11.5
Pero sana'y huwag naman nyong mangyari.
14:15.2
Kahit second hand lang.
14:16.8
Ang motor na nabili namin ay walang problema yon sa amin papadudot.
14:21.3
Ayon kay Donnie ay maayos kausap yung dating may ari noon.
14:25.9
In good condition pa ang motor kaya kinuha na niya bago pa may ibang makauna sa amin.
14:32.4
Nakita rin daw ni Donnie ang sobrang pangangailangan sa pera ng seller.
14:38.0
Kaya sana raw ay nakatulong kami doon kahit napapaano.
14:42.4
Simula nang magkaroon kami ng motor ay si Donnie na ang palaging lumalabas.
14:47.3
Lalo na kapag kulang na kami ng stops.
14:50.6
Hindi kasi ako marunong magmotor at wala pa akong lesensya para magdrive noon.
14:56.0
Pero ang sabi ni Donnie dapat ay mag-aral din ako para makakuha ako ng lesensya.
15:01.4
Para hindi na rin siya ang palaging lumalabas at maganda rin daw na may driving skills ang isang tao.
15:08.6
Kaya kapag meron kaming free time ni Donnie ay tinuturuan niya ako.
15:13.3
Aaminin ko na nahihirapan akong matutunan na magdrive.
15:16.8
Kahit pa marunong ako magbisikleta.
15:22.2
Mas nahirapan akong magbalanse kaya natagalan din bago ako natutong gumamit noon.
15:28.4
Nung una ay magandang experience namin sa motor namin na yon.
15:32.7
Naging malaki ang tulong noon sa pang-araw-araw naming buhay at mga gawain.
15:38.4
Hindi na namin kailangan pang makipagtawaran sa ilang tricycle driver na sobrang taas maningil ng pamasahe.
15:46.8
Pero habang tumatagal, ay may kakaiba na yung dala sa amin ng aking pamilya.
15:53.2
Mga bagay na may kakambal na kababalaghan na nung una ay hindi namin pinapansin dahil akala namin ay normal lamang papadudot.
16:02.5
May mga bagay na may kakambal na kababalaghan na nung una ay hindi namin pinapansin dahil akala namin ay normal papadudot.
16:11.9
Gaya ng sinabi ko ay malaki ang tulong na ibinibigay sa amin ng motor na binili namin papadudot.
16:20.3
Normal namin nagagamit yun ng walang problema at aberya.
16:25.0
Kapag hindi namin yun ginagamit ay nakapark lamang yun sa may gilid ng aming bahay.
16:31.1
Wala pa kaming bakod at gate noon pero tiwala naman kami sa mga tao sa paligid namin.
16:39.2
Kasi meron ding ibang mga sasakyan na mga tao sa savaryo.
16:41.9
May mga division na yun na nakapark lamang sa labas ng kanilang bahay.
16:47.1
Pero walang nangyayari na hindi maganda sa mga sasakyan nila.
16:52.8
Isang umaga paalis noon si Donnie upang magpunta sa supermarket.
16:57.2
May ilang stocks kasi kami na kailangang bilhin doon.
17:00.7
Nang nasa labas na ng bahay si Donnie ay bigla niya akong tinawag.
17:04.5
Ang akala ko ay meron siyang nakalimutan pero may itinuturo siya sa akin sa motor namin.
17:13.4
May parang grasa uuling itong motor natin.
17:16.7
Nilinisan ko pa ito kagabi hindi ba?
17:19.1
Turan pa ni Donnie.
17:23.0
Paano naman nagkaroon ng ganyan yan?
17:25.7
Kahit ako ay nagtataka din.
17:28.3
Hindi kaya habang tulog tayo ay may nagdumi ng motor natin?
17:31.7
Tanong pa ni Donnie.
17:33.8
Wala naman siguro love.
17:35.6
Baka may maraming aso lang tapos kinuskos ang katawan dyan.
17:39.3
Wala namang tao na gagawa niya na taga rito.
17:44.4
Kumuha agad ako ng pamunas at ako ang nagpunas ng dumi sa motorsiklo.
17:49.7
Matapos noon ay umalis na si Donnie.
17:52.6
Hindi namin masyadong binigyan ng pansin ang bagay na yon.
17:56.3
Inisip ko na baka nga aso lamang ang may gawa ng dumi sa motor namin papadudot.
18:01.9
Dahil nga sa malaki ang tiwala ko sa mga tao na nakatira sa subdivision na yon ay wala akong pinaghinalaan kahit isa sa kanila papadudot.
18:10.3
Sakto na lunchtime.
