01:08.3
Habang ang papa ko naman, nasa bahay lang.
01:14.0
Habang nasa trabaho si mama, ako ang sumasalo sa mga responsibilidad niya sa bahay.
01:23.1
Gaya ng paggawa ng mga gawaing bahay.
01:26.9
Ako ang nagluluto, naglilinis, naglalaba ng mga damit.
01:32.7
At iba pang gawaing pangnanay na.
01:36.9
Kahit nasa bahay lang ang papa ko, may mga skill at talento din naman siyang nagagamit para kumita ng pera.
01:45.7
Nagluluto ang papa ko sa isang pugon dito sa amin.
01:49.9
Yun bang parang dirty kitchen na nasa likuran.
01:53.1
At yung mga pagkaing iniluluto niya, ibinibenta niya rito sa tapat ng bahay namin.
02:03.6
Ayun ang pinagkakakitaan niya.
02:07.4
Kaso nga lang, kapag si papa nagkakapera o di kaya ay medyo malaki ang kinita sa isang araw,
02:17.2
eh halos ibuhos niya lang ang pera niya sa mga bisyo niya.
02:23.1
Diret siya ang sabihin kung anong klaseng bisyo.
02:27.6
Pero kapag ang isang tao, eh nababangag.
02:32.9
Alam niyo na kung ano yun.
02:36.5
At yung pagbibisyo ni papa,
02:40.4
yung pagiging bangag niya kadalasan,
02:46.3
Yan ang isa sa mga sumira sa buhay ko.
02:54.8
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa kwento ko.
03:01.0
Inaabuso ako ng papa ko.
03:07.2
Kapag si mama ay wala sa bahay dahil nasa trabaho,
03:11.7
at kapag nagkakataong wala sa tamang pag-iisip ang papa ko,
03:17.4
kapag nawawala siya sa sarili niyang katinuan,
03:22.0
ginagalaw niya ako.
03:27.9
Ang sarili kong tatay na dapat pinoprotektahan ako.
03:34.3
Siya pa ang unang sumira sa pagkababae ko.
03:39.1
At nung time na yun, ano ba naman ang alam ko?
03:44.0
Inosenteng inosente pa ako noon.
03:47.9
Hindi naman kami nakakapanood ng telebisyon nung panahon yun.
03:51.3
Kaya siguro, hindi kami gaanong mulat sa kung anuang tama at kung anuang mali.
04:01.9
normal lang yung ganun.
04:09.2
okay lang na kapag ang nanay ko ay wala sa bahay,
04:13.3
ako ang gaganunin niya.
04:16.2
At dahil sa pag-aakala kong yun,
04:18.2
eh hindi ko siya kinuwestiyon.
04:21.3
Hindi ako pumalag.
04:24.1
Hindi kami naguusap ng papa ko tungkol sa mga ginagawa niya sa akin noon.
04:29.7
Paano ko iisipin?
04:32.1
O paano ako magkakaroon ng ideya na mali pala ang ginagawa niya sa akin?
04:39.7
tsaka ako nalang naisip na hindi tama ang pinaggagagawa niya sa akin.
04:44.7
Noong naulit ng naulit ang mga nangyari sa amin.
04:48.5
At umabot na sa puntong hindi na kinaya ng utol.
04:51.3
At katawan ko na iproseso ang mga naganap.
04:55.6
At patuloy pang nagaganap sa pagitan naming dalawa.
05:00.7
Doon na ako natauhan.
05:02.9
At napatanong na rin ako sa sarili ko kung bakit ganito sa akin si papa.
05:09.1
Tama pa rin ba ito?
05:11.7
Dapat ba magsabi na ako kay mama tungkol sa ginagawa niya sa akin o hindi?
05:16.6
Kung aayo ba ako sa ginagawa niya sa akin, papagalitan niya ba ako?
05:22.1
Sasaktan niya ba ako?
05:24.2
Paano yung mga kapatid ko kung hindi ako magpapaganito kay papa?
05:29.8
Sila naman kaya ang gaganutihin niya?
05:33.0
At kung sakaling dumating ang panahon na sila naman ang ganituhin niya,
05:38.1
kayanig kaya nila?
05:41.1
DJ Rocky, wala akong magawa.
05:45.2
E tatay ko yun eh.
05:47.7
Padre de familia namin yun.
