01:12.8
At kagaya ng ibang mga nasa lugar,
01:16.3
ang nayon nila Jamie ay hindi nakakaligtas sa kababalaghan na tiwaga.
01:22.3
May isang tao umano noon na may angking abilidad na hindi makikita sa karaniwan.
01:29.3
Katunayan ay nakakaligtas.
01:30.0
Naging kaibigan niya ito at naisama siya sa paglalagbay na kanya namang pinagsisihan noon.
01:36.2
Paano ba naman kasi?
01:38.2
Nagdulot lamang ito ng pagkatakot sa kanya at nalagay ang buhay sa bingit ng kamatayan.
01:46.5
Itago na lamang natin itong lalaking ito sa pangalang Asildo.
01:51.6
May edad na ito na ayon sa pagkakaalam ni Jamie, lampas ay siyenta na.
01:57.6
Pero maliksi pa rin umano na parang binata.
02:00.0
Matagal nang hinahangaan si Asildo.
02:05.5
Malakas ang pangangatawan sa likod ng pagiging patpate nito.
02:09.8
Balibalita ding nakapatay umano ito ng isang aswang.
02:14.9
Si Jamie noon na mahilig sa mga kakaibang bagay,
02:18.5
kagaya na lamang ng mga mutya,
02:22.1
at iba pang sinasamba at tinuturing na pangalawang panginoon.
02:27.5
Angkan kasi na mga antingero itong si Jamie.
02:30.8
Pero hindi lingid sa kanyang kaalaman na bagamat may mga karunungan ay wala pang mga napatunayan.
02:38.5
Kung kaya naman nang makilala niya itong si Asildo,
02:42.2
nagkaroon siya ng interes na maging kaibigan nito.
02:46.9
Napakatahimik na tao umano itong si Asildo.
02:50.5
Aakalain mong napakahirap lapitan dahil nga, bukod sa mapag-isa,
02:55.8
medyo masungit din pero namakuha naman ni Jamie ang loob nito.
03:00.7
Isa palang mabuti at diretsyong tao itong si Asildo.
03:04.8
May pagkapilyo at palabiro.
03:07.5
Ang biro naman ito,
03:09.5
hindi mo magugustuhan.
03:13.1
Nakatira ito hindi kalayuan sa lugar nila Jamie.
03:16.8
Bali yung lugar kasi nila Jamie bagamat liblib pero maraming mga bahay.
03:22.7
Magkakalayo at ang namamagitan ay ang mga lupain.
03:27.5
May isang bundok doon na kung saan nandito.
03:29.8
Saan ang ilan sa dilisdis nito ay plantasyon ng saging.
03:34.2
Ang ibabaw at kabuuan ay gubat na umano.
03:37.8
Doon nakatira si Asildo.
03:41.4
Nakakatakot ito umano yun.
03:43.7
Papano ba naman kasi?
03:45.9
Si Asildo lamang ang namumukod tanging nakatira sa gubat na yun.
03:51.1
Bago pa umano makakarating sa bahay ni Asildo,
03:55.2
dadaan ka muna sa nakakakilabot na kakahuyan
04:07.2
napapadaan lamang umano si Asildo sa kanila.
04:11.3
Hanggang kalaunan ay kinakausap na ni Jamie ito
04:13.9
at inaayapan ng inuman.
04:17.4
Hindi naman ito kumakagat.
04:19.4
Gawa ng marami pa umano siyang pinagkakaabalahan.
04:24.1
Pero isang hapon,
04:26.2
bigla na lamang bumisita itong si Asildo sa maliit na bahay ni Jamie at
04:29.8
pinaunlakan talagang binata.
04:33.4
Nakipag-inuman umano sa kanya si Asildo
04:35.4
at nalaman niya ang ilan sa mga kwento nito.
04:39.8
Dahil nga sa napaka-interesado ni Jamie,
04:43.1
nagtanong na rin siya kung ano ba umano ang tinataglay ni Asildo.
04:52.7
Bakit hindi mo nalang ako diretsuin?
04:55.8
Tanong ni Asildo habang singkit matang nakatitig kay Jamie nun.
04:59.8
Sabi naman ni Jamie,
05:03.9
na siyang dahilan kung bakit may kakaiba kay Asildo.
05:10.0
Dagdag pa ng binata nun,
05:12.7
huwag umanong magtaka si Asildo kasi nga
05:14.7
angkan sila ng mga antingero.
05:18.2
Kaya madali lamang daw niya makilatis ang isang tao
05:20.9
kapag may hindi pang karaniwan dito.
05:27.7
alam kong angkan ka ng antingero.
05:29.8
Kilala ko ang tatay mo.
05:32.6
May daladala yun.
05:34.0
Magaling sa mga orasyon.
05:38.5
wala siyang sapat na tapang.
05:42.1
Sa pagpapatuloy ng pagsasalaysay nito,
05:46.3
walang silbi o manuang tangan.
05:48.8
Maging ang malalim na karunungan kung walang
05:51.1
tapang ang isang tao.
05:54.9
Kung ganun na lang pala,
05:56.9
dapat ay hindi na lamang pinasok ang larangan yun.
05:59.8
Doon na napagtanto ni Jamie na
06:06.1
kaya walang napapatunay ng kanyang angkan
06:08.0
dahil nga sa mga sinabi ni Asildo.
06:12.3
Lalo na nang magsalita pa ito.
06:15.4
Bukod dumano sa kilala niya ang tatay ng binata,
06:19.0
alam niya rin ang galawan ng buong angkan.
