* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.4
Gumanti ang Israel sa Iran
00:03.3
Malalakas na drones at missile ang ginamit ng Israel para ipalasap ang kanilang ganti.
00:10.3
Mga Pilipino sa Iran at Israel, nababahala na.
00:14.2
At dahil gumanti na ang Israel sa Iran, ano kaya ang magiging kasunod ng digmaang ito?
00:20.2
Hindi pa tapos ang Russia-Ukraine War, ang Israel-Hamas War,
00:24.4
at ang matitinding tensyon sa China at Taiwan, China-Philippines sa South China Sea,
00:29.9
at ito naman, nagsimula ng gantihan ng mga drone at missile ang mga bansang may malalakas na sundano at may mga tinatagong nuklear.
00:40.0
Ang Israel, laban sa Iran.
00:42.8
Bakit nababahala ang maraming mga tao kapag tumindi pa ang tensyon at galit ng bawat bansa?
00:49.1
Ano nga ba ang pinagugatan ng kanilang away?
00:52.9
Ang pag-atake at paghihigit?
00:54.4
Ang ganti ng Israel sa Iran?
00:56.4
Yan ang ating aalamin.
01:02.1
Isang nakakabahalang pangyayari.
01:05.6
At malabulalakaw ang pangitain sa langit ang mahigit 300 na missiles at drone na pinakawala ng Iran sa Israel kamakailan.
01:14.8
Kaya muling umugong ang air raid siren sa Jerusalem, Israel.
01:19.8
Mahigit 300 na cruise missiles, ballistic missiles, at attack drones.
01:24.4
Ang pinakawalan ng bansang Iran sa teritoryo ng Israel.
01:28.5
At bagamat dinipensahan naman ang fighter jets at matibay na depensang pandigma o ang air defensive system na Iron Dome ng Israel,
01:38.6
mayroon pa rin nakalusot na missiles sa loob ng Israel at nasira ang Israeli military facility sa loob nito.
01:47.1
Wala nang labanan ng Iran at Israel simula pa noon.
01:50.8
Bagamat may mga sinusuportahan itong mga grupo na sangkot sa mga israel,
01:54.4
mga tensyon at hindi pagkakaunuan sa Middle East.
01:58.6
Kaya ito ang kauna-unahang direktang pag-atake ng Iran sa Israel bilang paghigante sa Anilai airstrike o pambomba nito sa Iranian consulate sa kanilang embahada sa Syria noong April 1
02:12.0
na ikinamatay ng pitong Islamic Revolutionary Guard Corps Elite Quads Force, kasama ang dalawang top commanders nito.
02:19.7
Kasunod ng pag-atake ng Iran, inausap ni Israel Prime Minister...
02:24.4
Mr. Benjamin Netanyahu si U.S. President Joe Biden na kaalyadong bansa.
02:30.3
Alam nating hindi nagpapatinag at tatahimik na lang basta-basta ang Israel, lalo na kung naaargabyado sila at nadadamay na ang kanilang mamamayan at mahalagang facilities.
02:42.5
At ngayon nga, ang Israel ay nakahanda ng gumanti.
02:45.5
Bago ang pag-atake, makikita sa mga pahayagan ang official na statement ng Israel na sila ay nag-declare ng pagganti.
02:54.4
At pakikipagdigma laban sa Iran.
02:57.0
Sila ay nagpakawala ng mga drone at mga missile.
03:00.5
Sa report ng Iranian media, meron diumanong pagsabog malapit sa army base sa central city sa Isfahan.
03:07.5
Tatlong drone din diumano ang napabagsak sa lugar at kaya naman agad na kumilos ang pamahalaan ng Iran na suspindihin na muna ang mga flights mula sa Isfahan at malalapit na lugar gaya ng Shiraz at Tehran na kapital ng Iran.
03:24.4
Dahil malapit lamang ito sa mga lugar na inatake ng Israel.
03:27.9
At ito lamang ang report sa ngayon ang ibinigay ng Iran at itinatago pa kung gaano kalaki ang pinsala o kung meron mang nasugatan at nasawi.
03:37.5
Isa sa dahilan kaya tinorget agad ng Israel ang Isfahan dahil isa ito sa military base ng bansa at nandito rin ang iba't ibang mga nuclear sites ng Iran.
03:48.0
Sa mga nakalipas na araw din kasi ay nagpahayag ang Iran na sila ay gagamit na ng mga armas pandigma.
03:54.4
Na di pa nila nagagamit sa digmaan kung sakaling tumindi ang digmaan ng dalawang malakas na bansa.
04:00.9
Wala pang pahayag ang Israel at Amerika tungkol sa pag-ataking ito.
04:05.2
Nauna nang sinabi ng President ng Iran na ang nauna nilang pag-atake ng daandaang missiles ay patikim pa lamang nila.