05:49.5
Wala ako sa posisyon na sumuway sa utos o kagustuhan niya.
05:57.5
Igalang daw ang mas nakatatanda, diba?
06:02.9
Kaya ang nararamdaman ko na lang,
06:08.3
Takot. Matinding takot.
06:11.9
Takot na baka saktan niya ang mga kapatid ko.
06:15.5
Takot na baka mapagalitan ako.
06:17.5
Halo-halong takot.
06:21.2
Kaya ako na lang ang sumalo ng lahat.
06:29.9
Lahat ng pagtitiis.
06:34.2
Kahit ang mama ko, walang kaalam-alam.
06:39.4
Hindi ko na sinabi kasi ayokong magkagulo pa lalo.
06:43.8
Baka kapag nalaman niya mag-away sila ni papa
06:47.5
hindi pa sa hiwalayan.
06:49.9
Lalong masisira ang pamilya namin.
06:52.8
At ang mas grabe pa dyan,
06:55.2
ay baka magpahatayan sila.
06:57.5
At madamay pa ang mga kapatid kong inusente.
07:02.4
Kinimkim ko na lang.
07:05.8
Kinimkim ko na lang.
07:12.1
nagsimula ng madiskaril ang buhay at pagkatao ko.
07:17.5
Dahil sa pang-uabuso sa akin ng papa ko,
07:21.1
ay nakaramdam ako ng pagkamuhi sa kanya.
07:25.1
Unti-unting binalot
07:26.5
ng galit ang puso ko.
07:29.7
Kaya nagawa kong magrebelde sa kanya.
07:33.0
Tumatakas ako sa bahay.
07:34.9
Sumasama ako sa mga kaibigan ko at nagiinom kami.
07:39.1
Dinaan na lang namin sa inumang lahat.
07:41.8
Para kahit konti,
07:43.9
para kahit sandali,
07:45.1
eh makalimutan ko,
07:47.5
ako ang kagaguhan ng papa ko.
07:50.9
At dahil nga nagrebelde ako,
07:53.3
hindi ko magawang makipagrelasyon ng basta-basta sa ibang lalaki.
07:58.2
Dala na rin ang takot na nabuo sa utak ko.
08:02.6
Nakapag-iisipin kong makikipagrelasyon ako sa iba,
08:05.7
kahit kaedad ko pa.
08:07.5
Ang lumalabas na imahe sa utak ko ay ang imahe ng papa ko.
08:12.1
Yung itsura niya,
08:13.6
na tumatak sa akin every time na may mangyayari sa amin.
08:19.0
naghahanap ako ng pwede kong pagkakitaan para matustusan ang sarili kong pangangailangan.
08:24.6
At hindi naman ako nabigo,
08:27.2
dahil naging asistant ako sa isang karinderiya.
08:33.0
eh hindi ko pa rin naman itinigin ang pag-aaral ko.
08:36.4
Pumapasok pa rin ako sa eskwelahan.
08:39.7
Mapalad lang siguro ako
08:41.8
na nakuha ako sa karinderiya na pinagtatrabahuhan ko.
08:47.5
nakatulong ito para kahit papano
08:50.0
makalimot ako sa mga ginawa sa akin ng papa ko.
08:55.0
Isang buwan ang lumipas,
08:57.3
habang naghuhugas ako ng mga plato sa karinderiya,
09:00.7
pinagmamasdan ko ang mga customer naming kumakain.
09:05.2
May nakita akong isang lalaki sa labas,
09:08.8
nakasandal sa isang kotse,
09:12.0
at panayang kindat sa akin.
09:15.1
Napansin ko siya,
09:16.2
at sabi ko sa sarili ko,
09:19.2
mukhang cute naman itong lalaking ito.
09:28.2
Lumipas ang ilang linggo,
09:31.2
bumalik ang lalaking ito sa karinderiya.
09:36.2
Nagpakilala siya.
09:39.2
Itago natin siya sa pangalang Noe.
09:43.2
Malaki ang katawan niya.
09:46.2
Kasi tagabuhat siya ng mga sako ng bigas.
09:51.2
20 years old siya noon.
09:54.2
At siyang panganay sa kanilang magkakapatid.
09:59.2
Tumatayo rin siyang breadwinner sa pamilya nila.
