NAKU‼ï¸CHINA NASA PALIGID LANG ng PILIPINAS | INU-UNTI UNTI na Tayo ng CHINA 😡
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:02.2
China pinalilibutan na ang buong Pilipinas.
00:05.5
Malakas at moderno ang puwersang militar ng China.
00:09.0
Ang kanilang puwersang militar ay nagbibigay ng kumpiyansa sa kanilang mga hakbang sa rehyon.
00:14.8
Kaya ganoon na lang ang pangaharas at pambubuli nito sa Pilipinas,
00:18.8
mas lalong lumakas ang loob ng China na angkinin ang West Philippine Sea
00:23.1
dahil naniniwala sila na kung makukuha pa nila ang mas maraming teritoryo,
00:27.8
mas lalo silang magiging malakas at makapangyarihan.
00:31.4
Sa totoo, hindi lang pala sa West Philippine Sea,
00:33.9
tinatangka ng China na makakuha ng teritoryo kundi sa iba pang parte ng ating bansa.
00:38.9
Ano-anong lugar ito sa Pilipinas?
00:41.2
Bakit ganoon na lamang kadali sa China na manguha ng mga teritoryo na hindi naman sa kanila?
00:46.5
At ano ang dapat gawin ng gobyerno ng Pilipinas para protektahan ang ating soberanya?
00:51.7
Yan ang ating aalamin.
00:57.8
Sa kanlurang bahagi ng Pilipinas, Western Philippines.
01:02.4
Patuloy ang pagkuha at pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.
01:06.7
Sa Spratly Island, palaging may presensya ng mga barko ng China,
01:10.3
ipinahayag ng mga mangingisdang Pilipino ang pagkakaroon ng mga barkong Chino
01:14.4
na umaaligid sa kanilang mga pangingisdaan na nagdudulot ng takot at hadlang sa kanilang hanapuhay,
01:20.9
lalo na sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal.
01:23.7
Ang lugar na ito ay isang tradisyonal na pangisdaan ng mga Pilipino.
01:27.8
Ngunit nagkaroon ng matinding presensya ng mga barkong Chino
01:31.4
na nagbabantay at nag-iinspeksyon sa mga mangingisda mula sa Pilipinas.
01:37.1
At ang pinakahulin insidente sa Ayungin Shoal
01:40.1
ay nangyari ng unang banggain ng Chinese Coast Guard, ang Philippine Navy.
01:45.7
Matapos magdeklara at magpatupad ang China,
01:48.2
noong June 15, ang sarili nilang batas na nagbabawal at aaristuhin ang mga dayuhang barko
01:55.0
na nasa katubigan ng D.U.T.
01:57.8
Sabi pa ng China, lumabag daw ang Pilipinas sa pangako daw nito
02:02.6
at nagpadala ng supply ship at inflatable boat sa Ayungin Shoal.
02:07.7
Kaya bukod sa pagbibigay ng warning at pagharang sumampa daw ang Chinese Coast Guard
02:12.6
sa bangka ng Pilipinas at nag-inspeksyon sa loob.
02:16.3
Ayon sa ginawang ito ng China,
02:17.8
Ito daw ay legal at profesional ang ginawa nila.
02:21.4
Pero ayon sa source sa ilang balita, hindi lang ganito ang ginawa ng China.
02:26.5
Kinaladkad ng China ang inflatable boat ng Philippine Navy at binutas pa nila ito kahit may mga sakay na sundalo ng Pilipinas.
02:35.0
Sundalo ng Philippine Navy ang nagtamu ng mga sugat at ang isa sa kanila ay naputulan pa ng daliri.
02:40.8
Bukod sa pagbutas at pagkaladkad sa inflatable boat ng Pilipinas,
02:44.4
binasag din daw ng China ang salamin nito at sinira ang makinagamit ang maso.
02:49.1
At ang matindi pa ay kinuha ang mga baril at cellphone ng mga sundalong Navy.
02:53.5
Sa isang statement,
02:56.5
Sisikapin pa ng AFP ang tungkulin nitong ipagtanggol ang territorial integrity,
03:05.2
soberanya at karapatan ng bansa.
03:07.7
Ang insidente at pagbangga sa mga sundalong Pilipino na may mga nasaktan at nasugatan
03:13.6
ay ilan lamang sa matinding panggigipit at panghaharas ng China.
03:18.6
Sa silangang bahagi ng Pilipinas,
03:20.7
Eastern Philippines,
03:21.8
ang Benham Rice, na kilala rin bilang Philippine Rice,
03:26.5
ang malawak na undersea region na matatagpuan sa silangang bahagi ng Luzon sa Pilipinas.
03:32.8
Ang lugar na ito ay kinikilala bilang bahagi ng Extended Continental Shelf ng Pilipinas
03:38.5
ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf, CLCS, noong 2012.
03:45.1
Noong 2017, iniulat ng mga opisyal ng Pilipinas na mayroong isang survey ship ng China
03:50.9
na nakita sa Benham Rice ayon sa Philippine Department of National Defense,
03:55.5
ang Chinese Survey Ship ay lumilibot sa lugar sa loob ng tatlong buwan,
04:00.7
mga layunin ng China sa Benham Rice.