18:11.9
Nang makabalik si Donnie.
18:14.0
Ang akala ko ay nawala na sa isipan niya ang nangyari sa motor namin pero sa gitna ng aming pagkain ay muli niyang nabanggit yon.
18:22.7
Hindi raw dapat na ipagsawalang bahala lamang ang bagay na yon.
18:27.2
Dahil baka maulit.
18:29.0
Baka raw merong nagtitrip sa amin at pinagdidiskitahan ang aming motor.
18:34.8
Sa tingin ko yung wala naman.
18:37.0
Wala tayong kagalit dito sa lugar na to.
18:42.6
May kutog talaga ako na hindi aso o kung anong hayop ang may gawa nun kundi isang tao.
18:47.5
Ang sabi pa ni Donnie.
18:49.8
Okay sige sabihin na natin yung tao nga ang may gawa pero sino.
18:54.2
Magbigay ka ng pwedeng gumawa nun.
18:57.2
Hamon ko kay Donnie.
19:00.3
Hindi nakapagsalita si Donnie sa mga sinabi ko papadudot.
19:04.3
Sinabi ko na huwag niyang pag-isipan ng hindi maganda ang mga taong nakapaligid sa amin.
19:09.9
Kaya ang aking paniniwala na wala kaming ginawang masama o hindi maganda sa mga kapitbahay namin para may gumawa ng ganon sa aming motor.
19:19.6
Sinabi ko rin kay Donnie na huwag na siyang mag-overthink.
19:23.8
Kapag naulit ang bagay na yon ay saka na kami umaksyon.
19:28.7
Isang gabi ay hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog.
19:32.8
Naghihilik na si Donnie sa tabi ko pero ako ay gising na gising pa rin.
19:37.7
Kahit na anong posisyon ang gawin ko.
19:39.9
Nagkakahinga ko ay hindi ko mahuli ang antok ko papadudot.
19:44.9
Hanggang sa naramdaman ko na kailangan kong gumamit ng banyo.
19:50.1
Sakto na pagbaba ko ng hagnanan ay meron akong narinig na kumakatok sa main door.
19:57.7
Nagtaka ko kasi wala akong naisip na pwedeng bumisita sa amin ang ganong oras.
20:03.0
Ang launa na kasi noon ang madaling araw.
20:05.9
Naulit ang pagkatok at sa pagkakataon na yon.
20:08.6
Ay mas malakas na.
20:11.6
At tatlong beses pa.
20:14.4
Hindi ko alam kung bakit hindi ko naisip na gisingin si Donnie ng time na yon papadudot.
20:20.8
Nawala na sa isipan ko na mas safe kung gigisingin ko sana siya.
20:25.0
Pero mag-isa akong lumapit sa pinto at idinikit ko paroon ng aking isang tenga.
20:30.0
Umaasa ako na mauulit ang pagkatok pero lagpas na sigur ng isang minuto.
20:34.3
Sa ganong posisyon ay hindi na naulit.
20:38.6
Yung pagkatok papadudot.
20:41.2
Dahil sa tingin ko ay umalis na kung sino man nang kumatok ay naisipan kong buksan ang pinto para sumilip.
20:48.4
Sa pagbukas ko ng pinto ay sumilip ako.
20:52.3
Nagulat ako kasi meron akong nakitang isang lalaki na napakormi ng suot na damit at pati ang buong katawan niya ay sobrang dumi.
21:00.7
Papunta siya sa gilid ng bahay namin kung saan naroon ang aming motor.
21:06.5
Sisigaw sana ako pero naisip ko.
21:08.6
At naisip ko na baka biglang tumakbo ang taong yon.
21:12.1
Doon ko na rin na-realize na mukhang tama nga ang hinala ni Donnie na tao ang may kagagawan.
21:17.6
Kung bakit nagkaroon ng dumi ang motorsiklo namin.
21:21.6
Tahimik akong bumalik sa kwarto sa itaas.
21:25.0
Nagdasal ako na sana ay maabutan pa namin ang taong yon sa labas ng aming bahay.
21:31.8
Ginising ko si Donnie at sumenyas ako sa kanya na huwag siyang maingay.
21:36.0
Sinabi ko sa kanya na meron akong nakitang lalaki na nagpunta sa may motor namin.
21:42.0
Agad na kumuha ng baseball bat si Donnie habang ako naman ay nakasunod lamang sa likod niya.
21:49.0
Tahimik kaming lumabas ng bahay at pagpunta namin sa aming motor.
21:54.0
Ay wala kaming nakitang tao doon papadudut.
