01:27.8
Pero nang nagtagal na,
01:30.0
nahulog na yung loob ko.
01:32.8
Pogi kasi, matangos ang ilong.
01:36.2
Makapal yung kilay na bumagay sa mapupungay nito mga mata.
01:41.5
Pantay-pantay na ngipin akong titingnan ay alagang-alaga.
01:47.7
At hindi mo aakalain na isa lamang itong delivery boy.
01:52.3
Hindi naman sanang lalait ako pero,
01:54.1
may mas sinabi pa yung tindig nito kaysa sa mismong may-ari na pinagtatrabahuhan niya.
02:00.0
Niligawan ako nito sa pag-aakalang isa lamang din akong tauhan doon sa grocery store na ito.
02:11.4
Doon kasi ako natutulog sa taas ng tindahan namin na nagsisilbiding tulugan ng aming mga trabahador.
02:19.2
Si na mama at papa naman ay pumupunta tuwing hapon at uuwi din naman bago gumabi.
02:25.8
May sarili naman akong kwarto sa ikalawang palapag ng tindahan.
02:30.0
May sarili rin banyo sa loob ng kwarto kaya komportable ako doon.
02:35.6
Hindi ko na kailangan gumising na maaga para bumiyahin ng kulang-kulang isang oras bago marating ang tindahan namin.
02:44.9
Hindi ko sinabi sa binata na tawagin na lamang natin sa pangalang Rodel ang aking katayuan sa buhay.
02:52.9
Gusto ko rin naman kasi ito.
02:55.1
Mabait siyang tao.
02:57.1
Masiyahin at napaka-positibo ng pananawas sa buhay.
03:00.0
Doon po ako humangan ng todo sa kanya.
03:06.0
Inabot ng apat na buwan ang panliligaw nito sa akin.
03:11.9
niyaya ako nitong kumain sa labas
03:13.6
sa linggo mano at day off niya.
03:18.0
Nataon din na sahod kaya niyaya ako nito.
03:22.2
Naisip ko na nasa tindahan si mama tuwing linggo kung kaya't
03:25.2
sumagot ako dito ng okay.
03:27.4
Ganun na lamang ang tuwa niya dahil ayon sa kanya ay birthday niya o mano nung araw na yon.
03:33.4
At gusto niya na ispesyal na tao sa kanya ang makakasama niya.
03:37.4
Kaya masaya siya na pumayag ako.
03:40.4
Palihim naman akong kinilig sa ipinagtapat nito, Sir Seth.
03:45.4
Pero, syempre, talagang Pilipina kaya itago lamang ang kilig.
03:50.4
Hindi naman ako nahirapang magpaalam sa magulang ko.
03:54.4
Basta raw, huwag lang makipagtagal.
03:56.4
Huwag lang makipagtagpo sa lalaking hindi ko pa na ipakilala sa kanila.
04:01.4
Lalo na't hindi nila gusto.
04:04.4
Lihim na rin akong napasimangot pa noon.
04:10.4
Gagala lamang ako.
04:12.4
Magbibrainstorming.
04:14.4
Nakakastres din kayo magpalakad nitong tindahan.
04:17.4
Pangangatwiran ko kay mama noon.
04:20.4
O sige, basta umuwi ng maaga, ha?
04:24.4
24 anyos na ako, Ma.
04:26.4
Hindi na ako bata.
04:29.4
Basta, Jeanette, makinig ka.
04:31.4
Medyo naiinis na wika nito.
04:34.4
Kung kaya't bago pa umiba ang ihip ng hangin ay mabilis na akong sumagot ng,
04:39.4
Opo, Ma. Hindi ako magpapagabi.
04:44.4
Kinabukasan ay maaga pa akong nagayos para makaalis na.
04:48.4
At si Mama, dahil sa gustong makasigurado ay pinag-day off na din ito ang dalawa naming katulong sa tindahan.
04:55.4
Para daw may kasama akong gumala.
04:58.4
At dahil alam kong ang dalawang iyon ay may diyowa, di na paminsan-minsan ay pumupunta sa tindahan at kunyaring bumibili.
05:05.4
Kaya sinabihan kong mga ito,
05:08.4
Nasaan niyo yung mga diyowa niyo? Hindi niyo ba sila kasama?
05:13.4
Tawagin na lamang natin yung dalawang ito na sina Mia at Chinky.
05:17.4
Kaya kahit nahihiya, nagkwento ang mga ito na susunod ang mga diyowa nila kung saan kami magsisimba.
05:25.4
Napangiti ako sa kakulitan ng dalawa.
05:29.4
Kaya sinabihan ko sila na,
05:31.4
Pagdating namin sa may simbahan, ay kanya-kanya na muna kaming tatlo.
05:38.4
Basta pagka alas 4 ay doon din kami magkikita-kita sa harap ng simbahan kung saan kami naghiwa-hiwalay.