06:22.3
Hindi yung mano nakikialam sa mga problema ng iba.
06:26.0
Lalo na at partikular ito sa kababalagan.
06:28.1
Nagbibingi-bingihan lamang umano
06:32.3
at umiiwas sa gulo ang mga yun.
06:35.4
Angkan man umano sila ng antingero pero
06:37.4
ni isa, walang naging albularyo.
06:42.8
Hanggang sa pagpapalakas lamang ng kaalaman,
06:46.0
wala naman naman nung silbi nun.
06:48.5
Ano pa ang dahilan para pagkalooban ng Diyos
06:50.5
ng isang taas, di ba?
06:52.2
Kung hindi naman ginagamit ito sa pagtulong sa kapwa.
06:54.7
Napakalaki ng punto ni Asildo
06:59.3
dahil ang pagkakaroon talaga ng taas
07:01.9
ay isang misyong bigay ng Panginoon.
07:08.2
madalas na ang pag-uusap nilang dalawa.
07:11.7
Bumibisita din si Jamie sa lugar ni Asildo
07:14.1
at nagpapaturo ang binata ng pamamaraan.
07:18.8
Hindi niya na kailangan pang dumaan
07:20.2
sa matinding sakripisyo at dibusyon
07:21.7
dahil ang mga naiwang gamit galing sa pagpapalakas.
07:24.7
At sa ama ay may sapat na basbas na iyon.
07:29.3
Ang tanga ni Jamie ay tipikal na medal yon
07:31.9
na tinatawag na Trespico Dignum.
07:35.7
Isang uri ito ng bertud na napakarami ng gamit.
07:40.0
Isa na diyan ang pagtaboy sa masasamang elemento
07:42.4
at kabuang proteksyon sa katawan.
07:47.0
Ang problema nga lang,
07:48.8
hindi alam ni Jamie ang ibang gamit nito
07:50.8
na siya namang kinakailangan ng mga dasal para gumana.
07:54.7
Para umanong makina si Asildo,
07:59.6
hindi mo aakalaing napakaraming alam sa orasyon.
08:03.6
Kaya nakakatulong ito kay Jamie.
08:06.4
Pero hindi lamang doon.
08:08.4
Dahil para mapatunayan ang bawat visa,
08:11.9
kinakailangan itong masubukan.
08:14.8
Kung kaya naman inaya si Jamie ni Asildo na sumama sa kanya.
08:20.2
Nagtanong naman si Jamie kung saan.
08:22.6
At ayon kay Asildo,
08:23.6
maglalakbay lamang umano sa bawat lugar.
08:28.5
Hindi umano imposible na sa bawat lugar natatahakin nila.
08:33.3
Merong mga aswang.
08:36.5
Napamura noon si Jamie.
08:39.2
Dahil aswang pala ang balak ipasubok sa kanya ni Asildo pero,
08:45.9
hindi lamang partikular na aswang.
08:49.7
May mangkukulam din.
08:51.8
At ilan pang mga taong may itimutang.
08:56.1
Maliban pa diyan.
08:57.9
Hindi lang sa mga taong yun kung hindi subok na rin sa sarili.
09:02.7
Sa katatagaan, tibay at katapangan.
09:07.0
Dahil sa kagustuhan ni Jamie ng patunay na siyang wala sa kanyang tatay at angkan,
09:14.6
Dagdag ni Asildo,
09:16.7
natutunan na ni Jamie ang lahat.
09:19.3
Kailangan lamang ng tapang na hindi umaasa sa iba.
09:23.6
Nagtalaga ng araw itong si Asildo.
09:27.8
Sa pagkakaalala noon ni Jamie,
09:30.9
unang linggo ito pagkatapos ng bagong taon.
09:38.2
Hindi alam ni Jamie kung bakit ganoon katagal kasi nga,
09:41.7
dalawang buwan pa bago mangyari yun eh.
09:44.7
Inantay talaga ni Jamie pero,
09:47.0
habang naghahantay ito,
09:49.3
hindi niya na nakikita pa itong si Asildo.
09:51.6
Nanibago man na siya noon,
09:54.6
dahil araw-araw naman itong napapadaan sa kanila.
09:57.6
Sinubukan niyang puntahan sa bahay nito pero,
10:01.6
wala siyang Asildong na abutan.
10:05.6
ang bahay nito lang na marami nang nagkalat na damo,
10:09.6
nawari pa'y hindi na napamangalagaan.
10:12.6
Naisip nga niya noon na baka lumipat itong si Asildo,
10:17.6
hindi na ito umaasa noon na magkakaroon siya ng subot.
10:24.6
pagsapit umano ng unang linggo ng Enero,
10:27.6
bigla na lamang nagpakita itong si Asildo.
10:31.6
Kaya naman tinanong niya ito kung saan ba galing.
10:35.6
Sa pagpapatuloy ni Jamie,
10:38.6
hindi niya daw kasi nakita mula ng huling pag-uusap nila iyon.
10:42.6
Pero ang sabi lamang ng matanda,
10:45.6
kung handa na ba umano si Jamie,
10:48.6
kung handa na itong umalis noon.
10:51.6
Nagtaka siya pero hindi na siya nagbigay ng opinion pa.
10:56.6
Mabilis itong naghanda.
10:58.6
Nagsilid ng ilang damit at nagtangkil ng itak.
11:02.6
Alam niya kasi sa sarili na mahabang paglalakbay iyon.
