01:52.4
Ganon din naman ako sa kanya. Lagi kaming magkasama sa school.
01:56.6
At sa tuwing magkasama kami.
02:00.0
E masayang masaya kami.
02:03.0
Minsan, may mga pagkakataon na nagtatampo siya sa akin.
02:07.9
Kapag hindi ako nakapasok ng school o hindi ko nagawa ang mga project o mga assignment ko.
02:14.4
Hindi niya ako pinapansin.
02:17.0
Bilang best friend, e nalaman ko na rin kung paano mawala ang tampo niya sa akin.
02:25.6
Dahil sa mga hirit, banat o joke ko sa kanya.
02:34.9
Then ilang years ang lumibas.
02:41.0
E nahuhulog na ako sa kanya.
02:44.4
Mahal ko na siya.
02:48.0
Totoo ang sabi nila.
02:50.4
Na hindi malabong, hindi mahulog ang loob mo sa best friend mo.
03:00.0
nanaramdaman ko yun.
03:04.2
E agad-agad ay parang gusto ko nang sabihin ang tunay kong nararamdaman.
03:12.0
Hindi ko nga lang alam kung papaano.
03:17.2
Natatakot lang ako nun na baka pag sinabi ko sa kanya, ay ayaw niya na sa akin.
03:24.8
O baka layuan niya ako.
03:28.0
Pero ganito ang nangyari.
03:30.0
Nangyayaya ako ni Grace na mag-launch sa kantin.
03:35.7
May gusto raw siyang sabihin sa akin na dapat kong malaman.
03:41.3
So kumain kami sa kantin sa school.
03:50.2
E ipinagtapat niya na sa akin.
03:53.9
Na may boyfriend na raw siya.
03:56.4
Nagulat ako sa sinabi ni Grace.
04:00.9
Dahil wala naman akong nababalitaan.
04:04.7
O wala naman siyang sinasabi o kinukwento.
04:08.3
At wala rin naman akong nakikita na manliligaw niya sa school.
04:12.2
E kami naman ang laging magkasama.
04:15.1
Na kahit tapos na ang klase namin,
04:17.2
e ako pa mismo ang naghahatid sa kanya sa jeep.
04:23.8
Tapos sasabihin niya sa akin na may boyfriend na raw siya.
04:25.7
Na may boyfriend na siya.
04:37.5
ay tinanong ako ni Grace.
04:39.5
Kung bakit hindi ako masaya para sa kanya na may boyfriend siya.
04:45.2
ah, masaya ako pero nagulat lang ako.
04:48.0
Kasi wala naman ako nakikitang manliligaw sa'yo dito sa school.
04:51.9
Sino at taga saan ba ang nagiging boyfriend mo?
04:55.7
Tanong ko sa kanya.
04:59.5
ang lungkot-lungkot ko.
05:03.9
Pero syempre dahil,
05:05.8
matalik ko siyang kaibigan,
05:07.8
e tinago ko ang nararamdaman ko na lang para sa kanya.
05:12.0
Pinakilala ako ni Grace sa boyfriend niya na taga ibang school din.
05:16.3
Same pa rin naman ang samahan namin ni Grace.
05:18.7
Walang pagbabago.
05:21.9
nakapagagala sila sa mall ng boyfriend niya.
05:24.5
E niyayaya niya akong sumama sa kanila.
05:29.5
Pero ako na yung humihindi.
05:32.0
Dahil hindi naman ako pwedeng laging kasama sa kanila.
05:36.8
Basta ang sabi ko lang,
05:38.5
kapag may free time siya,
05:40.0
e tawagan niya ako.
05:42.0
Hanggang sagromaduate kami ng high school.
05:45.6
Tinanong ako ni Grace kung anong kurso ang kukunin ko.
05:51.2
Gusto niya na iisang school pa rin kami magkuleyo?
05:55.2
Sinabi ko'y computer science.
06:01.0
iba pa rin pala ang gusto ni Grace.
06:04.8
Nag-take siya ng hotel, restaurant, and management course.
06:16.3
E nasa loob lang kami ng isang school.
06:19.2
Kahit magkaiba ang kurso namin.
06:24.5
Kung ano kami nung high school,
06:28.1
ganun ka rin kami.
06:30.9
Hanggang sa tumungtong kami ng kolehyo.
06:34.2
Lagi kaming magkasama sa school.
06:38.4
Yung mga nagiging kaklase namin,
06:41.0
tinatanong kung mag-boyfriend o mag-girlfriend daw kami.
06:45.1
Pero para sa akin,
06:49.3
eh, hanggang doon na lang siguro yun.
06:52.2
Hindi na pwedeng lumalim pa
06:55.2
ang turingan namin.
06:59.0
Dahil may boyfriend siya.
