* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.4
Sisimulan na ang siphoning o paghigop ng langis sa engine ng lumubog na MT Terranova sa Limay, Bataan.
00:08.6
Inaagapan pa rin ang banta ng oil spill.
00:12.5
Live mula sa Bataan, nasa frontline ang balitan niyan si Reynel Tawid.
00:16.0
Reynel, kumusta yung mga residente riyan na ang kabuhayan nga ay pangingisda?
00:25.0
Sheryl Doble, pasakit nga yung nararanasan ngayon ng mga mangingisda.
00:28.9
Rito matapos tumuob yung MT Terranova sa karagatan ng Limay, Bataan.
00:34.3
Sinabayan pa yan ng masamang lagay ng panahon.
00:37.5
Halos dalawang araw na kasi silang hindi makapalaot upang bigyang daan naman
00:42.0
yung isinasagawa ngang salvaging operation doon sa tumuob na oil tanker.
00:48.1
Maghapon lang nakatitig sa karagatan si Tatay Guillermo.
00:51.5
Hindi siya makapalaot dahil nagsimula na ang retrieval operation sa oil tanker na MT Terranova.
00:57.0
Lumubog ang barko sa dagat ng Limay.
00:58.9
Sa Bataan kahapon, dahil sa taas ng alon, nadala ng superbagyong karina.
01:12.4
Sabi ng lokal na pamahalaan, nagdeklara sila ng fishing ban sa Barangay Lamaw at Barangay Alangan.
01:17.8
Higit tatlong libong residente pa naman ang umaasa sa pangingisda.
01:21.3
Especially po doon sa area, since naman po masama ang weather, talaga naman po pinagbabawal naman muna pong lumaot.
01:28.9
Mag-fish po, but kahapon po, particularly po doon sa area, doon sa barangay po na yun, talagang pinastop na po namin.
01:36.8
Inihahanda naman na ang tulong para sa mga apektadong mangingisda.
01:40.5
Kaninang umaga, tumulak sa lumubog na barko ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard.
01:44.5
Nasa 7 kilometro ang layo nito sa east side ng Limay.
01:48.1
Ito na yung barkong sasakyan ng Philippine Coast Guard team.
01:51.3
Papunta doon sa kinaroroonan o lokasyon ng MT Terranova, yung lumubog na oil tanker kahapon.
01:57.8
Dito na rin isasakay yung mga skimmer na pangkuha doon sa mga tumagas na langis sa dagat.
02:03.6
Sa latest report ng PCG, intact o wala pang oil spill mula sa 1.4 million liters na industrial oil na sakay ng Terranova.
02:10.9
Tanging langis mula sa engine ng barko ang kumakalat sa tubig.
02:14.4
Pinulet ako natin yung mga emulsified oil.
02:20.7
And ang ibig sabihin lang noon, wala pang tumatagas from the tank itself.
02:25.9
So we're tracing against that.
02:27.8
This time, na ma-siphon natin yung langis para ma-avoid natin yung environmental catastrophe.
02:35.2
Sa tansya ng mga eksperto, tatagal ng isang linggo ang siphoning o pagkuhas sa milyong litro ng langis.
02:40.5
So kanina, napag-aralan din namin yung trajectory ng langis kung sakaling ito'y tatagas.
02:45.8
So nag-mobilize tayo, may tatlong barko na doon sa area.
02:49.4
May mga dalas silang mga tauhan plus mga oil spill boom.
02:52.9
Pagtitiyak ng Coast Guard, nakauwi na sa kanika nilang pamilya ang labing-anim na tripulanteng nasagip.
02:57.8
Sa Terra Nova, inaasikaso na rin sa punerarya sa Maynila, ang labi ng nasawing second-class officer ng barko.
03:04.4
Ang shipping line na may-ari naman ng barko, nakikipag-ugnayan na sa kaanak ng mga tripulante at maging sa lokal na pamahalaan.
03:16.0
Sheryl, sa huling impormasyon nga na nakuha natin sa PCG,
03:19.8
ay sinabi nila na kung magkaroon man ng oil spill, ay posibleng kumalat nga ito hanggang sa mga lalawigan ng Pampanga, Bulacan,
03:27.4
at Metro Manila. Pero ayon sa mga eksperto, maaari pang mag-iba yan, depende sa direksyon ng hangin.
03:35.2
Maraming salamat, Reniel Pauid.
03:37.6
Mga kapatid Sheryl Cosimpo, huwag maging huling at maging una sa lahat sa balitaan.
03:43.2
Para sa tuloy-tuloy na talakayang sa frontline, mag-follow at mag-subscribe sa social media pages ng News 5.