11:07.6
Matapos sumanong makapaghanda,
11:09.6
ay umalis sila nang walang sinabing iba si Asildo.
11:13.6
Basta ang tahimik umano na parabang hindi niya nakilala ito.
11:18.6
Magpaganon pa man,
11:20.6
nagsawalang kibo na lamang din siya,
11:23.6
at baka may iniisip lamang iba itong matandang to.
11:28.6
Sa timog ang direksyon nila.
11:31.6
Kubat ang kanilang patutunguhan.
11:36.6
nagsimula silang maglakad,
11:38.6
at umabot na lamang ng tanghali ay hindi pa rin kumikibo itong matandang to.
11:44.6
Sunod lamang nang sunod itong si Jamie,
11:47.6
hanggang sa makarating sila sa gubat.
11:50.6
Dito na nagsalita ang binata sa kung anong gagawin nila sa lugar.
11:56.6
Huminto kasi itong matandang ito na parabang may pinapakiramdaman nun.
12:02.6
Una, alam mo na yung sadya natin dito, Jamie.
12:07.6
Ikalawa, natutunan mo na ang pamamaraan dyan sa gamit mo.
12:12.6
Ikatlo, ikaw ang susubok at hindi ako.
12:16.6
Ano mang itatanong mo sa akin, nasagot ko na.
12:20.6
At kung anumang tulong na hihingin mo,
12:23.6
huwag kang aasa, hindi ko gagawin iyon.
12:26.6
Nagkakaintindihan ba tayo?
12:29.6
Katapangan ang dapat, hindi puro tanong.
12:32.6
Isipin mo na lang na ikaw yung bida at hindi ako.
12:37.6
Hindi na nakapagsalita pa si Jamie.
12:40.6
Sobrang lalim umano ng mga sinabi ng matanda pero naiintindihan niya naman iyon.
12:48.6
Subok niya na iyon.
12:51.6
At dapat lang na siya mismo ang lulutas dito.
12:54.6
Na walang tulong mula sa iba.
12:57.6
Napapailing na lamang si Jamie.
13:00.6
Isang totoong maestro itong si Asildo.
13:04.6
Punto por punto talaga at kung may nakaligtaan ay tiyak isang pagkakamali iyon.
13:10.6
Hindi nalingid sa kanyang kaalaman na ang pagkakaroon ng tangan ay kaakibat na talaga dito ang banta.
13:15.6
Na siya namang pilit na iniiwasan ang kanilang angkan dati.
13:20.6
Kaya naman kung anuman ang nakaraan nila, tataliwas siya doon.
13:25.6
Na ipangako niya ito kay Asildo kaya pala hindi siya kinikibuan ito.
13:32.6
Mang Asildo, ayos lang kung hindi mo ako tutulungan.
13:36.6
Pero walag naman yung walang kibuan. Para tayo magkaaway.
13:41.6
Napatawa na lamang umano itong si Asildo.
13:47.6
Basta bawal umanong magtanong kung anong gagawin.
13:50.6
Ayos lamang ang kwentuhan.
13:53.6
Muli silang naglakad noon. Hanggang sa inabot na lamang iyon ng gabi.
13:59.6
Nasa loob sila ng nakakakilabot na gubat na ito.
14:03.6
Na para bang pinamamahayan iyon ng mga rebelde.
14:07.6
At bukod pa dyan ay mga masasamang elemento at mabangis na hayop.
14:12.6
Aminado si Jamie noon na hindi niya talaga maiwasang matakot kahit anong laban niya sa sarili.
14:19.6
Pero naninindig daw ang kanyang balahibo.
14:23.6
Lalo na sa mga huni sa loob ng gubat.
14:28.6
At may langit-ngit pa ng mga puno na nakakapanglambot umano ng tuhod noon.
14:36.6
Isang espasyo na napapalibutan nang nagtatayog ang mga puno ang pinagpahinga nila.
14:41.6
Si Aseldo noon ay nagmungkahi na maghanap daw na makakain itong si Jamie.
14:46.6
Magsisiga lamang umano siya at aantay niyang binata na makabalik.
14:51.6
Napakamot ng ulo si Jamie. Hindi ito bihasa sa gubat.
14:57.6
Magrereklamo sana siya noon kaso naalala niya ang mga paalalan ni Aseldo.
15:02.6
Kung kaya naman ay walang nagawa si Jamie. Kung hindi ang sumunod na lang.
15:07.6
Ayon sa ating tagabahagi na si Jamie.
15:10.6
Para umanong hihimatayin siya noon sa takot.
15:15.6
Ilang mga hakbang palang mula sa kinaroroonan nila.
15:19.6
Gusto na niyang bumalik noon.
15:22.6
Sobrang dilim kasi na halos hindi niya na makita ang mga nasa harapan.
15:28.6
Hanggang sa makakita umano siya noon ng mga dahon ng niyog.
15:33.6
Kung kaya naman ginawa niya itong sulo.
15:36.6
Naiinitan ang kanyang katawan at nakapagbibigay ng liwanag sa iyo.
15:42.6
Nang makalayo na si Jamie.
15:45.6
Nakarinig ito ng mabilis na kagaskas na parabang may tumatakbo sa mga tuyong damo.
15:51.6
Umalog umano ang isa sa mga puno doon.
15:55.6
Kung kaya mabilis niyang inangat ang sulo.
15:58.6
Pero ang sinapit niya naman.
16:01.6
Ang alikabok umano ay nahilamos niya kung kaya nabitawan niyang sulong iyon.