10:07.2
Tinanong niya ang pangalan ko.
10:10.2
Nagpakilala naman ako.
10:12.2
At dahil medyo may pagkapilya ako,
10:19.2
Noe, alam mo, type kita.
10:22.2
Iuwi mo na lang kaya ako sa inyo.
10:26.2
dalhin mo na ako sa inyo.
10:29.2
Antayin kita mamaya ha.
10:31.2
Wala akong pake kung matatagalan ka mamayang bumalik.
10:35.2
Basta antayin kita mamaya.
10:41.2
Nanlaki ang mga mata niya.
10:44.2
Hindi siya agad nakaimik.
10:47.2
Pero sabi niya sa akin,
10:49.2
Alam mo, Emily, luko-luko ka.
10:52.2
Tara, labas nga tayo.
10:54.2
Baka naiinitan ka lang siya eh.
10:57.2
Diyan eh, tira na nga.
11:03.2
Naglakad-lakad kami sa labas.
11:05.2
Nagpahangin lang naman.
11:11.2
Konting kumustahan.
11:14.2
Basic na tanungan lang.
11:17.2
Pero hindi ko pa sinabi noon sa kanya
11:19.2
yung tungkol sa mga nangyayari sa akin at kay Papa.
11:24.2
Isang beses habang naglalakad ako,
11:27.2
napansin kong may isang nakabike na nakabuntot sa akin
11:31.2
kahit saan ako lumiko ng paglalakad.
11:35.2
Noong mapalapit sa akin yung nakabike,
11:38.2
hindi ako nakatiis magtanong.
11:43.2
Ba't mo ko sinusundan ha? Anong kailangan mo?
11:50.2
Tinanggal niya yung nakalagay sa ulo niya.
11:57.2
Sabi niya sa akin,
11:59.2
Hi Emily, pwede ka bang mas makilala?
12:03.2
Sundan kita pa uwi sa inyo ah.
12:05.2
Hatid kita, gusto mo?
12:07.2
Sagot ko sa kanya,
12:08.2
Ano? Huwag mo na akong hihatid sa amin.
12:12.2
Baka makita ka pa ng Papa ko, magagalit yun.
12:15.2
Sagot naman niya,
12:17.2
Eh bakit naman siya magagalit? Eh iahatid lang naman kita. Anong masama doon?
12:22.2
Tsaka gusto ko rin silang makilala.
12:28.2
DJ Rocky, napaisip ako kung okay lang ba.
12:33.2
Pero magkaibigan pa lang naman kami.
12:36.2
Kaya sige, pinayagan ko na lang siya na sumama sa akin pa uwi.
12:42.2
Pinapasok ko pa nga siya sa bahay.
12:45.2
At saktong-sakto, pagpasok namin sa loob,
12:50.2
laking gulat namin na makita na nakabungad na pala sa amin ang Papa ko.
13:00.2
Titig na titig sa aming dalawa.
13:03.2
Hindi namin alam ang gagawin niya.
13:06.2
Ang gagawin o sasabihin DJ Rocky,
13:09.2
naging malikot ang utak ko sa mga posibleng mangyari.
13:15.2
Magagalit ba sa amin si Papa?
13:18.2
Magre-react ba siya ng masama?
13:20.2
Ipahihiya niya ba ako kay Noe?
13:24.2
Ano kaya ang tumatakbo sa isip ni Papa nung makita niyang kasama ko si Noe?
13:29.2
Dito mismo sa bahay namin.
13:32.2
First time kasi yun mangyari.
13:36.2
At sa totoo lang,
13:39.2
sobrang nabigla ako sa actual na naging reaksyon ni Papa.
13:47.2
DJ Rocky, hindi naging madali ang pagkabata ko.
13:54.2
Nakaranas ako ng pang-abuso mula mismo sa Papa ko.
13:59.2
Sa tuwing bangag siya dahil sa pagbibisyo niya,
14:06.2
eh naawa-abuso ako.
14:11.2
Sa umpisa, akala ko normal lang yun.
14:16.2
Pero habang tumatagal,
14:19.2
naiisip kong mali pala ang ganun.
14:24.2
At kahit unti-unti ko na yun nare-realize,
14:28.2
eh hindi ko pa rin magawang tumanggi
14:31.2
o pumalag sa mga kagustuhan ni Papa.
