Mahigit 700 na paaralan, sinuspinde ang pagbubukas ng klase sa Lunes | Frontline Pilipinas
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.2
Ipinagpaliban ang balik-eskwela sa lunes sa mahigit pitong daang eskwelahan sa bansa.
00:05.6
Hindi pa kasi handa ang mga paaralan dahil sa pinsalang iniwan ng Super Bagyong Karina at Habagat.
00:12.2
Nasa front line ang balitan niya, si JC Cosico.
00:21.5
Pinapala at sinasako ang makapal na putik sa Masambong High School sa Quezon City.
00:26.5
Mula sa mga bintana ng classroom hanggang bakod, sandamakmak ang basura.
00:36.6
Meron pang sumabit na lamesa.
00:39.7
Pinasok ng baha ang mga eskwelahan sa kasagsagan ng ulang dala ng Habagat at Super Bagyong Karina.
00:48.4
Nagkasira-sira at nabalot ng putik ang mga upuan, TV at electric fans sa mga classroom.
00:53.9
Umabot nga sa bahaging ito ng classroom,
00:56.0
yung tubig baha noong Miraculous.
00:57.9
Kaya itong room na puno nga ng mga learning materials mula sa QCLGU ay nalubog din sa baha.
01:04.2
Itong mga bag, nalagay ng putik at karamihan, di na raw pwedeng pakinabangan.
01:11.5
Damay din ang mga test paper, libro at module na gagamitin sana sa pasukan sa lunes.
01:21.2
Ang gamit na bindili ng personal ni Teacher Mansueta, nasira din.
01:26.0
Katulad po nung aking personal na gamit na projector,
01:30.5
na nandyan lang siya sa drawer at hindi ko na iuwi.
01:34.8
Hindi naman po inaasahan na darating po ulit itong ganitong panahon.
01:39.5
Problemado rin ang registrar dahil binaha ang school records ng mga estudyante.
01:44.5
Nagdikit-dikit po yung mga papel.
01:46.4
So yun po, antayin po namin siyang matuyo and isasalba po yung lahat na pwedeng masalba.
01:56.0
Itong bagyong karina, ito yung pinakamatinde.
02:00.9
Dahil yung current ng tubig ay tuloy-tuloy at umabot talaga hanggang sa kalahati ng second floor.
02:11.3
Yung total devastation talaga ng mga ilang facilities.
02:17.9
Kahapon, bumisita sa eskwelahan si Dep. Sekretary Sonny Angara.
02:22.3
Sa Quezon City pa rin, ibinilad muna ang mga nabasang learning kit.
02:31.1
Dahil sa epekto sa dalawang eskwelahan, inurong sa August 5 ang pasok ng mga estudyante sa halip na sa lunes.
02:38.5
We want to make sure na pagbalik ng mga bata, they are welcome and they are safe when they go to school.
02:47.8
Puno rin ng putik ang mga classrooms sa Nangka High School sa Marikina.
02:52.3
Sa Maykawayan, Bulacan, mga nakatumba pa ang mga opuan sa Saloysoy Integrated School.
03:00.6
Inilipat sa stage ang mga libro pero inabot din ng tubig.
03:04.5
Apektado rin pati ang ilang pribadong eskwelahan sa Maykawayan.
03:08.5
Sa San Nicolas Elementary School sa Masantol, Pampanga, abot tuhod pa ang baha.
03:13.1
Naangamba silang hindi matapos sa paglilinis bago ang pasokan sa lunes.
03:17.1
Sa buong bansa, mahigit pitong daang eskwelahan ang ipinagpaliban ang pasokan.
03:21.9
Ayon sa Department of Education.
03:24.2
Sa Malabon, July 31 ang school opening.
03:27.0
August 5 naman sa Marikina at Valenzuela.
03:30.0
Pero ayon kay Dep. S. Sunny Angara, hindi kakayanin ang malawakang postponement ng pasok.
03:36.3
Isa tayo sa pinakamaraming missed school days sa buong mundo.
03:39.7
We cannot do it because alam natin what if next week may tumahaman na namang typhoon, di ba?
03:45.1
So yung may kaya sana pumasok na sila because the learning loss is very real.
03:49.6
Ganyan din ang sinabi ni Pangulong Bongbong.
03:51.9
Angkat mara, if the school buildings are in a condition to take classes, they will do it.
04:02.2
May dalawang bilyong pisong rehabilitation fund ang Dep. Ed. sa mga nasirang eskwelahan.
04:08.6
Nagbabalita mula sa Frontline, JC Cosico News 5.
04:13.3
Mga kapatid Cheryl Cosimpo, huwag maging guling at maging una sa lahat sa balitaan.
04:17.9
Para sa tuloy-tuloy na talakayang sa Frontline, mag-follow.
04:21.9
At mag-subscribe sa social media pages ng News 5.