16:06.6
Walang ano-ano ay may kumalabog sa lupa.
16:11.6
Kasunod noon ay yung kagaskas ulit at patungo na sa kanya ang tunog na iyon.
16:17.6
Napamuraw umano si Jamie.
16:20.6
Binunot niyang itak.
16:22.6
Iniatang niya ito sa harapan.
16:25.6
Ilang saglit lang ay nanlaki ang kanyang mga mata.
16:30.6
Nang makita niya umano.
16:34.6
Kung hindi si Asildo.
16:38.6
May bitbit ito na sa pagkakalarawan niya noon.
16:45.6
Pinagalitan pa umano noon itong si Jamie gawa ng dapat ay pinapatay nito ang sulo.
16:52.6
Dahil masusunog umano ang gubat noon.
16:55.6
Napangangan na lamang si Jamie noon.
16:58.6
Ang kagaskas palang iyon ay galing kay Asildo.
17:01.6
Sobrang namangha ang binata.
17:05.6
Inutusan siya nitong humanap ng makakain pero naunahan pa siya ng matanda noon.
17:12.6
Hindi nalang sumabat pa noon si Jamie.
17:16.6
Baggos ay pinatay niya ang nagliliyab na apoy mula sa nabitawang sulo.
17:21.6
Hindi nga siya nagkakamali noon.
17:24.6
Unggoy nga ang dala ni Asildo.
17:27.6
Ang ibig sabihin ay umakyat ito ng puno pero...
17:31.6
Paano nalaman ng matanda na may unggoy doon?
17:36.6
Naitanong niya ito sa matanda at ang sabi naman ni Asildo na kasalukuyang binabalata ng hayop.
17:43.6
Pinakiramdaman niya lamang umano iyon.
17:46.6
Magagawa naman iyon ni Jamie kung natatandaan lamang nito ang mga itinuro niya.
17:54.6
Doon ay naalala ni Jamie ang orasyon.
17:58.6
Napapailing na lamang siya noon.
17:59.6
Pwede palang gamitin iyon sa pangangaso.
18:04.6
Nga pala, walang nakitang iba si Jamie at narinig noon na may naging kaibigan na si Asildo.
18:12.6
Sa pagkakaalam niya ay siya pa atang pinakauna.
18:16.6
Ito kasing si Asildo hindi naman talaga taga kanila.
18:21.6
Bigla nalang dumating sa nayo nila na parabang galing ito sa malayo at isang manglalakbay noon.
18:27.6
Ito na rin ay base sa sinabi ng kanyang ama na noong nabubuhay pa ito.
18:33.6
Misteryoso umano itong si Asildo pero mula nga nang dumating ito.
18:39.6
Nawala na ang kababalagan sa lugar nila.
18:42.6
Lalo na ang pananalasa ng aswang na matagal ng pirwisyo.
18:48.6
Matapos umanong lagyan ang laman ng chan,
18:52.6
nagpahinga lamang saglit at nagmungkahin na si Asildo na maglakad na ulit sila.
18:58.6
Dalawang oras lamang ata at nakaidlip si Jamie noon.
19:02.6
Nagpasuray-suray pa umano siya noon at sinabing hindi ba pwedeng ipagpabukas na lamang.
19:08.6
Ayon naman kay Asildo, ang katamaran umano ay nilikha ng demonyo.
19:14.6
Napapailing na lamang si Jamie noon. Anong likha ba ng demonyong pinagsasasabi niya?
19:22.6
Pero wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod na lang.
19:25.6
Kahit papano, nakapagpahinga na umano siya ng konti noon.
19:31.6
Pero magpaganon pa man, nakakaramdam siya ng pananakit sa katawan.
19:37.6
Hanggang sa makarating umano sila sa isang nayon, lampas sa ating gabi umano yon.
19:45.6
Nagtaka ang binata dahil may kakilala si Asildo doon sa lugar.
19:50.6
Katunayan ay pinaunlakan sila nang makiusap ang matanda.
19:54.6
Na doon sila magpapalipas ng umaga.
19:58.6
Itago na lamang natin ito sa pangalang Arman.
20:02.6
May asawa pero walang anak na kasama.
20:06.6
May edad din ito na parabang sing edad lamang din ni Asildo.
20:11.6
Nagtanong pa yon kung sino umano ang kasama.
20:15.6
Dali-dali namang sinabi ni Asildo na mag-aaral niya umano.
20:19.6
Katulad ng anak mo Arman, may malakas na kurisidad din ito. Mag-aaral ko din.
20:31.6
Siyempre nagtaka si Jamie noon. Mali siya ng hinala. May naging kaibigan na pala si Asildo bago pa siya dumating sa buhay nito.
20:43.6
Ilang saglit lang, nagmungkahi si Arman na mag-antay lamang sandali.
20:49.6
Katawagin niya umano ang kanyang anak na itago na lamang natin ni Cesar.
20:54.6
Nasa kabilang bahay lamang umano ito.
20:59.6
Ilang saglit lang ay bumalik na si mang Arman at kasama nito ang isang makisig na binata.
21:05.6
Ipinakilala ni Asildo si Jamie kay Cesar noon.
21:09.6
Nagyakapan pa umano si Asildo at ang binatang yon.
21:13.6
Tapos ang sabi ng matanda kung gusto ba umanong sumama ni Cesar sa kanila.
21:19.6
Nagkatitigan si Cesar at ang kanyang ama na para bang nagkaintindihan dahil tumango ang tatay ng binata.