21:57.0
Pero may dumi na naman ang motor kagaya ng nakita namin noong una.
22:02.0
Bumalik na rin kami ni Donnie sa loob ng bahay ng masiguran.
22:06.0
Sigurado namin na wala na yung lalaki sa paligid.
22:10.0
Sigurado ka ba sa nakita mo?
22:12.0
Tanong ni Donnie sa akin.
22:14.0
Sure na sure ako.
22:17.0
Lalaki siya siguro ay kasing taas ko lang siya tapos ang dumi dumi niya para siyang taong grasa.
22:26.0
Taong grasa? May nakapasok na ganun dito sa subdivision?
22:30.0
Hindi makapaniwalang turan pa ni Donnie.
22:33.0
Malamang meron na.
22:34.0
Nakita ko nga hindi ba ang sabi ko.
22:38.0
Nag decide kami ni Donnie na bukas ng umaga ipapaalam namin sa mga guard ang bagay na yon.
22:44.0
Naisipan din namin na mag order ng CCTV camera sa isang online shop para kahit papaano ay mamomonitor namin ang mga taong lumalapit sa aming bahay.
22:54.0
Maganda rin kasi na kung babalik ang taong grasa na yon ay meron kaming ebedensya na siya talagang naglagay ng dumi sa aming motorsiklo.
23:02.0
Kinabukasan pagkagising namin ni Donnie ay sinabi na agad ni Donnie sa security guard ang mga nangyari.
23:11.0
Ayon sa guard ng subdivision ay imposible na merong makapasok na taong grasa sa subdivision.
23:18.0
Mahikpit daw sila at wala daw ibang mapapasukan ng mga tao kundi sa mismong gate lamang ng subdivision.
23:27.0
Sinabi rin ang security guard kay Donnie na hindi sila natutulog sa gabi.
23:32.0
Kaya wala raw talagang pwedeng makalusot na makakapasok doon.
23:37.0
Pero huwag daw kaming mag-alala dahil hihigpitan daw nila lalo na ang security sa buong subdivision lalo na kapag gabi.
23:48.0
Simula nang makita ko ang taong grasa na yon ay gabi-gabi na ako nagkakaroon ng takot papadudot.
23:54.0
Kung minsan pa nga ay hindi ako nakakatulog ng maayos.
23:58.0
Kaunting kaluskos lang ay nagigising na kagad ako.
24:02.0
At pinapacheck ko kay Donnie kung meron bang tao sa labas ng aming bahay.
24:08.0
Parang nawala na ako ng peace of mind sa sarili naming bahay kahit na hindi na nga kami masyadong lumalabas dahil sa pandemic.
24:17.0
Hindi naman sa takot ako sa mga taong grasa o sa mga pulube.
24:22.0
Natatakot ako sa maaaring gawin ang taong grasa na yon sa amin lalo na sa anak ko.
24:28.0
Bilang isang ina,
24:29.0
priority ko ang kaligtasan ng aking anak.
24:33.0
Mabuti na lang at wala pang masyadong muwang noon si Ella kaya wala pa siyang malay sa mga nangyayari.
24:40.0
Siguro ay isang buwan na.
24:43.0
Hindi na lang namin pinag-usapan ni Donnie ang bagay na yon sa harapan ng aming anak.
24:50.0
Siguro ay isang buwan na ang lumipas simula nang mangyari yon.
24:54.0
Hindi na na ulit na nagkita kami
24:56.0
ng taong grasa sa labas ng aming bahay.
25:00.0
Kahit pa paano ay nakakampante na ako.
25:03.0
Naisipan ko na baka nakalis na sa subdivision namin ang taong grasa na yon.
25:07.0
Nagtanong-tanong din ako sa mga kapitbahay namin kung meron ba silang nakitang taong grasa doon.
25:14.0
Pero ayon sa kanila ay wala naman daw.
25:17.0
Unti-unti nang bumalik sa normalang lahat sa akin papadudod.
25:22.0
Nagagawa ko ng makatulog ng maayos tuwing gabi.
25:26.0
Isang umaga habang nagwawalis ako sa harapan ng aming bahay ay tinawag ako ng kapitbahay namin na si Sally.
25:34.0
Kilala siya sa subdivision namin bilang Marites.
25:38.0
Dahil kahit na pandemic ay alam niya pa rin ang mga latest na chismis.
25:42.0
Alam ko na kapag tinawag niya ako ay meron siyang ichichismis sa akin.
25:47.0
Ay na, alam mo na ba yon nangyari sa kabilang block?
25:52.0
Tanong ni Sally sa akin.
