HULING ARAW SA MUNDONG IBABAW | 2 True Philippine Ghost Stories
01:27.3
Bilang panganay sa limang magkakapatid, ugali ko na rin po talaga na magmerienda pagka uwi ko pa lamang ng bahay.
01:37.5
Ang paborito ko nga po ay ang tinapay at isasawsaw pa sa kape.
01:43.0
Ang ginagawa ko nga po habang nagme-merienda ay sabay na rin pong nag-iisip ng kung ano ang lulutuin namin para sa hapunan.
01:57.3
na tawagin na lamang po nating nanang.
02:01.7
Siya po yung mama ng lola ko sa father's side,
02:05.4
ang siyang lagi pong nagluluto ng aming hapunan.
02:09.9
Ang routine naman niya ay sobrang aga niyang magigising sa umaga
02:14.0
at magpapahinga sa tanghali pagkatapos namin kumain ang tanghalian.
02:19.3
Kaya pagdating ko sa school, usually ay gising na siya at nakapamalengke na.
02:25.3
Pero ang labis ko pong ipinagtaka nung araw na ito ay naabutan ko pa siyang nakahiga sa sala.
02:34.0
Sa isip-isip ko nga ay baka sobrang napagod lamang po siya sa pamamalengke kaya napahaba yung tulog niya.
02:43.0
Kaya ang ginawa ko noon siya Red ay tinimplahan ko siya ng kape at ginawan ko na rin po siya ng tinapay
02:49.6
saka iniwan sa center table ng sala namin.
02:54.5
Sinabi ko na siya,
02:55.3
at narinig ko pa nga sa kanya na
02:56.8
nang ito na po yung merienda mo ha
03:00.3
at narinig ko pa nga po siyang umungol bilang tugon.
03:06.4
Ngunit pag angat ko ng tingin,
03:10.0
doon ay mas lalo po akong nagtaka
03:12.0
sapagkat namataan ko po ang isang matangkad na itim na figura sa gawing kusina.
03:20.2
For visualization lamang siya Red,
03:23.0
pag naroon ka po kasi,
03:25.3
sa kinatatayuan ko sa sala,
03:27.8
matatanaw mo agad yung lababo ng kusina namin.
03:32.0
Doon ko po nakita na may nakatayo.
03:35.6
Itim na figura po siya.
03:39.1
Binaliwala ako na lamang ito dahil tinawag na rin ako ng papa ko.
03:44.9
Hanggang sa lumipas nga po ang isang oras.
03:49.5
Nagtataka ako dahil hindi ko pa rin naririnig si Nanang na nag-aayos na mga lulutuin niya.
03:55.3
Ito na para sa aming hapunan.
03:57.8
Nung sinilip ko nga siya,
04:00.3
naruroon pa rin po siya sa sofa at nakahiga.
04:04.4
Napansin ko rin na may kagat yung tinapay
04:06.8
at nabawasan din yung tinimpla kong kape.
04:11.4
Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi po siya sumasagot.
04:17.0
Hanggang sa kinabahan na talaga ako ng lubos si Red,
04:20.1
kung kaya't napaiyak na ako at tinawag si papa para siya na ang gigising kayo.
04:25.3
Ay nanang, subalit wala pa rin po siyang response.
04:30.4
Hanggang sa muli ay nilingon ko ang kusina sa hindi ko rin po malamang dahilan.
04:38.5
Namataan ko na naman ang matangkad na itim na figura na naruroon din sa same exact location
04:45.7
kung saan ko siyang unang nakita kanina sa kusina.
04:49.9
Dahil medyo panic mode na ang lahat,
04:52.8
hindi ko na lamang po inusisa.
04:55.0
Kung ano yung nakita ko,
04:57.1
basta't dinala na lamang namin sa ospital si nanang.
05:02.1
Unfortunately si Red,
05:04.7
hindi na po na-revive na mga doktor si nanang
05:07.5
at idiniklarang DOA na sa ospital.
05:12.6
So habang naruroon kami,
05:15.5
ikunento ko sa lola ko,
05:18.0
yung mama ng papa ko,
05:20.3
na habang nakahiga si nanang kanina sa sala,
05:25.0
Kung itim na figura sa kusina.
05:28.8
Doon napahagulgol si lola ko
05:31.2
at sinabi niyang baka sundu na daw iyon ni nanang.
05:37.1
79 years old po si nanang nang mamatay.
05:42.1
Hanggang sa ngayon nga si Red ay iniisip ko pa rin
05:45.2
kung si nanang ba yung kumagat sa tinapay at humigop ng kape
05:49.5
o hindi naman kaya ay yung sundu niya
05:52.9
na nakita ko sa gawing kusina.
05:55.0
Ang may gawa nun.
05:58.7
May part din kasi sa sarili ko hanggang sa ngayon si Red
06:02.7
na baka yung tinapay na nakagat ng aking nanang
06:07.3
ay bumara sa lalamunan niya
06:09.0
kung kaya't hindi na siya nakahinga
06:11.4
at humantong sa kanyang kamatayan.
06:16.6
Lahat ng ito ay inamin ko po sa aking mga magulang
06:19.4
pero sabi nga nila
06:21.1
maaaring hanggang dun na lamang talaga si nanang.
06:25.0
At wag ko daw sisisihin ng aking sarili
06:29.9
wala pong may gusto sa nangyari
06:34.6
tiniyak nilang hindi ko naman daw ito kasalanan.
06:38.3
Ang akin naman pong susunod na ibabahagi ay nangyari noong 2016.
07:00.3
Ako po ay graduating student pa lamang sa isang state university sa Manila.
07:05.2
Ang dorm ko po ay nasa V-Mapa at malapit po siya sa isang mall.