21:28.6
Dagdag pa ni Asildo, bagay lamang na sumama si Cesar para matapos na rin ang subok nito.
21:36.6
Mabilis pumasok sa isip noon ni Jamie na katulad niya. May subok din si Cesar pero naniniwala siya noon ng iba dito na lampasan na ng binatang yon.
21:50.6
Kinabukasan kasama nga nila si Cesar para din itong pipe.
21:57.6
Paano ba naman kasi kung gaano katahimik si Asildo. Ganon na ganon din si Cesar.
22:05.6
Natuwa sana siya dahil may makakausap na siya noon eh wala naman palang pinagkaiba sa matanda.
22:12.6
Pero aminado siya noon na katulad niya ay nakikiramdam lamang din ang binata.
22:17.6
Hanggang sa hindi na nakatiis si Jamie, nagtanong siya kung gaano ba kalayo ang lalakbay nila.
22:25.6
Pero ang sumabat noon, si Cesar. Ayon pa dito, malayo daw at maraming mga balakid.
22:34.6
Dagdag pa niya, gusto niya umanong subukin muli ang sarili sa isang lugar kung saan siya pumalpak.
22:42.6
Hanggang sa nagsalita na rin si Asildo.
22:45.6
Si Cesar umano ay nakipagbuno sa isang lamang lupa na kung tawagin ay tigbawan.
22:53.6
Pero hindi ito nagtagumpay dahil nga may nakaligtaan si Cesar noon.
23:00.6
Ang mga batayan umano kung paano mapaamo ang isang tigbawan.
23:05.6
Nanlaki ang mga mata ni Jamie. Alam niya kung ano ang tigbawan.
23:15.6
Isa sa pinakadeletkadong lamang lupa.
23:19.6
Dahil nga sa taglay nito ang bilis at lakas.
23:23.6
Sobrang nagtaka si Jamie kung ganoon pala ay anong klaseng abilidad meron itong si Cesar.
23:30.6
Naisip niya noon na baka may malakas itong tangan.
23:34.6
Diba nga nakakamangha? Maraming tayong narinig na kwento patungkol sa mga tikba lang.
23:41.6
Pero lahat ng iyon.
23:42.6
Walang taong na kayang labanan ito.
23:46.6
Pero sa kwento ni Jamie, meron.
23:51.6
Mula nang marinig niya iyon sa kasamang binata ay dito na nabik si Jamie na malaman ang kung anong meron dito.
24:00.6
Dinikitan niya sa paglalakad. Tinanong ng tinanong.
24:05.6
Mabuti naman umano at sumasagot naman ito na hindi katulad ni Asildo
24:09.6
na puro na lamang talinghaga ang binibitawang kataga.
24:14.6
Doon niya nalaman na ang tangang taglay ni Cesar ay medalyon din na katulad ng nasa kanya na isang dignom.
24:23.6
Pero hindi tres pico. Kung hindi medalyon na may syete angeles.
24:29.6
Bukod ba dyan, may nakaipit sa likuran ng medalyon na isang batong kulay puti at pabilog.
24:36.6
Maliit lamang ito na parang sinlaki lamang ng bulitas.
24:42.6
Dahil nga may basbas si Jamie, ramdam niya ang presensya nito pero nang mahawakan niya ang gamit ay ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata.
24:54.6
Dahil para umano siyang nakuryente, nabitawan niya pa ito.
25:00.6
Hindi magkasundo ang mga gamit niyo. Kaya nagkakaganyan, Jamie.
25:06.6
Pero pareha lang na malalakas. Wala pa nga lang na patunayan niyang sayo.
25:11.6
Sambit ng matanda.
25:13.6
Tumangu naman noon si Cesar. Sinabi nito na baka namangha si Jamie sa kanya pero ang totoo, mas malakas pa umano ang tangan ng binata.
25:27.6
Parang matatawa noon ang binata na wari ba'y pinupuri siya pero taliwas naman ang laman ng isip niya noon.
25:33.6
Pagsapit ng kinahaponan, palubog ng araw, huminto sila sa isang lugar.
25:42.6
Ayon kay Asildo, ito na umano ang lugar kung saan sinubok ni Cesar ang tigbawan.
25:50.6
Sumabat si Cesar at sinabing, totoo yon. Ilang saglit lang ay tinuro nito ang eksaktong lugar.
25:59.6
Nasa baba ito. May talon doon at mabagal.
26:03.6
May maliit na ilog. Pero sobrang sukal umano ng lugar na iyon.
26:10.6
Bakit hindi nalang ikaw yung sumubok, Jamie?
26:13.6
Tutal hindi ko naman napaamo eh. Baka sayo umubra.
26:18.6
Yung totoong pakay namin dyan, makuha yung motya sa talon na iyan.
26:23.6
Pero hindi ako nagtagumpay. Hindi din ako nakipagbuno. Hanggang titigan lang.
26:30.6
Matapos magsalita itong si Cesar ay tumawa sila.
26:34.6
Alam ni Jamie na hindi nagsasabi ng totoo itong si Cesar. Para na rin ko nung hindi siya matakot.
26:42.6
Hindi alam ni Jamie kung ano ang nakain at kumagat naman ito sa sinabi ng binata.
26:48.6
Siguro ayaw niya lang mapahiya. Hindi na siya nagtanong kung anong bubungad sa kanya sa baba dahil nga alam niyang walang sasagot sa dalawa.
