POGO at West Philippine Sea, top trending online sa #SONA2024 | Patrol ng Pilipino
MAYNILA — Nanguna ang idineklarang ban sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at paggiit ng teritoryo sa West Philippine Sea sa mga pinag-usapan online sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kapwa ito sinalubong ng matagal na standing ovation sa Batasang Pambansa at samu’t saring reaksyon sa social media.
Sa presyo ng bigas, muling siningil ng netizens ang pangako ng pangulo sa kanyang kampanya na magiging P20 ang presyo nito sa kanyang pag-upo.
Samantala, naging usapan rin online ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi rin siya manonood ng SONA sa telebisyon man o sa kanyang gadget.
Hinanap din ng ibang netizen ang mga paksang hindi natalakay ni Marcos Jr. sa kanyang talumpati, katulad ng pagsulong ng divorce at SOGIE equality bill at ulat sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund.
– Ulat ni Lady Vicencio, Patrol ng Pilipino
Follow #PatrolNgPilipino online!
Facebook: https://www.facebook.com/patrolngpilipino
Instagram:
ABS-CBN News
Run time: 03:35
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.2
Hashtag seated ka rin ba sa ikatlong State of the Nation address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.?
00:05.7
Balikan natin kung ano-ano ba ang mga isyong pinag-usapan at trending sa ulat sa bayan ng Pangulo this year.
00:12.7
Mahigit isang oras ito tumagal sa social media platform na X, top trending ang hashtag SONA 2024.
00:20.3
Umangat din ang keyword na Pogo matapos i-anunsyo ni Pangulong Marcos ang ban sa mga ito.
00:25.6
Effective today, all Pogos are banned.
00:55.6
Itigil ang operasyon ng mga Pogo.
00:57.9
Sinalubong din ng masigabong palaktakan ang mga pahayag ng Pangulo tungkol sa West Philippine Sea.
01:03.8
The Philippines cannot yield. The Philippines cannot waver.
01:20.5
Sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China,
01:24.1
pinasalamatan ng Pangulo ang Armed Forces,
01:25.6
ang Philippine Coast Guard at mga manginisda sa sakripisyon nila sa pagbabantay sa karagatan ng bansa.
01:32.7
Ang West Philippine Sea ay hindi katangisip natin lamang. Ito ay atin. Ito ay manan...
01:43.0
Hindi rin pinalampas ni Pangulong Marcos ang pagkakataon
01:53.9
para ibandera ang mga naging operasyon.
01:55.6
Ito ay ang operasyon kontra-droga at ikinumpara ito sa pangmaraan ng nakaraang administrasyon.
02:01.7
Our bloodless war on dangerous drugs adheres and will continue to adhere to the established eight E's of an effective anti-illegal drug strategy.
02:13.7
Extermination was never one of them.
02:20.5
Pinag-usapan din sa social media ang ibang issue tulad ng presyo ng bigas
02:24.9
na naglalaro sa 45 hanggang 60 pesos kada kilo.
02:28.8
Bagay na ramdam ng netizens na muling sinigil ang Pangulo sa campaign promise niya
02:33.2
na ibababa sa 20 pesos ang presyo ng bigas.
02:37.0
Siniguro rin ni Marcos ang pagpapatuloy ng kadiwa stores.
02:40.5
Pero tanong ng ilan online, ramdam ba ng mga magsasaka ang suporta ng gobyerno?
02:46.5
Ilan pa nga sa mga ibinida ng Pangulo sa zona ang mas maraming free public wifi,
02:51.4
stable na supply ng kuryente,
02:53.1
at mas maraming infrastructure projects tulad ng mga expressway, tulay at iligasyon at ang pagpapaganda ng naiya.
03:01.2
Pero sa internet, heto ang mga reaksyon.
03:06.0
Pinag-usapan din ang tila pag-boycott ni Vice President Sara Duterte
03:10.3
na nagsabing hindi manunood ng zona sa TV o kahit sa mga gadget.
03:14.9
At kung may mga pinag-usapan sa laman ng zona,
03:17.7
hinanap naman ng social media users ang hindi nabanggit gaya ng gender issues,
03:23.1
SOGI bill at ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund.
03:27.4
O kayo, anong say niyo sa mga sinabi ni Pangulong Marcos sa zona?