* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Papaanong mula sa maladyosang kagandahan ay naging ganito ang itsura nitong si Mary Ann Bivan.
00:07.6
Ikukwento ko sa inyo ang kinahinatnan ng buhay ng babae na binansagan na ang pinakapangit na babae sa balat ng lupa.
00:24.9
Ipinanganak ng ikadalawampunang Desyembre ng taong 1874 sa London.
00:29.3
Sa umpisa pa lamang ay kahirapan na ang kanyang kinagisnan.
00:34.5
Panganay sa anim na magkakapatid, bata pa lamang ay hinubog na ito ng tadhana upang makipaglaban sa laban ng buhay.
00:43.9
Nang taong 1894, tuluyan na itong naging isang nurse at ng taong 1903, pinakasalan nito ang kanyang sinisintang binata na si Thomas Bivan na binihayaan sila ng apat na mga anak.
00:56.6
Tila ba unti-unti ay natutupad na?
00:58.9
Ang pangarap nitong si Maria, dahan-dahan umaangat na rin ang kanilang kabuhayan.
01:04.8
Ngunit tila ba mapagbiro talaga ng sadya ang tadhana?
01:09.0
Nang taong 1914, biglang pumanaw ang kabiyak nitong si Maria.
01:13.7
Ngayon ay naiwan na ito na nag-iisa upang itaguyod ang apat na mga maliliit na anak nila.
01:20.3
Habang hindi magandaugaga si Maria sa kahahanap ng paraan upang ang kalam ng sikmura ng mga anak ay mapunan,
01:28.1
minsan napadaan ito sa salamin.
01:31.4
Napansin nito na tila ba bukod sa pagpayat ay unti-unting nagbabago rin ang kanyang itsura.
01:38.1
Hindi nagtagal, napansin nito na umuusli ang kanyang panga.
01:42.0
Ang ilong niya ay sumosobra ang laki na.
01:44.7
Ang noon niya rin ay lumalapad at umuumbok at ang mga paa at kamay niya ay lumalaki din ng mabilis at humuhugis ng kakaiba.
01:54.5
Dahil sa kakaibang pagbabagong ito, nagdesisyon na itong si Maria,
01:58.1
upang siya na ay magpakonsulta.
02:00.7
Ayon naman sa sumuri na doktor sa kanya, meron siyang kalagayan na ang tinatawag na ang acromegaly.
02:07.9
Naapektuhan ito ang kanyang glandula na siya namang naglalabas na mga napakaraming hormones.
02:13.4
Kung sa panahon nating ito, mga katinagalugo, naaagapan ang kalagayang ito basta malaman lang ng maaga.
02:21.3
Ngunit ng panahon itong si Maria, itinuturing na misteryo ng siyensya ang kalagayan niya.
02:27.0
Sinabihan ito ng mga dalubahasa na walang lunas ang kanyang karamdaman.
02:32.2
Unti-unti kitang kita ni Maria ang pag-iiba ng kanyang itsura.
02:36.5
Hanggang sa punto na halos, hindi na siya nakikilala pa ng mga taong kakilala niya.
02:42.8
Ayon sa talaan na dahil nga sa itsura niya, ay mas naging mahirap pa natanggapin siya sa iba pang mga pwede na pagkakitaan sana niya.
02:51.6
At ang sahod ng pagiging nurse ay hindi na rin sumasapat sa kanyang itura.
02:57.0
Ang buong pamilya.
02:58.4
Habang ito ay naglalakad-lakad, hindi mapigilan na ng mga tao ang kumento na mapanghusga.
03:05.0
Madalas na ipinahihiya si Maria ng mga taong matigas pa sa bakal ang puso para sa katulad niya.
03:11.7
Ang mas masaklap pa sa nangyayari sa buhay nitong si Maria, halos wala na rin siyang maipakain sa mga anak niya.
03:18.9
Lugmok na, tinatapak-tapakan pa.
03:22.6
Ngunit sa wakas, ngumiti na rin ang kapalaran para sa byuda.
03:27.0
Nang minsan mapadaan ito sa mga naguhuntahan na mga magsasaka.
03:31.7
Isa sa kanila ang nagsabi na malamang itong si Maria ay magkakampyon sa patimpalak na gaganapin sa araw na iyon para sa mga pinakapangit na babae sa buong mundo.
03:43.3
Sa narinig nitong si Maria, imbis na magmokmok, nakita nito ang isang oportunidad upang makapag-uwi ng makakain sa kanyang mga anak.
03:52.9
Pumunta ito sa plaza at doon, sumali nga siya.
03:56.0
Tinalo ni Maria ang lahat ng 250 mga kalaban niya.
04:02.1
Masagana ang naging hapunan ng gabing iyon ng pamilya niya.
04:06.9
Nang taong 1920, habang nagbabasa itong si Maria ng dyaryo, nabasa nito ang isang artikulo.
04:12.7
Ayon dito na nagahanap sila ng pinakapangit na babae sa balat ng lupa.
04:17.9
Ang mapipili ay siguradong malaki ang kita.
04:21.3
Maaari lamang na magpadala ng litrato.
04:24.0
Ang palatastas na ito sa dyaryo ay,
04:26.0
mula sa sirkus ng Barnum at Bailey.