05:47.4
Doon ko nakita kung gaano naman natuwa ang mga ito.
05:50.4
Sabi ko pa sa kanila ay huwag na huwag nilang sasabihin kinamama at papa.
05:56.4
Hindi naman umano sila magsusumbong.
05:59.4
Dahil pag nagsumbong umano sila ay pati sila, mabubuko na rin.
06:04.4
Napangiti na lamang ako noon Sir Seth.
06:08.4
Pag alis ng dalawa ay kagad na akong pumasok ng simbahan.
06:13.4
Habang naglalakad papasok, ay may humawak naman sa kamay ko.
06:18.4
At nang lingunin ko ay si Rodel na pala.
06:22.4
Yumuko na lamang ako pero hindi ko naman nabawi ang kamay ko noon.
06:27.4
Hinayaan ko na lamang siya na hawakan ito habang pumapasok kami ng simbahan.
06:33.4
Binitiwan niya na lamang ang kamay ko nang umupo na kami.
06:38.4
At may taong tumabis sa amin sa upuan.
06:41.4
Pagkatapos namin magsimba ay gumala kami sa malapit lang na shopping mall.
06:45.4
Kumain at pumunta ng parke.
06:49.4
Dahil sa magandang lugar at hindi pa maraming taon o mga panahon na iyon ay napasarap ang aming kwentuhan.
06:56.4
At muli ay nagtapat sa akin si Rodel.
07:00.4
Matagal na rin kasi itong nanliligaw kung kaya't sinagot ko na rin ito.
07:04.4
At nang araw na iyon ay nagsimula ang aming pag-iibigan.
07:08.4
Inilihim ko yun sa aking mga magulang hanggang sa umabot ng dalawang taon.
07:15.4
Ang lihim naming pagtatagpo.
07:18.4
Nakita kami ng isa kong pinsan na pinag-aaral ni mama kung kaya't malapit ito sa magulang ko.
07:25.4
Doon din ito nakatira sa bahay.
07:28.4
Sinumbong ako ng pinsan ko sa mga magulang ko na naging sanihi kung bakit kami nagkagulo sa bahay.
07:36.4
Na mga panahon na iyon na nasa 26 na ang edad ko.
07:40.4
Pati ang dalawa naming katulong ay nadamay pa sa galit ni mama at papa.
07:45.4
Napilitan na ako makipagsagutan noon dahil una kasalanan ko naman talaga at walang kinalaman ng dalawa naming kasambahay.
07:55.4
Pangalawa ay nasa tamang edad na ako at alam ko ang sitwasyon na sinusoon ko noon.
08:01.4
Sa galit ng mga magulang ko Sir Seth ay sinabihan ako ng mga ito na wala akong makukuha ni katiting na manas sa kanila.
08:09.4
Dahil pumatulong mano ako sa isang lalaki na hamak lamang na utusan.
08:13.4
Sa galit ni papa, sinabihan ako nitong umuwi na sa bahay at ang pinsan ko na lamang ang mamamahala ng tindahan.
08:22.4
Hindi ako pumayag kong kahit pinalayas ako ng mga ito.
08:27.4
Dahilan ng sama ng loob ay nag-alsa balutan na rin ako.
08:31.4
Kung ano ang gamit ko sa tindahan ay iyon lamang ang dinala ko paalis noon.
08:35.4
Doon ako dumiretso sa boarding house ni Rodel kung saan ilang beses na niya akong dinala.
08:41.4
Kinuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari at nagtapat na din dito na hindi ako katiwala sa tindahan kundi anak ako na may-ari ng establishmento na iyon.
08:52.4
Napaawang ang bibig ni Rodel at saglit na dadismaya pero mas nangibabaw dito ang pag-aalala dahil nakita niyang may pasakos sa braso at namumula ang mukha ko sa sampal ni mama.
09:06.4
Nang araw din na iyon ay hindi ito pumasok.
09:11.4
Ginamit niya lahat ng kanyang ipon.
09:14.4
Maski ako ay daladala ko na rin yung mga ipon ko noon.
09:18.4
Saka kami nagdesisyong bumiyahe sa probinsya ng nobyo ko sa Maybatanes.
09:27.4
Bago pa man kami bumiyahe papunta doon, ipinagtapat na ni Rodel sakin kung gaano kahirap sa isla.
09:35.4
Mahirap hindi dahil walang mapaghahanap buhayan doon kundi walang gaano kuryente sa lugar.
09:41.4
Walang matataas na gusali at shopping malls.
09:44.4
Kagaya ng nakasanayan kong galaan sa lungsod.
09:49.4
Sumagot naman ako na okay lamang iyon basta magkasama kami.
09:53.4
Walang kaso sakin.
09:55.4
Ano mang hirap ang danasin namin noon.
09:59.4
Doon ako nanatili sa boarding house ni Rodel.
10:02.4
Hanggang sa araw ng biyahe namin.
10:05.4
Aminado ako sa unang gabi ng pananatili ko sa boarding house na iyon.
10:11.4
Doon na nangyari ang hindi dapat.
10:14.4
Alam niyo na kung ano iyon.
10:16.4
Hindi ko na pwedeng i-explain kasi may mga batang nakikinig eh.
10:20.4
Fast forward tayo.
10:23.4
Nakarating na kami sa probinsya ng Batanes.
10:27.4
Unang beses kong nakarating sa lugar na ito.
10:31.4
Nabighani ako sa taglay nitong ganda.
10:35.4
Hindi ko na babanggitin pa kung saan banda ito pero
10:38.4
malayo ito sa mismong bayan sa Maysobasco.
10:42.4
Napapalibutan ang lugar ng dagat at matataas na punong kahoy.
10:47.4
Napakabait din ang mga tao dito.
10:50.4
At kalimitan ay makikita mo ang mga magsasaka na may suot-suot na bakul.
10:55.4
Ito ay uri ng pandong na sinusuot nila sa ulo para panlaban sa init ng araw.
11:02.4
Masayahing tao ang mga ibatans.
11:05.4
Palabati ang mga ito.
11:06.4
Pero hindi lahat ng bumabati ay kailangang bigyang pansin.
11:14.4
Kailangan naming magingat dahil dayo ako sa lugar.
11:19.4
Hawak-hawak ni Rodel ang aking kamay hanggang sa makarating kami sa isang bahay.
11:27.4
Pumasok kami sa isang bakuran na maraming nakatanim na iba't ibang uri ng bulaklak.
11:32.4
Animoy ang nakatira dito ay may talento sa pagtatakot.
11:37.4
Narinig ko rin ang hunay ng maraming manok at bibis sa likod na bahagi ng hindi kalakiang bahay na iyon.
11:45.4
Simple lamang ang bahay.
11:48.4
Pero gawa ito sa bato.
11:55.4
Pagtawag ni Rodel sa kanyang nanay na kaagad namang lumabas.
11:59.4
Nagmano dito si Rodel.
12:02.4
Ang ginang naman ay kaagad naniyakap ang anak.
12:09.4
Siya si Jeanette, Nay. Kasintahan ko.
12:13.4
Naiiya akong bumati dito sa baymano.
12:17.4
Nako anak, napakaganda naman ang nobya mo.
12:20.4
Ihas, salamat at napadalaw ka dito sa amin ha.
12:23.4
Masayang wika naman ang inang ni Rodel.
12:26.4
Si Itango nasaan?
12:29.4
Ah, naroon-roon sa trabaho.
12:32.4
Maaga pa naman kasi kaya pala parang sinasabi ng utak ko na huwag mo nang umalis sa bahay.
12:38.4
Uuwi ka pala at nako, kasama mo na'y magiging manugang ko.
12:42.4
Napakagandang dilag.
12:44.4
Pagpupuri sa akin ni inang.
12:47.4
Napapangiti naman ako na nakatingin kay Rodel.
12:51.4
Kung gaano ako ka-welcome sa kanila.
12:54.4
Gano'n naman ako kadismayado sa mga magulang ko noon.
12:59.4
Isinantabi ko na muna ang isipin na iyon.
13:02.4
Kagad namang itinuro sa amin kung saan ang magiging silid namin.
13:07.4
Ayon pa dito kay inang ay isipin ko na parang bahay ko na rin umano ang lugar.
13:13.4
Doon ko din nalaman na kaisa-isa ang anak lang pala nila itong si Rodel.
13:18.4
Hindi nila inaasan ang pag-uwi nito.
13:21.4
Ang buong akala nila ay hindi na ito babalik.
13:25.4
Salamat sa iyo, iha.
13:27.4
Ngayon kumpleto na muli ang pamilya namin.
13:30.4
At parang may kasama pang isa na magiging miyembro ng pamilya.
13:33.4
Nakosigurado ako na matutuwa yung itang mo sa pag-uwi niyo, anak.
13:38.4
Maluwa-luwang wika ni inang noon.
13:42.4
Medyo napaluwa pa nga ako, Sir Seth, nang sabihin niya sa akin na inang na rin umano ang itawag ko sa kanya.
13:50.4
Habang nag-ayos ako ng mga damit namin ni Rodel sa kwarto,
13:55.4
ay tinutulungan naman ni Rodel na magluto sinang sa kusina.
13:59.4
Nagpakata ito kay Rodel ng dalawang manok.
14:01.4
Gusto nitong ipagbiwang ang pag-uwi namin.
14:06.4
Maya-maya pa ay may narinig akong boses ng may edad na lalaki sa may labas.
14:11.4
Kung kaya't lumabas ako sa may silid noon.
14:14.4
Nagkatawan naman na nasa pintuan na ng bahay si Rodel at kayakap na ang kanyang ama kong kaya't
14:20.4
dali-dali na akong lumapit dito at ipinakilala naman ako ni Rodel.
14:25.4
Nagmano ako at yumakap na rin ito.
14:29.4
Kakaibang kasayahan yung dinala mo sa amin ni inang mo ngayon.
14:35.4
Biglaan nga atang eh. Wala sa plano pero nandito na eh.
14:39.4
Dito na kami maninira ng babaeng mahal ko.
14:42.4
Sabay hawak ni Rodel sa kamay ko noon.
14:45.4
Naku anak, walang problema sa amin ni inang mo.
14:48.4
Kaysa-isahan ka ba naman kung kaya't supportato ka namin sa kung anumang ikaliligaya mo.
14:53.4
Basta nasa tama lang ah.
14:55.4
At sa pag-aasawa ba eh, may edad ka na.
14:57.4
Ikaw iha, ilang taon ka na ba?
15:02.4
O diba, panahon na para naman may mumunting mga paan ang tatakbo dito sa bahay nak.
15:07.4
Wika ni amang na ikinangiti naman naming dalawan ni Rodel.
15:12.4
Naging masaya ang aming paninirahan sa probinsya.
15:16.4
Makalipas ang limang buwan.
15:19.4
Nabuntis ako noon.
15:21.4
Wala namang kaso yun kasi tanggap naman at napakasaya namin.
15:24.4
Wala namang kaso yun kasi tanggap naman at napakasaya namin noon.
15:28.4
Pero hindi ko naisip na yun pala magiging dahilan.
15:32.4
Nang hindi namin magandang karanasan.
15:39.4
Nasa limang buwan na ang aking pagdadalang tao noon.
15:43.4
Pumunta kami sa klinika sa baryo para magpa-prenatal.
15:48.4
Nang may lumapit sa akin na nagtitinda ng kakanin.
15:51.4
Natutuwa ako dahil napakamura ng paninda nito.
15:55.4
Kung kaya't napabili ako ng balensyana at ng halayang ube.
15:59.4
Kung kaya't napabili ako ng balensyana at ng halayang ube.
16:02.4
Ang hindi ko maintindihan noon sa erset ay
16:05.4
Para bang pinapakainan ito kagad sa akin?
16:08.4
Para bang pinapakainan ito kagad sa akin?
16:10.4
Kahit na sinabi ko na sa bahay na lamang.
16:13.4
Dahil baka hindi ko maubos at masayang naman pero
16:16.4
Kumuha talaga ito ng medyo maliit na bahagi ng kakanin.
16:21.4
At talagang yung gustong-gusto niyang tikman ko kaagad yun.
16:28.4
Pero nagulat na lamang ako
16:31.4
Nang inagaw ni Inang ang ibinigay nitong balensyana.
16:36.4
Kung gusto mo yan, magluluto tayo.
16:39.4
E wag kang basta-basta nalang kakainan kung anumang bagay na binibigay sa'yo.
16:43.4
Lalo na't hindi mo kilala yung mga tao dito.
16:47.4
Pagalit na wika ni Inang.
16:49.4
Saka na ako mahigpit na hinawakan sa kamay at hiniila na paalis nun.
16:56.4
Pero mabilis na hinawakan ng ali ang tiyan ko sabay sabi ng
17:04.4
Pero bago pa man tuluyang lumapat ang kamay nito sa tiyan ko.
17:08.4
Tinapik yun ni Inang.
17:11.4
Sabay niyang tinitigan ang alis sa mata.
17:18.4
Kilalanin mo yung kinakanti mo ha.
17:21.4
At baka hindi mo magustuhan yung mangyayari sa'yo.
17:24.4
Wika nito sa ginang na
17:26.4
Para bang gigil na gigil si Inang nun.
17:30.4
May pagbabanta pa ang tono nito.
17:34.4
Saglit lamang na nabahala ang itsura ng ginang.
17:38.4
Dali-dali itong umisi.
17:41.4
Kinilabutan ako sa ngisi ng ginang kung kaya't
17:44.4
Kaagad kong ibanalik ang mga kakanin sa dala niyang bayong.
17:49.4
Miyaya ko na rin si Inang na umalis na kami.
17:53.4
Pero ang ginang ay patuloy pa rin na nakatitig sa amin.
17:58.4
Dali-dali na kaming sumakay ng padiyak pa uwi ng bahay.
18:03.4
Pagka uwi sa bahay.
18:06.4
Tinanong ako ni Inang kung okay lamang ba ako.
18:10.4
Umuuan naman ako nun pero
18:12.4
Bahagya na akong lumuluha dahil
18:15.4
Sa unang pagkakataon ay nakita kong nagalit ito sa'kin.
18:21.4
Pero ang pagpapaliwanag ni Inang ay hindi umano siya galit sa'kin nun.
18:26.4
Kundi doon sa ali na
18:29.4
Meron umanong balak na
18:36.4
Anong ibig niyong sabihin nang?
18:38.4
Naguguluhan kong tanong kay Inang.
18:42.4
Hindi na nagdalawang isip pa si Inang na sabihin na
18:47.4
Aswang umano ang babae na lumapit sa'kin kanina.
18:56.4
Hintay natin ang pag-uwi ng Itang mo at ni Rodel.
19:00.4
Para magawan ka ng proteksyon dito.
19:05.4
Wala pa man ang pananghalian ay nakauwi na si Itang at Rodel.
19:09.4
Ako kaagad ang hinanap nito at tinanong kung anong nangyari.
19:14.4
Nagtaka naman ako noon dahil wala pa sa amin ni Inang ang nakapagkwento dito kung anong nangyari sa lakad namin.
19:22.4
Kagaya ni Inang ay noon ko lamang din nakita na nagalit si Itang ng todo.
19:29.4
Hindi nga ito ganon kagalit nung ipinagtapat namin na nagtanan lamang kami pero
19:35.4
ngayon iba na ang galit nito sa nila lang.
19:40.4
Ako naman na nagtataka ay nagtanong sa kanila kung paano ninalaman na ganon ang nangyari sa lakad namin.
19:48.4
Kagad na sumagot si Itang na pagdating umano sa ganong sitwasyon.
19:53.4
Walang makakaligtas sa kanya.
19:57.4
Ayon pa dito kay Itang.
20:00.4
Hindi niya umano ako binigyan ng proteksyon dahil pinabantayan niya ako kaya
20:04.4
nalaman niya umano kaagad kung ano ang nangyari sakin.
20:09.4
Kaya napauisil ng wala sa oras.
20:13.4
Pagkatapos niyang sabihin ay agad na Itong lumabas at may pinuntahan iyon.
20:19.4
Ang buong akala ko ay susuguri na nito ang nila lang pero hindi pala.
20:25.4
Pumunta Ito sa liblib.
20:28.4
Kumuha ng halamang baging na kung tawagin ay makabuhay.
20:31.4
Kagad Itong nagtanim palibot ng bahay at pinalibot din sa bintana hanggang sa bubungan.
20:40.4
Kasunod nito ay ang paglubid niya ng baging na may tatlong metro ang haba.
20:46.4
Tatlong piraso iyon na puro mahahaba.
20:50.4
Tinungko si Rodel kumpara sa inyo at ang sagot niya.
20:54.4
Para pang latig o umano sa kung sino mang demonyo
20:59.4
ang lalapasdangan sa amin ng anak ko.
21:04.4
Napangiti naman ako ng wala sa loob nun.
21:08.4
Sa isip-isip ko, lumaki na lamang ako at ngayon ay buntis na pero
21:13.4
Ito ang kauna-unahang makakakita ko ng aswang kong magkatawan.
21:19.4
O napapangiti ka dyan mahal?
21:22.4
Sa tingin mo hindi totoo?
21:24.4
Sabihin mo yun mamaya kapag nilusog ka na ng aswang dito sa bahay.
21:32.4
Nangingiti man ako pero tila ba ayaw tanggapin ang sistema ko ang sinasabi ng isip ko na hindi totoo ang aswang.
21:42.4
Pumapasok kasi sa isip ko ang itsura ng ali kanina habang nakangisi nun.
21:49.4
Pagkatapos gawin ni Itang ang magbilad ng baging at kung ano pang inilagay niya sa banda ng kwarto namin ni Rodel.
21:56.4
Kagad naman nagyayas si inang nakumain na muna ng pananghalian.
22:01.4
Kung kaya't kaagad naman kaming pumunta sa pagkainan nun.
22:05.4
Doon ay nakita kong puno din pala ng halamang baging na makabuhay ang parte na yun ng bahay.
22:13.4
Kasunod ay ang pagpunta ko sa banyo.
22:16.4
Doon ay nakita ko rin na may halaman din noon na makabuhay.
22:20.4
Kung kaya't muli akong napangiti.
22:23.4
Sa oras na ito ay hindi dahil.
22:25.4
nakakatawa ang ginagawa ni Itang.
22:29.4
Napangiti ako dahil ramdam ko kung gaano niya kami iniingatan ng magiging anak ko.
22:37.4
Nang oras na yun ay hindi na bumalik pa si Itang at Rodel sa may sakahan.
22:42.4
Sa bahay na lamang ito.
22:45.4
At tila ba abala sa kung ano ang ginagawa nito sa labas ng bahay.
22:50.4
Si Rodel naman ay pinatulog na muna ako.
22:53.4
Bago ito lumabas ng bahay para tumulong kay Itang noon.
23:01.4
Alas 6 pa lamang ay humain na kami ng hapunan.
23:05.4
Pero tila ba napakabigat ng pakiramdam ko.
23:09.4
Parang nanlalamig yun.
23:12.4
Malamig naman talaga sa lugar dahil napapalibutan kami ng mga punong kahoy kaya
23:18.4
nagsuot na lamang ako ng medyo makapal na pajama at damit na medyo may kahabaan din ang manggas.
23:26.4
Okay ka lang ba mahal?
23:28.4
Tanong sa akin ni Rodel.
23:30.4
Hindi mahal eh. Medyo nanlalamig ako na hindi ko maintindihan.
23:35.4
Mabigat yung pakiramdam ko.
23:42.4
Yan na nga bang sinasabi ko Iha.
23:45.4
Ilang oras pa eh.
23:46.4
Malalaman mo na kung anong aswang na sinasabi ko sayo.
23:50.4
Wika naman ni Inang.
23:53.4
Tatlong oras pa ang lumipas.
23:55.4
Hindi pa rin ako makatulog.
23:58.4
Tumayo na ako na para bang naiinitan kung kaya tinubad ko ang suot kong pajama at damit.
24:05.4
Pinalitan ko ito ng bistida.
24:09.4
Medyo humupa ang init na nararamdaman ko pero
24:13.4
pumalik naman ang medyo pagsakit ng tiyan ko nun.
24:17.4
Napahawak ako sa balakang ko.
24:20.4
Kung kaya't medyo nagpanik si Rodel.
24:24.4
Dali-dali nitong tinawag si Inang sa kabilang kwarto.
24:28.4
Kung kaya't kaagad naman na lumipat si Inang sa kwarto namin.
24:33.4
Samantalang si Amang naman.
24:36.4
Naroroon ito sa likod bahay at nag-aabang nasa kung sino ang dadating.
24:43.4
Pumunta si Rodel sa harapan ng bahay.
24:49.4
may naririnig na kaming hunin ang hayop
24:53.4
na tila ba animoy boses ito ng inahin na manok
24:57.4
at boses ng bibe na nagsasagutan.
25:02.4
Sa bawat tunog ng hayop ay nagdudulot ito ng kung anong kilabot sakin.
25:08.4
Kasabay nito ay ang pagsakit ng tiyan ko
25:12.4
na tila ba hinahalo kayang sikmura ko nun.
25:16.4
Habang nagsasagutan sa paghunay ang mga nilalang
25:20.4
ay naririnig ko naman ang paghahasa ni Itang ng kanyang itak.
25:26.4
Ilang minuto pa ang nakalipas at naging agresibo na ang tunog ng mga nilalang nayon.
25:33.4
Tila ba gigil na gigil na ito na makalapit sa bahay.
25:38.4
Ang tiyan ko ay hindi kaanong masakit dahil may nilagay si Inang doon na halamang gamot.
25:43.4
Hinimas-himas ko na lamang ito at kinakausap si baby na kumalma lamang at ligtas kami pareho.
25:51.4
Na hindi kami pababayaan ng lolo niya at ng papa niya, pati ng lolo niya.
25:57.4
Tila ba nararamdaman ko naman ang anak ko sa tiyan ko nun.
26:01.4
Napangiti ako dahil tila ba nakikinig ito at sumang-ayon sa mga sinasabi ko sa kanya.
26:08.4
Nakangiti ako na napatingin kay Inang
26:11.4
na siyang nakita kong nakahinga ito ng maluwag nang makita ang panatagong mukha nun.
26:19.4
Maya-maya pa ay may parabang humuni na tila isang baboy ramo.
26:25.4
Sinuwag nito ang dingding ng tahanan pero mabuti na lamang at bato yun kung kaya't hindi naman kami nabahala.
26:36.4
Walang anu-ano ay may narinig kaming malakas na paghampas sa lupa.
26:39.4
Kasabay ng malakas na paghiyaw ng nilalang na iyon.
26:45.4
Kasunod nito ay ang pagkarinig namin sa boses ni Rodel na nagsasabi ng,
26:53.4
Narinig naman namin si Itang na pinuntaan si Rodel at may sinabi ito sa kanya.
26:58.4
Pero hindi na namin narinig iyon.
27:02.4
Kulang-kulang pa isang oras ang lumipas.
27:05.4
May narinig na naman kaming tila ba napaka-agresibo na ito.
27:09.4
Pati ang pagaspas ng pakpak nito ay rinig namin na tila ba hindi ito ordinaryo.
27:18.4
Napakalakas ng pagaspas na iyon.
27:22.4
Nang akma na itong lilipat palayo ay tila bumangga ito sa isang bagay at kasunod nito ay ang malakas na paglagapak nito sa lupa.
27:33.4
Napasabi si Itang noon na,
27:40.4
Dalawang oras pa silang naghantay sa labas.
27:44.4
Madaling araw na.
27:46.4
Saka pa lamang nila nilabas kung ano man ang nahuli sa kanilang ginawang painon.
27:52.4
Ito pala ang pinagkakaabalahan ni Itang nang hapon na iyon kung kaya't hindi na ito bumalik pa sa maisakahan.
27:59.4
Nahuli ang mga ito sa pamamagitan ng lubid na inilatag ni Itang.
28:03.4
Nilagyan niya ito ng pain at ginamit pala nito ang hinubad kong damit.
28:10.4
Ganon din sa isang pain pa.
28:13.4
Naakit siguro dito ang mga nilalang kung kaya't nilapitan ng mga ito.
28:18.4
At ayon, nahuli nga sila.
28:22.4
Ipinasok ni Tatay ang mga ito sa kulungan ng aso na walang laman.
28:29.4
isang babae at isang lalaki na ang laman ng kulungan.
28:34.4
Nakahubot-hubada mga ito.
28:37.4
Gusto ko sanang tingnan ang mga ito pero hindi ako pinayagang lumabas nila inang at Itang.
28:43.4
Ang ginawa ko ay sumilit na lamang ako sa may bintana.
28:47.4
At doon ko nakita na ang isa sa mga nahuli ay yung ginang na nagtinda sa akin ng kakanin kahapon.
28:59.4
Napaisip ako kung paanong nangyari na ang hayop na naririnig namin kagabi.
29:07.4
Nakakamangha na nakakatakot ang mga nasaksihan ko noon.
29:11.4
Hindi ko naman masabi na hindi ito totoo dahil
29:15.4
ako mismo narinig ko kung ano ang nangyari noon.
29:19.4
Narinig at naramdaman ko
29:22.4
kung paano ako nakaramdam ng hindi komportable.
29:26.4
Magkahalong takot at pagkamangha ang naramdaman ko ng oras na iyon.
29:33.4
Takot na baka may masamang mangyari sa amin ni Baby.
29:39.4
Dahil nagawa ni Itang at Ronald na mahuli ang mga nila lang.
29:43.4
At ang pagkapanatag dahil alam kong hindi kami papabayaan ng asawa ko at ng aking mga binan.
29:49.4
Sa kanila ko nakita at naranasan na hindi man sa ganas sa material na bagay pero
29:54.4
sapat na ang simpleng pamumuhay at hindi nagugutom.
30:00.4
Puro pasariwa ang lahat.
30:03.4
Yun bang simpleng buhay lang.
30:05.4
Hindi pressure sa pakikipagsabayan sa yaman kagaya ng buhay na pinanggalingan ko sa Manila.
30:11.4
Pasyalan na dati na sa shopping mall.
30:14.4
Subalit sa isla ang pasyalan ay dalampasigan.
30:18.4
Isda na sa palengkel ang nakakabili.
30:21.4
Doon ay sa aplaya na.
30:24.4
At kung minsan pa ay si Rodel at Tatang ang nangingisda nun.
30:28.4
Balik tayo sa kwento.
30:31.4
Tinanong ko si Itang kung ano ang gagawin niya sa mga nila lang.
30:38.4
Kung di ang patayinan kung anumang mga alaga na manganin sa katawan nila.
30:44.4
Paano mo gagawin yung Tang?
30:47.4
Ay naku Jeanette, hindi ako tinawag na berdugong manggagamot dito sa isla nang wala lang.
30:55.4
Napatawa na lamang si Rodel sa tinuran na iyo ni Tatang.
30:59.4
Kaya nga nagkamali ang mga nila lang ng kinanti ka nila mahal.
31:03.4
Ngayon tuloy, mawawalan sila ng alaga.
31:07.4
Hindi ko maintindihan ang sinabi na iyo ni Rodel.
31:11.4
Si Tatay naman ay nakita kong nagkuskos ng panggatang niyog.
31:16.4
Gagawin niya umanong langis iyon.
31:18.4
Pagkagawa niya ng langis ay kaagad naman siyang nanguha ng bulaklak ng kalabasa.
31:24.4
Nakita kong pinakuluan niya iyon.
31:27.4
Pagkatapos ay pinatakan niya ng langis ng niyog na ginawa niya ang pinakuluan niyang kalabasa.
31:35.4
Nang tingnan ko iyon ay may halo pa pala yung bulaklak at dahon ng halaman na Roselle.
31:41.4
Kasunod noon ay ang pagbilad niya sa araw ng basong may laman na kanyang mga ginawa.
31:46.4
Dalawang baso lamang iyon.
31:50.4
Pinaarawan niya ito hanggang alas 12 ng tanghali.
31:54.4
Pagkatapos ay inorasyonan niya ito.
31:58.4
Pagsapit ng alas 12 ay ibinilad niya muli ito sa araw hanggang sa pagsapit ng alas 3.
32:05.4
Pagsapit naman ng alas 3 ay kaagad niya itong ipinasok sa loob.
32:10.4
Saglit na muling inorasyonan at pagkatapos ay nilagyan niya ng konting asin
32:14.4
at dinala sa kulungan.
32:18.4
Doon pa rin nakatali ang hubot-hubad na mga nilalang
32:23.4
na sa kung anong paraan ay hindi ito nakikita ng mga tao na pumunta sa bahay ng araw nayon.
32:29.4
Tila ba inorasyonan niyo ni Itang ng Sabulag?
32:34.4
Una niyang ipinainom ang ginawa niyang gamot sa lalaki.
32:38.4
Wala itong kakayahan para tumanggi.
32:41.4
Tuloy-tuloy na iniinom iyon ng nilalang.
32:44.4
Ilang minuto pang lumipas at tila ba umakto itong nasusuka?
32:50.4
At ilang sandali pa, sumuka ito ng puro malapot na laway na bumubula-bulaba noon.
32:59.4
Kasunod noon ay ang paglabas ng tila napaka-itim na sisiw.
33:05.4
Nangihina na din iyon na tila ba malapit ng mamatay?
33:10.4
Dinakot ni Itang ang sisiw gamit ang tela.
33:14.4
Pinilagay niya ito sa isang lalagyan na lata ng biskwit na may nagbabagang uling na nilagyan niya ng insenso at kamangyan.
33:24.4
Sunod naman ay ang babae ang kanyang pinainom.
33:28.4
Tila ba nagpupumiglas pa ito na tumututul sa ginagawa ni Itang?
33:33.4
Kaya nasabi ni Itang na,
33:36.4
Ah, ikaw pala talagang tunay na aswang.
33:40.4
Hinawaan mo na lamang itong asawa mo, no?
33:44.4
Napakawalang hiya mo naman.
33:47.4
Dahil sa pagpupumiglas nito, nagpatulong si Itang kay Rodel para pigilan ito at ibuka ang bunganga.
33:55.4
At dahil delikado iyon ay baka makagat sila kung kaya't nilagyan ni Itang ng tubo ang bunganga ng nilalang.
34:03.4
At doon niya ipinadaan ang ginagawa niyang gamot.
34:07.4
Gusto kong maawa sa nilalang pero natatakot rin ako sa klase ng hiyaw nito.
34:13.4
Tila ba napaka-delikado niya?
34:16.4
Paglunok nito ng gamot ay nagwawala iyon, na tila ba isang hayop na nakakain ng lason.
34:25.4
Ilang sandali pa, sumuka ito ng napakalapot at napakabahong likido.
34:32.4
Mas mabaho pa ito sa likido na isinuka ng lalaki.
34:37.4
May lumabas na tila isang butikis sa bibig niya.
34:43.4
Malaki ito at buhay pa.
34:46.4
Pero hindi na ito nakapalag pa.
34:49.4
Nang dinakmayon ni Itang gamit ang tela na may orasyon.
34:54.4
At muli, inilagay nito sa lata na may nagbabagang uling.
34:59.4
At kagaya ng nangyari sa sisiw ay nasunog din ang hayop na ito.
35:04.4
Pagkatapos gawin iyon ni Itang,
35:06.4
ay binigyan niya ng damit ang mag-asawa.
35:10.4
Buhay pa ang mga ito pero mahinang-mahina na.
35:15.4
Sumunod na araw ay pinakawala na ni Itang ang mag-asawa.
35:19.4
Humingi ng tawad ang mga ito bago umalis.
35:23.4
Sabi naman ni Itang ay hindi na magtatagal na mga iyon dahil,
35:27.4
wala na sa katawan ng mga ito ang hayop na naging dahilan,
35:31.4
kung bakit patuloy pa rin silang nabubuhay.
35:33.4
Kung totoo sino man oh, matagal nang patay ang mga iyon.
35:40.4
At tanging ang hayop na lamang ang nagbibigay buhay sa mga ito.
35:46.4
Nakapanganak naman ako ng maayos sa aking panganay.
35:51.4
Isang buwan matapos akong manganak ay dumating si na mama at papa sa Batanes.
35:56.4
Nalaman nila kung saan nakatira si Rodel sa pamamagitan ng amo nito sa Manila.
36:01.4
Kung kaya't natuntun kami ng magulang ko.
36:05.4
Humingi kami ng tawad sa kanila.
36:08.4
Ang buong akala ko ay paghihiwalayin kami pero,
36:12.4
pinatawad kami ng mga ito.
36:15.4
Lalong lalo na nang makita nila ang kanilang apo.
36:18.4
Pinauwi nila kami sa Manila at pinakasal kasabay ng binyag ng panganay namin.
36:24.4
Sa ngayon ay dito na kami nakatira sa Manila,
36:28.4
kasama si na ina nga Itang.
36:31.4
At ang mga magulang ko naman ay dumadalaw kapag may oras sila.
36:38.4
PANATALAY ANG VAYA
36:42.4
NG PANATALAY ANG VAYA
36:46.4
NG PANATALAY ANG VAYA
36:50.4
PANATALAY ANG VAYA
36:53.4
PANATALAY ANG VAYA
36:56.4
PANATALAY ANG VAYA