04:03.3
Paggalugad, ang pangunahing dahilan kung bakit naroroon ang mga barko ng China sa Benham Rice
04:09.3
ay para sa scientific research at marine exploration.
04:13.5
Mayaman ang Benham Rice sa marine biodiversity
04:16.5
at posibleng mayaman din ito sa mineral resources tulad ng natural gas at methane hydrates,
04:23.3
kaya nagkaka-interest ang China.
04:25.5
Strategic Presence
04:27.5
Maaaring bahagi rin ito ng kanilang estrategiya upang ipakita ang kanilang presensya sa rehyon.
04:34.2
Bagamat hindi saklaw ng China ang Benham Rice,
04:37.4
ang kanilang presensya sa lugar ay maaaring may kaugnayan sa kanilang mga interes
04:42.0
sa geopolitika sa rehyon ng Asia Pacific.
04:45.5
Nagbahayag ang Pilipinas ng pagkabahala at pinaalalahanan ng China
04:49.7
na ang Benham Rice ay sakop ng teritoryal na hurisdiksyon ng Pilipinas.
04:54.3
Ang daan na ito ay,
04:55.3
ang dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbigay diin na ang Benham Rice
04:59.8
ay pag-aari ng Pilipinas at nagbigay ng direktiba na palakasin ang presensya ng Pilipinas sa lugar na ito.
05:07.4
Noong Marso 2024, kinumpirma ng Philippine Navy ang presensya ng dalawang barkong Chino sa lugar.
05:14.7
Ang mga barkong ito ay ikot-ikot sa loob nito.
05:17.7
Nagpatupad ng air surveillance ang Navy upang mabantayan ang mga barkong ito
05:22.7
at maprotektahan ang karagatang teritoryo ng Pilipinas.
05:25.3
Inawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang presensya ng mga barkong Chino sa Benham Rice
05:32.4
bilang isang malinaw na pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas
05:36.8
na nagpapakita ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China
05:41.5
sa hilagang bahagi ng Pilipinas, Northern Philippines, Batanes at Babuyan Islands,
05:47.9
iniulat na may presensya rin ng mga barko ng China at malapit sa Luzon Strait.
05:55.3
may report na isang Chinese research vessel ang dumaan sa mga karagatan ng Itbayat at Pasco sa Batanes
06:01.7
bago ito namataan na paikot-ikot sa katubigan malapit sa Katanduanes.
06:07.5
Bukod dito, sa 2024, may ulat din na may presensya ng mga barkong Chino
06:13.0
sa lugar habang nagsasagawa ng monitoring mission ang Philippine Coast Guard sa Batanes
06:18.7
at Philippine Rise upang tiyakin ang kaligtasan ng maritime teritory ng Pilipinas.
06:25.3
Mga presensyang ito ay nagdudulot ng patuloy na tensyon at pangangailangan
06:29.9
para sa mas mahigpit na pagbabantay at proteksyon ng Pilipinas sa teritoryal na karagatan.
06:36.2
Lalo na ang Batanes ay malapit lamang sa Taiwan na puntiriya ding sakupin ng China
06:41.5
kaya dapat lang na mas mahigpit ang pagbabantay sa teritoryong ito ng Pilipinas.
06:46.9
Sa timog na bahagi ng Pilipinas, Southern Philippines,
06:50.0
may presensya ng mga barko ng China sa timog na bahagi ng Pilipinas.
06:55.3
Partikular sa mga karagatan ng Tawi-Tawi.
06:58.0
Noong 2023, iniulat na ang mga barko ng Chinese Navy ay namataan sa teritoryal na tubig ng Tawi-Tawi.
07:05.9
Pagamat ipinaliwanag ng Philippine Navy na ang mga ito ay nasa Innocent Passage.
07:12.3
Ito ay nagdulot ng pangamba sa mga residente dahil sa mga tensyon sa West Philippine Sea.
07:17.7
Ilan lang ito sa mga lugar na pinupuntahan ng mga barko ng China sa ating bansa.
07:22.9
Kung tutuusin, napakarami nitong umangat.
07:25.3
Sa mga maaligid at nagmamasid sa paligid ng Pilipinas na animoy lobong umuungal na handang umatake sa bawat bahagi ng Pilipinas,
07:33.8
sa ganitong presensya dapat may strikto at maayos na batas ang ating bansa.
07:38.6
Kasi kung wala, ay mauulit ng mauulit lamang ang panghaharas at pambubuli ng China sa ating mga kababayang Pilipino.
07:46.1
Ang patuloy na presensya ng mga barko ng China sa iba't ibang bahagi ng karagatan ng Pilipinas ay bahagi ng mas malawak na estrategiya ng China.
07:55.3
Hanawakin ang kanilang impluensya at kontrol sa South China Sea kahit na ito ay kinukundena ng Pilipinas at ng ibang mga bansa sa regiyon.
08:03.8
Ikaw ano ang may sasabi mo sa patuloy na pagtangka at pag-angkin ng China sa ating teritoryo?
08:10.3
Ikomento mo naman ito sa iba ba?
08:12.3
Pakilike ang ating video, i-share mo na rin sa iba!
08:15.6
Salamat, at God Bless!