#107 - Mga Pagkakatulad ng Pilipinas at Mexico / Similarities Between Philippines and Mexico
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Pag-uusapan ng Pilipinas at Mexico
00:30.0
Pag-uusapan ng Pilipinas at Mexico
01:00.0
At dahil doon, nagkaroon ng posibilidad, magkaroon ng impluensya ang Pilipinas sa Mexico at ang Mexico sa Pilipinas.
01:14.2
Sa katunayan, noong 1810, noong Mexican War of Independence, may Pilipino, si Ramon Fabie, na galing sa Maynila,
01:28.6
ang lumaban kasama ng mga Mexicano laban sa mga conquistadores na Espanyol.
01:38.2
At dahil sa ginawa ni Ramon Fabie na taga-Maynila, may inscribed o naka-inscribe ang pangalan ni Fabie sa Mexico City
01:51.1
dahil tumulong siya sa mga Mexicano noong 1810.
01:56.6
At mayroon ding mga kalye at mga plaza na pinangalanan kay Ramon Fabie.
02:07.9
At noong World War II, nagpadala din ng tulong ang Mexico sa Pilipinas.
02:16.0
So may support na talaga ang Pilipinas sa Mexico at ang Mexico sa Pilipinas sa kasaysayan.
02:24.2
Sa pag-usapan natin,
02:26.6
yung mga pagkakatulad ng Pilipinas at Mexico.
02:31.8
Una, yung apelido.
02:35.0
Siyempre, maraming mga Pilipino ang gumagamit ng Espanyol na apelido.
02:41.4
At ganoon din sa Mexico.
02:44.0
Ganoon din sa iba't-ibang bansa sa Latin America.
02:49.4
Dahil noong panahon na yun, noong 19th century,
02:55.5
yung mga apelido,
02:56.6
ng Pilipino ay galing sa mga apelido ng Espanya, ng Espanyol.
03:05.1
So kahit walang dugong Espanyol, kahit walang lahing Espanyol ang mga Pilipino,
03:13.0
Espanyol ang mga apelido.
03:16.9
At ganoon din sa Mexico.
03:19.7
Pero sa Mexico, maraming mga Espanyol ang kinasal sa mga natives
03:25.1
at nagkaroon ng mixed race sa Mexico.
03:29.6
Kaya noong nabaptismuhan yung mga bata,
03:35.1
nakuha nila yung Espanyol na apelido.
03:39.8
Susunod, yung relisyon.
03:44.1
Siyempre sa Pilipinas,
03:46.0
pinakamalaking relisyon ay yung Katolisismo.
03:55.1
Ang populasyon ay Katoliko.
03:58.8
ng mga Pilipino ay Katoliko.
04:03.1
Ganoon din sa Mexico,
04:05.5
yun din ang pinakamalaking relisyon.
04:13.3
ng populasyon ang Katoliko.
04:17.5
Susunod ay ang kultura.
04:20.7
Siyempre yung kultura, maraming aspeto.
04:24.9
Yung fiesta, parehong mahilig ang mga Pilipino at Mahikano sa fiesta.
04:33.8
Sa Mexico, meron yung quinceañera sa mga babae na labing limang taong gulang.
04:44.1
Sa Pilipinas naman, hindi 15 years old, hindi labing limang taong gulang.
04:51.3
Pero, labing walong taong gulang o 18 years old, meron parang quinceañera ang mga Pilipino.
05:03.0
Pero ang tawag namin doon ay debu.
05:07.2
So, merong debu sa mga babaeng Pilipina pag labing walong taong gulang, 18 years old.
05:16.5
Sa Mexico, merong quinceañera.
05:19.4
Kung labing limang taong gulang o 15 years old.
05:25.1
At may iba-ibang fiesta, tulad ng the Day of the Dead sa Mexico.
05:33.2
Sa Pilipinas, meron yung Araw ng Mga Patay.
05:37.5
Yung Araw ng Mga Patay, yung sa November 1, kung saan o kung kailan,
05:49.4
Yung mga kapamilya ng mga namatay.
05:54.0
Minsan, sa October 30 o 31, o November 1, November 2.