04:29.5
Kinagat naman itong si Maria ang pagkakataon.
04:32.5
Nagpadala ito ng litrato at ang sagot na kanyang nakuha ay ang alok na maganda at permanenteng trabaho.
04:41.9
Nagsimula ng magtanghal itong si Maria sa sirkus sa Coney Island sa bansa ng Amerika.
04:48.2
Ang tinagurian na ang pinakamalaki at ang pinakatanyag na aliwan sa panahon na iyon.
04:53.0
Unti-unti nakilala itong si Maria dahil nga,
04:56.0
kanyang kakaibang itsura.
04:58.0
Natural na mahihain itong si Maria.
05:00.0
Ngunit sa isip-isip niya kung uunahin na pa ba nito ang hiya
05:04.0
kaysa sa kalam ng sikmura ng mga anak na naghihintay sa kanya.
05:08.0
Mas lalo pa ito na nagdalawang isip nang nalaman niya na maglalakbay sila sa iba't ibang panig ng mundo.
05:16.0
Mawawalay siya sa kanyang mga supling.
05:19.0
Ngunit naipit sa desisyon itong si Maria.
05:22.0
Lalayo siya sa kanyang pinakamamahal na anak.
05:25.0
Ngunit hindi na nalaman siya sa kanyang pinakamahal na anak.
05:26.0
Hindi na sila muling magugutom pa at malamang nagaganda rin ang buhay nila.
05:31.0
O hindi naman kaya lululunin ba niya ang kanyang hiya at makikipagsapalaran sa malayo
05:38.0
o mananatili sa lugar kung nasaan siya na walang kasiguraduhan ang magiging buhay ng kanyang mga anak.
05:45.0
Pinili nitong lumayo sa kanyang mga supling.
05:47.0
Habang nasa sirkus, unti-unti nasa na itong si Maria na kinukot siya at pinagtatawa na ng tao ang kanyang itsura.
05:55.0
Dahil hindi pantay-pantay ang parte ng katawan niya.
05:59.0
Nariyan na nakutsain siya na ang laki ng kanyang muka at maging sa laki din ng kanyang mga paa.
06:06.0
Ngunit ang lahat ng ito ay napapawi.
06:08.0
Sa tuwing iisipin niya na sa kanyang kinikita sa panlalait ng iba ay napapaaral niya ang anak niya sa esklusibong eskwelahan at nagbibigay sa kanila ng lahat nila na pangangailangan.
06:22.0
Nagpatuloy itong si Maria sa paglabas sa mga sirkus.
06:24.0
Sumikat ng husto ang byuda sa bansang Amerika.
06:29.0
Kasabay ng kanyang tagumpay ay ang kanyang pangungulila.
06:33.0
Sa Amerika, nakilala nito ang isang bagong salta sa sirkus na nakabihag sa puso niya.
06:39.0
Ninais ni Maria na mapansin naman siya ng binata.
06:42.0
Kaya naman nagpunta ito sa isang parlor upang ipaayos ang kanyang sarili.
06:47.0
Ginawa ng lahat ng parlor ang kanilang makakaya para sa kanya.
06:52.0
At sa kanyang pagharap sa salamin, isa lamang ang nasabi ni Maria.
06:56.0
Salamat na lamang sa inyong pagmamalasakit at paghihirap.
07:00.0
Pabalik na lang ako sa aking trabaho.
07:02.0
Sa pagbalik nitong si Maria sa sirkus ay nadaanan niya ang kanyang lihim na sinisinta.
07:07.0
Ngunit imbis na papuri ang tanggapin niya ay hinamak siya nito at pinagtawanan pa.
07:13.0
Sa sakit na kanyang nadarama, wala na itong magawa kundi tanggapin na lamang ang katotohanan
07:19.0
ng walang kahit sino ang magkakagulong.
07:22.0
Ang gusto pa sa kanyang itsura.
07:24.0
Ibinaling na lamang nito ang kanyang panahon sa pagtatrabaho.
07:27.0
Kalaunan ay nalulong ito sa pag-inom ng nakalalasing na inumin.
07:32.0
At ng ikadalawampu at anim ng Desyembre ng taong 1933,
07:36.0
sa edad na limampu at siyam na taong gulang, sumakabilang buhay itong si Maria
07:42.0
habang siya ay nasa bansa ng Amerika.
07:45.0
Kinuha ng kanyang mga anak ang kanyang labi at ibinalik sa Inglaterra,
07:50.0
kung saan tuluyan na siya ay inilagak sa kanyang huling hantungan sa Ladywell Cemetery.
07:56.0
Mga katinagalog ko, ang kwentong ito ay isang malungkot na halimbawa
08:00.0
na sa lipunan natin noon man o kahit pa ngayon,
08:04.0
mas pinahahalagahan ang panglabas na anyo ng tao kesa kung ano ang nasa puso at damdamin nito.
08:11.0
Kung kayo po ang tatanungin ko, ano po ba ang nakakaakit sa inyo sa una?
08:16.0
Ang magandang kaanyuan o ang busilak po na kalulungan?
08:20.0
Isulat po ang inyong sa loobin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
08:28.0
Ang may pinakamagandang sagot po ay magaganding palaan pa rin ng 100G cashload.
08:34.0
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa isa na namang segment natin sa araw na ito.