14:36.2
Sa takot na masaktan pa ako lalo,
14:40.2
o kung sino man sa pamilya namin,
14:43.2
sakaling malaman pa nila ang lahat.
14:47.2
Walang kaalam-alam noon ang mama ko,
14:50.2
maging ang mga kapatid ko.
14:53.2
Wala silang kaalam-alam sa pinaggagagawa sakin ni Papa.
14:59.2
Lahat ng takot, sakit, galit, kinimkim ko yun.
15:04.2
At dahil napuno na rin siguro ako,
15:12.2
Natuto akong bumarkada.
15:15.2
Natuto akong mag-inom.
15:18.2
Dala na rin ang pagre-rebelde ko,
15:21.2
naganap ako ng sideline.
15:24.2
Nakuha ako bilang isang asistant sa isang karinderiya.
15:29.2
At doon ko na nakilala si Noe.
15:32.2
Tulad ko, panganay rin siya sa kanilang magkakapatid.
15:39.2
Siya ang tumatayong breadwinner.
15:43.2
Kursunada ako ni Noe.
15:46.2
At ganun din naman ang nararamdaman ko sa kanya.
15:50.2
Kaya naging malapit na kami sa isa't isa.
15:54.2
Isang araw, niyaya niya akong ihatid pauwi sa bahay namin.
15:59.2
Nung una nag-aalinlangan ako.
16:03.2
Dahil ramdam ko pa rin ang takot na baka kung anong gawin sa akin o sa amin ang papa ko
16:09.2
kapag nakita niyang magkasama kaming dumating sa bahay.
16:13.2
Pero dahil kaibigan pa lang naman ang tingin ko kay Noe
16:17.2
at naisip kong wala naman sigurong masama,
16:21.2
e pinayagan ko siyang sumama.
16:24.2
Pinayagan ko siyang ihatid ako.
16:30.2
pagpasok namin sa may pintuan ng bahay,
16:35.2
nakabungad ang papa ko.
16:43.2
titig na titig sa amin.
16:46.2
Ako naman hindi agad makapagsalita.
16:52.2
Napatitig din ako kay papa.
16:57.2
Kinakalkula kung ano ang magiging reaksyon niya.
17:02.2
Para bang ine-expection niya
17:07.2
yung kasama ko mula ulo hanggang paa.
17:12.2
Aminado akong kabadong kabado ako noon.
17:17.2
Pagkatapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan namin,
17:22.2
nagsalita na si papa.
17:24.2
Kalmado niyang tinanong,
17:34.2
Pa, si Noe nga po pala, kaibigan ko.
17:38.2
Inihatid niya lang ako.
17:41.2
Sabi naman ni Noe,
17:43.2
Hello po, magandang gabi po.
17:46.2
Ang sagot lang ni papa,
17:50.2
Tapos tumalikod na lang siya
17:52.2
at naglakad palayo.
17:55.2
DJ Rocky, akala ko pagagalitan niya ako.
17:59.2
Hindi ko'y nakala na parang okay lang sa kanya
18:03.2
na may kasama akong lalaki pag uwi.
18:06.2
Eh, inihatid lang naman kasi niya ako eh.
18:11.2
Sana nga, okay lang talaga kay papa.
18:15.2
Kinabukasan, sabi ni Noe sa akin,
18:19.2
Iahatid niya ako uli.
18:21.2
Dadalaw daw siya uli sa bahay.
18:25.2
Hindi na naman ako nakatanggi.
18:28.2
Sumama siya uli sa bahay.
18:30.2
Pagdating namin, andun uli si papa.
18:33.2
Pero hindi na nakatitig sa amin kagaya nang nangyari kahapon.
18:37.2
Nakaupo siya sa kusina.
18:40.2
May hawak na baso ng alak.
18:43.2
Nang makita niya kami, sabi niya agad,
18:46.2
Noe, pangalan mo diba?
18:48.2
Anika, tara, inom.
18:52.2
Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Noe.
18:56.2
Lalong-lalo na ako.
18:58.2
At kesa naman tanggihan niyang alok ni papa,
19:01.2
eh pumayag siyang makipag-inuman na rin sa papa ko.
19:05.2
Lumapit na rin siya kay papa doon sa kusina.
19:13.2
Kunwari, may ginagawa.