26:59.6
Ang aasahan na lamang noon ni Jamie ay ang kanyang mismong tangan.
27:07.6
Bumaba siya sa lugar. Habang papalayo, narinig niya ang pag-uusap ni Cesar at Isildo.
27:16.6
Ayon pa kay Cesar, baka umano mapahamak dahil nga bagwan pa lamang si Jamie. Pero ang tugon naman ng matanda ay may tiwala daw siya sa binata noon.
27:27.6
Gumaan ang loob noon ni Jamie. Napabuntong hininga ito at nilakasan niya ang loob niya.
27:35.6
Nagsisimula na umano siyang magbitaw ng mga kataga noon. At ang mga katagang binibitawan niya noon. Proteksyon at pagpapalakas ng pakiramdam.
27:48.6
Pumasok na sa isip niya noon kung anong motya ba ang nasa talon.
27:54.6
Aminado siyang ayaw itong sabihin ni Cesar.
27:57.6
Maging si Isildo dahil siya ang patutuklasin ito.
28:01.6
Nang makarating sa baba, marahan niyang binaybay noon ang madulas na landas patungo sa may talon.
28:09.6
Nakita niya pa ang mga bakas ng nagkahawi-hawing damo. Mga nagkabalibaleng mga kahoy na parabang dinaan ng bagyo.
28:19.6
Alam ni Jamie na ito na ang mga naiwang palatandaan noon. Nang hamakin ni Cesar ang lugar.
28:27.6
Pero nagtataka siya dahil parang sariwa pa ito. Ibig sabihin lamang ay hindi pa gaano katagal nangyari yon na parabang isang linggo lamang umano ang nakaraan.
28:41.6
Nang makarating siya sa may talon ay medyo madilim na. Naririnig niya noon ang paghune ng mga sapat o mga insekto. Maging ang mga palakanon.
28:52.6
Sinisipat niya ang talon. Wala namang kakaiba dito.
28:57.6
Pero mabigat umano ang presensya ng lugar.
29:01.6
Ayon kay Jamie, parang hirap na hirap siya sa paghinga. At bukod pa dyan animoy, may pasan-pasan siyang mabigat na bagay.
29:12.6
Pumatong ito sa isang malaking bato. Pumanhik hanggang sa nakarating sa bewang ng talon.
29:21.6
Sinilip niya ang likod ng umaagos na tubig sa may talon.
29:24.6
May bakante sa loob nito na parabang isang silid ito tapos napakadilim.
29:31.6
Binunot ni Jamie ang kanyang itak. Pinasok ang loob hanggang sa may nakita umano siyang imahe. Nasa dilim ito pero alam niya sa sarili na hindi tao.
29:47.6
Matalang na nagbabaga ang nakikita niya. Malaki ito.
29:54.6
Hanggang sa makarinig siya ng isang tunog nun, na parabang nanggagaling sa isang kabayo.
30:01.6
Paraumanong yumanig ang lupa nang biglang gumalaw ang nilalang. Tumayo ito tapos nakita niya ang kabuan. Malaking malaki umano yun.
30:14.6
Yung bitbit niyang tapang noon ay nawala ito.
30:18.6
Ayon pa kay Jamie, paraumanong siyang hihiwalayan ng malay.
30:24.6
Umatras siya noon at habang nangyayari yun, nakaatang na ang kanyang itak.
30:31.6
Hanggang sa bigla na lamang siyang nakarinig ng boses at mula ito kay Cesar.
30:38.6
Ang sabi ay kunin daw ni Jamie ang batong bilog na nakababad sa may tubig.
30:44.6
Mabilis na ginala ni Jamie noon ang kanyang paningin.
30:48.6
May tubig sa gilid na waribay maliit na bukal ito at may batong kulong.
30:54.6
Ang kulay puti doon.
30:57.6
Naiisip niyang ito na siguro ang sinasabi ni Cesar pero nasa likod naman ito ng malaking nilalang.
31:05.6
Nasa puntong yun ay malinaw na malinaw na sa mga mata niya.
31:10.6
Ang itsura ng nilalang na ito.
31:13.6
Para itong higanting tao.
31:16.6
Mabalahibo ang katawan.
31:19.6
Pero may ulo ng kabayo.
31:21.6
Hindi pa yung kabayong normal na mukha kundi para umanong demonyo yun.
31:27.6
Nagdadalawang isip si Jamie na kunin ang bagay na ipinag-uutos ni Cesar.
31:33.6
Ang ginagawa niya noon.
31:35.6
Tinanaw-tanaw niya ang baba kung saan siya tatalon.
31:40.6
Hindi siya maaaring dumaan sa gilid kasi nga madulas doon.
31:45.6
At kapag nalaglag siya ay doon siya sa batuhan pupulutin.
31:48.6
Hanggang sa naisip niyang doon siya sa tubig lulundag.
31:54.6
Bumuntong hininga itong si Jamie.
31:57.6
Mabilis na tumakbo at dinampot ang bato.
32:01.6
Sabay lihis noon.
32:03.6
At dalidaling tumalon sa may tubig.
32:06.6
Madilim na ang labas ng mga sandaling ito.
32:10.6
Akala niya ay malalim yung tubig.
32:13.6
Mababaw lang pala.
32:15.6
Kaya naman napasubsob ito.
32:16.6
At kamuntikan pang maumpog sa may bato.
32:20.6
Pagangat niya ng tingin.
32:23.6
Kumukumpas si na Asildo at Cesar.
32:26.6
Ang ibig sabihin ng mga ito.