07:13.1
Estudyante ako sa umaga tapos ESL teacher ako sa gabi.
07:19.6
Undas po ng nabanggit kong taon nang mangyari ang karanasan kong ito.
07:25.6
So kahit wala akong pasok sa eskwelahan ay naroon-roon lamang ako sa dorm dahil hindi po uso ang mag-leave sa aking trabaho.
07:32.9
Kaya hindi rin po ako nakauwi sa aming probinsya dahil sayang din kasi yung isang araw nakikitain.
07:40.9
Yung inuupahan kong dorm ay isang buong bahay na meron pong tatlong kwarto.
07:46.9
Dalawa ang matatagpuan sa itaas habang isa sa baba.
07:51.9
At doon po ako nag-i-stay sa baba.
07:55.9
Tulog ako mula alas 12 ng tanghali hanggang alas 7 ng gabi.
08:00.9
Hanggang sa ito na.
08:03.9
May isang araw na nagising na lamang ako dahil ang iiingay ng mga tao sa second floor.
08:10.9
Dinig na dinig yung paglalakad nila at maging yung pag-iimpake ng mga gamit dahil nga kahoy yung flooring kaya talagang madidinig mo mula sa baba.
08:20.9
Inisip ko na lamang na baka ura-urada silang uuwi ng probinsya kasi nga holiday nung time na yun.
08:30.9
So paglabas ko po ng kwarto.
08:33.9
Bumungad lang sa akin ang madilim na sala at kusina.
08:38.9
Ito yung common area na pwedeng gamitin ng mga umuupa doon.
08:43.9
Nagtataka naman ako kasi bakit hindi pa binuksan ng mga tenant sa taas yung ilaw sa sala pero inisip ko na lang na baka hindi pa naman pala sila bumababa.
08:55.9
So lumabas ako para bumili ng aking dinner.
08:58.9
Habang naglalakad ako, nakita kong nakatambay yung landlady namin na tinatawag naming mommy.
09:07.9
Ang sabi niya sa akin,
09:10.9
Ay, andyan ka pala? Kanina pa ako kumakatok sa pintuan ninyo. Akala ko'y walang tao. Nakapatay kasi lahat ng ilaw eh.
09:21.9
Sinabi ko na lang sa kanya na kagigising ko lamang nung time na yun.
09:27.9
At meron pa naman ding tao sa taas sapagkat naririnig ko pa ang kanilang paglalakad at yung pag-aayos ng gamit.
09:36.9
So kahit matanda na si mommy, ay sobrang talas ng kanyang memorya.
09:42.9
Kilalang kilala po niya lahat ng mga tenants niya, maging sa pangalan at pati yung oras ng pagpasok at pag-uwi at kung saang probinsya umuuwi ang mga ito.
09:54.9
Hanggang sa nagulat ako sa sinabi niya si Red,
09:56.9
Saang taas? Ay sa taas ng kwarto mo ba? Yung yung room 3?
10:05.9
Iha walang tao dun.
10:09.9
Kaya pinilit at pinanindigan ko talaga na meron akong nadidinig na naglalakad sa taas. Kaya yun nga yung dahilan kung bakit ako nagising.
10:19.9
Pero igini-eat ng aming landlady.
10:25.9
Umuwi na si Nina ng probinsya nila nung isang araw pa.
10:30.9
Eto o iniwan nga niya yung susi niya sa akin para daw hindi niya mawala. Kasi lilinisan ko rin yung nandun sa taas mamaya.
10:37.9
Wala na rin namang tao dun sa room 2. Kahapon sila umuwi.
10:44.9
Dahil nga din si Red hindi ko po sobrang kaklose yung mga kasama ko sa bahay, ay nakiusap na lang ako kay mommy na tawagan sila para makumpirma.
10:55.9
Pagsagot ng tawag, ni loudspeaker ni mommy ang kanyang cellphone para marinig naming dalawa.
11:02.9
Pagkatapos ay dali-dali ko siyang tinanong na,
11:07.9
Ate, umuwi ka na ba sa inyo? Wala ka na ba talaga dito sa dorm?
11:14.9
At sumagot si ate Nina na,
11:17.9
Ay be wala na. Nung isang araw pa ako umuwi.
11:22.9
Eh baka kasi maipit din ako sa traffic kaya nagmamadali na rin ako nung isang araw.
11:27.9
At saka, sandali, bakit?
11:31.9
At nadidinig ko na din si Red yung boses ng anak niya kaya tiyak na wala na nga talaga siya sa dorm at nakauwi na siya sa kanila.
11:42.9
Kinilabutan agad ako dahil wala palang tao sa taas.
11:48.9
Kung wala na palang tao sa taas,
11:50.9
Eh sino yung gumagawa ng mga nadidinig kong lakad at ingay doon?
11:57.9
Sa sobra ding takot ko ay naggayak talaga ako ng 8.30pm pa lamang kahit 12 midnight yung pasok ko sa trabaho.
12:06.9
Umuwi din muna ako sa bahay namin dito sa tagig pagka out ko sa trabaho.
12:11.9
At maging nung kinabukasan nun ay umuwi din ako sa tagig dahil natatakot akong mag-isa sa dorm.
12:20.9
Simula nung kababalaghan na ito si Red.
12:24.9
Simula nang tila pagpaparamdam nila sa akin.
12:28.9
Hindi na din ako nagpapaiwan ng mag-isa doon sa aming dormitoryo lalo kapag holidays dahil alam kong magsisiuwian na naman ang mga kasama ko sa kanika nilang probinsya.
12:42.9
Hanggang sa ngayon nga din si Red na ibinabahagi ko sa inyo ito.
12:48.9
Kinikilabutan ako.