19:15.2
Walis dito, walis doon, ligpit dito, ligpit doon.
19:19.2
Kunwari, busy ako. Pero ang totoo,
19:22.2
pinagmamasdan at inoobserbahan ko ang papa ko at si Noe.
19:28.2
Kwentuhan lang sila habang umiinom.
19:31.2
Nag-jamming pa nga eh.
19:33.2
Nag-gitara pa si papa at nagkantahan pa sila.
19:36.2
At doon ako mas lalong nagulat.
19:39.2
Hindi ko talaga inakala na ang papa ko,
19:42.2
eh makikipag-bonding sa kaibigan ko.
19:45.2
Na bago lang niyang nakilala.
19:48.2
Naisip ko parang,
19:51.2
napaamo nitong si Noe ang papa ko ah.
19:54.2
Sana naman hindi magbago ang pagtingin ni papa kay Noe.
20:00.2
mapabilib naman ni Noe si papa.
20:03.2
Ano man ang patunguhan ng pagkakaibigan namin.
20:11.2
nagpaalam si Noe kay papa at kay mama.
20:15.2
Bandang alasais ng gabi.
20:17.2
At dahil gagabihin kami,
20:19.2
nagpasama na lang ako sa pinsan kong si Crystal.
20:23.2
Kasama naman ni Noe ang kaibigan niyang si Ryan.
20:30.2
medyo nakaramdam pa rin ako ng takot.
20:33.2
Kasi unang beses naming lalabas,
20:36.2
na gabing-gabi na.
20:40.2
takot din akong makipag-holding hands kay Noe.
20:42.2
Kasi akala ko talaga kapag nakipag-holding hands ang isang babae sa isang lalaki,
20:49.2
e mabubuntis na agad.
20:53.2
Yun talaga ang inakala ko.
20:55.2
Sobrang inosente ko, DJ Rocky.
20:58.2
Ignorante na rin.
21:00.2
Kung yun man ang tamang salita.
21:02.2
Inosente at ignorante.
21:07.2
Natutokso pa nga kaming dalawa nitong sina Crystal at Ryan eh.
21:10.2
Naitodo na lang daw namin,
21:13.2
para may mangyari sa amin ni Noe.
21:18.2
wala, walang ganun na.
21:20.2
Tara na nga, punta na lang tayo sa plaza.
21:23.2
Pumunta kami doon sa plaza.
21:28.2
May nakita kaming convenience store,
21:30.2
na 24-7 namang bukas.
21:32.2
Niyaya ko silang mag-inom.
21:34.2
Nag-ambagan kami ng pambili ng wine.
21:37.2
Bumili na rin kami ng beer.
21:38.2
Pagkatapos ay pumuesto kami sa isang tambayan,
21:42.2
malapit sa isang ilog,
21:44.2
dito sa lugar namin.
21:46.2
Doon na kami nag-inuman.
21:48.2
Beer ang ininom ni na Noe at Ryan.
21:52.2
Wine naman ang ininom namin ni Crystal.
21:55.2
Kaso, hindi ko naubos yung sakin.
22:01.2
ikaw na lang ang umubos nitong wine, ha?
22:04.2
Baka pag-uwi ko, pagalitan ako nila mama at papa.
22:09.2
Pumayag naman siya.
22:12.2
Pagkatapos ay nagpasya na kaming umuwi.
22:15.2
Pero bago kami makauwi ng bahay,
22:18.2
ipinagbili ako ni Noe ng mga grocery doon sa convenience store.
22:24.2
Sabi niya, para raw sa amin yun, magkakapatid.
22:28.2
Nagpasalamat naman ako sa kanya,
22:31.2
kahit medyo nahihilo na ako sa tama ng wine sakin.
22:34.2
Bandang alas 11 ng gabi,
22:37.2
nakauwi ako sa bahay.
22:39.2
Inihatid ako ni Noe.
22:41.2
At doon, nag-aantay na si na mama at papa.
22:46.2
Hindi pa rin ako iniwan ni Noe.
22:49.2
Humarap siya sa kanila at nakipag-usap.
22:52.2
Sabi sa kanya ni papa,
22:54.2
Noe, kung gusto mo nga talaga ang anak namin,
22:58.2
antayin niyong nasa tamang edad na kayo.
23:03.2
hindi naman po ako nagmamadali,
23:04.2
pero ire-respeto ko po ang gusto niyo para kay Emily.