32:29.6
Tumakbo na ang binata noon.
32:31.6
Dalidali siyang bumangon noon.
32:34.6
Kahit masakit ang kanyang tuhod ay pinilit niyang tumakbo.
32:38.6
Hindi naman siya makalihis gawa ng bawat gilid ay pangpang.
32:43.6
Doon pa sa unahan ng bandang espasyo.
32:46.6
Hanggang sa nakarinig siya ng malakas na pagtampisaw kasabay ng ungol.
32:53.6
At paglingon niya sa may bandang likuran.
32:56.6
Nakita niyang sumusunod sa kanya ang nilalang na iyon.
33:00.6
Tumatakbo ito na parabang aso.
33:06.6
Taong kabayo iyon pero parang aso tumakbo.
33:11.6
Napakabilis nito dahil ang lalaki ng akbang.
33:16.6
Naabutan si Jamie.
33:18.6
Lumundag na lamang umano ito bigla sa kanyang harapan.
33:22.6
Nakababa ang balikat.
33:24.6
Umaabante ng lakad patungo sa kanya.
33:28.6
Umatras naman pabalik ang binata.
33:31.6
Sa puntong iyon ay kinakausap niya ang nilalang na kamo ay huwag siyang sasaktan.
33:38.6
Biro lamang umano ang ginagawa niya.
33:41.6
Isa sa uli niya rin umano ang kinuha niya noon.
33:43.6
Hindi alam noon ni Jamie ang gagawin.
33:48.6
Takot na takot siya.
33:51.6
Hanggang sa bigla na lamang umanong sumigaw itong si Asildo.
33:55.6
Kung takot umano si Asildo noon.
33:58.6
Ibig sabihin ay hindi siya magtatagumpay.
34:02.6
Sino bang hindi matatakot sa ganito?
34:05.6
Kayo nga dyan hindi bumaba eh.
34:09.6
Hindi kaya ito yung talagang sadya ni Asildo?
34:11.6
Yung makuha yung gamit?
34:14.6
Talagang sinadya niyang turuan ako para makuha lang ito.
34:18.6
Parang pinaglolo ko naman ako eh.
34:23.6
Nakatitig siya noon kinang Asildo.
34:26.6
Nakikita niyang takot na takot din ang mga ito.
34:29.6
Yung tiwala niya sa mama noon.
34:32.6
Napalitan ng pagdududa.
34:35.6
Pero naroroon na umano siya at wala siyang magawa kung hindi ang humanap ng paraan para tumakas.
34:42.6
Hanggang sa wala na umano siyang mapagpipilian noon.
34:46.6
Ramdam niya na nakatapusan niya kaya naisip niyang lumaba na lamang.
34:51.6
Napabuntong hininga si Jamie.
34:54.6
Winasiwas niya umano ang itak.
34:57.6
Na siya namang dahilan para mas magalit ng gusto ang tigbawan.
35:01.6
Sinunggaban umano siya nito.
35:04.6
Mabuti na lang at nakailag si Jamie noon.
35:07.6
Si Asildo noon ay walang humpay sa kakasigaw na tumakbo.
35:12.6
Nakuha na ni Jamie ang mudiya.
35:15.6
Tumakbo ang binata hanggang sa makalampas sa hangganan ng teritoryo.
35:21.6
Galit ang pumalit sa pagkatakot niya noon.
35:24.6
Hindi niyo na pinapakinggan ang anumang abiso ng mga kasama.
35:28.6
Lumaban na lamang umano siya noon.
35:30.6
Nagpagulong-gulong sa may tubigan habang tinataga niya ang nilalang.
35:36.6
Pero nagulat siya dahil hindi umano't tumatama ang itak noon.
35:42.6
Tumatagos lamang ito na parang kaluluwa lamang ang nilalang.
35:46.6
Nakapagtatakang kaya siyang saktan pero hindi niya kayang masugatan ng tigbawan.
35:55.6
Ilang saglit pa ay naipit umano si Jamie.
35:59.6
Sa pagkakaalala niya noon, hindi siya makagalawa dahil nakasuksok siya sa dalawang bato habang sinasakal siya ng tigbawan.
36:09.6
Pinikit na lamang umano niya ang kanyang mga mata dahil alam niya sa sarili na mamamatay na siya noon.
36:20.6
Hanggang sa bigla na lamang umanong, niluwagan ng tigbawan ang pagsakal.
36:27.6
Binitawan siya nito at pagdilat ng kanyang mga mata, naglalakad na pabalik ang nilalang doon sa may talon.
36:35.6
Kung kaya naman ay mabilis itong bumangon at kaagad nilisan ng lugar.
36:41.6
Nang bumungad sa kanya mga kasama, nakatitig ang mga ito na gulat na gulat.
36:48.6
Hindi naman kinibuan ni Jamie ang mga ito. Dinaanan niya lang.
36:53.6
Nagsalita si Asildo. Nakapasa umano si Jamie. Nalampasan nito ang subok sa pamamagitan lamang ng pakikipaglaban.
37:02.6
Dagdag pa ni Asildo. Ang pagkawala niya daw ng dalawang buwan ay pagmamasid nila Cesar noon sa lugar.
37:12.6
Hinahanapan nila ng tsyempo na makuha ang mutya na tinatawag na asibol o batuumo na may kargang taglay na sobrang lakas.
37:21.6
Subok yun para kay Cesar pero hindi ito nagtagumpay.
37:26.6
Huminto si Jamie at tumarap sa dalawa.
