Labing-apat na barangay sa Valenzuela, lubog pa rin sa baha | Frontline Pilipinas
#FrontlinePilipinas | Higit 15,000 libong residente pa rin ang nananatili sa mga evacuation center sa Valenzuela dahil 14 na barangay pa rin ang lubog sa baha matapos manalasa ang Bagyong #CarinaPH at habagat. #News5 | Ria Fernandez
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌠https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
Run time: 03:07
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Lubog pa rin sa baha ang labing apat na barangay sa Valenzuela.
00:03.6
Hingit labing limang libong residente ang nananatili sa mga evacuation center.
00:08.1
At live mula sa Valenzuela, nasa front line ang balitang yan, si Ria Fernandez, exclusive.
00:14.1
Ria, kamusta na ang sitwasyon dyan?
00:20.9
Julius, kasama ang Valenzuela LGU, nilibot ng aming News 5 team,
00:26.1
ang mga barangay sa lungsod na lubog pa rin sa baha.
00:28.8
Hindi pinalampas ni Mayor Wes Gatchalian ang nagtatapon ng construction materials sa mismong ilog.
00:39.6
Naaktuhan ang grupong ito na nagtatapon ng sirang tiles at pinaglumaang construction materials
00:44.9
sa bahagi ng Polo River sa barangay Palasan sa Valenzuela.
00:49.0
Nasita sila ni Mayor Wes Gatchalian na tiyempong nag-iinspeksyon noon sa mga binahang lugar sa lungsod.
00:54.5
Yan po mga kasama ang sanhi kung bakit tayo nagbabaha.
00:57.5
Ang problema natin sa baha should be a joint effort.
01:01.4
Hindi lang po barangay o hindi lang po city ang may responsibilidad.
01:06.5
Labing apat sa 33 barangay sa Valenzuela, baha pa rin.
01:11.0
Kabilang ang palasan kung saan nakita ang iligal na pagtatapo ng basura.
01:15.5
Dahil sa baha, namamangka ang ilang residente para makarating sa pupuntahan sa halagang 50 hanggang 100 pesos bawat pasahero.
01:23.9
Unti-unti naman nang humuhupa ang baha sa lugar.
01:27.5
Pumagana naman daw kasi ang mga kritikal na pumping stations sa lungsod.
01:31.6
Sa ngayon, nananatili sa 82 evacuation center ang nasa 15,000 residente.
01:38.0
Dahil maraming pampublikong paaralan ang ginagamit bilang evacuation center dito sa Valenzuela City,
01:44.4
nagpa siya si Mayor Wes Gatchalian na iurong ang opening of classes sa lahat ng public elementary at high schools sa lungsod mula July 29 sa August 5.
01:57.5
Sa mga tumutuloy ngayon sa Kuloong Elementary School, si Nanay Edna.
02:01.6
Siya na raw mismo ang kusang lumikas kasama ang dalawang apo noong kasagsagan ng bagyo.
02:06.6
Natatakot to kami kasi malulubog na kami. Sinagsag namin dito sa may singbahan. Malakas ang agos.
02:12.0
Tuloy-tuloy naman ang pamimigay ng ayuda ng lokal na pamahalaan at private organizations gaya ng Meralco sa mga evacuee.
02:24.8
Julius, ongoing ang repatriation.
02:27.5
Aking ng volunteers ng relief packs dito sa alert center ng Valenzuela City.
02:32.7
Bukod sa pagkain, tubig at iba pang essentials, kailangan din ang Valenzuela City Health Office ng isang daang libong peraso na gamot na doxycycline.
02:42.8
Anti-bakterya ito para maiwasan ang leptospirosis ng mga binaha.
02:48.6
Maraming salamat, Ria Fernandez.
02:51.1
Mga kapatid, Julius Babaw po. Iba na ang may alam at may pakialam sa panahon ngayon.
02:56.0
Para sa mga frontline ng mga balita, mag-follow at mag-subscribe sa social media pages ng News 5.
03:16.0
Thank you for watching!