23:09.2
Pagkatapos ng gabing yun,
23:11.2
eh hindi naman agad sumuko si Noe.
23:14.2
Madalas pa rin naman siyang bumibisita sa bahay namin.
23:18.2
Nagdadala ng pasalubong.
23:20.2
Nakakausap pa rin naman kami noon.
23:23.2
Pero napansin ko,
23:26.2
na sa paglipas ng mga araw,
23:30.2
ay unti-unti na lang naging madalang
23:32.2
ang pagdalaw niya sa bahay namin.
23:36.2
Hanggang sa biglang,
23:43.2
Hindi na siya bumalik.
23:46.2
Bigla na lang naputol ang communication naming dalawa ni Noe.
23:54.2
Baka naisip niya,
23:56.2
na walang patutunguhan ang pagkakaibigan namin.
23:59.2
O hindi kaya, baka,
24:02.2
pinagbantaan kaya siya ni Papa na lubayan na lang ako?
24:06.2
Hanggang suspet siya na lang ang siguro ako, DJ Rocky.
24:11.2
Dumating na rin kasi sa punto na,
24:16.2
Wala na kaming kontak ni Noe.
24:18.2
Hindi ko na tuloy malaman mula sa kanya,
24:21.2
kung ano ang totoo.
24:23.2
Kung ano ang nangyari.
24:25.2
At bigla na lang natuldo ka ng pagkakaibigan namin.
24:27.2
Ang mas ikinatatakot ko,
24:30.2
ay baka nalaman nga ni Noe ang tungkol sa mga ginawa sakin ni Papa.
24:37.2
pinagbantaan siya ni Papa ng masama,
24:40.2
para hindi na siya uli magparamdam.
24:44.2
Ang buong akala ko,
24:47.2
si Noe na ang sasalba sakin,
24:50.2
mula sa pang-aabuso ng Papa ko.
24:53.2
Pero, pero, wala rin siyang nagawa sa bandang huli.
25:02.2
Ang labo ng dahilang tumatakbo sa isip ko.
25:06.2
Mga dahilang hinuulaan ko na lang,
25:09.2
kung yun nga ba ang totoo.
25:13.2
Kaya iniwan ako ni Noe ng tuluyan.
25:17.2
Pero kahit hindi ko alam ang totoo,
25:21.2
hindi nabura sa isip ko,
25:24.2
ang isang malaking posibleng dahilan,
25:27.2
kung bakit bigla akong iniwan ni Noe.
25:32.2
Lahat ng spekulasyon ko,
25:34.2
nabigyan ang posibleng sagot,
25:37.2
sa paraang hindi ko inakala.
25:54.2
ginagalaw na ulit ako ni Papa.
26:02.2
At gustong gusto pa rin pala niya akong galawin.
26:08.2
Akala ko, hindi na mangyayari ang nangyari noon.
26:13.2
Pero naulit pa rin ng naulit ng patago.
26:18.2
At ang pinakamasakit,
26:20.2
hindi pa rin ako makatanggi dahil sa takot.
26:24.2
Hindi ko alam kung alam na ba ito ni Mama.
26:28.2
Aaminin kong natatakot pa rin ako magsalita at lumaban.
26:33.2
Hanggang sa sumapit ang birthday ko,
26:36.2
hindi pinalampas ni Papa ang araw na iyon.
26:40.2
Ginalaw niya ako noon.
26:43.2
At doon mismo DJ Rocky,
26:46.2
doon ko naranasan ng sukdulan ang magkahalong takot, galit at sakit
26:52.2
sa paulit-ulit na pang-aabuso sa akin ni Papa.
26:55.2
Tsaka ako nagdesisyong lumayas na sa amin.
26:59.2
Naganap ako ng trabaho bilang isang ekstrang security guard sa may plaza.
27:05.2
Saktong pinayagan ako ng amo ko na mag-i-stay-in sa guardhouse nila.
27:11.2
Tapos yung kinikita ko, pinambibili ko na lang ng street food.
27:15.2
Yun na lang yung kaya ng bulsa ko eh.
27:17.2
Kapos nakapos ako DJ Rocky.
27:20.2
Kesa naman bumalik pa ako sa pamilya ko.
