NAKU! LUMULUBOG at NASISIRA Na Ang ARTIFICIAL ISLAND ng CHINA! 😱
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hindi pa yata sapat ang mga teritoryong kinikimkim ng China.
00:05.4
Maging mga bahura sa ibang karagatan ay ginagawa nilang mga artificial na isla.
00:11.3
Pero ang ilan sa mga ito ay unti-unting gumuguho at nasisira,
00:16.3
na parang muling kinakain pa ilalim ng dagat bilang ganti sa maling pangangkin nito.
00:23.2
Ito na nga ba ang karma ng China?
00:25.4
Hindi lumilitaw o nakikita sa mapa ng mundo ang mga islang ito.
00:30.7
Pero ang dumaraming mga artificial islands na pagmamayari ng China ay mga patunay ng lumalawak nilang teritoryo.
00:39.3
Subalit ang mga islang ito ay nakatayo sa unstable na pundasyon at may potensyal na mabura kapag sumapit ang labanan.
00:48.4
Nagpapahihwating na maaaring hindi maibigay ng artificial islands sa China ang hinihingi nitong proteksyon.
00:55.4
At advantage sa gera, iligal pa ang gawain ito ng China?
01:00.7
Bakit sila nagtatayo ng maraming isla?
01:03.5
At paano nito maapektuhan ang balanse sa mundo?
01:08.1
Yan ang ating mga aalamin.
01:15.1
Artificial Islands ng China
01:17.3
Tinatayang 3.37 trilyon dolyar na halaga ng global trade ang dumadaan sa South China Sea taon-taon.
01:25.4
40% ng Chinese trade at 14% ng U.S. maritime trade naman ang umaasa sa pasilyong ito ng karagatan na napapalibutan ng maraming mga bansang entresado na makontrol ito.
01:39.5
Ngunit higit rito, ang bahaging ito ng karagatan ay isang magandang lokasyon para magtayo ng mga military bases at magpalakas ng sandatahan sa dagat at himpapawid
01:51.8
upang maiparamdam muli sa mundo ang kanilang kapangyari.
01:55.4
Sa oras na sila ay sumailalim sa ikatlong digmaang pandayigdig, kanlaban ang Amerika.
02:04.3
Ang artificial na isla, karaniwang nililikha ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga lupa, buhangin, pato o iba pang materyales sa ilalim ng tubig upang lumikha ng isang bagong unit ng lupa na hilitaw sa ibabaw ng tubig.
02:20.7
Sinimulan ng China noong 2013 ang pagtatayo ng mga artificial islands.
02:25.4
Ang mga artificial na isla o man-made islands sa South China Sea.
02:29.5
Ginawa ito sa ibabaw ng mga bato o bahura na malapit sa dalampasigan o sa level na mas mataas sa tubig daga.
02:37.6
Gumamit sila ng malalaking barko upang magpukay ng lupa at buhangin sa ilalim ng dagat upang magsilbing kundasyon ng mga islang ito sa ibabaw ng bato.
02:48.2
Sa parasail islands na matatagpuan sa pagitan ng Vietnam, Taiwan at China,
02:55.4
ang 20 island outposts o base na itinayo ang Chinese government.
03:00.8
Sumatutal, umaabot sa halos 3,200 hektarya ang naging bagong teritoryo ng China dahil sa mga islang ito,
03:10.2
na ayon sa Asia Maritime Transparency Initiative ay itinayo upang magsilbing himpilan ng mga Chinese Navy.
03:18.2
Ito ay upang magmanman sa mga kilos ng Vietnam at Taiwan.
03:22.9
Inaasahang lalawak pa ang hektarya ng islang masasakop ng China sa mga susunod na taon sa parasail islands dahil ang ilan dito ay under construction pa.
03:35.1
Samantala, pito naman ang mga artificial islands ng China sa Spratly.
03:40.3
Ang Spratly Islands ay isang grupo ng mga isla, bahura at mga kalapit na bato at may malaking potensyal sa pagpapatayo ng estrategikong infrastruktura.
03:52.3
Tulad ng mga port at runway para sa mga aeroplano.
03:57.0
Maraming bansa ang may mga kinikilingang claims sa Spratly Islands, kabilang ang China, Vietnam, Malaysia, Brunei at Pilipinas.
04:07.1
Isa pa sa pinag-aagawang bahagi ngayon ng South China Sea ay ang Scarborough Shoal,
04:13.3
na binubuo ng mga mababaw na bahura at mga bato na hindi laging lantat sa tubig.
04:19.1
Kilala rin bilang panatag shoal sa Pilipinas.
04:22.3
Ang Scarborough Shoal ay may layong humigit kumulang 120 nautical miles o 220 kilometers mula sa baybayin ng Zambales.
04:35.3
Mula 2012, sinusubukan ng China na makontrol ang Scarborough Shoal.
04:40.8
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng Coast Guard doon at pagtataboy sa mga Pilipinong manging isda na doon ay pumalaon.
04:49.8
Subalit wala pang naitatayong pasilidasyon.
