ITO NA! GAGANTI na ang PILIPINAS sa PANGHAHARAS ng CHINA ‼ï¸
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
The Filipino citizen is killed by a willful act.
00:03.6
That is, I think, very, very close to what we define as an act of war.
00:09.6
Kung hindi raw tayo papalag, uulit-ulitin lang daw ito ng China hanggang sa makuha ang West Philippine Sea.
00:16.2
Dapat gawin din ng Pilipinas kung ano ang ginagawa sa atin ng China.
00:20.1
Noonti-unti ang Pilipinas hanggang sasakupin ng China.
00:22.7
Yan ang nakikita ng isang dating sekretary ng Department of Defense sa ginagawang panghaharas ng China sa West Philippine Sea.
00:32.2
Kaya naman bago pa mahuli ang lahat, dapat na raw pumalag ang Pilipinas.
00:36.3
Bakit nga ba sa kabila ng napakatinding panghaharas at pananakit na ginagawa ng China,
00:43.0
sa mga sundalong Pilipino ay hindi pa rin tayo gumaganti?
00:47.1
Ito na ba ang tamang panahon na gumanti na ang Pilipinas?
00:50.8
Kaya ba natin ang China?
00:52.4
Sa aspetong militar at ekonomiya, at ano ang matinding epekto kung gumanti nga ang Pilipinas sa China?
00:59.9
Tigmaan na ba? Yan ang ating aalamin.
01:13.2
Ito ang matapang na pahayag ni dating Defense Secretary Orly Mercado sa Panibago
01:18.6
at mas marahas na pambubuli ng China sa mga sundalong Pilipinas.
01:22.4
Ito ang Pilipino na nagsagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.
01:26.5
Madaling araw nitong lunes nang harangin ng ilang China Coast Guard vessel,
01:31.3
ang mga rubber boat ng Philippine Navy na papunta dapat sa BRP Sierra Madre.
01:36.4
Hinabol sila, binangga at binutas pa ang ibang rubber boat para hindi makaabante.
01:41.9
Mas tumindi pa raw ang tensyon nang sapilitang sumampa sa mga rubber boat ang China Coast Guard
01:47.0
sa kasinubukang kumpiskahin ang mga daladalang armas ng Naval Special Operations Group.
01:52.4
O NAVSOC, nauwi ito sa agawa ng mga baril, kaya nasugatan ng iba at naputulan pa ng daliri ang isa sa mga sundalo.
02:00.6
Ayon kay Mercado, Grey Zone Tactic ang ginagawa ng China, isa itong uri ng pag-atake.
02:07.1
Pero di pa maituturing na open warfare o pakikipag-gyera kung hindi raw tayo papalag.
02:13.2
Uulit-ulitin lang daw ito ng China hanggang sa makuha ang West Philippine Sea o ang buong South China Sea.
02:20.6
Mungkahi pa ni Mercado.
02:22.4
Dapat gawin din ng Pilipinas kung ano ang ginagawa sa atin ng China.
02:27.3
Kung binabanatan tayo ng water cannons, bakit hindi tayo gumamit ng water cannons?
02:32.5
Tapos ang ipambomba natin yung tubig ng Pasig River para magkaroon sila ng sangkatutak na impeksyon.
02:38.6
Tingin naman ang International Affairs Analyst na si Prof. Renato de Castro,
02:43.4
direktang pag-atake na sa Pilipinas ang ginawa ng China.
02:46.4
Pwede na raw itong gawing basehan para paganahin ni Pangulong Bongbong Marcos,
02:51.1
ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Amerika.
02:54.7
Sabi naman na security analyst na si Chester Cabalza,
02:58.4
kung nagawang sumampan ng mga tauhan ng China Coast Guard sa barko ng Pilipinas,
03:03.5
hindi malayo na bakagawin din nila ito sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
03:10.1
Kung sakaling gumanti sa China, kaya ba ng Pilipinas?
03:14.5
Sa aspeto ng lakas militar, ang China ay may mas malaking hukbo at mas modernong kagamitan
03:20.7
kumpara sa Pilipinas.
03:22.2
Ang People's Liberation Army ng China ay isa sa pinakamalaking militar sa mundo
03:27.5
at may advanced na teknolohiya sa iba't ibang sangay ng hukbo.
03:31.9
Hukbong lupa, hukbong dagat at hukbong himpapawid.
03:35.7
Ang Pilipinas, bagaman may sariling sandatahan, ay may limitadong kakayahan at kagamitan kumpara sa China.
03:42.6
Ikalawa, ekonomiya.
03:44.1
Sa larangan ng ekonomiya, mas malaki ang ekonomiya ng China kumpara sa Pilipinas.
03:48.5
Ang China ay isa sa pinakamalaking ekonomiya.
03:50.7
Ikalawa, ekonomiya sa mundo.
03:51.8
Samantalang ang ekonomiya ng Pilipinas ay mas maliit at mas umaasa sa remittances, outsourcing at agrikultura.
03:59.1
Ikatlo, mga kaalyadong bansa.
04:01.4
Ang Pilipinas ay may alyansa sa ibang mga bansa, partikular na sa Estados Unidos.
04:06.3
Ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay maaaring magbigay ng suporta sa Pilipinas
04:13.5
sakaling magkaroon ng seryosong hidwaan.
04:16.1
Sa totoo, mahihirapan ang Pilipinas na makipagsabayan sa China.
04:20.7
Sa mga aspeto ng militar at ekonomiya.
04:23.4
Pero pamamagitan ng pakikipag-alyansa at paggamit ng mga pandaigdigang batas,
04:28.1
maaaring mapanatili ng Pilipinas ang ating mga interes at soberanya.
