SA WAKAS! MAGKAKASUNDO na ang CHINA at PILIPINAS 😱 | Imee MARCOS Nababahala sa Hypersonic Missile
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.2
Nagkasundo ang China at Pilipinas na pahupain ang tensyon sa West Philippine Sea.
00:05.3
Muling nagkasundo ang Pilipinas at China kaugnay sa pagpapahupa ng tensyon sa South China Sea.
00:12.2
Magkakasundo ng China at Pilipinas at pahuhupain ang tensyon sa West Philippine Sea.
00:17.6
Kabilang ito sa pinag-usapan sa bilateral consultation mechanism or BCM ng dalawang bansa.
00:22.9
Pero para kay Sen. Francis Tolentino, alam mo yung pag-uusap, usap lang yun eh. It has to be backed up by actions.
00:29.2
Kahit mag-usap pero hindi pa nila pinapayagan yung ating mga manging isda, naharang pa rin nila yung RORE.
00:37.7
Ano nga ba ang napag-usapang kasunduan ng kinatawan ng China at Pilipinas para magkasundo na ang dalawang bansa?
00:45.0
Samantala, nababahala naman daw si Sen. Aimee Marcos.
00:49.0
Sa natanggap nitong impormasyon, may mga hypersonic missiles, dalawang China, na nakaumang-umano sa ating bansa.
00:55.5
May nakita ako na plano ng China.
00:59.2
Na gagamitin yung hypersonic missile.
01:03.4
Ang plano, air. At ang plano, yung hypersonic missile. At nakatakda na yung 25 na target nila.
01:11.5
May mga Brahmin missile na sa Batanes, pati sa Subic.
01:15.6
So yung dalawang yun ang uunahin kasama ng Ilocos. May mga live fire na balikatan.
01:21.3
Nakatakot nga eh.
01:22.4
Samahan ninyo ako sa pagtalakay ng mahalagang kabanatang ito sa kasaysayan ng ating bansa.
01:29.2
Nagpulong ang mga kinatawa ng Pilipinas at China para pahupain ang tensyon sa West Philippine Sea.
01:38.6
Direktang tinalakay ang mga insidente sa West Philippine Sea sa ikasyam na Bilateral Consultation Mechanism o BCM ng Pilipinas at China.
01:48.1
Kinatawa ng Pilipinas sa pulong si Foreign Affairs Undersecretary Teresa Lazaro.
01:54.6
Binigyang diin ng Pilipinas sa Chinese Vice Foreign Minister ng China,
01:58.8
na hindi titigil ang Pilipinas sa pagprotekta sa interest at soberanya nito sa West Philippine Sea.
02:06.0
Kaugnay sa mga insidente sa West Philippine Sea noong nakaraang buwan,
02:10.3
kasama rin sa pinag-usapan ng Ayungin Shoal,
02:13.4
nangako ang dalawang bansa na pahuhupain ang tensyon at ipagpapatuloy ang pag-uusap o diplomatiko.
02:20.1
Suportado naman ang ilang mamabatas tulad ni Senator Tolentino ang pag-uusap na ito ng China at Pilipinas.
02:26.6
Pero ayon sa Senador,
02:28.8
Si US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson muling iginit ang commitment nito na hindi lang daw ang Amerika ang backup ng Pilipinas,
02:51.9
kundi pati ng iba pang bansang sumusuporta sa Pilipinas pagdating sa freedom of navigation at pagsunod sa international.
02:58.8
Bukod sa Amerika, gumugulong na rin ang mas pinatibay na alyansa ng Pilipinas at Japan.
03:04.6
Kinundena rin kasi ng mga mambabatas ng Japan ang ikinilos ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal noong June 17, 2024.
03:13.6
Nadadama din daw ng Japan ang sinasapit ng Pilipinas dahil sa pagkuhan ng China sa teritoryo sa West Philippine Sea.
03:20.5
Dahil sila rin ay inaagawan din ng mga Chinese ng teritoryo na malapit lang sa boundary nila, ito ang Senkaku Island.
03:28.8
Kaya isinusulong din nila ang bersyon nila na Reciprocal Access Agreement or RAA sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
03:37.5
Mag-uusap ang Defense at Foreign Secretary ng Pilipinas at Defense at Foreign Ministers naman ng Japan sa July 7, 2024 at tatalakayin pa ang defense at security issues.
03:50.3
Samantala, nababahala naman daw si Senadora Aimee Marcos sa natanggap nitong impormasyon may mga hypersonic missiles.
03:58.8
Umang-umano sa ating bansa.
04:01.4
Makikita ito sa social media post ni Senador Aimee Marcos.