25:54.0
Hindi pa bakit, anong nangyari?
25:56.0
Curious kong tanong.
25:58.0
Abay yung bike ng anak ni Elena nanakaw.
26:01.0
May magnanakaw pala dito sa lugar natin.
26:04.0
Naiiling na sabi ni Sally.
26:11.0
Nakalagay kasi sa labas ng bahay nila.
26:13.0
Tiwala naman daw kasi sila na matagal nang nasa labas ang bike pero kagabi ay biglang nawala.
26:19.0
Kaya yung motor ninyo ha ilagay mo yan sa loob ng bahay ninyo.
26:23.0
Baka bukas pagising ninyo ay wala na rin yan.
26:26.0
Paalala pa ni Sally.
26:28.0
Nang dahil sa mga nalaman ko na yon kay Sally ay natakot ako na baka manakaw ang motor namin papadudot.
26:37.0
Kaya sinabi ko kaagad yon kay Donnie at nagkasundo kami na tuwing gabi ay ipapasok namin sa aming sala ang motor para hindi yon maging mainit sa mata ng mga magnanakaw.
26:48.0
Mas mabuti na rin kasi ang magingat kesa sa magsisi kaming dalawa sa bandang huli.
26:53.0
Kaya bandang alas 6 ng gabi ay ipinasok na namin ang motor sa aming sala papadudot.
27:00.0
Nasa gilid yon at mabuti na lamang at kahit papaano ay hindi marami ang gamit namin sa sala kaya hindi yon nagmukhang masikip.
27:09.0
Simula nang magkaroon ng pandemic ay nasanay na kami na matulog ng maaga.
27:15.0
Lalo na at parehas na sa umaga hanggang hapon lamang ang trabaho namin ni Donnie.
27:21.0
Nagpapanggabi rin kami pero sobrang bibihira lamang.
27:26.0
Sa gabing yon alas 10 pa lamang ay tulog na kami ni Donnie, nasa gitna namin si Ella.
27:32.0
May sarili na siyang kwarto pero hindi pa siya sanay na matulog doon ng mag-isa.
27:38.0
Saka mas gusto rin namin nakatabi ang anak namin sa pagtulog dahil sinasamantalan namin ni Donnie ang mga araw na gusto pa niya kaming katabi sa gabi.
27:48.0
Panegurado na kapag naging teenager na siya.
27:51.0
Ay hindi na niya yon gagawin.
27:54.0
Sa gitna ng pagtulog ko ay bigla akong ginising ni Donnie.
28:00.0
Nasilaw ako kasi nakabukas ang ilaw sa kwarto.
28:04.0
Agad na sume niya si Donnie sa akin na huwag akong maingay.
28:08.0
Bakit? Tanong ko na may kasamang pagtataka.
28:12.0
Parang may tao sa iba ba? May narinig akong naglalakad? Pabulong na sabi pa ni Donnie.
28:20.0
Paano may ibang tao dito nakalak lahat ng pinto at bintana?
28:27.0
Basta pakinggan mo lang ang sabi pa ni Donnie.
28:31.0
Nakiramdam ako at pinakinggan ko ng mabuti ang paligid pero wala akong narinig na naglalakad sa ibaba o sa kung saang parte ng bahay namin.
28:41.0
Sinabi ko kay Donnie na wala naman pero ano iya? Ay meron talaga siyang narinig.
28:47.0
Hindi ko alam kung bakit wala akong narinig kahit na naglilinis naman ako ng tenga.
28:54.0
Sinabi ni Donnie na bababa siya para i-check ang bahay at makasigurado kami na walang ibang tao doon.
29:01.0
Bigla akong kinabahan nang kunin ni Donnie ang baseball bat.
29:05.0
Ibig sabihin ay hindi joke joke yun at talagang seryoso siya.
29:10.0
Isa pa ay hindi rin naman siguro ako gigisingin ni Donnie kung wala lang o naglolo ko lamang siya.
29:16.0
Dito ka na lang ha. May number ka naman ng guard. Kapag naninig mo akong sumigaw, tumawag ka kagad sa kanila.
29:25.0
Ilak mo rin tong pinto ng kwarto. Huwag na huwag kayong lalabas ni Ella. Ang sabi ni Donnie sa akin bago siya lumabas ng aming kwarto.
29:35.0
Okay pero magingat ka ha. Tandaan mo may anak tayo. Kinakabahan kong sabi sa aking asawa.
29:42.0
Nang wala na si Donnie sa kwarto namin ay hindi ako mapakali. Nag-aalala ako sa kanya.