04:32.7
Bakit nga ba hindi pumapalag ang Pilipinas kahit may nasasaktan ng Pilipino?
04:36.9
Una, diplomatikong estrategiya.
04:39.6
Ang Pilipinas ay karaniwang naglalayong lutasin ang mga sigalot sa pamamagitan ng diplomatikong paraan.
04:45.5
Ikalawa, pang-ekonomiyang interes.
04:48.2
Ang China ay isang pangunahing kasosyo ng Pilipinas.
04:50.7
sa kalakalan at pamumuhunan.
04:54.2
Ang pagganti sa China ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa
04:59.7
kasama na ang posibleng paghina ng mga bilateral na kalakalan at pagkawala ng mga pamumuhunan.
05:06.6
Ikatlo, kakayahang militar.
05:09.2
Sa larangan ng militar, hindi sapat ang kakayahan ng Pilipinas upang makipagsabayan sa lakas ng China.
05:15.2
Ang isang direktang komprontasyon ay malamang na magresulta sa mas malaking pinsala at kapahamakalan.
05:20.7
Ikaapat, pagsunod sa pandaigdigang batas.
05:24.7
Ang Pilipinas ay sumusunod sa mga pandaigdigang batas at mga kasunduan.
05:29.7
Tulad ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UN Clause.
05:34.7
Ang pagganti sa pamamagitan ng dahas ay maaaring magresulta sa paglabag sa mga internasyonal na batas at maging sa sarili nitong mga kasunduan.
05:44.7
Kung magiging agresibo ang Pilipinas sa pagganti ay maaaring magdulot ng paglayo ng suporta
05:49.7
mula sa mga kaalyadong bansa nito.
05:52.7
Ang insidente sa Ayungin Shoal kung saan nasugatan ang mga sundalo ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon.
05:59.7
Maraming bansa ang nagpakita ng suporta para sa Pilipinas ayon sa Estados Unidos.
06:05.7
Ipinahayag nito ang kanilang suporta sa Pilipinas.
06:08.7
At sila ay nababahala sa mga aksyon ng China laban sa mga sundalo ng Pilipinas.
06:13.7
Pinahayag pa ng Amerika na ang ginawang ito ng China ay irresponsablo.
06:19.7
Sa pagpigil nila sa mga sundalong Pilipino para maghatid ng supply sa BRP Sierra Madre,
06:25.7
ang China ay lumalabag sa international law at nagdudulot ng panganib sa kalayaan ng paglalayag sa rehyon.
06:32.7
Ayon naman sa Canada, hindi daw sumusunod ang China sa international law lalo na sa UN Convention on the Law of the Sea,
06:40.7
sabi pa nito sa China, ipatupad ang 2016 arbitral ruling.
06:45.7
Sabi din ng South Korea,
06:47.7
Mahalagahan ang kapayapaan sa South China Sea na naayon sa batas.
06:52.7
Para sa Germany, mapayapang magsasagawa ng solusyon sa alitan.
06:56.7
Nagpahiyag din ng grave concern ang Japan sa insidente at nagpakita ng pakikiisa sa Pilipinas.
07:03.7
Ang Japanese ambassador sa Pilipinas ay naglabas ng pahayag na kinukundena ang patuloy na mapanganib na kilos ng China Coast Guard.
07:12.7
Kinundena rin ng Australia ang mga aksyon ng China.
07:15.7
Binanggit na ito ay bahagi ng isang pattern ng mapanganib na pag-uugali.
07:20.7
Nanawagan sila para sa paggalang sa United Nations Convention on the Law of the Sea upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehyon.
07:29.7
Nananawagan naman ang France para sa paggalang sa international law at nagbigay din sa kanilang pagtutol sa anumang aksyon na nagdudulot ng tensyon at panganib sa regional na katatagan at pandaigdigang kaayusan batay sa batas.
07:45.7
At para sa European Union, sila ay nababahala at nagsabi na ang mga aksyon ng China ay naglalagay sa panganib ng mga buhay, nagpapahina sa katatagan ng rehyon at nagbabanta sa international na mga pamantayan.
08:00.7
Sa patuloy na pambubuli ng China sa West Philippine Sea, patuloy na makipagnegosasyo ng Pilipinas sa China upang lutasin sa mapayapang paraan, maaari rin itong gawin sa pamamagitan ng ASEAN o iba pang regional agrar.
08:13.7
o iba pang regional forums para mas malakas ang boses at ipagpatuloy ang legal na hakbang.
08:21.1
Gamitin ang mga disisyon ng international courts tulad ng Permanent Court of Arbitration na pabor sa Pilipinas upang igiit ang karapatan sa West Philippine Sea.
08:31.4
Maaaring magsumite ng mga reklamo at dokumentasyon sa United Nations upang palakasin ang kaso.
08:37.9
Mahalaga ang balansing diskarte upang epektibong maipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea at hindi dapat magpadala sa emosyon at padalos-dalos na hakbang.
08:50.5
Dahil sa huli buong Pilipinas rin ang maapektuhan sa tumitinding harassment at pangigipit ng China sa mga sundalong Pilipino at mangingisda sa loob mismo ng ating West Philippine Sea.
09:01.6
Ano na ba dapat ang gawing aksyon ng pamahalaan ng Pilipinas?
09:05.6
Dahil kung wala pa rin matibay na hakbang, mauulit lang ang ganitong senaryo sa ating kapwa Pilipino.
09:12.6
Hihintayin pa ba natin na may magbuwis ng buhay para makaisip ng angkop na solusyon?
09:18.6
Ikomento mo naman ito sa iba ba.
09:20.6
Pakilike ang ating video.
09:22.6
Share mo na rin sa iba.
09:24.6
Salamat at God bless!