04:04.9
Sinabi niyang meron daw siya ikinatatakot sa China para sa ating bansa.
04:09.4
May nakita ako na plano ng China na gagamitin yung hypersonic missile.
04:16.9
Hindi naman nila iniisip na lulusog dito sa Pilipinas yung katakot-takot na army nila, mga navy nila.
04:22.9
Hindi ganun. Ang plano, air. At ang plano, yung hypersonic missile.
04:28.8
Ang hypersonic missile ay mga missile na kayang lumipad na limang beses na mas mabilis sa speed of sound.
04:44.9
Kaya sinasabing mahirap or imposible na maharang ng ibang air defense systems.
04:49.2
Hindi sinabi ni Senadora Aimee Marcos kung saan niya nakita ang plano pero kinabahan daw siya lalo na nang malaman daw niyang hindi kayang pigilan ng Amerika.
04:58.8
Ang hypersonic missile ng China.
05:00.8
Sa pagbabasa natin, may mga Brahmin missile nasa Batanes, pati sa Subic.
05:07.1
So yung dalawang yun ang uunahin kasama ng Ilocos kasi may mga live fire na balikatan.
05:14.2
Katakot nga eh. Ano ba yan? Baitsinko ha. Hindi biro-biro yun.
05:18.2
Wala pang komento sa ngayon ang Department of Foreign Affairs at Department of National Defense.
05:24.3
Samantala ang Chinese Embassy naman sa Pilipinas.
05:27.1
Sinabing titignan daw muna ang...
05:28.8
Matatandaan din kasi una nang nagpahayag ng pagkabahala ang China maging ang Russia sa pagpasok sa ating bansa ng Typhoon Weapon System Mid-Range Capability Launcher mula sa United States Army noong balikatan.
05:44.5
Ayon kay Russian President Vladimir Putin, kailangan nilang gumawa ulit ng matitinding armas dahil hindi naman daw tumupad sa kasunduan nila ang Amerika na nagsimula na ring magdeploy ng naturang missile sa Denmark at dito sa Pilipinas.
05:58.8
Ang missile ni Putin ay ang Typhoon Mid-Range Capability Missile System na pinadala ng US Army sa Luzon noong Abril para sa Salaknib Exercise ng Philippine and US Army.
06:11.3
Ayon kay Putin, hindi siya sigurado kung nasa Pilipinas pa o inalis na ang missile na ito.
06:17.1
Pero sa ilalim ng 1987, Intermediate Range Nuclear Forces o INF Treaty, nagkasundo kasi noon ang Amerika at ang dating Soviet Union,
06:27.9
na ngayon ay Russia nasirain at huwag nang gumawa ng mga missile na may range ng 500 hanggang 5,500 km.
06:36.2
Ginawa ito noon para maiwasan ang banta ng nuclear war, kaya ganoon na lang ang palinita at himutok ng leader ng Russia.
06:43.9
Dahil may range na mahigit 1,000 km ang Typhoon Missile na nasa Pilipinas na violation dapat sa INF Treaty.
06:50.4
Yun nga lang para sa Amerika, 2018 pa daw sila nag-withdraw sa kasunduan dahil sa aligasyon din nila.
06:57.9
Na Russia daw ang unang nag-develop na mga ban na missiles, bagay na ilang beses na ring pinabulaan ng Moscow, Russia.
07:05.1
Samantalang ang Denmark naman ay pumalag sa akusasyon ni President Vladimir Putin.
07:10.3
Ayon sa Denmark, wala raw dinideploy na missile ang Amerika sa kanilang bansa.
07:15.0
Sa pahayag naman ni Pangulong Bongbong Marcos sa Philippine Air Force sa anibersaryo nito,
07:20.6
sinabi ng Pangulo na mahalaga nang magkaroon ang kapasidad ang Pilipinas na depensahan ang ating teritoryo
07:26.0
sa pangamagitan ng mga bagong armas.
07:29.0
Una nang sinabi na palalakasin at dadagdagan pa ng AFP ang mga BrahMos missile system na nabili mula sa India
07:36.6
at sasamahan ng mas makabagong HIMARS missile system mula sa Amerika.
07:41.2
Ikaw, ano ang reaksyon mo sa kasunduan umano ng China at Pilipinas na humupa na ang tensyon sa West Philippine Sea?
07:48.2
Tutupad kaya ang China sa kasunduan?
07:50.4
O patuloy pa rin sa pag-angkin at pangaharas?
07:52.8
I-commento mo naman ito sa iba ba.
07:54.8
Pakilike ang ating video.
07:56.0
I-share mo na rin sa iba.
07:58.0
Salamat at God Bless!