29:50.0
Papaano kung meron ngang nakapasok na ibang tao sa bahay papadudut? Paano kung magnanakaw sila? Paano kung hindi lang pagnanakaw ang balak nila?
30:01.0
Nag-overthink na ako ng malala ng sandaling yon at nagdasal ako na sana ay maging ligtas kami ng pamilya ko ng gabing yon.
30:09.0
Pagdadasal lamang ang tanging naisipan ko.
30:12.0
Pero sana nagkamali lamang si Donnie nang narinig niya.
30:16.0
Halos limang minuto na akong naghihintay kay Donnie sa kwarto.
30:21.0
Hindi pa rin siya bumabalik at hindi ko siya narinig na sumigaw. Kaya hindi pa ako tumatawag sa guard ng subdivision.
30:29.0
Pero hawak ko na ang cellphone ko at nakaredy na ang numero ng guard. Para kapag sumigaw na si Donnie ay mabilis akong makakatawag ng tulong.
30:39.0
Inip na inip na ako at halos lamuni na ako sa kanya.
30:42.0
Pagdadasal lang ako ng takot at kaba. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko papadudot. Hanggang sa hindi na ako nakatiis.
30:51.0
Gusto ko nang malaman kung anong nangyari kay Donnie kaya kahit sinabi niya sa akin na huwag akong lalabas ng kwarto ay lumabas pa rin ako.
31:01.0
Nahandahan akong buhaba ng hagdanan at lahat ng ilaw sa ibaba ay nakabukas na.
31:07.0
Nagulat ako nang may nakita akong bakas ng mga paa sa sahig sa sala.
31:12.0
Yung bakas niya ay hindi ko maintindihan kung putik o kung ano.
31:16.0
Tapos ay ang baho pa ng buong bahay namin. Parang bulok na karne na malansa na hindi ko maintindihan kung ano papadudot.
31:26.0
Tinawag ko ang pangalan ni Donnie pero hindi siya sumagot.
31:30.0
Nagtaka ako kasi nang mapunta ako sa kusina ay nakabukas ang backdoor. Kahit natatakot ako ay pumunta ako sa nakabukas na pinto dahil ang hinala ko ay lumabas si Donnie.
31:42.0
Pero nang palabas na ako ay siya namang pagsalubong ni Donnie sakin. Napasigaw ako sa sobrang gulat.
31:50.0
Ano ka ba? Aatakihin ako sa puso sayo eh. Bakit nasa labas ka? Turan ko.
31:57.0
Wala kasi akong nakita sa loob ng bahay natin. Baka kasi nasa labas. Sagot pa ni Donnie.
32:04.0
Ayon kay Donnie ay inikot niya ang buong bahay kaya natagalan siya pero wala siyang nakitang ibang tao.
32:10.0
Wala rin siyang nakitang sign na may nakapasok doon. Pero nagtataka siya kasi may bakas ng mga paa sa sala.
32:19.0
Kaya lumabas siya ng bahay para pati roon ay magcheck pero wala siyang nakita papadudot.
32:26.0
Sinukat namin yung bakas ng paa sa may sala pero walang nagmatch sa sukat ng paa namin ni Donnie.
32:32.0
Imposible rin na kay Ella yon kasi masyadong malaki yung bakas.
32:37.0
Sa pagkakataon na yon ay alam naming seryoso na.
32:40.0
Ang mga nangyayari.
32:42.0
Nakakapagtaka na kung walang nakapasok na ibang tao sa aming bahay ay bakit nagkaroon ng bakas ng paa doon.
32:50.0
Isa pa ay nakapagtataka rin yung mabahong amoy sa loob ng aming bahay.
32:55.0
Kaya hindi kami kaagad nakabalik ni Donnie sa pagtulog.
33:00.0
Nilinis muna namin yung bakas ng paa at nagspray na rin kami ng air freshener.
33:05.0
Nang makabalik na kami sa aming kwarto ay yon pa rin ang topic namin sa aming kwentuhan.
33:11.0
Inamin ko kay Donnie na dahil sa mga nangyayari na mahirap bigyan ng explanation ay natatakot na ako sa sarili naming bahay.
33:19.0
Nangako naman si Donnie na gagawin niya ang lahat upang maging safe kaming lahat sa bahay namin.
33:25.0
Kinabukasan ay bumili si Donnie ng mga ekstra na lock para sa pinto.
33:30.0
Siya na rin ang nagkabit noon dahil marunong naman siya sa mga ganong gawain.
33:36.0
May report na rin niya ang nangyari sa guard ng subdivision.
