#109 - Ang Pinakamalaking Bulaklak sa Mundo / The Biggest Flower in the World (Rafflesia)
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:12.1
At ngayong araw, pag-uusapan natin ang pinakamalaking bulaklak sa mundo.
00:19.5
At makikita at mahahanap sa Pilipinas ang pinakamalaking bulaklak sa mundo.
00:31.1
O yung pamilya ng pinakamalaking bulaklak sa mundo.
00:36.5
At hindi ito masyadong alam ng mga Pilipino at ng ibang mga tao.
00:44.1
Pero sa tingin ko, magandang malaman ito.
00:48.1
Lalo na ng mga nakatira sa Pilipinas.
00:52.6
Kasi sobrang interesante itong mga bulaklak na ito.
00:59.1
Maganda at mahalaga para sa biodiversity ng mga bulaklak at ng mga halaman sa Pilipinas.
01:15.2
So, yung bulaklak na ito ay yung Reflecia.
01:22.4
O sa Ingles, may ibang pangalan na Stinking Corpse Lily.
01:30.5
Siguro alam nyo itong malaking bulaklak na ito.
01:34.8
Ito yung pula na malaking bulaklak na mabaho.
01:42.7
Kaya sa Ingles, yung tawag Stinking Corpse Lily.
01:45.2
Kasi sabi ng mga researcher, ng mga sayantipiko, na mabaho ang bulaklak at ang amoy ng bulaklak ay parang bangkay o corpse.
02:02.6
O parang keso na panis o parang amoy ng kilikile.
02:15.2
mabaho itong bulaklak na ito.
02:19.6
So, yung Reflecia ay species o yung family ng bulaklak na endemic sa Southeast Asia.
02:29.8
Pero yung iba't ibang species makikita sa Pilipinas.
02:37.2
So, madaming iba't ibang species ng Reflecia sa Pilipinas.
02:42.7
Pero yung pinakamalaki,
02:45.2
na species ay makikita sa Indonesia.
02:51.0
Kung hindi sa Pilipinas, yung pinakamalaking species.
02:55.3
Pero yung iba't ibang species sa family ng Reflecia, sa genus ng Reflecia, makikita sa Pilipinas.
03:08.0
So, kaya nang sabi ko, ito yung pula at mabaho at malaki.
03:16.1
At bakit ba mabaho itong bulaklak?
03:20.8
Bakit may ganitong amoy ang bulaklak?
03:25.1
Kasi, di ba, ang ibang mga bulaklak ay mabango?
03:29.4
Para ma-attract ang mga bubuyog, ang mga bee.
03:35.7
Para makuha yung pollen ng bulaklak.
03:45.2
mailipat sa ibang bulaklak.
03:49.0
At, yun, para dumami ang mga bulaklak.
03:52.7
Pero bakit itong Reflecia ay mabaho?
03:57.1
So, isang evolutionary adaptation itong amoy ng Reflecia.
04:02.4
Kasi yung amoy na mabaho ay chemical mimicry.
04:08.6
Ibig sabihin, ginagaya ng amoy, yung mabahong amoy,
04:17.1
o ng patay na hayop.
04:20.8
At, syempre, yung patay na hayop,
04:26.4
madaming mga langaw.
04:29.3
Madaming mga langaw.
04:32.8
natutulungan na mag-pollinate
04:38.0
Dahil mabaho ang bulaklak,
04:42.1
akala ng mga langaw na,
04:45.2
patay na hayop o bangkay, kaya pupunta ang mga langaw sa Rafflesia at matutulungan na mag-pollinate ang bulaklak.
05:02.1
So isa yun sa mga evolutionary adaptation, isang chemical mimicry ng Rafflesia.
05:09.5
At mayroon ding thermogenesis yung bulaklak.
05:15.2
Ibig sabihin, sa gitna at sa loob ng bulaklak ay mainit.
05:23.3
So mainit, isa ring mimicry dahil yung patay na hayop o yung bangkay ay nagdi-decompose at mainit.
05:35.6
Ibig sabihin, ginagaya ng Rafflesia ang patay na hayop para
05:43.9
mag-pollinate or i-pollinate ng mga langaw.
05:50.3
So matalinong adaptation.
05:53.8
Kakaiba kumpara sa ibang mga bulaklak na mabango.
05:59.6
At itong Rafflesia ay walang dahon, walang ugat, at walang tangkay.
06:06.8
Ibig sabihin, walang leaves, walang roots, walang stem.
06:13.9
Nabubuhay ang Rafflesia.
06:15.8
Paano kumakain ang Rafflesia?
06:20.2
So ang Rafflesia ay isang parasite.
06:24.8
Ibig sabihin, umaasa ang bulaklak na ito sa isang vine.
06:32.9
Yung pangalan ng vine ay yung tetrastigma.
06:37.2
So yung mga nutrients ay galing doon sa vine.
06:43.9
Kaya ng Rafflesia mag-photosynthesize.
06:48.8
Hindi kaya ng Rafflesia ang photosynthesis.
06:52.8
Kaya isang parasite siya sa isang vine.
07:00.4
At yun, interesante itong bulaklak na ito na matatagpuan sa iba't ibang parte ng Pilipinas.
07:11.7
So meron sa hilaga.
07:13.9
Sa Pilipinas, sa Luzon, meron din sa Visayas, sa Negros, sa Samar, sa Panay, meron din sa Mindanao.
07:27.3
Ibat-ibang species ang makikita sa Luzon, sa Visayas at Mindanao.
07:33.7
At nasa delikadong estado itong bulaklak kasi kumakonte ang species.
07:43.9
Nang Rafflesia sa Pilipinas dahil sa iba't ibang dahilan.
07:51.0
Pero sayang kasi kakaiba itong bulaklak.
07:56.3
Mahalaga sa biodiversity at pwedeng maging flagship species ng Pilipinas.
08:05.7
Dahil, yun nga, dahil interesante at maganda itong bulaklak.
08:11.4
So kung pupunta kayo sa Pilipinas...
08:13.9
Pwede ring bisitahin at hanapin itong Rafflesia o kilala rin sa pangalang Stinking Corpse Lily.
08:24.9
So yun lang ang podcast episode ngayong araw.
08:28.9
Salamat sa supporta nyo.
08:30.9
Merong Patreon kung gusto nyo sumuporta at merong libreng transcript kung kailangan nyo.
08:38.3
Salamat at paalam.