07:04.5
Nire-respeto ko yun.
07:07.4
Never ko rin siniraan ang boyfriend ni Grace sa kanya.
07:12.5
Then dumating ang ilang taon,
07:16.6
natigil ako sa pag-aaral.
07:22.2
Nagkaroon ang pamilya namin ang financial problem.
07:26.7
Hindi kinaya ng mga magulang ko na mapag-aaral kaming magkakapatid.
07:31.5
Kaya't nagdesisyon ako na lumuwas ng Maynila.
07:35.7
Tumira sa Tshuhin ko at magtrabaho sa isang mall.
07:40.4
Nang makaipon ako para sa pag-aaral,
07:43.0
ay umuwi ako sa amin.
07:47.6
Nabalitaan ko sa mga kaibigan namin.
07:52.2
Na si Grace pala ay lumuwas ng Maynila
07:54.8
sa kadahilan ng nalaman nito na ang kanyang boyfriend pala ay may bisyo.
08:00.2
Gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
08:03.3
Umiinom at sugarol.
08:05.4
Hiniwalayan niya ito.
08:07.8
Nang malaman ko yun,
08:09.3
e nalungkot ako para sa aking best friend.
08:13.1
Wala akong number para matawagan o makausap siya.
08:17.1
Hindi pa kasi uso ang Facebook,
08:22.2
Nung panahon yun.
08:24.7
Friendster pa lang.
08:26.5
That was back in 2001.
08:30.0
Mabait naman ang panahon.
08:35.2
Kami ng pinsan niya sa isang mall.
08:39.3
Dito niya ikinwento sa akin ng lahat-lahat.
08:44.1
ibinigay niya sa akin ang number ni Grace.
08:48.0
ang number na yun.
08:52.2
Walang pag-aalinlangan kong tinawagan yun.
08:57.9
Sumagot si Grace.
09:01.1
at kinuwento niya lahat ng nangyari sa kanya.
09:06.5
Tinanong niya ako kung bakit daw ako umalis at hindi nagpaalam sa kanya.
09:11.4
Bakit ko raw siya pinabayaan?
09:14.0
Bakit daw kung kailan kailangan niya ako e wala ako sa tabi niya?
09:20.5
nagkaroon lang ako ng problema.
09:22.2
Kaya hindi ko sinasadya.
09:26.2
Doon ko na sinasabi na,
09:29.1
tumigil kasi ako sa pag-aaral.
09:32.8
Nag-ipon ako para makabalik sa pag-aaral.
09:36.5
Hanggang sa dumating yung time na sinabi ko na
09:39.3
ang tunay na nararamdaman ko sa bestfriend kong si Grace.
09:44.7
Sinagot ako ni Grace at sa panahon yun ang sayasay ako.
09:48.9
Sa paglipas ng marami pang taon,
09:52.2
kayo kaming dalawa dahil sa Maynila siya nagpatuloy ng pag-aaral
09:55.7
at ako namay dito sa Iloilo,
09:58.3
e marami na kaming binuong plano sa buhay.
10:02.7
Unang nakapagtapos si Grace sa pag-aaral bilang BSHRM.
10:08.0
Kinuha siya ng kanyang tita na nakatira at nagtatrabaho rin sa Italy.
10:13.0
Namasukan siya sa Italy bilang receptionist sa isang hotel.
10:18.8
Noon, lagi kaming magkausap sa phone.
10:23.0
Hanggang sa umabot ng isang taon,
10:27.3
nahihirapan niya siyang makatanggap ng tawag.
10:33.4
Minsan, hindi ko rin makontak ang number niya.
10:37.1
Araw-araw ay sinusubukan kong tawagan ang numero niya.
10:43.5
Lumipas pang isang taon, nag-antay ako at pinanghawakan ko pa rin ang mga pangarap namin na nabuo.
10:50.3
Hanggang sa isang araw,
10:52.2
nabalitaan ko na lang na nakauwi na pala siya.
10:56.5
Isang taon na ang nakalipas, hindi ko lang alam.
11:02.1
Ang masakit, inalaman ko na nabuntis pala siya ng katrabaho niya.
11:09.2
Kaya siya umuwi ng Pinas at ang masaklap dito.
11:16.1
Hindi pinanagutan ng katrabaho niya ang bata.
11:22.2
Nalaman ko yun dahil nagkita sila ng kapatid ko sa Maynila.
11:26.7
Na doon nakatira.
11:30.0
Nang malaman ko yun, pahara akong baliw.
11:36.7
Mula nun, kinalimutan ko si Grace.
11:41.7
Sinubukan kong kalimutan ang nakaraan.
11:46.5
Hanggang sa nagka-asawa ko at nabigyan ng dalawang anak.