33:40.0
Nang sumunod na araw ay dumating na ang mga CCTV na inorder namin.
33:45.0
May dalawa kaming ikinabit sa labas ng bahay at isa sa may sala.
33:51.0
Maganda rin na may ganon kami para namomonitor namin o nakikita ang mga nangyayari sa aming bahay.
33:58.0
Naging normal naman ang ilang mga araw at gabi na lumipas papadudot.
34:04.0
Pero hindi nawala yung takot ko na baka maulit na naman
34:07.0
ang nangyari na hindi namin maipaliwanag.
34:12.0
Isang araw ay nagkausap na naman kami ni Sally at hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.
34:19.0
Ang sabi kasi ni Sally ay meron siyang nakitang lalaki na umiikot sa bahay namin.
34:25.0
Kinilabutan ako ng sabihin ni Sally na para daw taong grasa yon.
34:30.0
Parang taong graseng lalaki kasi marumi ang katawan nito at mga damit.
34:35.0
Hindi nga lang daw siya namukhaan kasi madilim.
34:39.0
Kinilabutan ako ng sabihin ni Sally na para daw taong grasa yon.
34:44.0
Kasi marumi ang katawan nito at ang damit.
34:48.0
Hindi nga lang daw niya mamukhaan kasi madilim sa parteng nakita niya ang lalaki.
34:54.0
Sigurado ka ba sa mga nakita mo?
34:57.0
Kasi may nakita rin akong taong grasa dati pa sa labas ng bahay namin.
35:01.0
Tapos bigla siyang nawala.
35:03.0
Ang sabi naman ng guardian,
35:04.0
hindi imposible raw kasi walang ibang nakakapasok dito sa ate na hindi niya kakilala.
35:10.0
Turan ko kay Sally.
35:13.0
Naku yung mga guard na yan eh.
35:15.0
Sinasabi lang nila yon para isipin mo na safe pa rin dito at mahigpit ang security nila.
35:21.0
Pero sure talaga ako sa nakita ko.
35:24.0
May taong grasa talaga na umiikot sa bahay ninyo.
35:27.0
Ang sabi pa ni Sally.
35:30.0
Alam ko na tsismosa si Sally pero sa pagkakataon na yon.
35:34.0
Ay naramdaman kong nagsasabi siya ng totoo papadudot.
35:38.0
Wala rin akong nakikitang dahilan niya para magsinungaling siya sa akin ang time na yon.
35:44.0
Kaya sinabi ko kaagad kay Donnie ang sinabi sa akin ni Sally.
35:49.0
Ang ginawa namin ay check namin ang CCTV footage noong nakaraang gabi.
35:54.0
Matsaga naming pinanood yon ni Donnie.
35:57.0
Sumakit na lamang ang mata namin pero wala kaming nakitang taong grasa na umiikot sa bahay namin ang gabing yon.
36:04.0
Bakit ka kasi naniniwala sa sinasabi ni Sally?
36:08.0
Kilala mo naman yon hindi ba?
36:10.0
Hindi ba nabaranggay na siya last year kasi nakakalit siya ng hindi totoong kwento?
36:16.0
Ang sabi pa ni Donnie.
36:18.0
Pero parang siguradong sigurado yung sasali sa kwento niya eh.
36:22.0
Sa tingin ko ay nagsasabi siya ng totoo ang sabi ko.
36:26.0
Pero nakita naman natin sa CCTV na walang taong grasa na umiikot sa labas ng bahay.
36:31.0
Anong papaniwalaan mo? Yung CCTV o yung sinasabi ni Sally?
36:36.0
Tanong pa ni Donnie.
36:38.0
Hindi na ako nakapagsalita pa sa tanong na yon ni Donnie.
36:42.0
Naisip ko na merong punto ang sinabi niya.
36:45.0
Naisip ko na hindi dapat ako naniwala kaagad sa sinabi ni Sally dahil mas lalo lamang nadagdaga noon ang aking takot na nararamdaman ng panahon na yon.
36:56.0
Isiniksiko sa aking isipan na gawa gawa lamang ang kwento ni Sally tungkol sa taong grasa na nakita niya.
37:05.0
Ang nakapagtataka lamang ay kung gawa gawa lamang ni Sally ang kwentong yon ay bakit parang tumugma.
37:11.0
Ang taong grasa na nakita niya sa taong grasa na nakita ko noon sa labas ng aming bahay.
37:17.0
Ganun pa man dahil sa sinabi ni Donnie na huwag akong maniwala sa kwento ni Sally,
37:22.0
sapagat magdadagdag lamang yon ang takot ko ay hindi na lamang ako naniwala kay Sally.