37:32.6
Ano bang klaseng subok ang pinaharap sa kanya?
37:35.6
Na para umanong hindi para sa kanya ang subok na iyon.
37:39.6
Bagkos ay ang pagnanais lamang ni Asildo na makuha ang gamit.
37:44.6
Ito ba? Sa inyo na ito?
37:47.6
Uwi ka ni Jamie sa bayhagis ng batuomo.
37:51.6
O sandali. Kakamali ka. E hindi pang sariling kapakanan ang umiiral dito.
37:58.6
Hindi mo naiintindi ng sitwasyon, Jamie.
38:00.6
Ako ang sumusubok sa iyo. At hindi mangyayari yun kapag wala kang tinangka na isang bagay o elemento.
38:08.6
Siyempre, dapat mang subukan ang sarili mo, di ba? Sa pamamagitan ng pagpukaw ng isang nilalang at katunggali.
38:16.6
Paano mo kakalabanin at mapapatunayan kung wala kang kukunin sa kanila? O hindi naman kaya hindi mo sila hahamakin?
38:23.6
Ano iyon? Magtititigan lang kayo at walang mangyayari?
38:27.6
Paglilinaw ni Asildo.
38:30.6
Sumabat naman si Jamie kung bakit o ano lumalabas na natatakot sila sa nilalang.
38:36.6
Naalala pa ni Jamie ang mga katagang binitawan ni Asildo.
38:40.6
Tapang tiwala sa sarili at pananalig sa Panginoon.
38:45.6
Pero bakit hindi niya makita iyon sa mga kasama kanina habang nakikipagbuno o mano siya sa may tigbawan?
38:53.6
Ayon naman kay Asildo.
38:55.6
Hindi sila natatakot sa may nilalang.
38:59.6
Hindi naman daw sila ang puntirya nito.
39:02.6
Baggos ay natatakot sila siya kung anong mangyayari kay Jamie.
39:07.6
Binalik ni Asildo ang nakuhang mutiya.
39:10.6
Pinaliwanag nito na huwag kakalimutan ang lahat ng sinabi niya.
39:15.6
Kung nagdududa si Jamie, isang indikasyon nito na wala siyang tiwala sa natutunang kaalaman.
39:23.6
Hindi nakakibigil.
39:24.6
Hindi nakakibo si Jamie nun.
39:26.6
May punto naman si Asildo.
39:29.6
Tumangon na lamang siya noon at nagtanong kung bukod sa tigbawan ay may iba pa bang subok.
39:36.6
Sabi naman ni Cesar ay marami pa at may mas delikado.
39:41.6
Nagpatuloy sila sa paglalakbay.
39:45.6
Marami pang pagsubok at tama din si Asildo na hindi mapapatunay ng sarili kung hindi hahamakin ang isang katunggali.
39:52.6
Naiintindihan niya na noon ang konsepto ng subok.
39:57.6
Katunayan ay hindi lang nila lang ang nasubukan ni Jamie.
40:01.6
Maging ang mga taong may tangan.
40:04.6
Tunay ngang manglalakbay si Asildo.
40:07.6
Kapisado nito ang mga lugar kung saan doon may mga mangyayaring hindi kaaya-aya.
40:13.6
Nakapatay pa nga umanda si Jamie ng aswang noon.
40:17.6
Maging si Cesar noon, nakapatay na rin.
40:20.6
Doon ito nangyari malapit na umano sa Marawi.
40:25.6
Sa mismong bukira ng Marawi.
40:28.6
Akala nila yung mga rebelde lang na gumagala pero aswang pala.
40:37.6
Sir Seth, yung tigbawan o tikbalang lamang ang nakahighlight dito sa kwentong ito.
40:44.6
Yun ang mga nabahagi na karanasan ni Jamie.
40:47.6
Pagkatapos kasing makuha ang gamit na omo.
40:51.6
Makunat pa umano sa balat ng kalabaw siya.
40:54.6
Sobrang tibay daw ng kanyang katawan at napakadali na lamang ang mga sumunod na subok noon.
41:01.6
Pero magpaganon pa man.
41:04.6
Nagsisisi pa rin umano si Jamie.
41:07.6
Wala na kasi silang ibang ginawa kung hindi ang makipagsubukan.
41:12.6
May mga ilan nila namang natutulong ang mga tao.
41:15.6
Kagaya na lamang ng mga ginagambala ng iba't ibang elemento pero mas marami ang pakikipagsubukan.
41:22.6
Para bang dumadayo sa isang lugar ng sabong.
41:29.6
Marami ng kwento patungkol sa taong may tangan na puro nalang pakikipagsubukan ang inaatupag.
41:35.6
Siguro sakit na ito ng ibang antingero.
41:40.6
Pagkatapos ng mahal na araw, madalas yun ang ginagawa ng mga ito.
41:45.6
Nakikipagsubukan halos lahat ng mga tangan.
41:49.6
May ilan namang nagkukubli lang pero nakikipagsubukan pa rin.
41:54.6
Sa subok kasing malalaman kung may karga pa ang gamit o kupas na.
42:00.6
Dito din malalaman ang agwat at pagkakaiba ng bawat gamit.
42:04.6
Makikilatis kung saang larangan ito maahanay.
42:09.6
Kabal, tagaliwas, pampaswerte.
42:13.6
Kabuang proteksyon.
42:15.6
Pagpapalakas at pangbilis.
42:18.6
Tatag ng katawan.
42:20.6
At marami pang iba.