27:22.2
Eh baka patayin na ako ng Papa ko sakaling umuwi pa ako sa amin.
27:27.2
Kaya eto, tinitiis ko na lang na mahirap ang mag-isa.
27:31.2
Noong lumayas ako sa amin, nalaman ko na minomolestan,
27:36.2
minomolestan na rin ang Papa ko yung iba kong mga kapatid.
27:42.2
kundi pati na ang kapatid kong babae,
27:46.2
na 13 anos pa lang.
27:48.2
At ang pinakamatindi,
27:51.2
pati pala yung nakababata akong kapatid na lalaki,
27:57.2
Nadamay na rin sa mga karumal-dumal na gawain ni Papa.
28:01.2
Naalaman ko yun kasi pinuntahan ako sa pinagtatrabahuhan ko ng uncle ko.
28:09.2
Ipinaalam niya sa akin lahat.
28:12.2
Ipinaalam niya sa akin lahat.
28:15.2
Ipinaalam niya sa akin lahat.
28:20.2
para tanungin na rin ako
28:23.2
kung ginalaw din ako ni Papa.
28:27.2
Hindi na ako nakaimig sa lahat ng mga revelasyon niya, DJ Rocky.
28:32.2
At sa sobrang pagkabigla, hindi na ako nakapagsalita.
28:36.2
Nakaramdam ako ng guilt, ng pagsisisi.
28:40.2
Kasi yung mga kapatid ko ang sumalo
28:43.2
ng dagok na iniwan ko sa bahay nung nilayasan ko sila.
28:46.2
Napahagulgol na lang ako ng malakas sa sobrang bigat ng mga nangyari sa akin ng nakaraan.
28:53.2
At maging sa nangyayari ngayon sa mga kapatid ko, hindi ko man derechahang inamin.
29:00.2
Alam kong alam ng uncle ko ang totoong nangyari sa akin.
29:04.2
Sa puntong ito, malakas ang kotob kong nalaman na rin sa wakas ni Mama ang kababuyan ni Papa.
29:12.2
At dahil lumabas na ang katotohanan,
29:14.2
dinala kami magkakapatid sa DSWD para doon pansamantalang manuluyan.
29:21.2
Habang sinampahan naman ang kaso si Papa at dinidinig ang kaso.
29:26.2
All along, naiwan sa bahay namin ang panganay na kapatid kong lalaki.
29:32.2
Sa kanya ko nalaman na paminsan-minsan ay dumadalaw na rin pala nun si Noe.
29:39.2
Hindi nga lang siya sa akin nagkocommunicate.
29:41.2
Pero may mga panahong andun siya't bumibisita para sana makumusta ako.
29:47.2
Hinahanap din daw pala ako.
29:50.2
Pero sa isip ko, mabuti na sigurong hindi niya ako nakikita na nasa ganung estado.
29:56.2
Ayokong makita niya akong sabog ang pagkatao dahil binaboy ng sariling tatay.
30:03.2
Baka kamuwihan niya lang ako dahil sa mga nalaman niya.
30:08.2
But deep down, DJ Rocky,
30:11.2
gusto ko rin siyang tanungin kung bakit bigla na lang siyang nawala.
30:15.2
Kung bakit hindi na lang siya biglang nagparamdam sa akin.
30:20.2
Sa kabila ng lahat ng mga taon na nagdaan,
30:23.2
bakit nga ba hindi na kami uli naging magkaibigan?
30:27.2
Sumapit ang 18th birthday ko.
30:30.2
Tsaka lang kami nakalabas sa mga kapatid ko sa kustudiya ng DSWD.
30:36.2
Naipanalo namin ang kaso laban kay Papa.
30:38.2
At hindi na rin kami bumalik sa bahay na dati naming tinitirhan.
30:43.2
Dito na kami sa puder ng mama ko nakatira.
30:46.2
Gusto ko pa sanang ikwento ang tungkol sa isang taong nakilala ko habang nasa DSWD ako.
30:54.2
Yung lalaking pinagkatiwalaan at minahal ko ng tapat at totoo.
30:58.2
Pero siguro next time na lang.
31:00.2
Susulat na lang ako uli, DJ Rocky.
31:04.2
Sa ngayon, hanggang dito na lang muna.
31:06.2
Maraming salamat sa pagbabasa.
31:13.2
At ito ang aking secret file.