04:13.0
At kung gaganti ang Israel, handa naman di umano ang Iran na muling makipaglaban at baka madamay din ang Amerika.
04:20.8
Alam natin na ang Israel kung paano umatake.
04:23.4
At talagang malaki ang impact nito sa kalaban.
04:26.8
Ang ginawa nilang ito ay patikim pa lamang at maaaring babala sa Iran at malaki talaga ang posibilidad na mas matindi pa ang paghihiganti nila.
04:35.1
Bagamat kaalyado ng Israel ang Amerika, nagdesisyon kamakailan ng US na hindi nila susuportahan ang pag-atake ng Israel sa Iran.
04:43.3
Ganoon paman, ang pag-atake na ginawa ng Iran sa Israel ay nagbigay sa kanila ng sanksyon mula sa Amerika
04:49.5
at United Kingdom bilang parusa.
04:54.5
Pero para sa Iran, ang mga sanksyon sa kanila ay hindi na mahalaga at wala na halos itong sinusunod na pandaigdigang batas.
05:02.4
Katulad ng North Korea na wala di umanong pakialam sa mga international law at gagawin nila ang gusto nilang gawin sa ibang bansa.
05:10.8
Sa kasalukuyan pa ay hindi pa fully informed ang buong mundo kung ganong klaseng armas at kakayahan na meron ng bansang ito.
05:17.4
At alam natin kung gano katatapang at kalalakas ang dating tinatawag na emperyong Persia.
05:23.4
Ang Iran, napaka-advanced ng technology na ginagamit ngayon ng Israel.
05:28.2
At para depensahan ng kanilang bansa, ang mga ito ay David's Sling, Arrow 3 at Iron Dome
05:34.8
at iba pang kagamitang pansalag sa kalaban at nagamit nga ito nang sila ay atakihin ng iba't ibang kalaban.
05:41.7
Ang tanong lamang ay kung meron din ba ang Iran ito.
05:44.5
Nang atakihin sila, ay walang anumang aparato o technology ang nag-intercept sa bansang Iran.
05:50.7
Kaya naman talagang matindi rin ang naging damage nito.
05:53.4
Ito sa Isfahan, sapat para magkaroon ng high alert sa mga kalapit na lugar.
05:58.8
Merong mahigit isang libong mga Pilipino sa Iran, habang tinatayang nasa 27,000 ang mga OFW sa Israel.
06:06.3
Ngayon, at gumanti na ang Israel sa Iran, may babala na daw sa kanila ang Israel authorities at Philippine Embassy
06:12.8
na maghanda sa posibilidad ng gantihan ng dalawang bansa sa paglala ng sitwasyon.
06:18.5
Sa gulo na nagaganap sa Israel at Iran,
06:23.4
Bukod sa presyo ng langis, maapektuhan din ang dollar exchange rate.
06:28.9
Tataas dito ang presyo ng imported products na binibili natin sa ibang bansang apektado ng digmaan.
06:34.9
Hindi katulad ng Israel-Hamas War, di hamak na mas malaki at malakas ang bansa ng Iran.
06:40.9
Kaya ang panalangin ng marami, lalo na ang posibleng maapektuhan na mga sibilyan sa kanilang bansa.
06:47.1
Huwag na sanang lumalapa ang sigalot.
06:49.2
Sa ngayon, ang Israel ay hindi pa tapos na makipaglaban sa Hamas.
06:54.2
At ilang militanting grupo.
06:56.1
Kaya kung kasama na ang Iran sa kanilang dinidigma, isa talagang malaking gulo ito.
07:01.0
Ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa ay nagsimula noong 1950s at nagpatuloy sa dekada 2000 hanggang sa kasalukuyan.
07:09.6
Ang mga isu tulad ng programa ng nuklear ng Iran,
07:12.5
ang mga pagsuporta ng Iran sa mga terorista na grupo sa Middle East
07:16.8
at ang pag-atake sa mga Amerikanong tropa sa Iraq at Afghanistan
07:20.8
ng mga rebelding grupo na sinisuportahan ng Iran ay ang mga naging sentro ng kanilang hindi paglalaban.
07:27.2
Dahil dito, ang US ay nagpatupad ng mga pagsanibwersa at mga parusa laban sa Iran,
07:32.8
kabilang ang mga pang-ekolomiang sanksyon.
07:35.2
Sino ba ang dapat magparaya at magbigay para matapos na ang digmaan?
07:39.8
Ikaw, ano ang masasabi mo sa naging sagot at paghihiganti na ginawa ng Israel sa Iran?
07:46.0
Ano kaya ang susunod na mangyayari sa digma ang Israel at Iran?
07:50.8
Pag-i-like ang ating video, i-share mo na rin sa iba.
07:56.4
Salamat at God bless!