06:00.1
Bumibisita yung mga Pilipino sa sementeryo para puntahan yung mga patay na kapamilya.
06:08.7
At minsan, merong mga piyesta dahil parang masayang evento din sa ibang mga Pilipino.
06:19.4
At siyempre, yung lingwahe din.
06:25.7
So, magkatulad ang, o may pagkakatulad ang lingwahe sa Mexico at lingwahe sa Pilipinas.
06:33.7
Dahil sa lingwaheng Pilipino, merong apat na libong salita ang galing sa Espanyol.
06:41.0
At meron din mga nakuhang salita ang mga Pilipino sa Nahuatl.
06:49.4
Yung Nahuatl, yung lingwahe ng tinatawag din na Aztec o yung Mexican language.
06:58.1
Yung grupo ng mga lingwahe sa Uto-Aztecan language family.
07:05.4
At ito yung lingwahe sa Central Mexico.
07:10.6
Maraming, o may iba't ibang salita na galing sa Nahuatl sa Tagalog.
07:17.7
Halimbawa, yung Camache.
07:19.4
Pile, pitaka, kakao, at iba pa.
07:25.4
Bukod sa lingwahe, yung pagkain din may pagkakatulad.
07:30.9
Halimbawa, yung mga pagkain na empanada, adobo, caldereta, mechado, at iba-ibang pagkain.
07:42.6
Tulad ng mangga, mezcal, tequila, piña, guava.
07:49.4
Avocado, camachile, yun.
07:55.2
Naghalo, yung iba galing sa Pilipinas, naimpluensyahan ng Mexico.
08:03.8
Yung iba naman galing sa Mexico, naimpluensyahan ang Pilipinas.
08:10.1
Yung iba naman, impluensya galing sa Espanya, papunta sa Mexico at Espanya sa Pilipinas.
08:19.4
At isa pa, tungkol din sa kultura, yung pagiging malapit sa pamilya.
08:27.2
So sa mga Mehikano at sa mga Pilipino, mahalaga yung pagiging malapit sa pamilya.
08:34.0
At hindi kakaiba kung yung mga matanda na yung mga adults ay nakatira kasama ng mga magulang.
08:49.4
At normal na tumira kasama ng mga lolo, ng lola, ng mga extended family.
08:58.2
So okay lang yun.
09:00.3
At isa pa, yung boxing.
09:02.8
Sa Mexico, yung boxing, yung pangalawa sa pinakasikat na sport.
09:08.4
So una yung football, tapos yung boxing.
09:13.4
Sa Pilipinas din, yung boxing.
09:16.0
Siguro pangalawa din o pangatlo.
09:17.9
Hindi ako sigurado pero sobrang sikat din ang boxing sa Pilipinas.
09:25.8
At kung matatandaan nyo, yung mga pinakamagandang laban ni Manny Pacquiao ay kadalasan laban sa mga Mehikano.
09:35.8
Kasi bukod sa magaling ang mga boxingerong Mehikano, talagang hindi umaatras ang mga Mehikano.
09:44.9
Tulad ni Juan Manuel Marquez.
09:47.9
Tulad ni Juan Manuel Marquez, ni Barrera, si Eric Morales, Oscar de la Hoya, at iba pa.
09:56.5
At ang huli naman ay yung arkitektura.
10:01.2
Lalo na sa Maynila, maraming mga gusali, mga simbahan, yung may arkitektura na Espanyol.
10:09.1
At syempre kung bibisita kayo sa syudad ng Mexico,
10:15.1
maraming mga arkitektura na yung estilo ay parang sa Espanya.
10:21.5
Sa Pilipinas, yung Intramuros, yung Calle Crisologo sa Ilocos, yung mga lumang bahay, at mga iba't ibang simbahan.
10:36.4
So yun lang ang mga iba't ibang pagkakatulad ng Pilipinas at Mexico.
10:41.5
At syempre, siguradong marami.
10:45.1
Madami pang ibang bagay, pero yun ang naisip ko.
10:50.8
Mayroong transcript kung kailangan nyo at pwede kayong sumuporta sa Patreon kung gusto nyo itong proyekto.
10:58.0
Maraming salamat, paalam at ingat!