37:29.0
Inisip ko na sadyang nagkataon lamang ang lahat.
37:33.0
Siguro'y narinig ni Sally na pinag-uusapan namin dati ni Donnie yung tungkol sa taong grasa o baka naikwento sa kanya ng guard na napagsumbungan namin.
37:43.0
Nasanay na rin kami noon na palaging nasa loob ng bahay namin ang motor kapag gabi.
37:49.0
Kahit medyo matagal na yong may nanakawan ng bisikleta,
37:52.0
sa kabilang block ay hindi pa rin nawala sa amin ni Donnie na baka isang gabi ay sumalakay ang magnanakaw at machempuhan ng aming motor.
38:00.0
Kumbaga ay nag-iingat lamang kaming mag-asawa.
38:03.0
Pero hindi ko akalain na darating ang araw na papaniwalaan namin ang kwentong yon ni Sally
38:09.0
habang tumatagal kasi ay palala ng palala ang kababalaghan na nangyayari sa aming bahay papadudod.
38:16.0
Gabi noon at nasa loob ng sala ang motor.
38:20.0
Medyo maaga pa at kakatapos lamang namin na maghaponan.
38:25.0
Nakaupo kaming tatlo sa sofa habang nanonood ng pelikula.
38:29.0
Nasa gilid si Ella sa tabi ko papadudod.
38:32.0
Maya-maya ay napansin ko na hindi na TV nakafokus ang mata ni Ella kundi doon na sa motorsiklo.
38:40.0
Hindi ko yon pinapansin noong una pero nakuhang muli ni Ella ang atensyon ko na meron siyang itinuro sa akin sa motorsiklo.
38:47.0
Ang akala ko ay gustong sumakay ni Ella sa motor kaya sinabi ko sa kanya na bukas na lamang siya sasakay doon kasama ang daddy niya.
38:57.0
Pero ang sumunod na sinabi ni Ella ang talagang nagbigay ng takot sa amin.
39:03.0
Ang sabi ni Ella ay kawawa raw yung lalaki sa may motor.
39:08.0
Tinanong din ni Ella kung bakit ang dumi raw ng lalaki.
39:12.0
Paliguan daw namin at bigyan ng bagong damit.
39:14.0
Nagtaasa ng balahibo ko sa mga braso ko papadudod.
39:19.0
Nagkatingin ang kami ni Donnie at alam ko na parehas kami ng tumatakbo sa utak kahit na hindi kami nagsasalita.
39:27.0
Sinabi ko kay Ella na sa kwarto na lamang kaming dalawa para maalis siya roon.
39:33.0
Ramdam ko kasi na merong nakikita si Ella na hindi namin nakikita ng asawa ko.
39:40.0
Pero kahit nasa kwarto na kami ay patuloy pa rin si Ella sa pagsasalita.
39:44.0
Tungkol sa maraming lalaki na nakita niya sa motor.
39:48.0
Hanggang sa nainis na ako at sinabi ko na hindi totoo ang nakita niya at gawa lamang iyon ng imahinasyon niya.
39:56.0
Napag-usapan namin ni Donnie ang tungkol sa bagay na iyon at ang sabi ko ay baka merong nagmumulto sa bahay namin na isang taong grasa.
40:05.0
Kahit si Donnie ay ganun din ang naiisip papadudod.
40:08.0
Iyon ay dahil sa napagdugtong-dugtong namin ang mga nangyari.
40:14.0
Mula sa taong grasa na nakita ko at sa sinabi ni Ella.
40:19.0
Kahit yung sinabi ni Sally na nakita niyang taong grasa ay pinaniwalaan na rin namin.
40:26.0
Naisip namin na baka kaya wala kaming nakita sa footage ng CCTV ay dahil sa multo ang taong grasa na iyon.
40:34.0
Nakakatakot papadudod.
40:36.0
Lalo na at wala kaming ideya kung paanong nagkaroon ng ganung entity ang aming bahay.
40:41.0
Ayon kay Donnie wala naman siyang nararamdaman na kababalaghan kahit pa noong mag-isa pa lamang siya na nakatira sa bahay na iyon.
40:50.0
Ako rin naman noong mga unang buwan na naroon ay wala rin nararamdaman na kakaiba.
40:56.0
Nagsimula na rin makita ni Ella ang taong grasa sa bahay namin.
41:01.0
Bigla niyang sasabihin na may maruming lalaki sa bahay namin hanggang sa may isang beses na bigla siyang umiyak dahil ang sabi niya ay nakakatakot na siya.
