Paanong Tinalo ni Lapulapu ang mga Kastila? | Battle of Mactan
00:45.9
Kaya naman, huwag kalimutan mag-subscribe at i-on ang notifications para sa kagadang kaalaman tungkol sa ating mga mayan, tungkol sa Pilipinas, Timog Silang Asia at marami pang iba.
00:55.4
At ngayong araw nga ay tutuklasin natin ang mga pagyayari sa Battle of Mactan noong 1521.
01:00.0
Paano nga bang nanalo si Lapu-Lapu at ang mga Bisaya laban sa mga Kastila na pinangunahan ni Magellan?
01:06.6
Sa pagbukhang liwayway noong April 27, 1521 ay nagmistulang entablado ang dalampasigan ng Mactan, saksi sa isang di malilimutang yugto ng ating kasaysayan.
01:16.3
Sa ilalim na mahinahong sinag ng araw ay nagigtinga ng tapang ni Lapu-Lapu at ang kanyang mga mandirigmang Bisaya laban kina Magellan at ang mga Kastilang Mananakop.
01:25.3
Isang maikling ngunit makasaysayang labanan ang naganap.
01:30.0
Ang paglalayag ni Magellan patungo sa ating kapuloan ay hindi lamang bunga ng hangaring pagduklas ng mga bagong ruta patungong Spice Islands.
01:40.7
Layunin din ito ang pagpapalawak ng Imperyong Espanyol sa pamamagitan ng digmaan, diplomasya at ang pagpapalaganap ng Kristyanismo.
01:48.8
Kaya naman ang makarating sinang Magellan sa kabisayaan noong 1521 ay mabilis niyang ginamit ang iba't ibang paraan upang makipag-ugnayan at makipag-alyansa sa mga Bisaya.
01:59.1
At sa kabilang bada naman ay naroon din noon si Raja Humabon ng Cebu o ang Hari ng Subu na may sarili ding adhikain laban sa kanyang mga kaaway at karibal.
02:08.5
Kabilang na ang kanyang bayaw na si Dato Lapu-Lapu ng Mactan.
02:12.2
Nais ring samantalahin ni Raja Humabon ang pwersa ng mga Kastila upang mapalakas ang kanyang posesyon bilang pangunahing hari sa kabisayaan.
02:21.6
Subalit hindi lahat ay nagpasilaw sa pwersa ng mga Kastila.
02:25.4
Si Dato Lapu-Lapu ng Mactan ay hindi natinag.
02:29.1
At hindi rin siya yumukod sa mga dayuhan.
02:31.9
Sa kanyang pagtanggi siya ay naging simbolo ng paglaban sa banta ng kolonyalismo.
02:36.5
Kaya naman sa harap ng labanan na mayani ang katalinuhan ni Lapu-Lapu at ang kagitinga ng kanyang mga mandirigma.
02:42.6
Bagamat sandali lamang ito ni wala man lang isang oras,
02:45.8
ang labanan sa Mactan ay sumasalamin sa diwa ng kahalagahan ng pakikipaglaban para sa ating sariling kalayaan at sariling kultura.
02:54.1
Ito'y paalala sa atin ng kahalagahan ng pagkilala at pagpapahalaga
02:58.1
sa ating kasaysayan at ng lakas na maaari nating hugutin mula rito, mula sa ating ugat na pinagmulan.
03:06.4
Gamit ang pwersa ng limampu o sinkwentang katao lamang ay binuon ni Madjela ng isang direktang pagsalakay sa Mactan.
03:13.9
At ang kanyang kumpiyansa sa sarili ay kasing lawak ng mga dagat na kanyang nilayag.
03:18.6
Sa katunayan ay binaliwala ni Madjela ng mga payo ng kanyang mga kaalyado.
03:23.0
Gaya ni Raja Humabo ng Cebu na nag-alok kay Madjela ng tulong ng mga mandirigma.
03:29.0
Pero para kay Madjela na ay malinaw ang kanyang estrategiya o strategy.
03:33.5
Ito'y isang harapang pag-atake na may suporta na makapangyarihang lakas na mga kanyon mula sa kanilang mga barko.
03:40.9
Isang patunay sa kanyang paniniwala na mas mananaig ang lakas at teknolohiyang militar ng Europa.
03:47.8
Sa madaling salita ay sa kabila ng mga babala ng kanyang mga kaalyado,
03:51.3
ay pinili pa rin ni Madjela na maliitin ang pwersa at kagitinga ng mga katutubo sa Mactan.
03:57.2
Subarit sa kasawinan,
03:58.1
Ito'y ang palad para kay Madjela ang pulo ng Mactan na ay naging saksi sa isang labanang malayong malayo sa inaasahan ng mga Kastila.
04:06.0
Ang mga bisaya ng Mactan sa ilalim ng pamumuno ng hindi matinag na silapulapo ay nanindigan para sa tadhana ng kanilang inang bayan.
04:15.1
Suot ang mga katutubong kalasag, baluti at armas, sila'y handang lumaban at pabulaanan ang mababang tingin ng mga Europeans sa ating mga katutubong ninuno.
04:25.0
Pagkata mga mandirigma ang bisaya ay bihasa.
04:28.1
At kumpas at indayog ng kanilang tinubuang lupa.
04:31.0
At ipinamalas nila ang kanilang kahandaan na harapin ang hamon ng mga mananakop.
04:36.6
Habang ang kayabangan at labis na kumpiyansa ni Madjela ang siya namang naghatid sa kanya sa kanyang huling hantungan.
04:43.7
Pagkat sa kanilang pagtatagpo ay higit nananaig ang nagkakaisang diwa ng mga mandirigma ng Mactan.
04:49.9
Ang tagumpay ni Nadato Lapu-Lapu ay nagsilbing patotoo sa di matitinag na diwa ng isang bayang ipinagtatanggol ang kanilang sariling karamdaman.
04:58.8
Isang di matatawarang tanda ng kabayanihan at paninindigan laban sa alo ng imperialismo.
05:06.3
Silipin naman natin ang panig ng ating mga ninunong bisaya sa Mactan.
05:10.4
Ano nga ba ang kanilang naging stratehiya o strategy laban sa mga Kastila?
05:15.0
Sa dalampasigan ng Mactan, isang bagong kabanata ng kagitingan ang nakatakdang isulat sa ating kasaysayan.
05:22.3
Isang kwento ng karunungan na kasing lalim ng karagatang nakapalibot sa ating kapuloan.
05:28.1
Ang husay ni Lapu-Lapu ay dagningning hindi lamang sa kanyang pagpili ng lugar na paglalabanan, kundi pati na rin sa pagsasa oras o sa timing ng sagupaan.
05:39.1
Nauunawaan niya kasi ang bawat hampas at kumpas ng mga alon, ang daloy ng hangin at ang agos ng tubig na magdidikta sa pagtakbo ng makasaysayang araw na ito.
05:48.9
Kaya naman hindi may tatanggi na ang malalim na koneksyon na ito sa kanilang kapaligiran ang nagbigay daan kina Lapu-Lapu upang hindi lamang mapantayan,
05:58.1
at ang pagpili ng lugar ng labanan sa isang mababaw na bahagi ng dagat na taddad na mga bangkota o coral reefs ay hindi lamang basta-basta, kundi isang sinadyang estrategiya.
06:11.8
Alam kasi ni Lapu-Lapu na ang lakas na mga kastila ay nakasandal lamang sa kanilang mga barko at kanyon.
06:18.1
Kaya naman sa pagdala sa kanila sa mababaw na bahagi ng dagat ay tila na walang din ng silbi ang mga kanyon na mga kastila.
06:25.6
Pagkat ang kanilang mga barko ay hindi man lang makalapit,
06:28.1
kaya naman hindi may tatanggi na ang kapangyarihang dagat na mga kastila ay tila naglahong parang bula,
06:35.3
nang ito'y matapat sa husay at diskarte ni Lapu-Lapu.
06:39.1
Isang labanan kung saan ang tapang at kagitingan na mga mandirigma ng maktan ay tiyak na mamamayagpag at magniningning.
06:47.4
Kaya naman hindi natin may tatanggi na ang pamumuno ni Lapu-Lapu ay higit pa sa pagiging madiskarte lamang.
06:53.1
Ito'y naging tanglaw ng inspirasyon sa kanyang mamamayan.
06:56.0
Pagkat hindi lamang niya kalkulado ang bawat galaw ng kanyang mga kalaban,
07:00.1
ginawa niya rin mga malalakas na kasangga ang mismong dagat at dalampasigan.
07:04.9
Sinamantala niya ang bawat pagkakataon upang ipamalas ang katutubong kaalaman sa pakikidigma.
07:10.7
Isang sining at kahusayan na hinubog ng ating mga ninuno sa napakahabang panahon at ipinamana sa di mabilang na henerasyon.
07:19.0
Sa pamamagitan ng talas ng kanyang isip at ang malalim na kaalaman sa kanyang baylang sinilangan,
07:26.0
ay handang ipagtanggol ang kalayaan ng kanyang mamamayan.
07:29.6
Ito ay isang patunay hindi lamang sa kanyang galing bilang mandirigma,
07:33.8
kundi sa likas na diwa ng isang bayang hindi basta-basta na lamang susuko at magpapasakop.
07:39.9
Lingit sa kaalaman na marami, ay nagulat talaga ang mga kastila sa sandata ng ating mga ninuno.
07:45.2
Nagulat sila sa kung paanong ang mga kahoy na kalasag na mga bisaya ay nakapagpatalbog sa kanilang mga sandatang gawa sa bakal.
07:53.3
Mahalaga rin na tandaan na,
07:54.7
si Nalapu-Lapu at ang kanyang mga mandirigma ay may mga suot na baluti o armor,
07:59.6
salungat sa karaniwang paglalarawan sa kanila sa mahabang panahon.
08:04.1
Ngunit, ang talagang nakakagulat sa mata ng mga kastila at siya namang talagang nakakahanga ay ang kanilang mga kalasag na gawang kahoy,
08:12.3
na sadyang napaka-epektibo sa pagsangga laban sa mga bala ng mga kastila.
08:17.5
Pagkat sa laban lang ito, ang mga baril at mga pana ng mga kongkistador ay walang binatbat sa mga kahoy na kalasag ng ating mga ninuno.
08:24.7
Sino ba naman ang mag-aakala na ang mga katutubong kahoy na kalasag ay madaling makakasangga sa sinasabing mas makapangirihang armas at mga bala ng mga Europeans?
08:34.5
Lingit sa kaalaman ng maraming Pilipino,
08:36.6
ang ating mga ninuno ay mayroong katutubong teknolohiyang nagpapatibay sa mga kahoy upang labanan ang anumang mga bala o armas noong panahon ito.
08:45.9
Ni halos wala man daw gasgas o yuppie ang kanilang mga kalasag.
08:49.4
Sa madaling salita ay kinawindang ng mga kastila na ang ating mga ninuno ay may mga bulletproof at fireproof,
08:54.7
na wooden shields o mga kalasag na gawang kahoy.
08:58.1
Kaya naman sa puso ng Mactan, sa pagitan ng dagat at ng mga mandirigma sa dalampasigan,
09:03.1
isang pamana ng hindi matitinag na paglaban ang nabuo.
09:06.7
Isang pamana na magpapatuloy sa pag-agos ng panahon.
09:10.4
Isang tanglaw ng katutubong karunungan at katapangan.
09:14.2
Sa Mactan, tayo'y saksi sa isang kwento hindi lamang ng labanan,
09:18.0
kundi ng hindi matitinag na diwa ng pagkakaisa sa pagtatanggol ng ating lupang sinilangan.
09:24.7
Ang nyugtong ito ng ating kasaysayan ay nagpapakita ng kahangahangang kagitingan ng mga katutubong bisaya,
09:30.7
habang sila'y matapang na tumindig laban sa mga nagbabadyang madidilim na mga ulap ng kolonyalismo.
09:37.7
Sa dalampasigan ng Mactan, kung saan ang mga alon ay naglalaman ng mga kwento ng sinaunang kaalaman,
09:44.7
ang estrategiya ni Lapu-Lapu ay hindi lamang naging isang plano sa digmaan,
09:48.7
kundi isang patunay rin sa kapangyarihan ng pagkakaisa at sa lalim ng katutubong kabigyan.
09:54.7
Sa pulong ito, ang pagkakabuklod-buklod ng mga katutubong mandirigma at ang matalas na estrategiya ay nagtulungan
10:01.7
upang pangalagaan ng soberanya o kalayaan ng isang bayan na humaharap sa matinding hamon ng kapalaran.
10:08.7
Ang labanan ito ay higit pa sa isang tunggalian ng mga sandata.
10:12.7
Ito ay isa ring pagtatagpo at paghaharap ng dalawang magkasalungat na mundo.
10:17.7
Sa isang panig ang mga pwersang kolonyal na inudyok ng hangaring maghahari sa iba't ibang bahagi ng mundo
10:23.7
at ang kanilang paghangad sa yama ng Timog Silangang Asya ay naging kampante at mayabang.
10:28.7
Sila'y nagpasilaw sa kanilang paniniwalang walang hihigit pa sa kanilang teknolohiyang militar
10:34.7
at sa kanilang mababang tingin sa mga katutubo ng ating kapuloan.
10:38.7
Sa kabilang panig naman ang mamamayan ng Mactan na ang lakas ay nagmula mismo sa kanilang malalim na ugnayan sa lupa, dagat,
10:45.7
at sa isa't isa ay nagpamalas ng kapangyarihan ng kanilang samasamang determinasyon at matalinong pag-iisip.
10:52.7
Habang umiigting ang labanan, naging malinaw na ang tunay na sandata ng mga Bisaya ay hindi ang mga sibat o kalasag o baluti,
10:59.7
kundi ang hindi matibag na big kiss ng komunidad at ang talas ng kanilang kaisipan.
11:05.7
Sa harap ng mga hamon, ang kanilang pagkakaisa ay hindi matitinag.
11:09.7
Isang liwanag ng paglaban para sa kalayaan.
11:12.7
Isang nag-aalab na apoy sa puso ng mga katutubo at ng mga susunod na henerasyon.
11:18.7
Siya nga pala kung meron kayo mga ideya na mga topics o mga questions.
11:22.7
Kung may kwentong pangkasaysayan na nais niyong malaman at matutunan dito sa channel ko,
11:26.7
ay huwag mahiyang mag-comment sa iba ba.
11:28.7
Aabangan ko ang lahat ng iyong mga comments at mga suggestions,
11:31.7
pero sa ngayon ay balikan muna natin ang diwa ng labanan sa Mactan.
11:35.7
Sa ating pagbabalik tanaw sa makasaysayang labanan sa Mactan,
11:39.7
hindi lamang natin nasaksihan ang pagtutunggalin ng mga magkasalungat na puwensa.
11:44.7
Higit pa sa isang labanan, ito ay pagpapatunay sa hindi matitinag na diwa ng ating mga ninuno
11:49.7
sa kanilang sofistikadong husay sa pakikidigilan.
11:52.7
At sa malalim na kaugnayan nila sa inang kalikasan at kanilang kapaligiran.
11:56.7
Ayon sa mga naitala ng mga kastila ay pinangunahan nila pulapo ang 1,500 na organisadong mandirigma ng Mactan.
12:04.7
Subalit maling isipin na ang kanilang tagumpay ay bunga lamang ng kanilang higit na mas malaking bilang.
12:11.7
Pagkat ang kanilang tagumpay laban sa mga kastila ay bunga ng kanilang maingat at matalas na diskarte
12:17.7
na nagpamalas ng likas na kapangyarihan at kolektibong kalooban ng ating mga kastila.
12:22.7
Upang ipagtanggol ang kanilang inang bayan.
12:25.7
Lingit sa kaalaman ng marami, habang nagaganap ang bakbakan sa Mactan,
12:29.7
sina Raja Humabon at ang mga mandirigma ng Cebu ay nagmamasid lamang mula sa may kalayuan.
12:35.7
Naitala rin na ang mga Cebuano ay naawa sa kanilang nasaksihang sa lunos-lunos na sinapit ni na Magellan.
12:41.7
Kaya naman sila rin ay nagtangkang tulungan na iligtas sa mga kastila.
12:45.7
At bagamat wala silang nagawa, ipinapakita nito ang tensyon at magkakahalong emosyon
12:51.7
na bumabalot sa labanan at komplikado mga alyansa noong mga panahong ito.
12:56.7
Lingid rin sa kaalaman ng marami,
12:58.7
pagkatapos ng labanan ay sinubukan rin mabawi ni Raja Humabon ang mga labi ni Magellan mula sa Mactan.
13:04.7
Subalit ito ay tinanggihan ni Lapu-Lapu, pagkat itinuturing itong simbolo ng kanilang makasaysayang tagumpay.
13:12.7
Mataas kasi ang respeto ng ating mga ninuno sa mga mandirigma.
13:16.7
Kaya naman ang pagtanggi ni Lapu-Lapu sa hiling ng kanyang bayaw na si Raja Humabon
13:20.7
at ang pagbibigay galang ni Raja Humabon kay Datu Lapu-Lapu matapos ang labanan
13:25.7
ay maituturing isang pagsilip sa natatangging sopistikadong kultura ng ating kapuloan,
13:31.7
lalo na sa larangan ng digmaan.
13:34.7
At makalipas ang limang dekada nang muling bumalik ang mga kastila upang sakupin ang Luzon noong 1570s,
13:40.7
ay kanilang napagtanto na wala silang tsyansang magtagumpay kung walang tulong mula sa kanilang mga kaalyado sa Visayas.
13:48.7
Napagtanto nila na hindi nila kayang supuin ang matitibay ng mga depensa at mga kutan ng Luzon,
13:54.7
nang walang tulong mula sa kanilang mga dating kalaban sa kabisayaan.
13:58.7
Kaya naman kung iisipin mabuti, ang pagbabagong ito ay nagpapakita ng estrategiya ng mga kastila na samantalahin ang mga lokal na mga hidwaan,
14:06.7
upang pagtibayin ang kanilang pananakop sa ating kapuloan.
14:09.7
At ito'y kanilang ipinatupad sa pamamagitan ng kanilang taktikang divide and conquer.
14:15.7
Ipinapakita rin ito ang isang dinamiko at komplikado ng mga kapuloan.
14:16.7
Ang isang dinamiko at komplikadong sangay-sangay na mga alyansa na sadya namang taliwas sa ating nakasanayang simpleng kwento ng pananakop.
14:24.7
Kung saan, sinasabi nilang madaling nasakop at natalo ng puwersa ng mga kastila ang diumanoy mas mahinang puwersa ng ating mga katutubong ninuno.
14:34.7
Kaya naman kung iisipin mabuti, ay hindi natin maitatanggi ng katalinuhan at kahusayan sa digmaan ng ating mga ninuno ay sumasalimin sa isang pamana na mas mayaman at mas makulay
14:45.7
kung ikukumpara sa madalas na simpleng paglalarawan sa ating kasaysayan.
14:49.7
At habang mas lumalali mang ating kaalaman tungkol sa ating kasaysayan, inaway parangalan natin ang ating mga ninuno hindi lamang sa pag-aalala sa kanilang mga tagumpay,
14:59.7
kundi sa pagpapakita ng pagkakaisa, katatagaan at kagitingan, gaya ng kanilang ipinamalas noon.
15:06.7
Ang pamana ng ating mga ninuno ay isang panawagan sa atin na yakapin natin ang ating kasaysayan at unawain natin ang lalim ng ugat ng ating kasaysayan.
15:15.7
Nang huwayang diwa ng maktan at ang mga pamanang kagitingan ng ating mga bayani ay magsilbing inspirasyon sa atin na magkaisa at magtulungan.
15:25.7
Sapagkat sa pamamagitan ng pangunawa at pagtutulungan ay maaari nating itaguyod ang isang magandang kinabukasan
15:32.7
na sumasalamin sa ating samasamang mithiing makamtan ang isang masaganang lipunan na may likas na kalayaan, katarungan at pagkapantay-pantay.
15:42.7
O ikang nga sa pambansang moto ng Pilipinas,
15:45.7
isang lipunang maka-Diyos, maka-tao, maka-kalikasan at maka-bansa.
15:51.7
At hanggang dito na lamang muna sa ngayon.
15:53.7
Pero siyempre nais ko muna pasalamatan, bago tayo magpaalam ay nais ko muna pasalamatan isang tauspusong pasasalamat sa lahat ng aking mga Patrons,
16:00.7
subscribers at mga viewers gaya ninyo nang walang sawang sumusaporta sa paggawa ko ng mga video gaya nito.
16:06.7
At kung gusto nyo akong tulungan gumawa pa ng mas maraming pa mga video gaya nito ay huwag mahiyang maging Patron sa aking Patreon o maging miyembro ng aking YouTube channel.
16:14.7
Maaari nyo rin bilhin ang alinman sa aking mga aklat, coloring books, e-books at iba pang mga merch tungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, Timog Silangang Asya at maraming pang iba.
16:24.7
And actually ang topic natin today ay isang buong chapter sa aking aklat na pinamagatang What They Never Told You About The Discovery Of The Philippines.
16:33.7
Kaya naman para sa karagdagang kaalaman ay check lamang ang mga link sa ibaba. Order your copies today!
16:39.7
Maraming maraming salamat po sa kapampangan.
16:42.7
Dakal pong salamat kayo kong ngan.
16:44.7
At sa binisaya, daghang salamat sa inyong tanan.
16:47.7
Hanggang sa muli kita kit o sa kapampangan,
16:50.7
At sa binisaya, kita ay ta!