* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast at ngayong araw, pag-uusapan natin kung gaano kasaya ang mga Pilipino.
00:16.9
So, taon-taon naglalabas ng datos yung University of Oxford, yung World Happiness Report, at dito meron silang mga datos sa mga ranking ng mga bansa kung aling bansa ang pinakamasaya at aling bansa ang pinakahindi masaya.
00:42.6
Siguro alam nyo na halos taon-taon, yung mga pinakamasayang bansa ay yung mga bansa sa Scandinavia tulad ng Finland, ng Denmark, ng Iceland, ng Sweden, at ibang bansa tulad ng Israel.
01:05.7
At sa taon na 2023, yung pinakamasaya.
01:12.6
Ayon sa World Happiness Report ay yung Finland. Yung pinakahindi masaya naman, yung pinakanasa dulo ng ranking ay yung mga bansa tulad ng Afghanistan, Lebanon, Sierra Leone, Congo, Zimbabwe, Botswana, Malawi, Zambia, at iba pa.
01:36.9
Pero ang Pilipinas, nasaan ba?
01:41.5
Nasaan ba ang Pilipinas sa ranking na yun?
01:46.8
Kasi merong ideya ang mga banyaga, ang mga foreigner na masaya ang mga Pilipino.
01:57.0
At yun ang nakikita kong stereotype sa mga street interview sa Korea o sa Japan, sa Asian boss,
02:07.4
sa tingin nila masaya ang mga Pilipino dahil
02:11.5
relax ang mga Pilipino at mabagal ang buhay sa Pilipinas.
02:18.6
Sa tingin ko, totoo.
02:26.2
Pero itong research at itong report ng University of Oxford ay tungkol sa well-being.
02:34.1
Yung kasiyahan pero sa aspeto ng well-being.
02:37.8
At yung tanong nila sa mga tao ay,
02:41.5
yung perception ng kalidad ng buhay, ng populasyon.
02:47.6
At siyempre, yung kalidad ng buhay, madaming iba't-ibang mga aspeto.
02:54.2
Tulad ng siguridad, tulad ng pinansyal, yung sweldo, bahay, pagkain,
03:02.4
yung pahinga, yung oras sa pamilya, yung mga hobbies, at iba pa.
03:11.5
sa ranking yung Pilipinas ay nasa pang ikapitumput-tatlo,
03:20.4
53rd place ang Pilipinas sa ranking out of 143 na bansa.
03:29.0
At malaking pagbabago yun dahil noong 2021,
03:33.2
nasa 76 o ikapitumput-anim ang Pilipinas.
03:41.5
At ngayon, nasa 53rd o ikalimamput-tatlong place na.
03:52.5
So, magandang improvement sa ranking ng Pilipinas.
03:59.5
At kung ikukumpara sa iba't-ibang bansa, sa Timog Silangang Asya,
04:03.5
pangalawa ang Pilipinas.
04:05.5
So, sa Timog Silangang Asya, una yung Singapura.
04:11.5
Tapos, yung Pilipinas.
04:14.5
Tapos, sumunod yung iba't-ibang bansa tulad ng Vietnam,
04:20.5
yung Thailand, Malaysia, Indonesia, Laos, Myanmar, at Cambodia.
04:25.5
So, ibig sabihin, sa Timog Silangang Asya,
04:29.5
pangalawang pinakamasayang bansa ang Pilipinas,
04:34.5
ayon sa World Happiness Report.
04:36.5
At siguro, magandang bagay.
04:40.5
Dahil sa tingin ko, yung perception ng kasiyahan,
04:45.5
malaking epekto sa totoong kasiyahan ng tao.
04:51.5
At may epekto sa kalidad ng buhay.
04:54.5
So, kahit maganda yung kalidad ng buhay ng tao,
04:59.5
pero sa perception ng tao, hindi.
05:04.5
At hindi siya masaya.
05:06.5
Sa tingin ko, apektado ang kalidad ng buhay ng tao.
05:09.5
Dahil, konektado ang pag-iisip natin sa nararamdaman natin.
05:18.5
So, kahit na hindi pinakamaganda ang kalidad ng buhay sa Pilipinas,
05:23.5
kung ikukumpara, halimbawa, sa Malaysia o sa Vietnam,
05:28.5
sa opinion ko, magandang bagay na yung perception,
05:33.5
yung tingin ng mga Pilipino ay maganda at masaya.
05:39.5
At maganda ang kalidad ng buhay ayon dito sa survey,
05:46.5
ayon sa report ng World Happiness Report.
05:50.5
At meron na akong mga podcast episode tungkol sa pag-iisip
05:57.5
at tungkol na rin sa kasiyahan ng mga Pilipino.
06:02.5
Tulad ng mga hobbies ng mga Pilipino,
06:05.5
tulad ng kasabihan na,
06:09.5
kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
06:13.5
Tungkol sa iba't ibang mga kultura at gawain sa Pilipinas na
06:20.5
malaking dahilan kung bakit masaya ang mga Pilipino
06:24.5
kahit na hindi masyadong maganda ang kalidad ng buhay.
06:29.5
Yun lang ang podcast ngayong araw.
06:32.5
Salamat sa oras nyo.
06:34.5
May akong transcript kung kailangan nyo.
06:37.5
At pwede kayong sumuporta sa Patreon kung gusto nyo itong proyekto.
06:42.5
Salamat at paalam.