04:52.3
Maraming mga bansang asyano ang may mga kinikilingang claims sa bahagi ng dagat kung saan itinayo ang mga islang ito.
05:03.2
Gayunpaman, itinuturing ng China ang mga isla bilang kanilang teritoryo at ginagamit ang mga ito upang palakasin ang kanilang pag-angkin sa buong rehyon.
05:14.4
Kung ang dagat na ito ay makontrol ng China, magbibigay ito ng overwhelming power sa bansa.
05:22.3
2016, isang pandaigdigang tribunal ang nagpa siyang walang karapatan ng China na mag-angkin sa dagat at mga isla nito.
05:31.8
Nilabag ng China ang Batas Internasyonal sa pagtatayo ng mga isla.
05:36.3
Kahit pa ang mga espasyong kinatatayuan ng mga isla ngayon ay hindi dating itinuturing na teritoryo sa ilalim ng Batas Internasyonal.
05:46.0
Subalit nananatiling tikom ang China at iginiit na ito ay kanilang teritoryo.
05:52.3
Lubog na Artificial Islands
05:54.7
Inakusahan ng US ang China sa pagmimilitarisado ng mga islang ito.
06:00.1
Dahil ilan sa mga ito ay tinayuan nila ng airstrip, military bases at iba pang infrastrukturang pang-militar
06:08.9
kagaya ng anti-aircraft guns at missile defense systems sa Gavin Reef, Mischief Reef at Fiery Cross Reef na pinag-aagawan ng mga bansa sa paligid nito.
06:21.8
Unang pinaliwanag ng China na ang mga pagtatayo ng isla ay para sa kanilang mga manging isda.
06:29.4
Ngunit iba ang pinapakita ng satellite image na kuha sa outer space.
06:35.2
Ang Subir Reef halimbawa ay mayroong taglay na mga military base, harbor at runways na kayang mag-accommodate ng fighter jets at bomber planes.
06:46.3
Kaya naman ang US at iba pang mga bansang tutol sa China ay nagsagawa ng
06:51.8
freedom of navigation operations sa mga islang ito na itinuturing nilang banta sa international sea at airspace.
07:00.5
Hindi lamang kasi ito usaping politikal at militar dahil maapektuhan ang pang-ekonomiang kalakalan kapag kontrolado ang mga rutang ito ng China.
07:11.7
Napapabalita kahit sa ating telebisyon ang mga ginagawang pang-tataboy ng China sa mga Pilipino at Vietnamese na manging isda.
07:20.4
Malapit sa mga bansa.
07:21.8
Pahurang ito na siyang tirahan ng mga isdang kanilang huli.
07:25.7
Ilan sa ating mga coastguard ang sadyang binabangga ng malalaking barko ng China at binobomba pa ng water cannon.
07:34.7
Ngunit ayon sa mga eksperto kailangan ding isaalang-alang ang epekto ng mga artificial islands na ito sa ating kapaligiran.
07:43.6
Isang malaking papel sa environment conservation ang nilalabag ng China.
07:48.5
Dahil sa milyong-milyong tonelada ng sand,
07:51.8
at coral ang kanilang hinuhukay at sinisira upang gawin ang mga ito.
07:57.3
Milyon-milyon ding maritime ecosystems ang masisira.
08:01.5
Bababa ang stock ng mga isda sa market at ang mga species nito ay nawalan ng natural na tahanan.
08:08.9
Bunsud nito tila ba gumaganti ang kalikasan sa kanilang masamang gawain.
08:14.7
Dahil ilan sa mga islang kanilang tinayo ay unti-unting nasisira at lumulubog.
08:21.0
Erosyon ang pangunahing dahilan kaya lumulubog at nasisira ang mga isla na gawa sa bato, buhangin at coral reef.
08:30.6
Ang mga materyalis na ito ay prone o madalas hampasin ng mga alod.
08:35.7
Ang continuous exposure sa tubig ang siyang nagpapahina sa pundasyon ng mga isla.
08:41.2
Kaya naman magiging hamon para sa China na panatilihin ang kanilang military installation sa isla.
08:48.7
Dahil sa hamon ng coastal erosion.
08:51.0
Kung masira man, aabutin ng ilang taon at ilang milyong dolyar upang muling makapagpatayo ng bagong isla na sa huli ay guguho din pabalik sa dagat.
09:03.9
Isa pang karma ng China ay ang pagtaas ng level ng tubig dahil sa global warming.
09:10.0
Ang limitadong runway at supply sa mga islang ito sa oras ng gera ay maaaring maging disadvantage pa imbes na advantage sa China.
09:21.0
Bagamat ang mga artificial island ay simbolo ng kanilang ambisyon at puwersa, tila ba ang kalikasan mismo ay nagbabalik ng parusa sa kanilang mga di makatwirang gawain?
09:33.9
Ang pagguho ng mga islang ito at ang pagtaas ng level ng tubig dagat, karma nga ba ito sa kanila?
09:41.9
Icommento mo naman ito sa iba ba.
09:44.9
Pakilike and share ang video at magsubscribe.
09:47.9
Salamat at God bless!
09:51.0
Thank you for watching!