41:11.0
Awang-awa ako noon kay Ella dahil wala akong magawa sa mga nangyayari.
41:17.0
Wala akong alam sa ganung bagay papadudod.
41:21.0
Hanggang sa bumisita sa amin ang isa sa mga kapatid na babae ni Donnie na si Ate Gina.
41:28.0
Hindi ko alam na meron pala siyang third eye si Ate Gina at si Nadia ni Donnie na papuntahin sa bahay ang kapatid niya upang magkaroon ng kasagutan ng mga gumugulo sa amin.
41:38.0
Walang sinabi na kung anong detalya si Donnie.
41:41.0
Ang sinabi lang ni Donnie ay parang merong nagpaparamdam na multo sa bahay namin.
41:49.0
Pagpasok pa lamang ni Ate Gina ay sinabi niya na mabigat na kaagad ang pakiramdam niya sa bahay namin.
41:56.0
Tinanong niya kung saan at kailan namin nabili ang motor na nasa labas ng aming bahay.
42:01.0
Si Donnie ang sumagot ng tanong na iyon.
42:04.0
Ayon kay Ate Gina ay meron siyang nakitang kaluluwa na malakas ang kapit sa motor na iyon.
42:09.0
Dinescribe niya ang lalaki bilang madumiang katawan at damit.
42:15.0
Kung titignan daw ay taong grasa iyon. Doon na namin kinuwento sa kanya ang mga kababalaghanan ang nangyari sa nakalipas na buwan.
42:24.0
Hindi raw malaman ni Ate Gina kung bakit nakakapit ang kaluluwa ng lalaking iyon sa motor dahil nakakakita lamang siya at ayaw niyang makipag-usap sa mga kaluluwa.
42:35.0
Pero pinayuhan niya kami na ipables ang motor na hindi pa namin nagagawa ng panahon na iyon.
42:43.0
Sinunod namin ang payo ni Ate Gina at inasikaso ka agad namin ang pagpapables ng motor at simulan ang gawin namin iyon.
42:51.0
Ay natigil na ang pagpaparamdam at pagpapakita ng lalaking iyon sa aming bahay Papa Dudut.
42:58.0
Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming ideya kung bakit may kaluluwa ng isang parang taong grasa ang nasa motor.
43:06.0
Pero ganun pa man ay nagpapasalamat kami kay Ate Gina dahil siyang nagbigay sa amin ang dapat naming gawin.
43:13.0
At syempre sa Diyos dahil hindi niya kami pinabayaan at hindi niya hinayaan na may mapahamak sa aking pamilya.
43:22.0
Lubos na gumagalang ay na.
43:29.0
Palagi po tayong mag-iingat sa mga bagay na dinadala natin sa ating tahanan.
43:35.0
Kung wala tayong alam sa history ng bagay na iyon ay mas makakabuti na huwag na lang natin itong kunin at ipasok sa loob ng ating pamamahay.
43:49.0
Mahirap mang paniwalaan ngunit sadyang may mga bagay na merong nakakapit na hindi magandang enerhiya na pwedeng magdala ng takot sa atin sa mga kasama natin sa ating bahay.
44:02.0
Ang pagdarasal at pananampalataya sa ating Panginoon.
44:06.0
Ang maaari nating gawin sa ganitong klase na mga sitwasyon.
44:10.0
At kung may nararamdaman ka ng kakaiba sa iyong tahanan ay huwag magdalawang isip na humingi ng tulong sa mga marurunong at eksperto pagdating sa mga ganitong klase na mga problema.
44:23.0
Hanggang sumuli ako po ang inyong si Papa Dudot. Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe. Maraming salamat po sa inyong lahat.
44:32.0
Ang buhay ay mahihwaga. Laging may lungkot at saya.
44:56.0
Sa Papa Dudot Stories.
45:02.0
Laging may karamay ka.
45:11.0
Mga problemang kaibigan.
45:17.0
Dito ay pakikinggan ka.
45:24.0
Sa Papa Dudot Stories.
45:28.0
Kami ay iyong kasama.
45:32.0
Dito sa Papa Dudot Stories. Ikaw ay hindi nag-iisa.
45:48.0
Dito sa Papa Dudot Stories. May nagmamahal sa iyo.
46:00.0
Papa Dudot Stories.
46:07.0
Papa Dudot Stories.
46:14.0
Papa Dudot Stories.
46:22.0
Hello mga ka-online. Ako po ang inyong si Papa Dudot. Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
46:29.0
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanood din nyo.
46:34.0
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala.