NAKU! MASAMANG BALAK ng CHINA sa MISSILE at ROCKETS | IMEE MARCOS Natatakot sa Hypersonic MISSILE
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Isang aksidenteng pag-angat ng isang Chinese rocket ang naganap kung saan hindi inaasahang bumagsak ang mga debris nito malapit sa Ilocos Norte.
00:10.5
Samantala, nababahala naman daw si Senadora Aimee Marcos sa natanggap nitong impormasyon.
00:16.1
May mga hypersonic missiles, daw ang China, na nakaumang-umano sa ating bansa.
00:21.4
May nakita ako na plano ng China na gagamitin yung hypersonic missile.
00:28.6
Ang plano, air. At ang plano, yung hypersonic missile. At nakatakda na yung 25 na target nila.
00:36.9
May mga Brahmin missile na sa Batanes, pati sa Subic.
00:40.9
So yung dalawang yun ang uunahin kasama ng Ilocos. May mga live fire na balikatan. Nakatakot nga eh.
00:47.8
Gaano kalakas ang China sa larangan ng aerospace technology kumpara sa Pilipinas?
00:52.9
Ano ang totoong banta nito sa ating pambansang siguridad?
00:56.2
Samahan ninyo ako sa pagtalakay ng mahalagay.
00:58.6
Ang kabanatang ito sa kasaysayan ng ating bansa.
01:06.0
Unti-unting dinodomina ng China ang tubig, lupa at himpapawid.
01:11.1
Sa mga isyo nito ng pangaagaw ng teritoryo sa West Philippine Sea,
01:15.0
maging pati sa ere ay nagpapakitanggilas ang mga inchik.
01:19.3
Noong Hunyo 29, 2024, Sabado,
01:22.6
isang aksidente ang naganap sa isang rocket launch ng China
01:28.6
ng mga mamamayan ng Ilocos Norte at Cagayan.
01:31.6
Ang insidente kung saan ang debris ng Long March 7A rocket
01:36.0
ay natagpuan sa karagatang malapit sa mga nasabing lugar.
01:39.7
Ang pagpapalipad ng rocket ay naganap sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan, China.
01:45.9
Samantala, noong nakaraang linggo, isang katulad na aksidente ang naganap sa China
01:51.5
kung saan ang Tianlong-3 rocket ng Space Pioneer,
01:55.1
isang pribadong kumpanya ng rocket,
01:57.2
ay nagkaroon ng structural failure habang nasa isang ground test.
02:01.8
Ang rocket ay biglang lumipad mula sa launchpad nito sa Gongyi, Hainan Province,
02:06.4
bago bumagsak at sumabog sa isang malapit na bundo.
02:09.7
Walang nasaktan sa insidente,
02:11.6
ngunit ito ay nagdulot ng sunog na agad namang naapula ng mga lokal na autoridad.
02:16.4
Aerospace Technology ng China
02:18.5
Ang China ay mabilis na umuunlad sa larangan ng aerospace technology.
02:23.3
Mula sa kanilang unang matagumpay na lunar mission,
02:27.2
kapag balik ng rock samples mula sa malayong bahagi ng buwan,
02:31.1
hanggang sa kanilang misyon sa Mars,
02:33.1
ang bansa ay patuloy na nagpapakita ng kahusayan sa space exploration.
02:37.9
Ang Tianlong-3 rocket na may kaparehong layunin tulad ng SpaceX's Falcon 9
02:43.2
ay bahagi ng pagsulong ng China sa komersyal na spaceflight.
02:47.4
Ang rocket na ito ay dinisenyo upang tumulong sa pagtatayo ng satellite internet system ng bansa.
02:54.2
Noong Hunyo 22, 2024,
02:57.2
isang satellite na pinangalan ng Space Variable Objects Monitor,
03:02.6
na binuo ng France at China,
03:04.9
ay inilunsad upang pag-aralan ng pinakamalalakas na pagsabog sa universo,
03:10.0
ang Gamma Ray Bursts.
03:11.6
Ang kooperasyon na ito ay isang halimbawa ng patuloy na pagsulong ng China
03:15.9
sa larangan ng space exploration na nakakakuha ng interes mula sa iba't ibang mga bansa.
03:22.0
Sa kabilang banda,
03:23.0
ang Pilipinas ay nasa proseso pa lamang ng pagunlad ng space capability,
03:27.2
ang Pilipinas ay nakamit na ang ilang mga milestones tulad ng paglulunsad ng sariling microsatellites tulad ng Diwata-1 at Diwata-2.
03:36.5
Ang mga ito ay naglalayong magbigay ng satellite imagery para sa mga pag-aaral.
03:41.5
Samantala, nababahala naman daw si Senadora Amy Marcos sa natanggap nitong impormasyon
03:47.0
may mga hypersonic missiles daw ang China na nakaumang-umano sa ating bansa.
03:52.6
Makikita ito sa social media post ni Senador Amy Marcos.
03:57.2
May nakita ako na plano ng China na gagamitin yung hypersonic missile.
04:08.0
Hindi naman nila iniisip na lulusog dito sa Pilipinas yung katakot-takot na army nila, mga navy nila.
04:16.8
At ang plano, yung hypersonic missile at nakatakda na yung 25 na target nila.
04:23.2
Kapag hypersonic daw, kaya-kaya pumasok.
04:27.2
Ganyan lang kadali.
04:29.4
Ang hypersonic missile ay mga missile na kayang lumipad na limang beses na mas mabilis sa speed of sound.
04:36.1
Kaya sinasabing mahirap o imposible na maharang ng ibang air defense systems.
04:40.9
Hindi sinabi ni Senadora Amy Marcos kung saan niya nakita ang plano,
04:44.8
pero kinabahan daw siya, lalo na nang malaman daw niyang hindi kayang pigilan ng Amerika
04:49.5
ang hypersonic missile ng China.
04:51.7
Sa pagbabasa natin, may mga Brahmin missile nasa Batanes.
04:58.3
So yung dalabang yun ang uunahin kasama ng Ilocos kasi may mga live fire na balikatan.
05:05.4
Katakot nga eh. Ano ba yan? 25 ha? Hindi biro-biro yun.
05:09.5
Wala pang komento sa ngayon ang Department of Foreign Affairs at Department of National Defense.
05:15.4
Samantala ang Chinese Embassy naman sa Pilipinas sinabing titingnan daw muna ang post ng Senadora.
05:21.4
Matatandaan din kasi, una nang nagpahayag ng pagkabahala ang China maging ang Russia,
05:26.5
sa pagpasok sa ating bansa ng Typhoon Weapon System Mid-Range Capability Launcher
05:32.7
mula sa United States Army noong balikatan.
05:35.8
Ayon kay Russian President Vladimir Putin, kailangan nilang gumawa ulit ng matitinding armas
05:40.6
dahil hindi naman daw tumupad sa kasunduan nila ang Amerika na nagsimula na ring magdeploy
05:46.0
ng naturang missile sa Denmark at dito sa Pilipinas.
05:49.2
Ang tinutukoy na missile ni Putin ay ang Typhoon Mid-Range Capability Missile System
05:55.1
na pinadala ng US Army sa Luzon noong Abril para sa Salaknib Exercise ng Philippine and US Army.
06:02.8
Ayon kay Putin, hindi siya sigurado kung nasa Pilipinas pa o inalis na ang missile na ito.
06:08.1
Pero sa ilalim ng 1987, Intermediate Range Nuclear Forces o INF Treaty,
06:15.1
nagkasundo kasi noon ang Amerika at ang dating Soviet Union na ngayon ay Russia nasirain
06:21.0
at huwag nang gumawa ng mga missile na may range ng 500 hanggang 500.
06:27.3
Ginawa ito noon para maiwasan ang banta ng nuclear war.
06:31.2
Kaya ganoon na lang ang paninita at himutok ng leader ng Russia.
06:35.1
Dahil may range na mahigit 1,000 km ang Typhoon Missile na nasa Pilipinas na violation dapat sa INF Treaty.
06:42.0
Yun nga lang para sa Amerika, 2018 pa daw sila nag-withdraw sa kasunduan
06:47.0
dahil sa aligasyon din nila na Russia daw ang unang nag-develop na mga BANA missiles.
06:52.6
Bagay na ilang beses na ring pinabulaan.
06:56.2
Samantalang ang Denmark naman ay pumalag sa akusasyon ni President Vladimir Putin,
07:01.4
ayon sa Denmark, wala raw dinideploy na missile ang Amerika sa kanilang bansa.
07:06.1
Sa pahayag naman ni Pangulong Bongbong Marcos sa Philippine Air Force sa anibersaryo nito,
07:11.7
sinabi ng Pangulo na mahalaga nang magkaroon ang kapasidad ang Pilipinas na depensahan ang ating teritoryo sa pangamagitan ng mga bagong armas.
07:20.3
Una nang sinabi na palalakasin at dadagdagan pa ng AFP ang mga Brahmos,
07:25.1
na nabili mula sa India at sasamahan ng mas makabagong HIMARS missile system mula sa Amerika.
07:32.4
Ang teknolohikal na kapasidad ng China sa rocket launches ay hindi maikakaila.
07:37.4
Subalit, kasama ng kanilang mga tagumpay ay ang mga panganib at potensyal na banta sa mga karatig bansa.
07:44.3
Ang insidente ng pagbagsak ng debris ng Long March 708 rocket malapit sa teritoryo ng Pilipinas
07:50.3
ay maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng mga tao.
07:53.8
Lalo na sa mga lugar na malapit sa drop zones.
07:57.3
Maaaring magkaroon ng pinsala sa ari-arian, sakit o pinsala sa katawan o kahit pagkamatay.
08:04.4
Ang mga debris mula sa rocket ay maaaring magdulot ng polusyon sa kapaligiran dahil sa mga kemikal tulad ng rocket fuel na maaaring naiiwan sa mga debris.
08:15.6
Ito ay maaaring makaapekto sa mga ekosistema at makasamaa sa kalusugan ng mga tao at hayop.
08:23.8
accidental rocket launches ay maaaring magdulot ng ekonomikong pagkakasira sa mga lokal na komunidad,
08:30.5
lalo na kung may mga ari-arian na naaapektuhan o mga industriya tulad ng pangisdaan na maaaring maapektuhan ng pagbagsak ng debris.
08:41.2
ang mga insidente tulad ng accidental rocket launches ay maaaring magdulot ng tensyon sa pagitan ng mga bansa,
08:48.0
lalo na kung may mga apektadong teritoryo o interes ng iba't ibang mga bansa.
08:53.8
gumagamitin ng China ang kanilang Advanced Aerospace Technology sa pagtutok at pagpapalakas ng kanilang presensya sa West Philippine Sea.
09:02.6
Maaari itong magpataas ng kanilang kapasidad na magpadala ng forces, magmonitor ng kalaban at magcoordinate ng mga operasyon.
09:10.6
Accidenteng rocket launch ng China ay nagbigay ng liwanag sa kahalagahan ng kaligtasan sa mga ganitong teknolohikal na aktibidad.
09:19.5
Ikaw, anong masasabi mo sa kwento natin ngayon?
09:22.4
Icomment mo yan sa ibaba.
09:24.0
Huwag kalimutang mag-like and share.
09:26.3
Subscribe to SockSight TV para sa mga susunod nating upload.