11:52.2
Masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon at ito ang magkaroon ng masayang pamilya.
12:02.7
Ngunit isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon,
12:08.3
nagkita kami ni Grace sa mall na pinagtatrabahohan ko.
12:12.8
Isa akong sales support staff sa shop ng mga mobile na pinapasukan ko.
12:20.1
May tumawag sa pangalan ko.
12:22.2
At sa aking paglingon, ay si Grace pala yun.
12:28.6
Dali-dali siyang lumapit at niyakap ako ng mahigpit habang naiyak.
12:35.1
Para kung, para bang gusto kong umiyak na rin noong panahon yun.
12:40.5
Nagsabi siya sa akin na kauuwi lang daw niya mula Maynila.
12:44.9
Kinuha niya ang adres ko sa kapatid ko sa Maynila, kung saan ako nagtatrabaho.
12:52.2
At dahil nasa trabaho ako, hindi kami makapag-usap ng maayos.
12:58.0
Nag-iwan siya sa akin ang room number niya sa isang hotel.
13:02.7
Kung sakaling gusto ko raw magkita at magkausap kami, pumunta lang ako.
13:08.8
Bumayag naman ako.
13:10.9
Pagkatapos ng trabaho ko ay pinuntahan ko siya sa hotel.
13:15.2
Hindi yun alam ng aking asawa.
13:18.4
Pagkarating ko ng hotel ay kumatok ako at pinagbuksan ako ni Grace.
13:23.1
Umupo ako sa upuan malapit sa kanyang higaan.
13:26.9
Naghanda siya ng makakain at inumin.
13:30.1
May kasama pang beer.
13:33.0
Naligo muna siya dahil galing siya sa biyahe.
13:37.6
Paglabas ni Grace sa CR ay nakasuot na siya ng sexing shorts, maiksing damit pang itaas.
13:45.6
Normal naman sa akin yun dahil magbestfriend kami noon pa lang at wala namang mali siya yun sa akin.
13:52.9
Lumapit siya at nagulat ako sa ginawa niya.
13:58.0
Hinalikan niya ako sa labi.
14:01.0
Sa kanya sinabi sa aking mahal na mahal niya pa rin ako.
14:04.8
Hinubad niya ang damit niyang pang itaas.
14:08.0
Pinigilan ko siya.
14:10.1
Pinasuot ko sa kanyang damit niya.
14:13.3
Sinabi ko sa kanyang tunay kong pakay at kung bakit ako pumunta sa hotel.
14:20.3
Tapusin kung ano man ang meron kami.
14:24.3
Ipaniwalag ko sa kanya na ako'y may asawa't dalawang anak na kasal ako.
14:30.8
Dito na tumulo ang luha ko.
14:34.1
Umiyak na rin si Grace.
14:36.6
Sinabi ko sa kanya na mahal kita.
14:40.2
Alam mo yan noon pa man.
14:42.0
Lahat ng pangarap natin noon isinakripisyo ko para sa atin pero iniwan mo ko sa ere.
14:48.0
Hanggang pangarap lang yun.
14:50.3
At yun ang natutunan ko.
14:52.7
Kung tayo man noon ay naging pangarap lang lahat ng yun.
14:57.3
At kung ano mang meron sa atin ngayon, dapat maging masaya tayo.
15:01.5
Masaya na ako sa kung ano meron ako ngayon, Grace.
15:04.9
Hindi man tayo naging para sa isa't isa.
15:07.6
Sana mahanap mo rin ang taong masihigit pa sa pagmamahal na binibigay ko sa'yo noon.
15:14.2
Alam kong makakahanap ka rin ang taong magpapasaya sa buhay mo.
15:18.3
Higit pa sa ibinibigay ko.
15:20.3
Kasi masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon.
15:25.3
Hanggang bestfriend na lang tayo.
15:29.5
DJ Rocky, masaya na ako ngayon.
15:32.7
Kasama ang aking asawa't mga anak.
15:36.6
Ang bestfriend kong si Grace ay nagkaroon na rin ang bagong partner sa buhay na tanggap at nanggap.
15:42.9
Ang kanyang anak.
15:45.9
May sarili na rin silang business.
15:48.0
At ako na may tuloy.
15:50.3
Sa laban para sa kinabukasan ng aking pamilya.
15:56.2
Nagkakamessage na rin pa rin kami.
16:00.6
At minsa'y pinakilala ko na rin siya sa aking mga anak at sa aking mahal na asawa.
16:06.8
Hagad dito na lang po, DJ Rocky.
16:09.8
God bless and more power.
16:12.6
Muli, ako si Stephen mula sa City of Love ng Iloilo.
16:20.7
Live on love radio.
16:22.3
Ito ang aking secret vow.